Chào các bạn! Truyen4U chính thức đã quay trở lại rồi đây!^^. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền Truyen4U.Com này nhé! Mãi yêu... ♥

27 - 7 days

AND I OOP-

"babalik ako after one week, leila."

yun na yata ang huli naming pagsasama. isang araw palang, ang dami nang tumatakbo sa isip ko. lalo na ang mga bully ko, baka ilalalo nila. may sumipa ng wheelchair ko, "hoy!"

si mica, "kinakausap kita! ba't di ka sumagot? ah- baka siguro dahil wala yung bestfriend mo, noh?"

hindi ako sumagot dahilan sipain niya muli ang wheelchair ko. si miko nasa likod niya lang, pinapanuod kami. mica pulls my wrist, causing me to get off my chair.

"alam mo," sabi ni mica. umupo siya sa wheelchair ko, "ano kaya pakiramdam ng isang pilay na katulad mo?"

natawa si miko dito. inutusan ni mica si miko na itulak siya at ginawa naman kaagad ni miko. naiwan ako dito sa lapag, sa likod ng building. nakatitig lang sa lapag habang naririnig ang wheelchair ko at ang kanilang tawanan.

-

panibagong araw, hindi nagpakita ang kambal sa'kin. tahimik medyo ang buhay ko mag-isa pero meron parin ang mga nanlalait sa'kin.

break time, kumakain ako sa desk ko nang may nagpakita sa'kin na kaklasi kong bully sa klase. kinuha niya ang pagkain ko, hindi ko siya pinigilan kundi ay baka saktan niya pa
ako. paano nalang kaya kung nakita nila mommy at daddy na may nangyari sa'kin?

umalis ako sa room para tumungo sa rest room, nang papasok ako ay may lumabas sa restroom na panlalaki. nginitian niya ako, "kamusta?"

"huh?"

"ako pala yung tangkang tumulong sa'yo sa labas malapit dito sa paaralan," paalala ng binata sa'kin. nag-imbita siya ng kamay, "vincel."

"le-leila," at kinuha ko ang kamay niya. naramdaman ko kaagad na malamig ang palad ni vincel.

-

pangatlong araw, kasalukuyang nagsusulat ako nang may pumatak sa'king papel. hinawakan ko ang pisngi ko at luha pala yun. bakit kaya ako lumuluha? siguro tuyo yung mata ko? natulog naman ako ng maaga..

buong araw kong hindi nasalubong ang kambal. nandito ako sa rooftop, pinapanuod ang mga kaistudyante sa baba.

"mag-isa ka nanaman," sabi ng pamilyar na boses. tumingin ako sa pinto, hindi ako nagkakamaling si vincel yun. ngumiti siya sa'kin at lumapit, "kamusta?"

"a-ayos lang," ito din ang sagot ko last time na nagkita kami. tumango ang lalaki at nanahimik kaya nagtanong ako, "ba't ka pala naparito?"

"masama ba?" tanong niya pabalik. agad akong umiling, ramdam ang pag-init ng magkabilang pisngi ko. bakit lately lagi kaming nagkikita? is this what they call fate?

-

"we're sorry," sabi ng dalawa sa'kin sa fourth day na wala si kayla. pilit ang ngiti nila, "leila, patawarin mo na kami! hi-hindi na namin gagawin.. diba, miko?"

tumango kaagad si miko at nahihiya siyang sinabi, "sana maging magkaibigan tayo uli."

ngumiti ako dahil mukha silang sincere at dahil sa mabait talaga akong tao, pinatawad ko sila. since then, bumibisita sila sa classroom ko para maghangout at kumain.

-

panglimang araw, nag-aalala na talaga ako kay kayla. gusto ko siyang puntahan dahil parang hindi na siya muli magbabalik ngayon pa'y madami akong ikwekwento. hindi 'man lang siya napapansin ng buong klase, ang titser namin ay nagst-check lang talaga ng attendance.

that day, wala ang kambal at hindi ko nakita si vincel. napakalungkot kong tao nun, para akong depressed. napakatahimik sa palagay ko, hindi ko nalang pinapansin ang pambubully sa'kin dahil busy ako kakaisip kay kayla at sa iba pa.

gabi, pagkatapos kong kumain at gawin ang takdang aralin. humiga na'ko sa kama para matulog, maya-maya ay humihikbi na pala ako. ewan ko ba kung bakit, siguro dahil ngayon ko lang nabuhos ang sakit ng aking kalagayan? 2 days nalang, babalik na si kayla.. paano kaya kung hindi na?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com