SIMULA
𝗧𝗶𝘀𝗵𝗿𝗶𝗻 𝗤𝗮𝗺𝗮𝘆𝗮 𝟮𝟯, 𝟳𝟳𝟭 𝗘.𝗖
(October base on Assyrian Calendar)
There was once a myth of legend that foretold the hidden tale that was lost for hundreds of centuries. The world is divided into three realms namely the God Realm, the Immortal Realm, and the Mortal Realm.
Supreme beings with remarkable mastery of their cultivation ascended into Gods, while others who have mediocre abilities remained as immortals. Meanwhile, Gods and Immortals that fell from grace are thrown away in the Mortal Realm and reborn as a mere mortal to repent for their sins.
Unbeknownst to the Immortals and Mortals, only the Gods knew the truth of the three realms. This is to maintain the balance and avoid the fight for superiority between realms.
"This book doesn't make sense." Tumingala sa langit ang batang babae habang magkasalubong ang kilay.
"So there are Gods out there?" Ngumiwi naman siya sabay iling. Ang mabasang mayroon pang ibang nilalang bukod sa kanila ay pawang kahibangan lang.
"Ano ang iyong iwiniwika, Farah?" Napatingin naman ito sa katabi.
"Ang sabi kasi sa aklat Frinn na ang mundo raw ay nahahati sa tatlong realmo. Tinatawag itong realmo ng mga diyos, imortal, at mortal. Ang tanging nakakaalam lamang ng katotohanang mayroong tatlong realmo na bumubukod sa mundo ay ang mga diyos." Bumalata naman ang reaksyong tila ba nagagalak sa ikinuwento ang batang katabi niya.
"Walang duda? Subalit maaari bang mangyari ang bagay na iyon?" Kaagad naman siyang umiling.
Napatingin si Frinn sa isang lumang aklat na nakapatong sa kandungan ng kaibigan niya. Kung titingnan ay luma na ito at halatang gamit na gamit na. Dahan-dahan niya itong binuksan at bumungad kaagad sa kaniya ang mga letrang nakasulat sa gintong kulay. Bagaman napuno ito ng mga letra ay hindi niya naman ito maintindihan sa kadahilanang wala siyang kakayahan upang basahin ito. Mapait naman itong napangiti sabay tiklop ng aklat.
"Nawa'y dumating ang araw na matutunan ko rin magbasa 'gaya mo. Sa estado ng aking pamumuhay sa imperyo na isa lamang anak ng kandalapak ay sapat na upang hindi ako mabigyan ng pagkakataon upang makapag-aral." Nakayuko nitong sambit habang pinaglalaruan ang mga talbos ng damo na kasalukuyan nilang kinauupuan.
Kandalapak ang tawag sa mga kababaihang mababa ang lipad na walang ibang pagpipilian kun'di ang kumapit sa patalim upang mabuhay ang sarili.
"Idagdag mo pang isa lamang akong hamak na babae na hindi masyado binibigyan ng importansya sa imperyo. Hindi naman sa pagmamalabis subalit kahit nasa pinakamababang antas ako ng pamumuhay nabibilang ay nais ko rin sana matutong magbasa." Nakaramdam naman ng pagkahabag ang batang babaeng kaharap nito't kapagkuwan ay napayukom ng kamay.
Sa imperyo, ang lahat ng mga importanteng posisyon ay para sa mga lalaki lamang. Ang mga babaeng kagaya niya ay nananatili lamang sa tirahan upang matuto ng gawaing bahay, magburda, magpaganda at pagsilbihan ang kanilang mapapangasawa. Kung ikaw naman ay babaeng mayroong marangal na dugo, saka ka lang magkakaroon ng prihibeleyong makapag-aral at matutong magbasa at magsulat. Maaari ka rin makapag-aral kung ikaw ay naninilbihans a palasyo.
Natatamasa nga nila ito pero naroon pa rin ang pangmamaliit ng kanilang kakayahan dahil lang sa kadahilang mga babae ito't likas na mas magaling ang mga kalalakihan sa pisikal na lakas, intilekwal at kahit na pagdating sa paggamit ng mahika. Masyadong mababa ang tingin nila sa abilidad ng mga kababaihan.
Isang matamis na ngiti ang iginawad niya rito sabay hawak sa maypagkamarungis nitong kamay. "Huwag kang mag-alala, Frinn. Ako ang tagapagmana ng kontinenteng kinabibilangan mo, pinapangako kong sa oras na ako na ang mamumuno ay magkakaroon na ng pantay-pantay na karapatan ang mga tao." Dahil sa sinabi nito ay tila ba nagkaroon ng maliit na sindi ng pag-asa ang mga mata ni Frinn.
Sana ay dumating na ang panahon na iyon, dahil kung hindi ay matutulad lang siya sa kaniyang ina na walang ibang paraan upang mabuhay kun'di ang pag-alay ng katawan nito sa mga kalalakihang naghahangad ng init sa gabi. Hangga't maaari ay ayaw niyang matulad sa ina niyang walang pangarap sa buhay. Gusto niyang matamasa ang maginahawang buhay na nakakain ng tatlong beses sa isang araw, mayroong magagandang kasuotan, at mga kaibigan.
"Farah?" Pagtawag niya sa pangalan ng kaibigan matapos mapansin na nakatitig lamang ito sa kaniyang maliliit na kamao na siyang nakahawak sa nalukot na nitong mwebles na suot.
Farah was thinking how the empire was so unfair towards women. Nais niyang bigyan ng magandang pamumuhay ang mga batang 'gaya ni Frinn pero kahit siya ay wala ring magawa dahil wala pa siya sa wastong edad. She needs support and power of the people even as a young child to be heard. Dahil kahit anak pa siya ng hari, ang katotohanang babae siya ay nahihirapan din siyang ipahayag ang opinyon niya.
Nabalik lang ito sa wisyo nang marinig ang malakas na trumpeta galing sa sentro ng bayan. Mabilis itong tumayo at kinuha ang aklat mula kay Frinn bago ikaway ang kaliwang kamay niya upang magpaalam dito.
"Sa muli nating pagkikita, Frinn. Babasahan kita muli ng kuwento at tuturuan kita magbasa!" Wika nito nang may malawak na ngiti.
"Kung gayon ay aasahan ko ang muli nating pagkikita, mahal na prinsesa!" sagot niya rito habang iwinawagayway ang kamay pabalik.
Samantalang nagmamadali namang tumakbo patungo sa liblib na bahagi ng gubat ang batang nag ngangalang Farah. Ito ang tinatawag nilang Infinite Forest kung saan tanging mga bandido lamang ang nagagawi. Dito siya dumaraan dahil dito ang daan upang mas mapabilis ang pagdating sa palasyo.
Kailangan niya ng bumalik sa kaniyang silid bago pa malaman ng kaniyang mga tagabantay na muli na naman siyang lumiban sa klase niya sa pagguhit. Wala siyang kahit na ano mang interes sa langaran na iyon kung kaya't malimit niya itong hindi pinapasukan at mas pipiliin niya pang tumakas upang magliwaliw sa bayan.
Pagdating niya sa isang parte ng gubat na may lawa ay kaagad siyang tumigil doon. Sa gitna ng lawang 'yon ay may isang malaking puno na mayroong maraming sanga at napakayabong na mga dahon. Ang kahoy na 'yon ang daan niya pabalik sa kaniyang silid.
Mariin niyang tinukod ang kaniyang kaliwang paa sa lupa at bumwelo upang tumalon at marating ang puno sa gitna ng lawa. Kumapit siya rito at walang ano-ano'y basta na lamang pumasok sa arbol ng kahoy. Pagmulat niya ng kaniyang mga mata ay kaagad siyang nasilaw dahil sa gintong kulay at kagamitan ng silid niya.
Sakto namang habang nagpupunas siya ng pawis ay pumasok sa silid niya ang kaniyang personal na tagasilbi na si Sani na tatlong taon lang ang tanda sa kaniya. Kahit pa na ito ang nagbabantay sa kaniya pang araw-araw ay hindi buo ang tiwala niya rito dahil alam niyang mata lang ito ng ama niya.
"Mahal na prinsesa, nakahanda na ang inyong pananghalian." Tumango ang batang si Farah at sumunod dito.
"Bakit iba tayo ng daan na tinatahak? Hindi ba't dito ang daan patungong silid kainan?" Yumuko si Sani upang magbigay galang bago sagutin ang tanong nito.
"Mayroong pagpupulong ang mahal na hari kasama ang mga mahistrado sa silid kainan upangg pag-usapan ang paghahadang gagawin sa nararating na taglamig kung kaya't mas minabuti ng iyong inang reyna na roon na lamang kayo sa hardin kumain." Awtomatikong kumunot ang noo ng bata dahil sa naging turan nito.
Huwag mo sabihing kahit ang reyna ay hindi pwedeng sumali sa pagpupulong?
Wala sa sariling napasinghal ang bata. Siya ay siyam na taong gulang pa lamang pero mulat ang mata niya sa katotohanang nagaganap sa imperyno. Alam niya ang hindi patas na pagtrato ng mga ito sa mga babae at ang kanilang mga panggagapi at hindi pagbigay ng aportunidad sa kanila upang patunayan ang kanilang sarili.
"Mahal na prinsesa! Saan kayo patungo?" Malalaking hakbang itong lumihis ng daan patungo sa silid kainan kung saan naroon ang hari at ang mga mahestrado.
Nang makarating siya sa matayog na pintuan ng silid ay mayroong dalawang kabalyero na nakaharang. Akmang pipigilan pa siya ng mga ito nang matigilan dahil sa pag-anhag ng pula sa sa kaniyang mata na tila ba nanghihimok sa mga itong huwag siyang haharangan sa kaniyang daan.
Napalunok na lang ang mga ito't huli upang kanilang pigilan ang prinsesa dahil tuluyan na itong nakapasok sa loob, dahilan upang mapatigil sa pakikipagdiskusyon ang hari. Ang mga mahestrado na nakaupo ay biglang tumayo at yumuko upang magbigay galang sa nag-iisang tagapagmana ng trono.
Napangisi naman sa isipan ang bata. Kung titingnan mo ay tunay na nagbibigay ng galang ang mga ito, pero higit sa lahat ay alam niyang pawang pagpapanggap lamang iyon. Hindi magbibigay pugay ang mga ito kung wala ang hari. They are only paying their respects because they don't want to offend the king.
"Hindi lang pala basta-basta eksaherasyon ang pagpupuri ng mga tao sa karikitan ng mahal na prinsesa, kamahalan. Tunay ngang kahit ang buwan ay nanaiising pumaibabaw sa kalangitan ng umaga upang masilayan lang ang kaniyang kagandahan." Kung tulad lamang siya ng ibang batang babaeng mahihiya at matutuwa sa pagbibigay puri ng isang lalaki ay mas mainam, subalit imbis na mapuspos ito sa mga matalinghagang salita ay napangiwi na lang ito.
"Ano't naparito ka, aking anak?" Mahinahong tanong ng kaniyang ama na hindi pinapahalata ang pagkagulat dahil sa biglaan niyang pagdalo.
"Your majesty, I heard you and the magistrates were discussing about the preparations this coming winter," panimula nito na naging dahilan upang magtinginan ang mga mahestrado sa isa't isa. Marahil ay nagtataka ang mga ito kung paanong ang batang 'gaya niya'y iyon kaagad ang ibinungad imbis na magpasalamat sa pagpupuring ginawa sa kaniya.
Bakit naman siya magpapasalamat sa pagpuri sa kaniya kung gayong iyon naman ang katotohanan? Pinanganak siyang likas na maganda at hindi niya kailangan ng kompirmasyon sa isang lalaki upang malaman iyon.
"Child, it would be better if you find your mother and join her for lunch." Nakangiting suhestyon ng hari na hindi naman pinaunlukan ni Farah.
"Won't it be better if we sit here with you and join your discussion regarding the preparation?" Mungkahi nito sabay ngiti. "Afterall, mother is still the queen and she has her right to meddle with the decisions that involves the empire." Kaagad na tumikhim ang hari at lihim naman na napangisi ang mga mahestradong nakarinig.
Farah knew it, these magistrates are looking down at her mother. Kung makangisi ang mga ito ay tila ba minamaliit nila ang kakayahan ng reyna upang umintindi ng ganito kakritikal na bagay. Ang mas lalong ikinasama pa ng loob niya'y hindi man lang ito kayang ipagtanggol ng kaniyang ama.
"Your highness, the queen is only in charge of hosting feists and grand balls of the empire. She have the royal household to manage and guests to accommodate. The rest of the work is for his majesty to handle." The Finance Magistrate commented.
"She's but a woman of his majesty, there is no place for her in the court nor in this political gathering." Tumango-tango naman ang ilan sa kanila na siyang iikinainit lalo ng dugo ng bata.
"Hindi mo na kailangan pang ipaalala 'yan sa'kin lalo na't hindi naman ako humihingi ng kaalaman mula sayo, Mahestrado ng Pananalapi." Dahil sa matalas na dila ng bata ay kaagad nagbago ang timpla ng mga kaharap nito.
"Faxara!" The king warned her. Imbis matakot ay magiliw na ngumiti ang prinsesa na wari'y wala itong binitawang mapangahas na salita.
"Your majesty, I am speaking in behalf of my mother that your magistrates are taking lightly of." Taas noo nitong hinarap ang mga mahestrado ng may mapangmintas na mga mata.
"The family of Idrittus, the queen's clan supports the finances of the Fire Continent that owns the biggest mine in the Elysian Empire." Kaniya-kaniyang namang kurap ang mga ito.
"Yes, she's but a woman of his majesty, but before becoming the queen, she was a woman with remarkable abilities that surpasses anyone of you here in this room! So don't you dare insult her in front of me!" Palatak niya rito bago samaan ng tingin ang mga lalaking naroon na may gamunggong utak.
Wala siyang pakialam kung pagsalitaan siya ng kaniyang ama o hindi kaya'y bigyan ng parusa dahil sa ginawa niya, pero hindi niya mapapalampas ang sino mang iinsulto sa kakayahan ng kaniyang ina. Hindi niya hahayaang insultuhin nito ang pagiging babae nino man.
"This empire is a world where gender and status are more important than ability, and I will prove them wrong when I become the first queen that doesn't need a king to rule." Matigas nitong wika habang malalaking hakbang na tinutungo ang hardin kung saan naroon ang kaniyang ina.
☾ ⋆*・゚:⋆*・゚
Halos maaning-aning na kakahanap ang mga kawal at katulong sa lugar na kung tawagin nila ay Realmo ng mga Diyos. Ito ay sa kadahilanang hindi nila mahagilap ang munting prinsipe sa palasyo.
"Have you seen your brother, Cameron?" Umiling naman agad ang batang nakasuot ng kulay itim na roba bilang sagot.
Napasandal na lang sa trono ang ama nitong si Casseus habang marahang hinihilot-hilot ang sentido nito sa pag-aalala kung saan na napunta ang anak niya. Ilang oras na ang nakakalipas simula nang mawala ito subalit hindi pa rin nila ito mahanap.
Cameron bit his lower lip. Ang totoo niyan ay alam niya kung saan nagpunta ang kanyang nakakatandang kapatid. Pinangako niya ritong hindi niya ito isusumbong kaya naman mas pinili niyang magasinungaling sa kaniyang ama.
Pagdaan ng ilang minuto ay bigla na lamang umilaw ang gitnang bahagi ng bulwagan ng trono. Nagkaroon ng malaking sirkulo sa sahig kung saan umaanhag ang kulay gintong ilaw. Mula roon ay biglang lumabas ang isang batang lalaki na mayroong kulay abong buhok.
"Camaro. . ." Bakas ang pagkagulat sa mga mata nito nang makitang nasa harapan niya ang kaniyang ama.
Buong akala niya'y dadalhin siya sa kaniyang silid sa mga salamangkang wikain na kaniyang binigkas, subalit nagkakamali siya. Mukhang nagkaroon ng problema't imbis na sa kaniyang silid ay sa mismong bulwagan pa siya ng trono iniluwa.
"Your majesty," Yumuko ito upang magbigay galang sa kaniyang ama. Nang makita ang balisang mukha ng kaniyang kapatid na si Cameron sa isang tabi ay kaagad niyang naintindihan kung ano ang nangyayari.
The knights and maids are desperately looking for him. That means they noticed his absence.
"Where have you been, Camaro?"
"I have been practicing my cultivation, your majesty." Kaagad nitong sagot na para bang pinaghandaan niya ito.
"Practicing cultivation you say? How come you aren't in the Domain of Tranquility? Where have you been exactly practicing?" Base sa mga tanong ng kaniyang ama ay alam niya sa sarili niyang nagdududa ito. He knows he's lying, and he's just trying to know how good he can lie.
"As the prince of light, you knew better than lying to me." At ang mga salitang 'yon ay sapat na upang bigyan siya ng babala na sabihin ang totoo rito.
"I was lost in the Immortal Realm, your majesty. Please forgive me." pag-aamin nito.
"Talaga nga bang naligaw ka lang doon? Hindi dahil sinubukan mo talagang bumisita roon dahil gusto mong malaman ang uri ng pamumuhay nila?" His father continued to interrogate him.
The truth is, he wasn't lost. Sinadya niyang mapagawi roon upang pumasyal pero kahit na tama ang ama niya'y hindi pa rin siya aamin dito. Lalo na't dinawit niya ang kaniyang kapatid upang pagtakpan siya. Being lost would be better than trying to defy his fathers order that might lead to a severe punishment.
"Talagang naligaw lang ako, ama." Pangungumbinsi pa niya rito.
"Cameron." Kumurap-kurap ang batang kasingtangkad lang ni Camaro na mayroon namang itim na itim na buhok. Taliwas kay Camaro na mayroong pangmamataas sa tindig at maawtoridad na personalidad ay mahiyain naman ito at madalas nakayuko kung nakaharap sa mga tao.
"P-po?"
"Batid kong ikaw ay nagsinungaling kanina upang pagtakpan ang iyong suwail na nakakatandang kapatid." Nagsimulang maglaro ang munting daliri nito dahil bigla itong nakaramdam ng kaba sa tinuran ng ama. Nang mapansin ni Camaro ang pagkabalisa ng kapatid ay hinawakan niya ang kamay nito upang maging senyales na ano man ang mangyari ay siya na ang bahala rito.
"Ipagpatawad niyo ang aking pagiging suwail ama pero walang kasalanan si Cameron. Ako ang naghangad na pagtakpan niya ako kaya naman kung inyong mamarapatin nawa'y huwag niyo siyang parusahan. Kung maaari ako na lang sana," pakiusap nito sabay higpit ng hawak sa kamay ni Cameron.
Walang naging imik si Casseus habang nakatingin sa kambal niyang anak na magkahawak ang kamay. Casseus Elvinov, the Great God of All—the Supreme God that rules the God Realm of deities. As a righteous ruler, he will never tolerate those who lies at him because he believes that betrayal starts with simple lies.
"Although I was impressed by your brotherhood, I will not allow my own son to lie at me." Lalong napayuko si Cameron dahil sa sinabi nito.
"Ano na lang kung may nangayring masama sa'yo? Hindi ko alam kung ano ang ipapaliwanag ko sa inyong namayapang ina kung sa kaling hindi ko kayo naalagaan nang mabuti." Nag-aalala pa nitong dagdag.
"Ngunit hindi ako napahamak, kamahalan. Kaya sana'y huwag niyo ng parusahan ang aking kapatid." Pagpipilit pa nito.
Kapagkuwan ay luminga si Cameron upang gawaran ng ngiti si Camaro. He gave him a little squeeze on the hand and mouthed that it will be okay. Camaro shakes his head in disapproval. He will not let his younger brother take the fall for him.
"Kung gayon ay parusahan niyo rin ako, ama." Kumunot naman ang noo ni Casseus.
"Sapagkat naiwaglit ko ang aklat na pinamagatang Génesis del reino sa realmo ng mga immortal." Kaagad na napasinghap si Cameron.
"Bakit mo naman naiwala ang sagradong aklat? Paniguradong hindi mapapalampas 'yan ng ama!" Impit nitong bulong sa kapatid upang pigilan ang sarili nitong maghisterikal.
Nagtitimping napabuga ng malalim na hininga ang ama ng mga ito at muling napahilot na naman ng sentido. Tunay ngang kambal ipinanganak ang ma ito't pati sa gulo at kaparusahan ay nais magsama. Hindi niya alam kung magkakaroon ba ng panahon na maghihiwalay ang mga ito't magkaroon ng kahit konting hidwaan dahil sobrang nagkakasundo ang mga ito sa kabila ng pinagkaiba nilang dalawa.
"The both of you are confined in the Restriction Room for three days, reflect on yourself and your behavior." He commanded with finality in his voice.
The Restriction Room, a place of a void where they can't use any form of magic. They will experience four seasons in that dimension where they need to survive by depending on themselves.
"You are all dismissed." Tahimik na naglakad ang magkapatid palabas ng bulwagan ng trono.
When the huge doors closed, Camaro smiled at his younger brother. Hindi niya ito hahayaang maparusahan kung gayong pinagkatiwalaan lang siya nito. It's normal for siblings to cover each other when one is in trouble. Kaya naman mas mainam na silang dalawa na lang magsama upang maparusahan.
They are sworn brothers with bond and blood, nothing could ruin their relationship. . . or so they thought.
𝐋𝐎𝐒𝐓 𝐓𝐀𝐋𝐄: 𝐆𝐎𝐃 𝐇𝐀𝐒 𝐅𝐀𝐋𝐋𝐄𝐍
ᴮʸ ᴳᵒˡᵘᶜᵏʸᶜʰᵃʳᵐ
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com