17 ~ DECISION
Aleah's POV
Ugh! Naguguluhan talaga ako!
Hanggang ngayon ba naman! Naaalala ko pa rin siya?!
Naaalala ko pa rin yung mga sinabi niya?!
Naaalala ko pa rin yung pangyayari na yun?!
Nakakainis na! Naguguluhan ako eh!
*phone rings*
Nabaling naman ang pansin ko sa cellphone ko.
Prince..
Calling..
O.O
Luh! Sasagutin ko ba? O hindi na?
Hmm..
Ni-reject ko na lang ang call at huminga ng malalim.
*phone rings*
Ayan nanaman.
Prince..
Calling..
Shet. Sagutin ko na nga. Pfft.
Kaya ko to!
"H-Hello?"nauutal kong bati.
Jusko. Sana di niya ako i-hot seat.
[Ikaw ba si Aleah?]
O.O
B..Bakit iba yung boses? H..Hindi naman yun boses ni Prince eh..
"O-Opo. Sino ka?"natatakot kong tanong.
Kinakabahan na ako..
[Hawak namin si Prince. Baka naman may last message ka para sakanya bago siya mamatay.]
O.O
ANO?! TOTOO BA YAN?!
"H-Hoy! Kayo ah! Wag niyo nga akong p-pinaglololoko!"pilit kong tanggi. Malay niyo, trip lang pala yan.
[Haha. Ikaw? Niloloko namin? Well, Kung gusto mong masigurado kung totoo to o hindi, pumunta ka na lang dito sa lugar namin. Tutal, mas masaya yun.]
So, totoo nga?
Jusko. Kinakabahan na ako..
"S-Sige. Pupunta ako diyan."natatakot na sagot ko.
Kailangan kong mailigtas si Prince..
[Siguraduhin mo lang na di ka magsusumbong. Wala kang isasamang mga pulis o ano pa man. Dahil kung hindi, pasensyahan tayo. NAINTINDIHAN MO?!]
"O..Oo."
Nabitawan ko naman agad ang cellphone ko pagkatapos ng tawag na yun.
Prince..
Prince..
Prince..
I need to save him..
*phone rings*
Sinagot ko kaagad ang call.
"Ano? May kailangan ka pa?! Pupunta na nga diba?! Wag niyo lang siyang sasaktan!"sigaw ko.
Nakakainis na.
[Hello? Aleah si Sam to!]
Sam?
"Sorry, Sam. Bakit?"tanong ko.
Hays. Akala ko naman yung lalake nanaman..
[Aleah, you need to hurry. Naaksidente si Stephen.]
O.O
ANO?!
"What?! Bakit? Anong nangyari?!"nagpapanic kong tanong.
[Later ko na ikukwento sayo. Basta pumunta ka dito, please.]
"S..Sige. Sige."
Then, she ended the call..
Ng bigla kong maalala..
O.O
Si Prince nga pala!
Naku! Pano na to?!
Bwiset na buhay naman oh! Bakit ba tinambakan ako ng problema?!
Prince..
Stephen..
Sino sakanila ang uunahin ko?
Mahal ko si Stephen..
Pero, paano si Prince?
--
3rd Person's POV
Dumating na si Aleah sa lugar na sinabi sakanya ng lalakeng nakausap niya kanina.
Oo. Mas pinili niya si Prince. Mas pinili niya ang kaligtasan nito..
"ANDITO NA AKO!"natatakot na sigaw ni Aleah.
"You're finally here!"sigaw ng lalake.
Di niya kilala ang lalake. Di niya pa ito nakita kahit kelan.
"Asan si Prince?"tanong agad ni Aleah.
"Andun oh!"sabay turo sa isang liblib na lugar.
Halong kaba at takot ang nararamdaman ni Aleah.
Di niya alam ang gagawin niya pag may nangyaring masama kay Prince..
Di niya rin maintindihan kung bakit niya ito ginagawa para kay Prince..
Pwede niya naman itong pabayaan na lang pero pinili niya pa rin ang kaligtasan nito..
Agad na tumakbo si Aleah papunta kay Prince ..
Duguan ito. Halatang binugbog to at marami ring natamong mga pasa at sugat..
Naaawa na siya.
"Prince.."tawag sakanya ni Aleah. Bigla namang pumatak ang mga luha niya.
Tumingin naman si Prince kay Aleah..
"A-Aleah, u-umalis ka na.. Mapapahamak ka lang.."-Prince
"Hindi.. Ililigtas kita."pagpupumilit ni Aleah.
Nanghihina na si Prince. Kulang na Lang, mawalan na to ng buhay.
Nabaling naman ang tingin ni Aleah sa lalake.
"IKAW! BAKIT MO TO GINAGAWA KAY PRINCE?!"galit na galit na tanong ni Aleah.
"Yan kasi eh.. Yan ang napapala ng mga lalakeng manloloko."sagot naman ng lalake.
"HAYOP KA!! WALA AKONG GINAGAWANG MASAMA SAINYO!!"pilit na sigaw ni Prince.
"WALA? TANDAAN MO, DOBLE PA NGA ANG KASALANAN MO. IPAPAALALA KO LANG SAYO AH. UNA, DINAYA MO KAMI SA LABAN TAPOS ISINUMBONG MO PA KAMI SA MGA PULIS AT PANGALAWA, NILOKO MO ANG KAPATID KO!! ANO? NATANDAAN MO NA?"sigaw ng lalake kay Prince..
"H-Hayop ka talaga.. Ginawa ko lang ang tama. Saka yung kapatid mo? Di ko naman minahal yun eh."-Prince
"TUMIGIL KA!!"saway nang lalake at tinadyakan niya si Prince.
"PRINCE!!"sigaw ni Aleah habang umiiyak. Di niya na kayang makitang ganyan ang kalagayan ni Prince.. Masakit para sakanya.
Di niya naiintindihan ang mga nangyayari. At mas lalong di niya naiintindihan ang nararamdaman niya para kay Prince ngayon.
Tumakbo si Aleah papalapit kay Prince at niyakap niya ito.
"A-Aleah.. Umalis ka na. Mapapahamak ka lang. Sige na.."pakiusap ni Prince pero umiling lang si Aleah.
"Ayoko. Dito lang ako. Kung mamamatay ka rin lang naman ngayon, handa na rin akong mamatay."umiiyak na sabi ni Aleah.
"HAYY! TAMA NA ANG DRAMA! ANG AARTE NIYO PA EH! PARA TAPOS NA ANG KWENTO, SABAY NA LANG KAYONG MAGLAKBAY SA LANGIT!"sigaw ng lalake at saka itinutok ang baril sa dalawa.
"Hayop ka Prince.. Dahil sa panloloko mo sa kapatid ko kaya nagpakamatay siya. Kaya ngayon, magkita na lang kayo sa langit."dagdag pa ng lalake.
"Please.. T-tama na.."pakiusap ni Aleah.
"Aleah, umalis ka na. Mapahamak na ako, wag ka lang. Sige na."sabi ni Prince kay Aleah.
"No, Prince. I told you. Kung mamamatay ka ngayon, handa na rin akong mamatay."
Nanghihina na ang dalawa. Ang tanging iniisip na lang nila ay ang maging handa.
Maging handa sa kamatayan nila..
"Mahal na mahal kita, Aleah.."
"I love you more, Prince.."
*BANG! BANG!*
And everything went black..
To be continued..
--
WAAAAAHH~! Peyl ba, guys? Okay, sorna sa ka-dramahan ng chapter na to. Wala eh. Poor ang drama skills ko xD Pagtiyagaan na, Guys!
Anyway, eto na ang short UD!! Enjoy~ Sorry din sa fail na sound effects XD
Ano na lang kaya ang susunod na mangyayari kina Prince at Aleah?
Happy ever after pa ba? O Happy never after na?
Vomments!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com