Chào các bạn! Truyen4U chính thức đã quay trở lại rồi đây!^^. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền Truyen4U.Com này nhé! Mãi yêu... ♥

Part two: Five

"Pwede ba kalimutan nalang natin ang lahat. May girlfriend kana diba? Sakanya mo nalang ibuhos lahat ng kalandian mo" masakit man saakin para sabihin ang mga salitang to.

Kaya ko ba talaga siyang kalimutan? Kung sa bawat pagpikit ko tuwing gabi ay siya ang unang-una kong makikita sa isip ko? Lalong-lalo na yung malaki niyang ilong?

"Kalimutan? Tingin mo madali lang kalimutan ang lahat? Kung madali lang yon sige, kakalimutan kita pero putcha Rain, ang hirap dahil para mo nading sinabi na kalimutan kong huminga! Isa pa, wala akong girlfriend!" sabi niya

Napatingin naman ako sa kanya "P-pero sino yung kasama mo sa grocery?" tanong ko 

Ngumisi naman siya "Selos kaba? Kapatid lang yon ni Jin." sabi niya "Boyfriend mo ba yung Storm nayon?" tanong niya

Inirapan ko naman siya "Wala akong pake sainyo! Tsaka ano naman kung boyfriend ko nga si Storm? Selos ka?" 

"Oo."

Tumalikod ako sakanya at saka ngumiti, hindi pala niya ako pinagpalit. Papatawarin kona ba siya? Wag muna, papahirapan ko muna siya. Gagantihan ko muna siya dahil ang sakit ng mga sinabi niya saakin lalong lalo na yung malandi. Hindi ako ganon!

Magsasalita pa sana siya pero pinigilan kona siya "Tigilan mo muna ako pwede ba? Papasok pa ako!" sabi ko at umakyat na ng kwarto

-

"Goodmorning" bati niya saakin

Hindi ko naman siya pinansin at lumabas ng bahay, gusto ko munang makalanghap ng hangin "Psst!" napatingin ako sakanya 

"O?" tanong ko

Kumamot naman siya sa ulo niya "Nag-almusal kana ba?" tanong niya saakin 

Umiling naman ako "Kakagising ko lang. Bakit?" tanong ko sakanya 

"Sakto! Pakain ako" kapal talaga ng mukha ng lalaking to 

Inirapan ko naman siya "Wala kang kakainin, dahil wala namang pagkain" inis kong sabi sakanya 

Tumalon naman siya sa maliit na bakod na naghahati ng mga bahay namin, pinitik niya ang noo ko "Sabihin mo madamot ka lang"

Inirapan ko naman siya "Hindi ako madamot, wala talaga dahil hindi pa ako nakakaluto" sabi ko sakanya 

"Edi magluto tayo para naman makakain na tayo, gutom na ang pogi" sabi niya at pumasok agad sa loob

Shit! Nakalimutan ko, nandyan nga pala si Jungkook! Hala?

Point of View: Storm

Pagkapasok ko sa bahay ni Rain ay mukha niya agad ang nakita ko, hindi ko naman siya pinansin at tutuloy na sana sa kusina para manghalungkat ng makakain pero nagsalita pa siya. Sapakin ko kaya siya?

Tsaka ano pa bang ginagawa niya dito? Nagkabalikan naba sila ni Rain? 

Hindi ako nagseselos dahil wala naman akong gusto kay Rain, gusto ko lang talaga ipamukha sa lalaking to kung ano ang pinakawalan niya. Gusto ko siyang magsisi dahil pinaiyak niya ang magagandang mata ni Rain. Ayokong mamakita ng babaeng naiyak, kaya noong makita ko si Rain sa kwarto ko at naiyak habang sinasabi ang gagong pangalan niya, napagdisisyonan kong makisali sa storya. Tutal gwapo naman ako, mas gwapo sakanya!

Aba't maswerte nga siya na meron siyang kagaya ni Rain diba? Tapos gagaguhin niya lang pala! Walang kasalanan si Rain sa mga ibinibintang niya pero ito padin ang sinasi niya, kung mahal niya talaga si Rain papakinggan niya ang paliwanag nito pero hindi e, mas inuna niya pa ang nararamdaman niya.

Isang beses ko pang makitang naiyak si Rain ng dahil sakanya, hindi ako magdadalawang isip na sirain ang mukha niya.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong niya saakin 

Ngumiti naman ako sakanya "Makikikain. Ikaw anong ginagawa mo dito?" 

"Makikitira sa bahay niya" nakangising sabi naman niya 

"Mahirap kaba at makikitira ka sa bahay ni Rain? Sabagay, wala naman akong pake" nakangiti kong sabi at dumaretso na sa kusina 

Tiningnan ko ang ref ni Rain kung may maluluto ba pero panay hotdog at itlog lang ang laman nito. Jusko! May hotdog na may itlog pa. 

Mahilig siguro si Rain sa hotdog at itlog!

Nilabas ko mula sa freezer ang hotdog "Ano ba tong hotdog ang tigas naman" inis kong sabi 

Nakatanggap naman ako ng batok kay Rain sa di ko malamang dahilan "Aray ha! Bakit kaba nambabatok basta basta?" inis kong sabi sakanya 

"Kasi naman ang bastos mo!" bastos?

"H-ha? Bastos? Anong bastos sa sinabi ko?" naguguluhan kong tanong sakanya 

"H-he he he! Wala lang yon. Biro lang" sabi niya

Inirapan ko naman siya at binalik ang pansin sa matigas na hotdog, bigla namang may nabuo sa isip ko minsan lang ako makaisip ng kabastusan pero itong si Rain madalas "Rain, tingnan mo tong hotdog sobrang tigas dahil sayo" 

Sumama naman ang tingin niya saakin "Gusto mong batuhin kita ng itlog?" inis niyang sabi saakin 

"Madaming klase ng itlog, merong nakakabit at meron din namang galing sa manok, alin ba don?" nang-aasar kong sabi sakanya

Napansin ko namang namumula na siya "Mananahimik ka o papalayasin kita dito sa bahay ko? Bastos!" inis niyang sabi 

Tinaas ko naman ang dalawang kamay ko senyales na suko na ako "Sorry na Baby" pang-aasar ko 

"Hindi ako sangol para tawagin mo akong BABY" inis niyang sabi 

"Edi babes nalang. hihihi" sabi ko at umarteng kinikilig 

"Gago! Hindi ako baboy" inis niyang sabi

"Hmmm? honey nalang para tayong mag-asawa"

Kumuha naman siya ng kutsilyo "Isa pang banat mo, hindi kana makakalabas pa ng buhay sa bahay kong to" pananakot niya 

Lalo namang lumawaka ng ngiti ko, gustong-gusto ko talaga siya kapag naiinis at nagagalit. Ampangit! "Matagal na naman akong patay babes, patay na patay sayo" sabi ko at kumindat 

Bigla naman siyang namula "Kinikilig ka? Sus! Gwapo ko talaga" 

"Kapal ng mukha mo. Magluto kana nga lang diyan aakyat muna ako!" sabi niya 

Hays! Pati si Rain hindi matiis ang kagwapuhan ko. Hindi na ako magtataka isang araw ako na ang mahal niya. Syempre biro lang yon!

Point of View: Jungkook

Matapos kong makinig sa nakakakilig nilang pag-uusap ay nakita kong umakyat si Rain sa taas.

Pumunta ako sa kusina at doon ko naabutan si Storm na abot tenga ang ngiti habang nagluluto ng hotdog. 

Umupo ako sa upuan "May gusto kaba kay Rain?" tanong ko sakanya 

Hindi naman siya humarap saakin "Masyado na ba akong halata?" kahit hindi siya nakatingin saakin ay alam kong may nakakalokong ngiti siya ngayon.

"Wag ka ng umasa, dahil alam naman nating dalawa na akong ang gusto niya" nakangisi kong sabi 

Humarap naman siya saakin ng nakangisi din "Kaya pala kinikilig siya kapag nakakasama niya ang poging ako" 

Nakakaasar na siya ha!

"Makakalimutan kadin niya" dagdag niya pa

"Hindi madaling makalimot, lalo na kung ang pinaka-importanteng tao ang kakalimutan mo" sabi ko naman sakanya

"Talaga? Kung ganon hindi ka pala importante sakanya? Dahil malapit kana niyang kalimutan sa puso niya" nakangisi niyang sabi 

Napahampas naman ako sa mesa "Ano ba talagang gusto mo ha?!" inis kong sabi sakanya 

Ngumisi naman siya "Simple lang naman, Gusto kong umalis kana sa buhay ni Rain"

Natawa naman ako "Sino ka para utusan ako

Tumaas naman ang kilay niya "Ako si Storm, ang bagyong sisira sayo at pro-portekta kay Rain. Kaya hindi ako papayag na malapit kapa kay Rain. Hindi mabubuo ang bagyo kapag walang Ulan. Pero ikaw mamatay kang hindi mo makikita ang Ulan mo" 

Panalo na naman ba siya? Pero sisiguraduhin kong hindi siya mananalo sa puso ni Rain. Akin lang siya!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com