CHAPTER THREE
Nasa work si Ara ngayon nang maisipan ng lola ni Thomas na dalawin si Ara sa trabaho nito. Basang basa ito dahil inabutan siya ng kakahintay sa driver niya.
Ara: "Lola eto po ang towel oh. Sabay abot ng towel."
"Aba'y maraming maraming salamat hija!" Nakangiti nitong sagot.
"Lola bakit po kayo lumabas? Nabasa pa po tuloy kayo ng ulan." Worried na tanong ni Ara
"Eh kasi naman Ara. Gustung gusto kitang makita." Sabi ni lola na nakangiti.
"Eh pwede naman niyo naman po kong itext eh." Sabi ni Ara.
"Eh gusto ko kasi na makipagbond sa'yo." Sabi ni lola.
"Ah... eh... lola wait ka lang po jan ah. Maglolog out pang po ako then alis na po tayo." Sabi ni Ara.
"Oh sge apo." Nakangiting sagot ni Lola.
After maglog out ay umalis na si Ara at ang lola ni Thomas at pumunta sa bahay ni Thomas. Pagtapat namin sa door ay may passcode ito. Nagtry si lola ng isa pero mali.
***
Ara's POV
"Ah... eh... hija? Alam mo ba ang passcode niya sa pinto?" Tanong ni Lola.
"Ayy hindi po lola ee. Hehe." Sabi ko na naiilang.
"Ah hindi pa pala kayo ganon ka-close no? Marami pa kayong hindi alam sa isa't isa." Sabi ni lola at nag-input uli ng number at mali pa din.
"Naku lola! Mahal na mahal nun yung sarili niya. Baka po birthday niya yung passcode niya." Sagot ko naman kay Lola
In-enter ni lola ang code at nagbukas ito. Pumasok na kami sa loob at saka pinatuyo si Lola.
"Hija ipagluto mo ko ah." Sabi ni lola sakin nang nakangiti.
"Opo lola." Sagot ko naman
Nagluto ako at hinanda para kay lola. After non ay kumain kami at uminom ng isang liquor. One-on-one kami ni lola.
Grabe! Magaling din pa lang uminom si lola haha.
"Apo! *hik* ang sarap mong magluto *hik*." Lasing na sabi ni lola.
"Maraming *hik* salamat po lola!" Nakangiti kong sabi sabay inom uli ng isa pang baso ng liquor.
"Alam mo ba apo *hik* ang sama sama ng loob ko." Sabi niya sakin.
"Bakit naman po?" Tanong ko.
"Kasi kasalanan ko kung bakit naging loner yang si Thomas. *hik* Hindi ako makatulog sa gabi. Pag nakatulog naman ako, nagkakaroon naman ako ng nightmare. *hik* akala niya siguro iniwan siya ng mommy niya nung mga panahon na iyo. Tuluy-tuloy na sabi ni lola. Gusto ko siyang baguhin apo. Naaawa ako sa kanya. Kung alam niya lang hija. Kung alam niya--" napahinto si lola at nasubsob sa table dahil bigla itong nahimatay.
"Lola?! Lola?! Gising lola! Sabi ko habang inaalog siya." Hindi ito nagising kaya tinawagan ko si Thomas.
*ring ring*
"Hello Thomas?"
"Mamaya ka na tumawag may ginaga--" Naputol ang sasabihin niya nang magsalita ako uli.
"Yung lola mo nag-faint. Hindi ko alam gagawin ko! Pumunta ka na dito dalian mo!" Sabi ko sabay hang up ng phone.
Ilang minuto pa ay dumating na siya pati ang ambulansya para ihatid si lola sa ospital.
"Thomas! I'm sorry." Umiiyak na sabi ko kay Thomas.
"Hindi ka na nakakatulong." Inis na sabi ni Thomas at saka ito umalis.
@ Hospital
Nasa labas lang ako at naghihintay ng balita mula sa doktor. Grabe kinakabahan na ko. Ano na kaya nangyari kay Lola? Nasa loob na yung mama, auntie at si thomas.
***
Third Person's POV
Meanwhile sa loob ng ospital...
"Mama! Bakit mo kami iniwan! Pano na kami huhu!" Hagulgol ng tita ni Thomas.
Tumigil siya sa pagdadama ng biglang humilik yung lola ni Thomas.
Doctor: "Ma'am nakatulog lang siya. Hindi po siguro siya nakakatulog ng maayos?"
Mommy ni Thom: "May insomnia po kasi siya Doc."
"Aah let her rest muna ah. Alis na po ko." Sabi nung doctor at saka umalis.
"Salamat doc." Sabi ng mama ni thomas.
"Akala ko ba naman... Pinakaba mo ko dun Mama!!!" Sabi ng tita ni Thomas.
"OA ka lang talaga magreact." Sabi ng Mama ni Thomas.
"Thomas mag-usap tayo." Utos ng mama nito
Lumabas sila ng room at nag-usap.
Mommy Marg: "Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?"
"Ano na naman ba ang ginawa ko Ma?!" Inis na tanong ng Mama niya.
"Sino ang kasama ng lola mo?" Kalmadong tanong ni Mommy Marg.
"Ako ang kasama niya. Ok na sa'yo?!" Sagot ni Thomas.
Bigla namang dumating si Ara.
"Mama kamusta na po si Lola?" Worried na worried na tanong ni Ara.
Bigla sulpot naman ng tita ni Thomas.
"Ano ba 'yan bakit ka amoy alak? Hmm! Ang sama ng amoy." Sabi nito sabay takip ng ilong.
"Ikaw ba ang kasama ni mama na uminom?" Tanong ni Mommy Marg.
Bago pa sumagot si Ara ay hinila ito ni Thomas.
"Araaay! Thomas masakit... bitawan mo ko!" Sabi nito at agad naman siyang binitawan ni Thomas.
Thomas: "Ano bang pumasok sa isip at ginawa mong makipag-inuman kay lola?!"
'Makinig ka na muna sakin ah. Ganto kasi yon..." Kalmadong sabi ni Ara.
"I don't need that explanation! Ang hilig mo kasing makialam e! Baka nakakalimutan mo Ara, nagpapanggap lang tayo. 'Wag ka masyadong umasta na parang tayo dahil walang tayo at never na magiging tayo! Kaya stop making non-sense things! Gumising ka!" Galit na galit na sabi Thomas.
Hindi na nakapagpigil si Ara at sinagot nito so Thomas.
"Oo! Alam ko! Nagpapanggap lang tayo! Sorry ah! Kung naki-alam ako sa pamilya mo. Akala ko kasi part talaga ako ng family niyo pero akala ko lang yon. Dahil hindi naman talaga! Ititigil na natin ang pagpapanggap. Ok na?!' Umiiyak na sabi ni Ara at saka ito umalis.
***
Kinabukasan...
Ara's POV
After ko mag-take ng breakfast. Ganadong ganado akong pumasok sa work. Lahat ng assignments ko pulido. Tuwang tuwa naman yung manager ko sa ganda ng work ko ngayon.
Manager: "Ara ang sipag sipag mo naman ngayon. Haha baka mapromote ka na niyan. :)"
"Haha hindi naman po Ma'am. Ginaganahan lang po talaga ako ngayon." I cheerfully said.
"Oh sge na. Pagpatuloy mo lang 'yan." Sabi niya sabay alis.
Hindi naman talaga ako ganado ngayon ee. Na-iinis ako sa sarili ko. Grabe na yung mga pinaggagawa kong kahihiyan lalo na sa pamilya ni Thomas.
"Ang lalim naman niyan. Nakakalunod na." Sabi ni Mika.
"Miiiikaaaaa! Namiss kita! Huhu super busy kasi sa work ee." Sabi ko sa kanya.
"Haha sa work nga ba talaga busy?" Sabi niya sabay tingin ng nakakaloko.
"Oyy! Ano na naman niyang iniisip mo. Tigil tigilan mo nga yan!" Inis kong sabi.
Pero bakit kaya hindi niya ko tinitext? Eh bakit ko ba iniisip yon? Hayaan ko na nga lang. Bumalik ako sa work and it ends pero wala pa ding Thomas ang nagpaparamdam. Bakit kaya ako kinakabahan.
***
Meanwhile...
Thomas' POV
I was taking up my shower and after non I got locked. Hindi ko mabuksan. Wala din yung keys sakin. Even my phone is outside. I tried na buksan pero wala talaga. Nag-isip ako ng pwedeng makatulong sakin but hindi sila pwede. Someone pops up on my head. Tama! Si Ara nga but nagflash back sakin lahat ng sinabi ko sa kanya kagabi.
"Hindi din siya." Malungkot kong pahayag.
Three days after...
3rd days na at wala pa ding tumutulong sakin. Nanghihina na ko because walang food and water. Nas-suffocate na ko. After non... all went dark and I spaced out.
***
Ara's POV
3 days na at hindi pa din ako tinetext ni Thomas. Natanong ko na lahat ng pwedeng tanungin pero wala pa din. Kaya naman nagdecide na kong pumunta sa house niya. Since nalaman kp na yung passcode, pumasok na ko sa loob.
"Thomas? Are you here? Sigaw ko pero walang sumasagot. May sasabihin sana ko sa'yo." Dagdag ko pa.
"Thomas?" Tawag ko uli sa kanya. "Gusto ko lang mag-sorry." Sabi ko.
"Thomas!!! Lumabas ka na! Nandito ka ba?! Asan ka?!" Sigaw ko.
"Dito..." sabi ng isang boses. "dito..." ulit niya.
Pinuntahan ko kung saan nanggaling yung boses at nakarating ako sa may cr. Tinry kong buksan yung pinto pero nakalock.
"Thomas?! Ok ka lang ba jan? Jan ka lang aah!" Sabi ko at dali daling kumuha ng kutsilyo pambukas nung pinto.
Pinilit ko itong buksan at pagbukas ko... nakita si Thomas, nakahiga sa floor at walang malay. Nilapitan ko agad siya at pinilit buhatin.
"Thomas hold on!!" Sabi ko sa kanya.
Nagulat ako nang bigla niya kong yakapin ng sobrang higpit. Grabe ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Lalabas na ata yung puso ko. Biruin niyo! Half naked ang nakayakap sakin ngayon! At hindi lang yon! Thomas Torres pa. Hoo! Ara! Gising! Tama na landi!
Tinulungan ko siya at agad na dinala sa ospital.
@ Hospital
Agad naman pumunta ang mga kamag-anak niya nang malaman ang nangyari sa kanya. Aalis na sana ako nang bigla niyang hawakan yung kamay ko.
"Saan ka pupunta?" Bulong niya.
"Ngayon mo ko iiwan kung kailan nandito sila." Sabi niya at dahilan ng pagstay ko sa tabi niya.
Makalipas ang ilang oras ay nagsi-uwi na din ang nga magulang ni Thomas.
"Bakit mo ko pinigilang umalis?" Tanong ko.
"Malamang kapag hinayaan kitang umalis, lalo silang maghihinala tungkol sa'ting dalawa diba?" Sabi niya
"Bakit? Ititigil naman na natin to ah." Sabi ko sa kanya.
Hindi siya sumagot.
"Sige na. Dito lang ako. Hindi ako aalis. Magpahinga ka na. Sabi ko at umupo sa upuan." Nagpahinga naman siya after.
------
Whew! Hahaha lol. Kamusta mga readers? Kabog ba? Hahaha joke lang. Salamat sa support guys! :*
May feelings na kaya si Thomas para kay Ara? Abangan yan sa mga susunod na kabanata. Thanks guys! God Bless!
-infinite_hazel❤
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com