Two
Point of View: Rain
Andito ako ngayon sa isang bench. Inaantay ko kasi si Ulap, sabi niya kasi dito ko daw siya antayin dahil hahatid niya daw ako pauwi sa bahay ko. Habang nag-aantay ako kay Ulap ay may dalawang naupo sa katabi ng bench na inuupuan ko.
"Girl, May napagtripan na naman daw sila Jhope" sabi ng isa sa kanila
"Tss. Wala na bang bago?" boring na tanong naman ng kasama niya habang nagt-text
Medyo natawa naman ako sa sinagot niya. Oo nga naman, Wala na bang bago? Araw araw ko din kasing naririnig ang balita na yan dito sa school. Lagi namang may binubully yang mga lalaking supot. Hindi mabubuo ang araw nila hanggat wala silang nabubully.
At isa na ako sa paborito nila. Mga hindi naman tuli.
Napansin ko naman na nagkakagulo ang ibang mga kababaihan sa medyo malayong lugar. Sino naman kaya ang pinagkakaguluhan nila, Si Ulap o si Ilong?
Hindi ko pa pala nakwe-kwento sainyo na sikat pala si Ilong sa paaralan na ito, Gaya ni Ulap marami din siyang fangirls, Taray ng supot kong pinsan diba? Gwapo din kasi siya kagaya ni Ulap sama mo na yung mga katropa niya, Sikat din sila bilang mga bullies dito sa school. Mapababae o lalaki hindi nila sanasanto kahit ako na pinsan niya nga binubully niya.
"Hey!" napatingin naman ako sakanya na ngayon ay nakaupo na sa tabi ko
Nginitian ko siya saka binatukan "Bakit ang tagal mo!"
"Tss. Alam mo bang ikaw lang ang babaeng nakakabatok sakin ng ganto" sabi niya habang nakahawak sa batok niya
"Tapos? Anong pake ko" sabi ko at inirapan siya
Tumayo naman siya at humarap sakin. Pinisil niya yung ilong ko "Alam mo ang sungit mo" sabi niya habang pisil pisil padin ang ilong ko kaya naman pinisil ko din ang ilong niya
"A-alam mo ang gwapo gwapo mo" sabi ko sakanya habang nakangiti
Point of View: Someone
"Alam mo ang gwapo gwapo mo" sabi ni Rain kay Cloud habang parehas nilang pisil pisil ang ilong nga isa't isa.
Tss. Bakit ang landi nila.
"Alam ko iyon. Maganda kadin naman, Kaya nga bagay tayo. Ulan at Ulap" nakangiting sabi ni Cloud kay Rain. Kapwa naman nilang binitawan ang ilong ng isa't isa. "Ano tara na!" masiglang sabi sakanya ni Cloud
"Tss. Nagugutom na ako. Pinag-anatay mo kasi ako ng pag-katagal tagal" reklamo naman ni Rain sakanya
"Aish. Nagtataka ako kung saan mo nilalagay yung mga pagkain na kinakain mo"
"Malamang sa tiyan ko, Alangan namang sa puwet" sarcastic na sagot niya kay Cloud
Ginulo-gulo naman ni Cloud yung buhok ni Rain "Tss. Pilosopa ka talaga. Pakiss nga" pag-bibiro niya dito. Pinakita naman ni Rain sakanya ang kamao niya kay cloud.
"Suntok gusto mo? Mag-tootbrush ka muna, Tsaka patuli ka na din para maging ganap na binata kana" sabi ni Rain tinawanan lang naman siya ni Cloud
Naalis naman ang tingin ko sakanilang dalawa ng mapansin kong may tumabi sakin "Baka naman matunaw sila. Kung nakikita mo lang kung paano mo sila titigan mapagkakamalan ka talaga nag-seselos, Para kasing gustong-gusto mo nang patayin si Cloud sa mga titig mo." sabi niya
"Tss. Bakla naman yan" tipid kong sagot at iniwan nalang siya.
Ano bang pake ko sa dalawang mahaharot nayon.
Point of View: Rain
"May laman paba ang ref mo?" tanong sakin ni Ulap habang nagd-drive siya
Umiling iling naman ako "Wala na nga eh." sagot ko sakanya
"Last week lang puno iyon tapos ngayon ubos na agad, Saan ba talaga napupunta ang kinakain mo" tanong niya sakin habang nakatingin lang ng deretso sa kalsada
"Sa tiyan nga. Ibili mo nalang ulit ng laman yon. Haha" pabibiro ko sakanya
Siguro iniisip niyo na ang kapal ng mukha ko, Oo. Makapal talaga ang mukha ko, Aarte paba ako kung grasya na mismo ang nalapit sakin. Tsaka wala din naman akong ibang choice kundi kapalan ang mukha ko dahil magugutom ako kung hindi ko gagawin iyon. Wala na kasi akong mga magulang kaya mag-isa nalang ako sa bahay. Namatay ang mga magulang ko sa isang car accident.
Naramdaman ko naman na tumigil ang sasakyan kaya naman napatingin ako sa bintana kung nasa bahay naba kami "Bakit nandito tayo?" tanong ko sakanya, Tinigil niya kasi ito sa isang grocery
"Bibilhan natin ng laman ang ref mo" nakangiti niyang sabi
"Nako! Wag na nakakahiya naman. Hindi mo naman ako responsibilidad para ibili pa ako ng makakain, bayaran ang mga bills ko sa kuryente. Sobra sobra na nga yung mga pag-tulong mo sakin" sabi ko sakanya
Ngumiti naman siya sakin at saka ginulo ang buhok ko "Kulang pa lahat yan" sabi niya at bumaba na
Saglit naman akong nalito sa sinabi niya pero isinantabi ko nalang iyon at sumundo sakanya. Matapos naming mamili ng mga ilalaman sa ref ko ay agad na itong binayaran ni Ulap, Matapos niya itong mabayaran ay umalis na kami kaagad at dumaretso na sa aking bahay. Nang makarating na kami sa bahay ay agad na akong bumaba. Hindi na pumasok si Cloud dahil nag-mamadali nadin daw siya dahil may pamily dinner sila.
Nakakainis lang dahil naiinggit ako sakanya, Hindi dahil sa mayaman siya, Kundi dahil buo sila ng pamilya niya. Samantalang ako eto magisa at walang kasama sa buhay.
Pumasok na ako ng mapansin kong makalayo na ang kotse ni Cloud, Pumasok ako sa bahay ko at nagulat nalang ako sa mga naabutan ko.
"Tita Isabella" lumapit ako sakanya at humalik ako sa kanyang pisngi, Nilapag ko sa mesa sa may sala ang mga dala-dala ko at naupo sa harap nila.
"Ano pong ginagawa niyo dito tita?" tanong ko sakanya
"Tss. Bakit ako walang beso?" parang batang maktol ng anak ni Tita
Sinamaan ko naman siya ng tingin "Jungkook manahimik ka diyan kung ayaw mong tuliin kita sa harap ni Tita" sabi ko sakanya, Nakita ko namang natawa si Tita samantalang siya naman ay napasimangot.
"Hahaha. Tumigil na nga kayo diyan mga bata, Saglit lang talaga ako dito Rain, Hinatid ko lang talaga si Jungkook dito" sabi ni Tita
Kumunot naman ang noo ko dahil sa sinabi niya "Ano pong ibig niyong sabihin?" naguguluhan kong tanong kay Tita
Napatingin naman siya kay Jungkook at bahagya niya itong piningot sa tenga "Pasaway ka talagang bata ka, Hindi mo pa pala sinabi sa pinsan mo. Diba sabi ko sayo sabihin mo sakanya. Aish!" sabi ni Tita
"Ano ba iyon tita? Naguguluhan na ako, Promise!" sabi ko sa kanila
"Tss. Paano ko naman masasabi sakanya, Lagi niya kayang kasama yung Ulap nayon!" inis na sabi ni Jungkook
"Ano namang pake ko sa nararamdaman mong supot ka" sabi ko sakanya
"Tss. Wala din naman akong pake sa nararamdaman mo lalong lalo na diyan sa dibdib mong walang kalaman-laman. Flatchested!" sabi niya na lalo kong kinainis
"Manyak! Supot" inis kong ganti sakanya
"Flatchested. Walang kanang dibdib wala kapang pwet" ganti naman niya sakin
"Kung wala akong pwet paano ako nakakatae? Aber? Sige nga sagutin mo ako!" inis kong sabi sakanya
"Butas lang ang meron ka, Panay buto na" sabi niya
Inirapan ko nalang siya dahil sa sobrang inis ko sakanya! Manyak na to, Supot naman.
Muli ko namang ibinalik ang tingin kay Tita "Ano po yung sasabihin niyo?" medyo naiinis kong tanong
"Aalis kasi kami ng Tito mo papuntang Korea, So si Jungkook lang ang maiiwan sa bahay namin. Napag-isipan namin na nag-iisa kalang din naman dito sa bahay mo, Gusto sana naming dito din muna ang anak naming si Jungkook. Tatlong Buwan lang naman kami, Kami nang bahala sa mga gastusin niyo. Sana pumayag ka" mahabang paliwanag ni Tita
Napatingin naman ako sa katabi niya na ngayon ay nakangiti ng matagumpay!
NO.WAY!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com