Teaser
Note: This story will be based on Kaye's POV but the teaser will be Kei's.
Teaser
First year ako sa isang science high school noon. Kasama ko ang mga katropa ko na nakatambay sa plant box dahil wala kaming subject teacher. Siguradong galit na galit na naman ang presidente namin dahil sa totoo lang, bawal tumambay sa labas during class hours. Considered as cutting classes kasi. Wala naman akong pakielam kung mapagalitan ang presidente namin. Siguradong sanay na 'yon sa isang quarter na nagpasaway kami.
Nagkukwentuhan lang ang mga kaibigan ko sa kung paano sila nanalo sa DOTA kahapon. Abut-abot na pang-iinggit ang binungad nila sa akin kaninang umaga dahil sa hindi ko pagsama sa kanila. Nainis nga ako e. Gusto ko silang kutusan isa-isa dahil effective ang pang-iinggit na ginagawa nila. Birthday kasi ng ate ko kahapon kaya hindi ako nakasama.
Nang magbell ay natuon ang atensyon nila sa mga babaeng freshmen na naglalabasan sa kani-kanilang classroom. Panay ang turo ni Kirk sa muse ng Virgo at paulit ulit na sinasabing crush niya iyon. Si Josh naman ay panay ang sunod ng tingin kay Chanel ng Aquarius pero nang dumaan si Blair ng Pisces ay nawala na ang atensyon niya kay Chanel. Si Aspen at Colton naman ay sabay na kumaway sa magkaibigang Germaine at Annalise ng Scorpio.
"Nalaglag 'yong puso ko, Kei. Pakipulot naman please." Umakbay sa akin si Kirk at ipinatong ang ulo niya sa balikat ko habang nakahawak ang kanang kamay niya sa kaliwang dibdib.
Itinaas-baba ko ang balikat ko para maialis ang ulo niya roon. "Kabaklaan mo pwede ba."
"Hoy Kei. Sinong crush mo?" tanong ni Josh. Ngumiwi naman ako. "Tangina. Ang ibig kong sabihin sinong natitipuhan mo sa batch natin? Gago ka ha. Iniisip mong bakla ako? Bangasan kita eh." Tumawa siya.
I shrugged.
"Huwag mo sabihing wala?" Tumawa si Colton. Tinignan ko lang siya. Tumahimik siya nang ilang segundo at sinabing, "No way."
"Anong wala? Lahat ng maganda crush niyan. Akala niyo anghel 'yang si Kei? Sa rami ng nagkakagusto diyan, imposibleng walang crush 'yan," sabi ni Kirk. Umiling nalang ako.
"Uy, Ate!" tawag ni Aspen sa isang kabatch namin na hindi ko kilala. "Hi raw sabi ni Kei." Humalakhak si Aspen. "Pogi ba si Kei, Ate?"
Humagikhik ang babae bago tumango. Nag-hi ito sa akin bago umalis. Binatukan ko si Aspen.
"Anong trip 'yon? Mukha kayong ewan. Tara kain," pag-aaya ko dahil gutom na ako at kulang ang 20 minutes para kumain.
Pero hindi nila ako pinansin.
"Blair!" tawag ni Colton kay Blair na pabalik na galing canteen. May kasama siya ngayong isang maliit na babaeng pang-Grade 4 ang height. Kaklase niya yata.
Lumapit si Blair sa amin at tinignan ko lang siya. Nakakatakot ang sobrang pagkaputi niya. Hindi normal eh. Itim ang mahaba niyang buhok at sobrang pula naman ng mga labi niya. Para siyang bampira. Di ko alam kung bakit trip ni Josh 'to.
"Bakit?" tanong niya. Mahinhin ang kanyang boses.
"Pogi ba si Kei?" I mouthed 'Gago.' Tumawa naman si Aspen. "Pogi diba?"
Ngumiti si Blair at tumango. "Crush ko 'yan nung first quarter." Mahinhin siyang tumawa.
Umiling ako habang tinitignan si Colton na umaaktong binabaril si Josh. Nagkunwari namang tinamaan sa puso si Josh at saka sila tumawa. Mga baliw.
Hinihigit na nung mukhang Grade 4 si Blair kaya naman nagpaalam na sila dahil maghahapit pa raw sila ng requirements para sa Basic Algebra class.
"Vivienne!" tawag ni Josh sa magandang si Chanel. Chanel Vivienne kasi yata ang pangalan niya.
Lumapit sa amin si Chanel nang nakangiti at sumimangot nang bumaling kay Josh. "Sinong nagsabing pwede mo akong pansinin sa school?" May pagbabanta sa kanyang boses.
"Ah, ano... Kasi..." Lumunok si Josh. "Pogi ba si Kei?"
Bumalik sa pagiging soft ang ekspresyon ng kanyang mukha. "Ha?" Tumingin siya sa akin. She's pretty. "Hmm..." Dahan-dahan siyang tumango. "Oo." Ngumiti siya.
"Nice one!" sigaw ni Colton.
Nagpaalam din si Chanel pero bago iyon ay nagbanta siya kay Josh na sasapakin niya ito kapag muli siyang pinansin sa school.
"Bakit wala nang dumadaan?" tanong ni Kirk.
"Malapit na kasi mag-time. Hindi ba sumasakit ang puwet niyo? Mahigit isang oras na tayong nakaupo dito, mga ugok," sabi ni Josh.
"Sabi ko naman kasi sa inyo kumain na tay—" Naputol ang sasabihin ko nang sabay-sabay na naman silang nagsalita.
"Pre, ayun oh!"
Tumawa ng pagkalakas-lakas si Kirk. Sinundan naman iyon ng malakas ding tawa nina Aspen, Josh at Colton. May kasama pang palakpak.
"Psst!" sigaw ni Aspen. "Ano nga uling pangalan nun?" bulong niya sa amin.
"Ginger ata, pare," sagot ni Colton.
"Tanga. Gigi 'yon," natatawang sinabi ni Josh.
"Psst! Gigi!" sigaw ni Aspen sa isang babae.
Kumikislap ang mga matang lumingon sa amin iyong babae at napangiwi ako. Ano kasi e. Ano... Basta. Hindi siya ganun kaganda?
"Halika dito!" tawag ni Aspen.
Lumapit naman 'yong Gigi sa amin. Sana hindi nalang siya lumapit. Hindi na nga siya layogenic tapos lumapit pa siya... Okay, titigil na ako.
"Hi raw sabi ni Kei," dugtong ni Aspen.
Puta.
"Omaygahd. Hi rin. OMG. Kilala mo ako? OMG. Hi po koya." Kumaway sa akin. Nakangiwi parin ako. "OMG. Alis na po ako. Parating na teacher namin eh." Energetic siyang kumaway ulit. "Pogi mo kuya!"
Tumakbo siya paalis pero narinig ko ang tili niya nang may nakasalubong na kaklase na halata namang walang pakielam sa kanya. "Nag-hi sa akin si Kei Ferrer ng Sagittarius!"
"Tangina niyo! Kapag iyon naniwala!" Sinapak ko sa braso si Aspen. Tawa parin sila ng tawa.
Bwisit.
"Bahala kayo." Umayos ako ng upo at binuklat iyong librong binabasa ko kanina. Tungkol iyon sa isang demigod na anak ni Poseidon.
"Kaye!" sigaw ni Kirk. "Uy, Kaye!"
"Ano?" mahinahon kong tanong nang di nakatingin sa kanila dahil busy ako sa pagbabasa.
"Kaye! Huwag mo akong isnob-in!" sigaw ni Kirk. "HOY KAYE!"
"Punyeta, ano 'yon?!" Bumaling na ako kay Kirk. Sumulyap lang siya saglit sa akin at bumalik ang tingin sa grounds.
"Shit. Ito na ang magpapatunay na pogi nga si Kei. Last na 'to, pramis," sabi ni Colton.
Lumingon ako at nakita ko ang isang babae na lumapit sa amin habang nakakunot ang noo.
"Ano ba 'yon?!" sigaw nito pabalik kay Kirk. Hindi man lang niya kami sinulyapan. Halos magsalubong na ang kilay niya.
Brown ang kanyang buhok at sa tingin ko ay natural iyon dahil walang bahid ng pagka-dry ang buhok niya. Sa totoo lang ay sobrang kintab at mukha itong malambot. Maputi din siya. Malaki ang mga mata pero singkit ang dulo ng mga ito. Hindi ganun katangos ang ilong pero maganda parin tignan. Mapula rin ang labi niya.
Oh Kei, bakit todo describe ka naman?
"May itatanong lang ako." Ngumisi si Kirk, sumulyap sa akin at mas lumapad ang pagngisi. Bwisit. Di parin sila tumitigil.
"Pwedeng pakibilisan? May klase pa kasi ako diba?" She rolled her eyes. Wala 'to. Ang taray.
"Pogi ba si Kei?" tanong ni Kirk.
Tumahimik nang ilang segundo iyong babae. "Gago ka ba? Ako si Kaye."
Napabuntong hininga si Kirk. "Si Kei. Hindi ikaw."
"Sinong Kei?! Pinagtitripan mo ba ko? Hahambalusin kita mamaya kita mo!"
Siga rin.
"Siya kasi!" turo ni Kirk sa akin.
Lumingon naman sa akin ang babae at narealize yatang may ibang tao pa rito. Tumahimik siya ng ilang segundo.
"Ah." Umirap siya at naglakad palayo.
Nalaglag ang panga ko.
"Woah!" sigaw nila.
"Di ka pala pogi, pare!" kantsaw ni Aspen sa akin habang tinutulak tulak pa ko.
Kumunot ang noo ko.
"Sino 'yon?" naiirita kong tanong sa kanila.
"Si Kaye," sagot ni Colton.
Nagsalubong lalo ang mga kilay ko. "SINO?"
"K-A-Y-E. Kaye. Kaye dela Rosa ng Aquarius."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com