LAURA
(A/N: Pictures are credited to Mayumi Konno.)
"Congratulations! Successful ang iyong exhibit." Ani ng kaibigan ko sa negosyo na si Mr. Cruz.
"Thank you Mr. Cruz. Excuse me, may kailangan lang akong gawin. Enjoy your night." Saad ko sa kanya bago ko siya tinalikuran.
Dumeritso ako sa VIP room upang magpahinga.
I always had a hectic day, para maibsan ang lungkot na aking nararamdaman.
I sip my wine saka hinilot ang sentido ko saka bumuntong hininga.
I miss her again.
I really really missed her.
Ilang taon na ba ang lumipas nung huli kong masilayan ang maganda niyang mukha? Lagi nalang akong nagtitiis sa aking mga pinturang ginagawa.
Tandang-tanda ko pa rin ang hugis at detalye ng kanyang maamong mukha...
Maliit ngunit matangos niyang ilong...
Bilugan ngunit mapungay at kulay abo niyang mga mata...
At maputla pero maliit na labi na lagi kong gustong hagkan.

Tandang-tanda ko pa ang nakaraan na parang kahapon lang, lahat ng sakit at pangungulila itinuon ko sa aking pagpinta.

"Magandang umaga! Ano pong maitutulong ko sa inyo?" 'yan ang sabi mo nung pinagbuksan mo ako ng pinto sa Flower Shop niyo.

Napatulala ako sa gandang taglay mo lalong-lalo na sa mata mong kulay abo.

"Ha? Ah-ahm gusto kong bumili ng bulaklak." Utal na sabi ko sayo.
"Pasok po kayo sir, sino po bang pagbibigyan niyo?" tanong mo.
"Yung nililigawan ko." Nahihiyang saad ko sayo.
Habang binabalot mo ang bouquet na inorder ko, 'di ko mapigilang mamangha sa abilidad mo.

Mas lalo kang gumaganda tuwing nakangiti ka habang tinatalian ng laso ang tangkay ng mga rosas.

Simula nung araw na yun lagi na tayong pinagtatagpo ng tadhana, hanggang sa naging malapit tayo sa isa't-isa.
Lagi mo akong tinutulungan tuwing ako ay may problema, higit sa lahat- tinulungan mo rin akong mapasagot ko ang aking nililigawan na iyong matalik na kaibigan.

Pero lingid sa aking kaalaman tuwing akoy maligaya na kasama si Ana, ikaw pala ay nagdurusa.

Hindi ko alam na gusto mo pala ako, hindi lang pala gusto. Mahal mo pala ako.

Naging bulag at bingi ako nung nalaman ko galing mismo sa kaibigan mong kasintahan ko, na gusto mo pala ako. Nagalit ako sayo, dahil nakipaghiwalay sakin si Ana at ipinagpilitang ligawan kita.
Pero nung na-realize kong mahal na rin pala kita. Sinabi mo saking ikakasal ka na.

Labis akong nanghihinayang dahil sinayang kita.
Sinayang ko ang kung anong meron sa'ting dalawa.
Sa araw na ikinasal ka, hindi ako pumunta dahil hindi ko matanggap na sa kanya ka sasama. Pero, ang mas hindi ko natanggap ay ang nabasa ko ang liham mong itakas kita pero wala akong ginawa.

Nung may asawa ka na, akala ko liligaya ka sa piling ng iba, pero hindi pala...
Dahil mas lalo kang nagdurusa nung ikaw ay binaboy niya.

Isang gabi nung pumunta ka sa'min umiiyak at nagmamakaawa.
Hindi ako makapagsalita dahil sa gulat nang makita kong maikli mong buhok, puro dugo at pasa ang iyong mukha.

Sa gabing itatakas na sana kita nahuli niya tayong dalawa, pinaulanan ng bala at pareho tayong isinugod sa ospital na dalawa.
Akala ko sa sandaling iyon makakaligtas ka dahil nakaligtas rin ako. Pero laking gulat ko nung sinabi sakin ng doktor na dinakip na ang iyong asawa at patay ka na.

Ilang beses kong sinisi ang doktor, ilang beses kong sinisi ang sarili ko pero huli na talaga dahil wala ka na, aking Laura.

Bakit nga ba humantong sa ganito?
Dahil sa katangahan ko.
Sinayang ko ang pagkakataong nandito siya sa piling ko, sinayang ko ang pagkakataong maipadama sa kanya ang pag-ibig ko.
Pagkatapos ng exhibit dumeritso agad ako sa kanyang puntod at nag-alay ng kandila't bulaklak.
Alam ko kung gaano niya kagusto ang mga bulaklak, kaya araw-araw- hinding-hindi ako magsasawang dalawin siya.
"Kung nasaan ka man ngayon Laura-sana maging masaya ka na." Saad ko habang nakaluhod sa kanyang puntod at umiiyak, kasabay naman ng aking paghihinagpis ang malakas napagbuhos ng malakas na ulan.
*Wakas*
~Thanks for reading :)
-Ms.Singkit
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com