Kabanata 14
#JustThisOnce
Kabanata 14
I was torn. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. And as I stared at Maven's bloody form, mas lalo lang akong naguluhan. He's the grandchild of the president, for heaven's sake! Paano kung makulong ako kapag namatay 'to sa kamay ko?! Pero kung hindi ko rin naman siya tutulungan, malaki rin ang chance na mamatay siya sa pagkaubos ng dugo.
Naputol iyong pag-iisip ko nang biglang mapasigaw na naman siya sa sakit. Biglang nataranta na naman ako. God, bahala na! May public attorney naman ako na makukuha kung anuman ang mangyari sa akin.
Huminga ako nang malalim. "Wala akong background sa medicine." Aside sa ex-fiancé ko na niloko ako.
"Obviously," he groaned. Pilit niyang binukas ang mata niya at tinignan ako. "Stitch me up."
"Wala rin tayong anestisya. Walang—"
"If I'm worried about those things, I wouldn't be forcing you to fix my shoulder," sabi niya habang nakapikit. "And seriously? Youtube?"
I glared at him. "Ano gusto mo? Maghanap pa ako ng episode ng Grey's Anatomy na tungkol sa gunshot wound?!" Huminga ako nang malalim. I clasped my hands together and mumbled, "Lord, kayo na po ang bahala."
Pinatong ko sa may dashboard iyong cellphone niya at saka pinanood iyong video habang nilalagyan ko ng alcohol iyong gagamitin ko. Nanginginig hindi lang ang kamay ko kung hindi ang buong pagkatao ko habang hawak ko iyong suture na gagamitin ko.
"Tatahiin ko lang 'to. Hindi ko papakielaman 'yang balikat mo," I told him as I did the first stitch. I pursed my lips tightly to stop myself from vomiting. God, kapag sa Grey's Anatomy ay parang wala lang. Iba pala talaga kapag live action na ang nagaganap!
Tinuloy ko ang pagtahi habang iniimagine ko na palaka si Maven. This was the only way na matatapos ako sa ginagawa ko. Habang nagtatahi ako, nagpapasalamat ako sa Biology teacher ko pati na sa TLE teacher ko dahil sa running stitch na ginawa ko kay Maven. In fairness, malinis iyong pagkakatahi ko.
"Done," I said when I finished. He was still biting on the clothe I gave him para hindi siya masyadong mapasigaw sa sakit.
He moved his head para tignan iyong ginawa ko. "Five stitches would've sufficed."
"Nagrunning stitch na ako para sure na hindi bubukas. Pasalamat ka nga 'di ako nagbackstitch," I replied. Ngayon ko lang naramdaman na pawis na pawis na pala ako dahil sa mga naganap. Tinignan ko si Maven at mas maayos na iyong itsura niya kaysa kanina pero alam ko na dapat na talaga siyang magpatingin sa totoong doctor, hindi sa doctor quack quack na kagaya ko. Nasara ko lang iyong sugat pero hindi pa niya alam kung may damage ba sa loob. I knew it's complicated since isang beses ay nabanggit sa akin ni Tristan ang tungkol sa ganito.
When I was done, hindi ko na alam. Should I just leave? But I couldn't leave him na ganito ang lagay niya! Baka bukas ay mabalitaan ko na lang na may bangkay na natagpuan sa SCA parking lot.
"May pwede ba akong tawagan?" I asked him.
"No," he replied. Again. Puro no talaga ang alam niya.
"Dito ka lang buong gabi?" hindi makapaniwala na sabi ko.
"Yeah," he replied. "I'll be fine. Just need time."
Tinignan ko siya. He didn't just need time. He needed blood. And hospital care.
"Go," he said through gritted teeth. He's trying to act strong pero halata naman na nasasaktan na siya. Halata kaya na alagang-alaga. Kung wala lang dugo sa katawan niya, pansin na pansin na ang lambot ng balat nitong si Maven. Kutis baby.
"I can't just leave," I said, sighing. "Hindi ko alam kung bakit bawal na may makakita sa 'yo pero kung nandito ka lang din sa parking lot, sigurado na bukas, makikita ka ng mga tao."
"I'll figure something out," he replied.
"Sana bago ka pa maubusan ng dugo," I sarcastically replied because his stubborness was making my head ache.
"Can you just drive me to my condo?" he asked, his breathing labored.
"Hindi ako marunong magdrive," I said. "Pero—"
"God, please don't suggest Youtube," he breathed.
"What? Automatic naman yata 'yung sasakyan mo. Sabi kahit 15 minutes lang sa Youtube—"
"No," siyempre ang sagot niya. Nung bata siguro 'to, no ang unang syllable na natutunan.
"Ano'ng gusto mo? Itulak ko 'tong sasakyan mo hanggang makarating tayo sa condo mo?"
Instead of answering me, he said, "I have spare clothes in the trunk," he said. Hindi na ako nakipagtalo at kinuha ko na lang iyong damit niya. Syempre hindi ako tumingin habang nagbibihis siya kahit na ilang beses siyang napa-mura sa sakit habang nagbibihis. Siguro mga five minutes siyang nagsusuot ng shirt.
Nang matapos siya sa pagbibihis, dahan-dahan siyang lumabas sa sasakyan.
"Gusto mong ikuha kita ng Uber?" I suggested. Mas safe kasi ang ganoon kaysa sa taxi. Apo pa naman 'to ng presidente. Nagtataka nga ako bakit walang kasama na PSG, e.
"No," he replied, as usual. Iika-ika siya na naglakad habang naka-sunod ako sa kanya. Hawak niya lang iyong cellphone niya. Gusto ko na sanang maglakad sa kabilang panig pero hindi talaga kaya ng konsensya ko na iwanan na lang siya bigla.
"Iiwan na lang 'yung sasakyan mo ng ganoon?" I asked. Puro dugo kasi sa loob. Baka kapag may naka-kita nun e isipin na may murder na naganap. Sobrang daming dugo talaga.
"Yeah," he replied. He was still limping at tahimik ako na naka-sunod sa kanya—well, not exactly tahimik. I asked him questions. Dapat alam ko para kung sakali na magkaproblema, alam ko ang isasagot ko sa mga pulis.
"Wala ka bang security detail?" I asked.
"Obviously," he replied.
"Hindi ka ba hinahanap sa Malacañang?"
Napa-hinto siya. Hinarap niya ako. "Breathe a word about what happened tonight, we'd both get into a lot of trouble."
Nanlaki ang mga mata ko. "Ano'ng we? Walang we!" Walangya na 'to! Tinulungan ko na at lahat, ipapahamak pa ako sa lolo niya!
He arched his brow. "Well, now, there's a we," he replied and then looked at me. "Name?" sabi niya.
I shook my head. "No," sagot ko bilang ganti sa lahat ng no na natanggap ko sa kanya.
"No name? Fine. I'll call you Abby, then," sabi niya. He took a step closer. Nahigit ko ang hininga ko. Napa-tingala ako dahil mas matangkad siya ng 'di hamak sa akin. What's with all these giants around me?!
"If anyone learns about what happened tonight, I'd hold you accountable, Abby."
"Hindi nga Abby ang pangalan ko!" sabi ko. "At hindi naman kita bina—"
Bago ko pa man matapos ang sasabihin ko, he put his index finger on top of my lips. "Not a word, Abby." God! Hindi nga ako si Abby!
I gritted my teeth. "Fine." Bumuka sana 'yang tahi.
"I know you're a freshman here in SCA. I'll find you," he threatened.
Instead of answering, tinalikuran ko siya. Walang kwenta. Ni wala man lang akong natanggap na thank you pagkatapos ng lahat ng ginawa ko.
* * *
I was pissed. I was fucking pissed.
"Miss, kung hindi ka makikipagcooperate, hindi ka makakaalis sa presinto ngayong gabi," sabi nung pulis habang kausap ako. "Kaninong dugo ang nasa damit mo?"
I gritted my teeth in frustration. "Hindi ko nga po pwedeng sabihin."
Dalawang oras ko ng kausap iyong pulis. I knew this looked so wrong! Naglalakad ako sa University Avenue habang puno ng dugo ako. Ni hindi ko man lang kasi na-realize na puno pala ako ng dugo. Iyong walangyang Maven na 'yun ay 'di man lang sinabi sa akin na naliligo pala ako ng dugo niya!
Muntik na akong makasuhan ng first degree murder! Muntik na akong maging prime suspect doon sa saksakan sa kabilang kanto! Gosh! Mababaliw na ako sa gabing 'to!
"Kung hindi ka sasagot, wala kaming choice kung hindi i-detain ka," sabi nung pulis. And I shut up. I was fucking covered in blood—of course they'd suspect me. Tapos ni hindi ko man lang masabi ang nangyari dahil binalaan ako ni Maven na hindi pwedeng malaman. And he's the grandson of the president. Malay ko ba kung national secret pala iyong nangyari sa kanya?
I was at a freaking impasse again.
* * *
The morning after, I was released dahil nahuli na iyong suspect sa sasakan na naganap kagabi. Good thing that one of the policemen lent me a clean shirt. Baka madampot na naman ako kapag naglakad ako ng duguan.
Ni hindi na ako nakapunta sa apartment dahil may quiz kami ngayong araw. God, I hated this week!
Pagdating ko sa school, agad akong tumakbo papunta sa classroom. Nakita ko si Parker na naka-tingin sa akin pero hindi ko na siya pinagtuunan ng pansin. I was in no mood to entertain any more negativity today. Sagad na sagad na ako.
Nang matapos ang quiz, mas lalo akong nabadtrip dahil bumagsak ako. Hindi ko kasi nabasa iyong required reading dahil ayaw ibigay iyong gamit ko nung pulis kahapon.
Pagkalabas ko, nagulat ako dahil nandoon si Parker.
"Genesis," sabi niya.
"What?" walang gana na sabi ko. I was tired. And pissed. And fucking murderous.
"Yesterday..." he trailed off na parang hindi siya sigurado sa sasabihin niya. "Where were you?"
I sighed. "Bahay," I lied. I couldn't tell anyone about anything. It was maddening!
Tinignan niya ako na parang alam niya na hindi totoo ang sinabi ko. But I really couldn't deal with any of this right now.
"Gen—"
Ni hindi ko na natapos pakinggan ang susunod na sasabihin niya nung makita ko si Maven na kakalabas lang ng isang classroom. He looked fine—ni hindi halata na duguan siya kagabi. Hindi kagaya ko na nagpalipas ng gabi sa presinto!
I marched towards him, my nose flaring with all the pent up anger from my brief stay in the prison.
"You only told me to shut up, you didn't tell me I can't punch you," sabi ko bago ko siya sinuntok sa mukha—leaving everyone dumbfounded because yes, I just fucking punched the president's grandson.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com