Note
Maria.
Hi, it's Maria de Light! And Lilac Nightfall has reached to its last shade!
I would like thank God for everything. From the family, friends and blessings I have and even the little things that's making me happy. Sa parents ko na ginagawa ang lahat para sa amin, mahal ko kayo at gagawin ko ang lahat para makapagtapos ng pag-aaral at masimulan na natin ang pangarap kong bahay na floating in the air para sa inyo. Friends kong walang sawang sumusuporta sa lahat ng pangarap ko sa buhay, pinapagaan ang loob ko palagi at ginagabayan ako sa lahat ng desisyon ko. My Sugarcanes, thank you for reaching this far and thank you for all the support. And to you, thank you for reading this book!
I never thought na matatapos ko na talaga 'to. Akala ko kasi matatagalan pa kahit gustong-gusto kong tapusin ito (may kasunod pa kasi, rawr). Sobrang busy na dahil college na ako at nagawa ko pang unahin 'to.
Naisip ko na matatapos 'to kapag June (kung kailan napub ang unang part ng epilogue) kaso mas dumami ang gawain ko sa office. Nagsummer job kasi ako para makatulong din sa fam ko. *Channeling my inner Judith* HAHAHAHA kaso nabusy din ako nang slight sa iba kong stories at inunti-unti ko lang ang pagtatype ng final part.
Binuhos ko ang lahat ko sa story na 'to. Kahit epistolary ang ibang part, nag-enjoy din ako sa pagsusulat nito dahil sa lahat ng stories na sinulat ko, medj may pagkarealistic nito. Binuhos ko kasi ang hinanakit ko, frustrations ko sa buhay, pangarap ko, ideal ko at halos ang mga present na nangyayari sa akin. Mostly na pakikipag-usap ko ay through chats na kaya naiinspire ako sa mga nakakausap ko sa online. Lalo na 'yung mga kaibigan kong malalakas ang trip.
I had fun writing this. Sana you had fun reading this too!
Yeah yeah, I know na napahaba masyado ang point of view ni Brion pero ganun talaga ang plano ko simula pa lang. Feel ko, sa pagiging takot niya umikot ang story saglit kaya binigay ko ang best ko sa pag-explain sa side niya.
Atsaka, 'yung ending ay doon nagtatapos ang problema.
I'll post some special chaps soon kaya hindi pa talaga tapos ang story nila Judith at Brion kaya abangers lang!
I really wanted to write something that needs to be critically analyzed. Kaso I'm not that confident kung nabigyan ko ba ng hustisya kasi pati ako ay sumakit ang olo HAHAHAHA pero overall, satisfied naman ako. Kasi after rereading this, parang umikot lang ang story sa isang conflict hanggang sa dumapo ang iba't-ibang instances na posibleng nangyari. Ay ewan ko #BahalaNa #BastaTaposNaAkoRito
FACTS:
• Unang pamagat nito ay Lyra kasi... wala akong maisip HAHAHAHAHAHA same plot pero mas mababaw nga lang 'yun. Ipupublish ko sana 'yun before 18th bday ko kaso mas nauna kong naisulat ang Delightful Eighteen kasi hindi pa naman ako sure dito.
• Nainspire ako sa kanta ni Jessica Benko na A Soulmate Who Wasn't Meant to Be kaya nakaisip ako ng kwento. Kaso parang gusto kong lumayo nang kaunti kaya nagstop ako saglit sa pag-isip at nagfocus sa iba. Nainspire ako sa linya roon na, "I never should have held your hand."
• Bumalik ang feels ko nang napakinggan ko ang Colors ni Halsey. Doon ko nakuha an idea na Lilac at 'yung adobong hotdog metaphor ni Judith.
• Hindi ko pinag-isipan ang mga pangalan ng characters ko rito :((( kung ano ang una kong naisip, 'yun na ang names nila. Basta ang alam ko, gusto kong pangalan ng bidang babae ay Jude kaya pinagpatuloy ko na 'yun.
• Sa pakikinig ng mga kanta ang nagpalakas ng feels sa akin. Iba rin kasi kapag naimpluwensyahan ka ng mga kanta kasi lumalakas ang dating ng mga scenes para sa akin at doon mas lalong lumalabas ang lahat ng gusto kong mailahad.
• I love the sky. I always took pictures of it everytime I'm looking at it. Paminsan, kapag napapatingin ako after sunset ay naalala kong kailangan kong tapusin 'to kasi naiimagine ko si Judith at Brion na nakatingin sa langit bago maggabi.
• Wala akong maisip na port ni Brion ar Judith. KdbdjdjdjdhHshsidjsi kasi feeling ko, totoo sila. CHz
• Akala ko stand-alone lang ito pero akala ko lang 'yun.
• Next story: Eliorico Gomez. Yazyaz, naglapag na rin ako ng pasilip sa story niya rito HAHAHAHA
━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━
Thank you for reading this! I'm willing to receive feedbacks to help me improve! I hope you're living your life to the fullest! Please be safe and stay healthy! I love you! ♡
Kitakits sa Nightlong Crumbs!
━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━
LILAC NIGHTFALL
written by Maria de Light
(pandauthot)
Started: February 2021
Finished: September 2021
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com