67th Shade
Judith.
Lumabas na ako sa bahay habang yakap-yakap ang sarili ko. Naiinis talaga ako at nanlalamig ang buong katawan ko habang unti-unting narerealize na... umamin na talaga ako sa kanya. Sa ganoong paraan.
Tahimik kong binuksan ang gate para makalabas ng bahay. At tuluyan ko na siyang nakita na nakasandal sa motor niya.
As usual, nakasuot siya ng jacket. Mas bumagay sa kanya ang buhok niya ngayon pero isa lang talaga ang ayaw ko sa oras na ito. Ang mga nanlalabo kong paningin.
"Hey.." mahinang sambit niya kaso hindi ko na napigilan ang sarili ko at niyakap siya nang napakahigpit. Lahat ng oras na hindi kami nagkasama ay sinusubukan kong bawiin kahit sa isang yakap lang. Kaso nang maramdamang lumalabas na naman ang mga luhang pinipigilan ko, tinago ko ang mukha ko sa dibdib niya.
"Sabi ko na nga ba," bulong niya nang marinig akong humihikbi. Sinumulan niya akong niyakap pabalik at haplusin ang buhok ko.
"Kung may problema ka naman, sabihin mo sa akin 'di ba?"
Mariin akong napapikit. Sasabihin ko naman sa kanya kaso bakit ganito? Bakit kailangan pang humantong sa ganito? Hinahanda ko naman ang sarili ko kaya pinipilit ko ang sarili ko na lumayo sa lahat, lalo na sa kanya. Hindi ko lang kasi matanggap na unti-unti na naman akong nilalamon ng kadiliman.
Kung kailan okay na ako, kung kailan okay na kami ng pamilya ko, kung kailan maayos na ang lahat, saka na naman mawawala ang paningin ko.
"Judith, mabuti na lang na nakapagcheck-up ka agad matapos ang ilang taon. About the medication we had with you, akala namin na pwedeng tumagal iyon nang ilang taon. Pagkatapos sa'yo, I also had a patient similar with your case. I offered her what I offered to you. Pero ilang buwan pa lang ay nagkaroon ng side effects that can harm her brain. So we had to remove her eyes."
The Doctor took my results from the envelop.
"After the tests you took, parehas ang results mula sa nangyaring case. I'm sorry but we need to remove your eyes before the toxic substance will affect your brain and harm your life."
Napailing ako. Ayaw ko talagang maniwala noong una. Kaso matapos ang ilang linggo ay nanlalabo na ang paningin ko. Wala na ring gamit ang magiging salamin ko dahil mas lalong sumasakit ang ulo ko. Kaya kinailangan talagang operahan ako as soon as possible. Hangga't hindi pa tinatamaan ang utak ko.
"Judith," tawag ni Brion habang sinisilip ang mukha ko. Kung malabo na ang paningin ko, mas lalo lang itong lumabo dahil sa mga luha ko.
Kahit madilim na rito, naaninag ko pa rin ang mukha niya sa liwanag ng buwan. Naaninag ko pa rin ang hugis niya pero naglalaho na ang mga kulay. Mukhang naglalaho na rin ata ang buhay ng mga mata ko.
"I like you.." Sinubukan kong lakasan ang boses ko pero mukhang narinig naman niya iyon kahit binulong ko lang.
Naaninag kong umangat ang gilid ng mga labi niya at hinawakan ang magkabilang pisngi ko. Magsasalita sana siya pero umiling ako nang maraming beses. Unti-unti na rin akong napahagulgol kaya sumandal ulit ako sa dibdib niya. Ang bigat na naman ng dibdib ko at muling sinusumpa ang buhay ko.
"I'm sorry.."
"Jude.. bakit? Anong nangyayari?" naguguluhan niyang tanong dahil iyak lang ako nang iyak sa dibdib niya. Mukhang nagpapanic na rin siya dahil hindi niya alam ang gagawin niya kundi yakapin ako.
"I'm sorry. Totoong iniiwasan kita.." iyak ko kaya natahimik siya. "Totoo na gusto na kita dati pero matapos ang mga check-up ko, unti-unti na akong lumalayo dahil..." Hindi natutuloy ang pagsalita ko dahil iyak lang ako nang iyak. Hindi ko na talaga kayang magtago pa. Hindi ko na rin kayang magpanggap na okay lang ako tuwing nakikipag-usap sa chat. Kahit gustong-gusto kong sabihin sa kanya, hindi ko alam kung saan magsisimula. At sa oras na 'to, naguguluhan ako dahil hindi ko rin naman alam kung ano ang ipapaliwanag ko kundi ang pagkabulag ko na naman. 'Yun din naman kasi ang dahilan.
"Judith.." Ang kaninang saya na nakabalot sa kanya ay nawala. Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko para maiharap sa kanya. Naramdaman ko rin naman ang pagkabagsak ng mood niya.
"Mabubulag na naman ako." Mapait akong tumawa na nagpatahimik sa kanya.
"Hindi naman ako aalis sa tabi mo kung mawala na ang paningin mo eh.." bulong niya.
Napailing ako. Alam ko na ang buhay ko noong hindi ako nakakakita at ayaw na ayaw kong mangyari ulit sa akin 'yun.
Kaya hindi ako nagdalawang-isip na pumayag sa alok ng Tita ko sa New Zealand.
"Kinukuha kami ng Tita ko sa New Zealand," sabi ko.
"Hihintayin kita," singit niya.
"For good," dagdag ko kaya natahimik siya.
Napapikit ako habang pinipigilan ang mga hikbi ko. Hinawakan ko rin ang magkabilang kamay niya na nakahawak sa akin. "At tutulungan daw kami ni Tita na makahanap ng eye donor. Doon na rin magtatrabaho sila Mama at Papa sa kumpanya nila Tita.. Siguro, maaayos din naman ang buhay namin doon 'di ba?"
"Bakit ngayon mo lang 'to sinabi sa akin?" seryoso niyang tanong.
"Kasi.. hindi ko pa rin matanggap na mawawala na naman ang paningin ko," pag-aamin ko. "Hindi ko pa rin matanggap na babalik ang lahat ng kinatatakutan ko. Paano kung wala silang mahanap na eye donor? Eh 'di tuluyan akong mabubulag habambuhay? Ayaw ko ng ganun.."
Napabuntong-hininga ako. "Nararamdaman ko na namang masisira ang buhay ko." Mapait akong tumawa bago yakapin ang sarili ko. "Hindi ko na alam kung anong gagawin ko."
"Tutulong ako sa paghahanap ng eye donor mo. Please, bumalik ka lang.."
Mariin akong napapikit. Hindi ko na talaga alam. Halos natrauma na ako sa mga nangyari dati. Natatakot na namang umasa sa iba. Kasi nararamdaman kong wala akong kwenta at pabigat lang ako. Mas lalo lang bumibigat ang lahat na ganito pa ako. Kahit igugol ko rin naman ang oras ko sa pag-aaral... kahit nakakailang uno pa rin ako ngayon ay parang nawawala pa rin ang lahat nang babalik ako sa dati.
Humakbang ako paatras kaya natigilan siya.
"Brion.." Napabuntong-hininga ako. "Hindi ko alam kung babalik pa ba ako o hindi na. Inaayos na ang papeles namin papunta roon. Magsisimula na naman kami roon sa tulong ng Tita ko kaya kailangan kong gawin ang lahat para masuklian ang lahat ng maitutulong niya. Nahihiya na kasi ako masyado sa lahat ng tumutulong sa akin. Ayaw ko naman kasi maging pabigat kahit sa mga magulang ko."
Napahawak ako sa beywang ko. Pinunasan ko ang basa kong mukha habang tinitingnan ang reaksyon niya. Napatalikod muna siya sa akin para mapasapo ng noo. Akala ko aalis na siya pero humarap siya at lumapit lalo sa akin.
"Then, aaminin ko sa'yo ang lahat."
Bumagsak ang mukha ko sa sinabi niya. Bakit ngayon pa?
"I'mㅡ"
"Brion," pagmamakaawa ko. Tumikom ang ang bibig niya nang makita sa mukha ko na ayaw ko ng malaman ang mga gusto niyang sabihin. Kung kailan pa ganito na ang lahat? "Bakit ngayon pa..."
Napatakip siya ng buong mukha niya gamit ang magkabilang palad niya. Gusto ko na lang sana siyang pauwiin kaso narinig ko na ang mga hikbi niya. Napaupo pa siya sa daanan.
Napabuga ako ng hininga at nanatiling nakatayo. Hindi nagtagal, tumayo na rin siya. Kaso hindi niya ako magawang tingnan. "Hey.." Hinawakan ko ang bisig niya at pilit siyang iharap sa akin kaso ayaw niya.
"Brion, look at me."
"Why is this happening.." Sa wakas, naaninag ko ulit ang mukha niya. Kaso may bumabalot na sa kanyang kintab sa mga mata niya.
I can't explain how my heart is bouncing for joy every time I'm looking at him. But if this is the last time that I'm seeing him, can't the moon shine brighter? I just want to see his face.
"I love the early stars, appearing on every young night sky," I confessed. "I also love the sky turning into my favorite lilac every nightfall."
I held his hand tightly and let out a smile. Tears are starting to brim in my eyes again.
"But what I loved the most is how the every sunset became more beautiful every time when I'm with you."
I held his face and caressed his cheek. I can also feel my hands, cold and shivering. When he also felt that, he held my hand and kissed my palm.
"Do you know why I always want the sky to be lilac?" he asked with his eyes full of tears. I was shocked how he mentioned it so casually. Like he already knew what was the story behind that color. Even though, I only mentioned that lilac sky is always been my favorite type of sky.
"Because I always want to recall the heavens how hard I fell to the girl who was with me at my worst."
Napaawang ang labi ko dahil wala akong naintindihan sa sinabi niya. I literally heard that but it faded in my mind that fast. Gusto kong ipaulit. Gusto kong ipaliwanag niya iyon kaso hindi ko na ulit matandaan ang saktong sinabi niya dahil sa sobrang hina.
Muli niyang hinaplos ang buhok ko na mas lalong nagpahina sa akin.
"You are the best thing happened to me, Jude. Everything you see in me right now, it's because of you."
He caressed my arm. Before pointing our house. "Pasok ka na. Masyado nang malamig."
"Brion.."
Muli niya akong ningitian at mas lalong tinuro ang loob ng bahay. "It's okay."
Biglang unti-unti akong nakakaramdam ng ambon. Balak ko sanang kausapin pa siya pero mas lalo na niyang diniin, "Pumasok ka na please."
Dahil nga lumakas lalo ang ulan, tumakbo na ako papasok sa loob ng bahay. Kasabay pagharurot niya ng motor palayo.
At iyon na ang huling beses kong nakita ko siya. Ang pagkakaalam ko kasi, palabo na nang palabo ang paningin ko. Mas lalong dumidilim ang mga mata ko pero nagawa ko pang ipaliwanag pa ang lahat kay Veron. Nakita ko pa siyang umiyak sa harapan ko.
Sinubukan ko ring ipahanap si Brion pero walang may alam. Nag-aalala nga ako kung anong nangyari sa kanya pero sabi ni Pach na nasa West daw siya.
Hindi ko pa talaga inaasahang makakagraduate pa ako sa panahong ito. Kahit hindi na malinaw ang mga mata ko, nagawa ko pang tanggapin ang diploma ko na walang alalay. And I felt everyone became proud of me.
Kung gaano kabilis ang panahon, ganun din kabilis ang paglipas ng ilang araw para maabutan namin ang araw na ito.
Sa airport, dala-dala ang mga bagahe at nagpapaalam sa mga kaibigan ko.
"Can't you just write a letter for me na lang?" iyak ni Veron habang nakayakap sa akin.
Gustuhin ko mang umiyak pero ayaw kong ang huli kong maicocontribute sa Pilipinas ay luha.
"I'll try.." Dahil nga, hindi pa ako sigurado kung makakakita pa ako. At balita ko, mahirap ang signal at internet sa bago naming tirahan dahil mukhang ipagbabawal na ako ng gadgets.
"Please naman oh." Veron really cried out loud in my arms. Gusto ko pa sana siyang icomfort kaso mas lalo lang akong naiiyak nang maaninag na gumagalaw ang mga balikat niya dahil sa kakaiyak.
"Alagaan mo si Veron, Warner," pakiusap ko kay Warner.
"Mag-iingat kayo."
"Nako, Judith. Mamimiss mo raw kagwapuhan ni Faustino," singit ni Rick kaya natawa ako.
"Gwapo ngayon ni Faustino," biro ko pa kahit hindi ko na siya maaninag kung saanman ang pwesto niya. "Gwapo mo sa pulang shirt," dagdag ko pa kaya mas lalo silang natawa. Hindi ko kasi alam kung ano na ang suot niya.
"Pasalamat ka, Judith, naging crush kita," narinig ko pang pagtatampo niya. "Magpapaalam lang ako sa'yo dahil alam kong mamimiss mo ako."
Napa-wow talaga ako sa confidence level ni Faustino. Kung nakikita ko lang talaga siya, baka masapak ko na. Kaso nagpaalam na rin sa akin sila Tracey at binigyan ako ng yakap.
Nararamdaman ko na malapit na kaming umalis kaya ningitian ko sila sa huling beses. Gusto ko pa ng isang minuto kaso malayo pa ang biyahe namin. May hinihintay pa kasi ako kaso mukhang hindi na siya makakarating. Mukhang ayaw niya akong makita ah.
Muli akong kumaway bago sumama kina Mama. Kaso bago pa ako makahakbang, may narinig akong sigaw, "SANDALI!"
Agad naman akong napalingon at may naaninag na may tumatakbo palapit sa akin. Nakilala ko rin agad siya kaya hindi ko napigilang lumapit sa kanya. Ang plano kong hindi ako iiyak ay hindi natupad. Kahit hindi na malinaw ang paningin ko, alam ko siya na ang itong naglalakad palapit sa akin. Alam ko ring siya ito ngayon dahil siya lang ang yumayakap sa akin sa ganitong paraan.
"Maghihintay ako.." bulong niya. Napapikit ako at unti-unting napaluha. Pinilit ko man ang hikbi kong huwag tumakas sa bibig ko kaso hindi nakawala ang mga luha sa mga mata ko. Naramdaman ko rin ang kamay ni Brion sa mga pisngi ko.
"Gusto kong sabihin sa'yo na magugustuhan pa rin kita kahit adobong hotdog ka pa."
At doon na ako napahikbi.
After all these months, we have the same thoughts and feelings while watching the sunset. I remembered how I love resting my head on him. I also remembered how I love his laugh, his voice, his jokes and other stupid things yet unforgettable things we shared. All those conversation. All those glances. I will remember all of them.
Habang unti-unti na kaming humiwalay, mas lalo kong naramdaman na oras na. Bago pa niya ako pakawalan, nakikita ko nang kaunti ang nakangiti niyang mukha. Mas lalo pa akong tumitig para tingnan pa nang maiigi ang mukha niya sa huling pagkakataon.
Tulad sa mga inaasahan ko, ito na ako, naglalakad palayo sa kanila. Hindi ko pa rin talaga maisip ang sarili ko na titira na sa malayo.
"Do you know why I always want the sky to be lilac?"
Naalala ko na naman. Naalala ko na naman ang tanong niya sa akin na parang sobrang pamilyar. I also felt some nostalgic feelings. I'm really sure that I need to remember something.
"Because I always want to recall how hard I fell to the girl who was with me at my worst."
Nang unti-unting bumigat ang paghinga ko, naalala ko na naman ang bawat oras na tinatanong kung anong itsura ng langit. Pumasok din naman siya sa utak ko ang tanong ko palagi.
"What does the nightfall look like?"
At sunod-sunod na mga sagot niya mula sa tinatanong ko.
"Have you seen a
lilac sky before?"
"The sky is in its
lilac again."
"Now, I'm starting to
realize that the purple
shade came from the
reddish sun and the
dark blue sky."
"It's beautiful."
"I wish we could
watch it together."
"The sky is turning
into... lilac."
"Lilac."
Agad na naman akong napalingon sa labas ng airport. Umaasa na makikita ko pa si Brion.
Nahanap ko na talaga siya.
"Judith?" Lumapit si Mama sa akin. Wala na rin akong makita mula sa malayo kasi masyado nang malabo ang mga mata ko.
Wala na rin akong nagawa at sumunod sa kanila.
Kahit naman may choice ako, kailangan ko pa rin talagang magpagaling.
At isa lang ang pumasok sa isip ko sa oras na 'to.
Kailangan ko talagang bumalik.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com