Five
Point of View: Rain
*RING* *RING*
Tumunog na ang bell at ito na ang senyales na break time na, Hindi na hinintay ng mga kaklase ko ang pag-labas ng aming guro at nauna na sila dito. Jusko! Mga patay gutom.
Niligpit ko muna ang bag ko bago ako umalis pero bago pa man ako maka-ayos ay naistorbo na agad ako dahil sa anim na supot na dumating para sunduin ang isa pang-supot na katropa nila. Hashtag #TropangSupot
"Yow bro!" bungad ni Jin sapay apir kay Jungkook
Napailing nalang ako at pinag-patuloy nalang ang pag-aayos sa mga gamit ko. Nang matapos konang ayusin ang gamit ko ay aalis na sana ako ng biglang humarang sa daanan ang magilagid na si Suga.
"Problema mo bukod diyan sa gilagid mo?" tanong ko sakanya
Natawa naman ang mga kasama niya dahil sa sinabi ko at mukha naman siyang nainis dahil sa pag-iinsulto ko sa gilagid niya.
Lumapit naman saamin ang isa pang-epal na may mahabang baba "Ang hard mo naman kay Suga" natatawa niyang sabi
Nginitian ko naman siya "Gusto mo sayo din? Ay! Ayoko pala baka masaksak mo ako niyang baba mo at maging dahilan pa ng pagkamatay ko" sabi ko sakanya
Muli namang natawa ang mga kasama niya dahil sa sinabi ko "Nga pala mauna na ako, Wala akong oras sa mga taong takot sa tuli" sabi ko at umalis na
Nang makalabas na ako sa classroom ay hinanap ko agad ang pagmumuka ni Ulap at agad ko naman siyang nakita dahil siya lang naman ang pinaka-gwapo sa paaralan na ito kaya napakadaling tandaan ng mukha niya.
Ngumiti siya saakin ng makita niya ako at lumapit saakin "Bakit ang tagal mo?" tanong niya
Ngumiti naman ako sakanya "Sabihin na nating nakipagtalo muna ako sa mga bading bago ang lumabas" sabi ko
Natawa naman siya dahil sa sinabi ko "Ang tapang talaga ng future girlfriend ko" natatawa niyang sabi kaya naman nakatikim siya saakin ng batok, Jusko! Kinilig kaya ako "Yiee, Nagba-blush siya" pang-aasar niya
"Asa ka naman. Tigilan mo ako sa kakaasar mo saakin baka iwanan kita" inis kong sabi sakanya at pinigilan ang aking sarili na mangiti dahil mukha siyang batang napagalitan
Naglakad na naman ako at sumunod naman siya saakin, Habang naglalakad kami ng magkasabay ay marami na namang mga mata ang nakatingin saamin dahil sa inggit nila saakin.
Ako lang naman kasi ang babaeng laging kasama ng pinapangarap nilang lalaki kaya sino ba naman ang hindi maiingit saakin. Pero wag niyong isipin na nagyayabang ako ah, Sinasabi ko lang naman ang totoo.
Nang makarating na kami sa canteen ay umupo na kami sa sarili naming pwesto at umorder na si Ulap. Habang inaantay ko si Ulap na dumating ay nakarinig ako ng usapan sa kabilang table, Sa table nila Candy
"Tss. Ginagamit niya lang naman si Cloud" rinig kong sabi ni Cherry
"Tama ka girl, Eto namang si Cloud uto-uto" sabi naman ni Apple
"Tss. Mang-aagaw yang babaeng yan, For sure inutusan niya si Cloud na makipag-break saakin" sabi naman ng feelingerang si Berry
"Poorita lang yan, Wag niyo nang kaingitan. Ako nalang dahil ako lang naman ang nag-iisang babaeng gusto ni Jungkook" sabi naman ni Candy
Hindi ko nalang sila pinansin dahil tumigil naman sila ng dumating na si Ulap "Oh, Eto na yung gusto mong goto" sabi niya at nilapag sa mesa ang isang bowl ng goto
Nginitian ko naman siya "Wow! Salamat Ulap" masaya kong sabi sakanya at nilantakan na ang binili niyang goto
Para akong patay gutom na ngayon lang nakatikim ng goto dahil sa sobrang bilis kong kumain, Kasi naman paborito ko ang goto at once a week lang nagluluto dito ng goto minsan hindi ako umaabot pero sinabihan na ni Ulap yung nag-titinda na lagi kaming tirhan tuwing may luto. Haha.
Ang bait ni Ulap diba? Kaya crush ko siya eh. Yiiiieee!
"Grabe ka, Naubos mo agad yun?" hindi makapaniwalang sabi ni Ulap saakin
Sumimangot naman ako sakanya "Dapat kasi nag-aaral kanang mag-luto ng goto para naman hindi na ako nagmumukhang patay gutom kapag nakakatikim non. Paano kita papakasalan kung hindi ka marunong magluto ng paborito kong pagkain?" pag-bibiro ko sakanya
Natawa naman siya dahil sa sinabi ko "Ayoko ngang magpakasal sayo, Baka maghirap ako dahil sa sobrang takaw mo" pang-aasar niya saakin
Inirapan ko naman siya dahil sa sinabi niya, Excuse me kahit matakaw ako sexy padin ako. "Kapag ikaw nanligaw saakin hindi kita sasagutin" inis kong sabi sakanya
"Bakit sino namang nag-sabing liligawan kita?" tanong naman niya
Inis ko naman siyang tiningnan "Nakakainis ka!" galit kong sigaw at iniwan siya
Bwisit! Nakakainis! Hindi ko alam kung bakit pero naiinis ako sakanya! Nagbibiruan lang naman kami pero bakit ganito nalang ako maka-react mukha akong tanga! Naiinis ako sa sarili ko.
"Hey! Ulan ko! Ulan ko!" sigaw ni Ulap dito sa loob ng canteen habang hinahabol ako
Jusko! Di ba siya nahihiya sa ginagawa niya? Tinitingnan na kami ng lahat dito?
Pero pwede bang kiligin? Kese nemen 'Ulan ko' dew. Tapos pinagsisigawan niya pa dito?
"Hoy Ulan!" muli niyang sigaw pero hindi ko padin siya pinansin
Okay, Wag kang lilingon sakanya malapit kana sa pinto makakalabas kana dito Rain, Nakakahiya kasi yang inasta mo kanina eh.
Nang malapit na ako sa pinto ay may pitong supot ang biglang sumolpot kaya naman napatigil ako, Kingama! Kung minamalas ka nga naman oh?
"Oy Ulan ko" natigil din si Ulap dahil napatingin din siya sa pitong nakatayo sa harapan namin
"Ulan ko?" takang tanong ni Rapmonster
Napatingin naman ako kay Jungkook na ang sama ng tingin saakin, Isa pa to eh? Malaki ang problema sa bay*g--este sa buhay.
"Hoy, Kaya kaba hindi na nasama saamin dahil dito sa flatchested nato?" tanong naman ni Jimin
Nasabi ko ba sainyo na tropa nila dati si Ulap? Dati lang pero ngayon ako na tropa ni Ulap kasi ayaw niyang masabihan kong supot siya. Bakla diba? Haha. Dati din pala bestfriend sila ni Jungkook pero ngayon parang hindi na kasi hindi na sila masyadong nakakapag-usap at mag-kasama.
"Hindi dahil sakanya mga repa, May iba akong dahilan" sabi ni Ulap
Sumingit naman si Jungkook at nilapitan kaming dalawa "At ano naman ang dahilan mo at iniwan mo kami sa ere?" seryosong sabi niya kay Ulap
Ohmy! Mag-aaway naba sila? Kanino ako pupusta? Sa Pinsan ko or sa Bestfriend ko?
Natawa naman si Ulap "Bakit mo pa aalamin? Kung alam mo naman ang sagot sa tanong mo?" seryosong sabi ni Ulap habang nakatingin ng mata sa mata kay Jungkook
Napatingin naman ako sa kamoo ni Jungkook na ngayon ay nakatikom na, Natawa naman siya "Hindi ka lang pala traydor, Ahas kapa" mapang-asar na sabi ni Jungkook
Teka? Traydor? Ahas? Whats happening ba?
Lumapit naman ako sa mga lalaking supot, Naglagay ako ng bente sa palad ko napadisisyonan kona kung kanino ako pupusta at magiging loyal ako doon "Oh mga supot, Pusta ako kay Ulap bente? Kayo kanino?" tanong ko sa kanila
Naglabas naman si Taehyung ng 25 pesos "Kay Jungkook ako oh" sabi niya sabay lapag ng 25 pesos
Nakatikim naman ng mahinang batok si Taehyung mula kay Jimin "Tumigil ka nga, Sinasabayan mo pa yang kalokohan ng babaeng yan" saway ni Jimin
Napa-irap naman ako at binulsa na ang pera kasama yung 25 pesos ni Jimin "Kj niyo naman" sabi ko at lumayo na sa kanila
"Hoy yung 25 pesos ko akin na?" sabi ni Taehyung
"May proweba kabang iyo yon? Wala diba? Akin nayon" sabi ko sakanya
"Tss. Namumulubi kana" sabi niya
Inirapan ko naman siya at muling binalik ang atensyon sa dalawang lalaking nagkakainitan na "Wag dito repa, Mag-usap tayo ng tayo lang" seryosong sabi ni Ulap at umalis na sila.
Ano bang nangyayare? Bakit sila nag-aaway? Sino ang inahas at trinaydor?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com