Chapter 7
Chapter 7
Order
The delivery came and it's a ton of foods. Hindi na ako gaanong nagulat dahil mga higante sila. Siguradong napakalakas nilang kumain. Papayagan ko sila ngayon dahil maganda naman ang ipinakita nila sa practice game. Ang pinag-aalala ko lang ay ang pagkatapos nito. I declared that I lost the deal so they can skip practice anytime they want and I won't be able to do anything to stop them.
"Let's eat!" anunsyo ni Carl.
Lumapit kami sa mahabang table kung saan nila pinatong ang mga pagkain. There are boxes of pizza, burgers, fries, a tub of ice cream and bottles of different soda. Well, minsan lang naman 'to kaya sulitin na lang namin. Next week ay kailangan na ulit nilang mag-training. Iyon ay kung makiki-cooperate pa sila.
"Mabebs, ano'ng gusto mo? Hawaiian? Cheese and Bacon?" tanong ni Shon habang binubuksan ang iba pang box ng pizza.
"Kahit ano."
"Guys, gusto raw ni Mabebs ng kahit ano. May na-order ba kayong gano'n?" sigaw ni Adam.
Sinapak ko siya sa balikat. Kanina pa siya, ah!
"Hawaiian, mga walanghiya kayo." Nagtawanan silang lahat.
Binuksan ni Luis ang stereo at napuno ng malakas na tugtugan ang buong kwarto. No liquors were being consumed but they all looked like they were drunk. Ang kukulit nila!
"Ang baboy, Zen!" sigaw ni Bogs habang pinapanood si Zen na kumain. Kalat-kalat itong kumain at punong-puno pa ang bibig pero subo pa rin nang subo. "Patay gutom?"
"Pakealam–" Hindi naituloy ni Zen ang kaniyang sasabihin nang bigla siyang nabilaukan.
Imbis na tapikin ang likod niya o bigyan ng maiinom, tinawanan lang siya ng mga kabarkada niya.
"Pagawan niyo na ng tarpaulin si Zen habang bata pa siya," sabi ni Owen.
"Zen, anong gusto mong background? Bulaklak o langit?" tanong ni Erzo.
"Ako na bahala sa background song!" sabi naman ni Rex.
"Tubig! Mga pukingina niyo!" sigaw ni Zen.
Hindi na naming mapigilang matawa. Ako na ang nagpresinta at ikinuha ng maiinom si Zen. Namumula na ang mukha niya at naluluha na dahil sa dami ng nakabara sa lalamunan niya.
"Thank you, Mabebs! Mabuti ka pa ayaw akong mamatay!" Mangiyak-ngiyak na siya.
"Ayaw ko lang magkaroon ng bangkay rito," sagot ko.
Nagtawanan silang lahat. Tumingin naman sa 'kin si Zen na parang pinagtaksilan siya ng taong pinaka pinagkakatiwalaan niya.
Biglang bumukas ang pinto at pumasok ang anim na kababaihan. Natigil ang aming tawanan nang dumeretso sila sa 'min na para bang invited sila. Kumunot ang aking noo. Sino ang mga 'to?
"Oh, shit, I didn't invite them," bulong ni Adam.
He showed his phone screen to me. It was a group conversation. It seems like these girls were from the business department. Mukhang nasabi ni Adam na may celebration na nagaganap dito. But the thing is, they're not invited but they here they are. They invited themselves.
"Hi, guys!" bati ni Adam.
Napailing na lang ako. Kinuha ko ang isang baso ng soda at isang piraso ng pizza. Pumunta ako sa mga couch at naupo. Sumunod naman sa 'kin sina Tamara, Yvonne at Jelyn. Mukhang ok naman sila habang kumakain kaya nanahimik na lang ako. Sanay kami sa mga ganitong social gathering kaya alam kong hindi sila ma-a-out of place.
My eyes roamed around and saw Gio still sitting on one of the bean bags. Four of the girls are already around him. Pasimple pa nilang hinahawakan ang braso at balikat ni Gio. Napairap ako sa kawalan. Hindi naman siya umaalma. Kabe-break lang niya sa girlfriend niya at ito siya ngayon, hinahayaan ang mga babaeng 'yon na hawak-hawakan siya.
"Mabebs!" Lumapit sa 'kin sina Jin at Luis. Hinawakan nila ako sa magkabilang braso.
"What?" I asked while looking up. Ibinaba ko muna ang hawak kong basong may lamang soda.
"Picture tayong lahat!" sabi ni Luis.
Tumingin ako sa iba at 'agad na nahagip ng aking mga mata ang mga babae. Lahat sila'y masama ang tingin sa 'kin. I scoffed. Really? What's their problem? They barged in here uninvited and then they'll start looking at me that way. Pakiramdam siguro nila ay aagawin ko sa kanila ang mga crush nila. Hah!
"Alright," sagot ko.
Tumayo rin si Gio at iniwan ang apat na babaeng nakapalibot sa kaniya. Luminya silang lahat at ako ang nasa gitna.
"Can we join?" tanong ng isa sa mga babae.
"It's for the basketball team and for Mabebs only," sagot ni Adam. Inabot niya ang camera. "Can you take a picture of us?"
Pilit na ngumiti ang babae at walang nagawa kundi ang kuhanin ang camera mula sa kamay ni Adam. Hindi ko alam kung matatawa ako o ano sa mga ekspresyon nila. Mukha silang disappointed. Ano ba'ng aasahan nila? This celebration was exclusive for basketball team. Kumbaga sila 'yung napadaan lang at hindi naman part ng event.
Nang matapos ang picture-taking ay bumalik na ako kung nasaan ang mga kaibigan ko. I picked up my bag. "Tara na?"
"Already? Hindi pa kayo tapos, ah?" tanong ni Tamara habang ngumunguya.
Nagkibit-balikat ako. "I want to rest," sagot ko.
Hindi na sila nagtanong pa at tumayo na rin. Lumapit kami sa basketball team na kasalukuyang kumakain pa rin.
"Aalis na kami," pagpapaalam ko sa kanila. "Kailangan ko nang magpahinga."
Mukha naman silang nalungkot sa sinabi ko. Hindi ko maiwasang mapangiti. Para talaga silang mga bata nasa loob ng mga higante nilang katawan.
"Eh, 'di ayaw na rin namin," nakangusong sabi ni Zen. Ibinaba na niya ang hawak niyang baso at isang slice ng pizza. "Uuwi na rin kaming lahat."
Natawa naman ako. "Ituloy niyo lang 'yan atsaka may mga bisita kayo." Saglit akong tumingin sa anim na babae na nakapalibot na ngayon kay Gio. Mukhang si Gio lang naman ang ipinunta nila rito. What's so great about that playboy?
Sumimangot si Bogs. "Hindi naman sila invited, eh." Ang lakas ng boses niya kaya imposibleng hindi nadinig ng mga ito.
Mukhang napahiya sila sa sinabi ni Bogs kaya 'agad silang tumayo.
"Guys, tapos na ang celebration. Maaari na kayong umalis," sabi ni Adam. Nakangiti siya pero mukhang fake. "Thank you sa pagpunta."
Nahihiya namang umalis ang anim na babae at hindi na nakapagpaalam pa nang maayos.
Sinapak ko sa balikat si Adam. "Ikaw ang nagsabi sa group chat niyo ng ganap dito tapos pinaalis mo sila ng gano'n!"
Inakbayan niya ako. Naamoy ko na naman ang pamilyar na pabango mula sa kaniya. Saan ko ba kasi naamoy 'yon? "They asked me what I'm doing and I told them. I didn't tell them to come."
Napailing na lang ako. In the end, we called it a day. Bumalik na kami sa dorms at sila naman ay sa kani-kanilang mga dorms din. All in all, it was a great day. Medyo sumama lang ang mood ko dahil sa Blue Angels at sa mga babaeng nagpunta kanina pero dahil do'n madami akong na-realized. The twelve guys I used to despise the most were not as bad as I think. They protected me but also showed me they were just a bunch of young adults with a brain of a kid.
Nang makarating kami ni Tamara sa aming kwarto ay pabagsak akong humiga sa 'king kama. I instantly closed my eyes and Tamara's voice got drowned in my ears.
"Layas! Layas! Lumayas ka!"
Napakunot ang aking noo nang magising ako sa sigaw ni Tamara.
"Lumayas ka rito!"
Tuluyan na akong bumangon sa kama. Kaagad kong tiningnan si Tamara na nakaharap sa nakabukas na pinto habang may hawak na walis tambo. Wala namang tao sa labas pero sa sahig siya nakatingin.
Saglit akong tumingin sa cellphone ko. It's already Sunday. Nakatulog na lang ako bigla kagabi sa sobrang pagod.
Tumayo ako at nilapitan siya. Napa-poker face na lang ako nang makita ang isang ipis na naka-steady lang sa sahig.
"Tam, ipis lang 'yan," sabi ko.
"Nakakatakot, Lian! Baka biglang lumipad!"
Kinuha ko sa kamay niya ang walis tambo at hindi ako nagdalawang-isip na ihampas ito sa sahig. Nang i-angat ko ito ay patay na ang ipis. Kinuha ko ang dust pan at winalis ang patay na ipis. Nang maitapon ko ito sa basurahan ay tumingin ako kay Tamara na mukhang malungkot.
"What?" tanong ko.
"Kawawa naman 'yung ipis," nakangusong sabi niya.
Napairap ako sa kawalan. "Ipis 'yon, Tam. Ipis!" Umupo ako sa aking kama. "Saan ka nga pala pupunta? Bakit bihis na bihis ka?" Hindi gaanong lumalabas si Tamara tuwing Sunday kaya nagtataka ako dahil mukha siyang aalis.
Ngumiti siya. "Niyaya ako ni Erzo na lumabas." Kinuha niya ang kaniyang bag. "Hindi ko alam kung anong time ako uuwi pero 'wag mo na akong hintayin mamayang dinner."
"Ingat." Kumaway ako sa kaniya bago siya lumabas ng pinto.
Muli akong humiga sa 'king kama at ipinikit ang aking mga mata.
"Wake up."
Naramdaman kong may sumisipa sa hita ko.
"Is she dead?"
Kumunot ang aking noo.
"Lian Isabelle."
Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata. Bigla akong napabangon nang makita si Gio na nakatayo sa gilid ng kama. Nakatulog pala ulit ako? Pero teka, ano'ng ginagawa ni Gio rito sa kwarto ko? Sa dorm namin?
"Bakit ka nandito? Paano ka nakapasok?"
Itinuro niya ang pinto. "It's not locked," sagot niya. "And I already asked for permission from your friends."
Friends? Naalala ko sina Yvonne at Jelyn na katabi lang ng kwarto namin. Napapikit ako nang mariin. Siguradong sila ang nagbigay ng permission kay Gio na pumasok.
"Why are you here?"
"Come with me," aniya. "And be quick, I don't have much time to waste."
"Who are you to order me around?" Humalukipkip ako. "Wala akong oras para sa 'yo."
He scoffed. "Baka nakakalimutan mong nagpatalo ka sa deal."
"Shit," I muttered. Nawala sa isip ko 'yon. Now, what? Is he gonna order me around because of it? Come on, it's freaking Sunday! Ayokong lumabas ng dorm! I just want to sleep! "So, what do you want?"
"I need to buy a gift for a girl and I don't have any idea what to buy," sagot niya. "You have to pick for me."
Pinagtaasan ko siya ng kilay. "Bakit hindi ka magpasama sa mga babae mo?"
Umupo siya sa kama ni Tamara at humalukipkip. "They're clingy. They'll assume there's something going on if I picked one of them. They'll act like they own me," sagot niya. "We both hate each other so it won't happen."
Alam naman palang sakit sa ulo ang pagiging babaero niya pero bakit ginagawa niya pa rin? Kaysa napapadali ang buhay niya, pinapakomplikado niya lang. Ang nakakainis pa, kung makaakto siya parang wala talaga siyang pakealam. His cold and expressionless face are really getting on my nerves. Ano'ng tingin niya sa mga babae, laruan lang na puwede niyang itapon kapag lumalim ang nararamdaman nito sa kaniya?
Tumingin siya sa kaniyang orasan. "Time is running, Isabelle."
Natigilan ako nang banggitin niya ang second name ko. Hindi ko alam kung bakit bigla na lang kumabog ang dibdib ko nang manggaling 'yon sa bibig niya. His voice when he said it was low and seducing.
Seducing? What the fuck am I thinking?
Kaagad akong tumayo bago pa niya mapansin ang nag-iinit kong pisngi. Kinuha ko ang towel na nakasabit sa upuan at pumunta na sa banyo para maligo. Nang lumabas ako ay wala na siya sa kwarto. Mabuti na lang lumabas na siya dahil hindi ako makakapagbihis kung nandito siya.
I went outside and locked the door. Naabutan ko siyang nakasandal sa dingding. He was holding his phone and typing. He looked up when he noticed that I'm already standing beside him.
"Let's go." Ipinamulsa niya ang kaniyang mga kamay sa bulsa.
Napairap naman ako sa kawalan nang lahat ng pinto ng mga kwarto ay nakabukas at nakasilip silang lahat sa pagdaan ni Gio.
Nag-aabang sa labas ang isang itim na Honda Civic Sedan na mukhang bago. Ano pa bang aasahan ko? Siyempre, nasa latest year ang model ng sasakyan niya.
Binuksan ko ang pinto sa passenger seat at pumasok na.
"Sino ang bibigyan mong regalo?" tanong ko.
Pinaandar na niya ang kotse. "My sister," sagot niya. "It's her birthday next week."
Wow? May kapatid pala siya.
"Younger?"
"Yes."
Tumingin ako sa labas ng bintana. Hindi ko alam kung paano ako makikipag-usap sa kaniya nang maayos. Ang awkward tuloy ng atmosphere. Nang naramdaman ko na ang boredom, tumingin ako sa screen sa gitna.
"Wala ka man lang music? Do you mind if I play some?"
"I don't mind," aniya.
Napangiti naman ako. Napansin kong may nasalpak na flash drive kaya roon na lang ako pipili ng kanta.
When I opened the folder bumungad sa 'king ang mga pamilyar na kanta.
"You like Mayday Parade?" tanong ko. They're one of my favorite bands. Mahilig kasi akong making sa mga rock songs, hindi lang halata.
"Yes," sagot niya.
"Nice taste, I'll give you that."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com