Chào các bạn! Truyen4U chính thức đã quay trở lại rồi đây!^^. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền Truyen4U.Com này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 1

Chapter 1

I'm in a Tight Situation

"Why did I even take this godd*mn course?" sinabunutan ng kaibigan kong si Tamara ang kanyang buhok. Nakatukod ang kanyang siko sa study table habang nasa harap niya ang patong-patong na libro.

"You said you want to be a great engineer like Tito," sagot ko sa kanya. I flipped a page in the magazine I was holding. What should I buy for my next OOTD?

"Yes, but this is stressing me out." Dumukmo siya sa lamesa.

"Tam, isipin mo na lang kung gaano magiging proud si Tito kapag naka-graduate ka at nakapasa ka sa board exam." Umupo si Jelyn sa gilid ng aking kama.


Tamara didn't respond so we just let her be. May mga pagkakataon talagang stressed kami sa studies pero this time, si Tamara ang pinakaapektado dahil malapit na sila mag-thesis.

Inalapag ko sa coffee table ang magazine. Weekend ngayon kaya nandito kami sa dorm. Ang kasama ko talaga rito sa kwarto ay si Tamara at sa kabilang kwarto naman sina Jelyn at Yvonne.

Kinuha ko ang aking mobile phone para naman magbukas ng social media. Bumungad kaagad sa 'kin ang mukha ng taong kinaiinisan ko. 

Breaking: Gio Andre Dela Vega and Genevieve Andrade broke up! 

I rolled my eyes and scrolled passed the post from one of our schoolmates. 

"One week pa lang silang mag-on," sabi ni Yvonne habang hawak din ang kanyang mobile phone. 

"Ano pa ba'ng bago? Ginagawa niyang laruan ang mga babae. It's either he will break up with them or reject them. He's a piece of trash."

Pinakaayaw ko talaga sa lalake ay ang isang katulad niya. Ang pinagtataka ko lang, bakit madami pa ring babae ang nagkakandarapa maging boyfriend lang siya? Alam naman nilang sasaktan lang sila no'n pero nagpapabitag pa rin sila. 

"Well, he's not just an ordinary student. Alam nating lahat na mayaman ang pamilya niya. At isa pa, siya ang tumatayong leader sa mga nagagwapuhan niyang barkada. Plus, member siya ng basketball team," sabi ni Jelyn. 

There are total of 12 men that I hate in our school. All of them are acquainted with Gio and he's also one of them. 

Grupo sila ng mga lalake na kung umasta ay akala mo'y mapapaluhod nila ang lahat ng mga babae sa harapan nila. Ibahin nila ako, hindi ako magpapaloko sa kanila! 

"Dadating din ang araw, kakarmahin din ang Gio na 'yan!" Tumayo na ako at tumigil na sa pagbobrowse. Puro mukha lang ni Gio ang nakikita ko at mas lalo lang akong nababadtrip. 

"Galit na galit?" natatawang sabi ni Tamara. "Lumalabas ang pagiging man-hater mo, Lian. Kumalma ka."

Napairap ako sa kawalan. "Naiinis lang ako sa tuwing nadidinig o nakikita ang pangalan ng lalakeng 'yan."

"Simula nang iwan ka ni—" hindi na naituloy ni Jelyn ang kanyang sasabihin dahil tiningnan ko na 'agad siya nang masama. "—oops, sorry."

"Labas na siya sa usapang 'to, okay?" I sighed. I don't want to admit it to them but there's still a bit of pain everytime I remember what happened in the past. 

Before my mind wander elsewhere, I stood up and grabbed the towel. Kailangan kong magpunta sa gym para kausapin ang P.E. teacher ko. 

I'm taking BS Education for secondary level. I chose MAPEH (Music, Arts, P.E. and Health) as the subject I'll be teaching. 

Hindi ko alam kung bakit niya ako pinapapunta pero dahil masunurin akong estudyante, kailangan ko siyang siputin. 

"Saan ka pupunta?" tanong ni Yvonne. 

"Gym. Kausapin daw ako ni Mrs. Carandang."

Ngumuso si Yvonne. "May time ka pa para gumala later?" 

"We'll see," sagot ko at pumasok na sa banyo.

💔 💔 💔

H

aving the dorms inside the campus is pretty convinient since we don't have to experience heavy traffic. Pwede rin naming lakadin from one building to another. Kung tamad ka naman, pwede kang magpahatid sa pedicab na nakapila malapit sa dorm. 

I preferred walking. Naeexercise ako kahit papaano. Kahit na medyo malayo-layo ang gym, mas pinili kong maglakad na lang. 

I opened the gym door and it was empty. Thank, God. Ayaw kong makita ang basketball team na binubuo ni Gio at mga kaibigan niya. 

Dumeretso ako sa likod ng stage kung nasaan ang isang kwarto na madalas tigilan ni Mrs. Carandang. Dahil coach ang asawa niya at MAPEH teacher siya, ito ang ginagawa niyang office. 

"Mrs. Carandang?" I called out after I opened the door. 

She looked up from the pile of paperworks and her eyes sparkled in recognition. 

"Lian, pasok ka," aniya habang nakangiti. 

Umupo ako sa harap ng table niya. "Bakit niyo po ako gustong kausapin?" 

Bumuntong-hininga siya. Hinilot niya ang kanyang sentido. Napansin kong mukha siyang stressed at kulang sa tulog. "Ah, you see, I have a favor to ask you."

Hindi ko alam kung bakit ako biglang napalunok. Kung anomang pabor ang hihingiin niya, hindi ako makakatanggi dahil sa apat na taon na pagiging estudyante ko sa kolehiyong ito, hindi ako pinabayaan ni Mrs. Carandang. Itinuro niya sa 'kin ang lahat ng dapat kong malaman sa pagiging isang MAPEH teacher. 

"Ano po 'yon?"

Kinamot niya ang kanyang batok. "The manager of the basketball team quitted. They're a bunch of stubborn kids. Walang tumatagal sa kanila. Sa semester na ito, panglimang manager na nila 'yon." She sighed. "Lian, you're my only hope. Please be their manager until you graduate."

Humigpit ang aking kapit sa aking tuhod. Pilit akong ngumiti sa kanya. "Ma'am, paano po ang studies ko? Graduating student po ako. Baka po mahirapan akong balansehin 'yon at ang pag-aaral ko."

She smiled apologetically. "Don't worry. I already arranged the schedule. Fortunately, your schedule will fit their practice time. Pumayag ka lang at ipapaliwanag ko sa 'yo ang lahat," sabi niya. "Ang kailangan mo lang gawin ay ang pasunudin sila."

"Bakit po ako, Ma'am?" tanong ko. 

Ano'ng magagawa ko sa labing dalawang kalalakihan na lumaking spoiled at sakit sa ulo? Baka sila pa ang maging dahilan para hindi ako makagraduate. 

"Wala na akong ibang pwedeng malapitan kundi ikaw na lang." Humalumbaba siya sa lamesa. "Dalawang buwan na lang ay magsisimula na ang league. Kailangan na nilang magseryoso."

I sighed. It will be hard for me to turn her down. Looking at how stressed she is right now, all I could do is to say yes. 

Managing twelve hard-headed guys that I hate the most will bring me so much stress for sure. 

But... 

"What will I have in return?" 

This isn't an easy job. I need to be compensated for this. 

"If you ranked first in quizzes and exams, you will be exempted in the finals. It will be for all the subjects you're taking."

Hindi ko na napigilan ang ngiti sa 'king labi. Hindi naman mahirap sa 'kin na mag-aral para sa mga exam kaya confident ako na kakayanin ko 'yon. Malaking kabawasan sa paghihirap ko kung exempted ako sa finals. 

"Are you going to help me with this one, Lian?" Mrs. Carandang smiled. 

"Sure," sagot ko. "But what if I quit in the middle of it?" 

"Sa subject ko lang ikaw exempted sa finals."

Fair enough. 

"Deal. Basta po hindi makakaapekto sa pag-aaral ko ang pagiging manager nila."

Umiling siya. "I promise it won't and I know you will be able to handle them well."

💔 💔 💔

Lumabas ako sa opisina ni Mrs. Carandang na hawak ang practice schedule ng basketball team. Since tuwing MWF ng hapon ang klase ko, MWF ng umaga ko sila imamanage. Tuwing TTH naman ay sa hapon dahil pang-umaga ang klase ko. During Saturday, may practice rin sila sa umaga. 

Habang naglalakad ay nakatingin ako sa papel. Hindi naman ako mahihirapan sa ganitong set-up. Mababawasan lang ang free time ko sa paggala kasama ng mga kaibigan ko. 

"Jogging every morning and—what the hell?"

May humablot sa papel na hawak ko. Pagtingin ko'y nasa harapan ko na ang mga lalakeng kinaiinisan ko. 

"You're the new manager?" tanong ng lalakeng sa pagkakatanda ko'y Adamson ang pangalan. Siya ang nanalong Mr. Campus last year kaya kilalang-kilala ko siya.

Sinubukan kong kuhanin ang papel sa kanyang kamay ngunit itinaas niya ito. 

"Give it back," I said calmly. 

He smirked. "Gio, what do you think?" Lumingon siya sa kanyang likod. 

Nahawi silang lahat na parang dagat na dinaanan ni Moises sa gitna. Lumakad pauna si Gio Andrei Dela Vega. 

One look and you'll know he's the one leading them. His height is towering over them. His cold expression says he's not someone you should provoke. 

Kinuha ni Gio ang papel mula sa kamay ni Adam. Pinasadahan niya ng tingin ito na para bang binabasa ang laman nito.

"I said give it back," I said through gritted teeth. Bakit sa dami ng oras na pwede ko silang makasalubong, ngayon pa?

Nadinig kong sumipol ang isa sa kanila. 

"Huwag mo munang masyadong galitin, Gio, baka magquit 'agad," sabi ni Rex, na siyang kaklase ko sa isang subject. 

"Ang bilis nakahanap ni Mrs. Carandang, ah," sabi naman ni Erzo, na siyang kaklase ko rin sa isa kong subject. 

"Bogs, sa tingin mo mabilis kaya siyang paiyakin gaya nang mga naging manager natin noon?" tanong ni Lloyd, na naging Mr. Campus naman 2 years ago. 

Humawak si Bogs sa kanyang baba habang nakatingin sa 'kin. "This will be a tough one to crack."

Dahil sa sinabi ni Bogs ay nabaling lalo ang atensyon nilang lahat sa 'kin. I want to run away but if I do that, I'll look weak. 

Kung gusto ko silang mapasunod, dapat ay ipakita ko sa kanilang hindi ako basta sumusuko. If Gio could intimidate them then I'll surpass him. 

"What do you think, bro?" tanong muli ni Adam. 

Dahan-dahang nag-angat ng tingin si Gio hanggang sa magtagpo ang aming mga mata. Napalunok ako dahil sa malamig niyang titig. Bakit mukha siyang galit? Wala pa naman akong ginagawa, ah? 

"You're just wasting your time," sabi niya. 

Kumunot ang aking noo. "What?" 

He sneered. "You signed up because you're just one of those girls who think they can control us, right? Or maybe you're hoping you'll hook one of us? Too bad, we're not interested with the likes of you."

Kinuyom ko ang aking mga kamao dahil sa inis. Sinubukan kong bigyan siya ng ngiti. "I signed up as the manager because Mrs. Carandang asked me to. Don't be full of yourself, Dela Vega. I never think highly of you like what you think is everyone doing. I'm here to fix all your attitude to save our school from the embarrassment you'll bring if your team loses the championship."

Natahimik silang lahat. Ang mga kasama niya'y nakangangang nakatingin sa 'kin samantalang si Gio ay mas lalong sumama ang tingin sa 'kin. 

Inilahad ko ang aking kamay. Pinagtaasan ko siya ng kilay. "Now, give that back. You're the one who's wasting my time."

Someone from the back chuckled. Nag-igting ang mga panga ni Gio. Mukha namang nagpanic ang mga kasama niya.

"Zen, stop it," pagsaway ng isa sa kanila rito. 

"But—" he laughed. "Gio got burned." He laughed so hard he almost toppled over. 

Binatukan siya ni Rex. "This isn't the right time to laugh at him—" 

Muling kaming binalot ng katahimikan nang makadinig kami ng pagpunit. Nanlaki ang aking mga mata nang makitang pinira-piraso na niya ang hawak niyang papel.

Pinanood kong mahulog sa sahig ang pira-pirasong papel. Nang iangat ko ang aking tingin ay nakangisi na siya sa 'kin. 

"I'm warning you, whoever you are, quit before I make your life miserable."

Hindi ko na nagawa pang makasagot dahil sa sobrang galit. Nagsimula na silang lumakad. Bahagya akong napaatras nang banggain niya ang aking balikat. 

Nanginig ang aking mga kamay sa galit. Marahas akong humarap sa kanila. 

"Gio Andrei Dela Vega!" I shouted at the top of my lungs. My voice echoed in the whole gym. 

Lahat sila ay humarap sa 'kin. 

With eyes burning in anger, I shouted, "I'll make your life miserable instead!" 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com