Chào các bạn! Truyen4U chính thức đã quay trở lại rồi đây!^^. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền Truyen4U.Com này nhé! Mãi yêu... ♥

20 ~ New Chapter

After 2 years..

-Aleah's POV-

"WHOO! PARTEH!"sigawan ng mga tao sa loob ng bar na to. Ano ba, ang ingay nila. Samantalang ako, eto. Nakaupo sa isang couch sa may kasulok-sulukan. Tss, akala ko pa naman di na masyadong rinig yung ingay dito pero oo parin pala -_-

Haha, nakakatawa lang. Kasi after 2 years, ganito parin ako. Nagpapaka-rebelde parin ako. Naghihintay parin ako sa wala. Ang tanga ko lang.

Napatingin naman ako sa harapan ko at nakita ang isang lalake na papalapit sakin.

"Hey, miss."bati niya sakin saka tumabi sakin. Ew, nandidiri ako. Ang landi naman netong lalakeng to.

Inirapan ko na lang siya at uminom ulit.

"Any problem?"tanong niya.
"Tss. It's none of your business."pantataray ko.
"Hah, you don't need to deny. Alam kong may problema ka. C'mon, tell me."sabi niya saka umusod ng konti sakin. Samantalang ako naman, lumalayo sakanya. Aish, nakakadiri siya.

"Ano ba. Stay away from me. Nakakadiri ka."tugon ko sakanya. Pero mas lumapit pa siya sakin at hinawakan ang kamay ko.

Sht. Walangya to.

"ANO BA! LAYUAN MO NGA AKO! ANG LANDI MO! EW!"pagsisisigaw ko. Pero mas lumapit pa siya at hinipuan ang legs ko. Sht. Ew.

Kinuha ko yung baso nang iniinom kong alak saka ko tinapon yung laman na alak sakanya.

"Ugh! How dare you!"galit na sigaw niya saka ako tiningnan ng masama. Oh hell.

Bago niya pa man ako sugurin ay inunahan ko na siya sa pagtakbo.

Nang makarating na ako sa may pinto ay bigla akong may nakabangga na lalake. Thank God dahil nasalo niya ako kung hindi, matutumba nanaman ako. Lasing pa naman ako. Letche.

"Aleah! Ghad, sabi na nga ba at nandito ka lang!"

Napatingin naman ako sa lalake.

Ahh, si Denrick pala.

Lagot nanaman ako nito.

Tangna lang, nahihilo na ako. Nanghihina na ako. Anytime, pwede na akong maglampisaw sa sahig.

"Denrick, can you just take me home?"request ko.
"Aish. Halika na nga."sabi niya saka ako inalalayan palabas ng bar.

Nang makarating kami sa parking lot ay sumakay agad ako sa kotse niya at isinandal ang ulo ko.

Ugh, ang sakit. Masakit sa ulo, masakit sa katawan, masakit sa..puso.

Hindi naman ako magiging ganito kung di dahil sakanya eh. The worst thing is, he doesn't even know what's going on and he really doesn't care.

You exactly know who I am talking about.

Yeah, it's Prince.

And do you know why he doesn't care? It's because he already love someone else.

Oo, masakit pakinggan at mahirap paniwalaan pero yun yung totoo!

At hanggang ngayon, sinisisi ko parin yung sarili ko. Iniisip ko kung ano bang nagawa kong mali para parusahan ako ng ganito? Iniisip ko na siguro, kulang pa yung pagmamahal na naipakita ko sakanya.

Ayoko sanang paniwalaan eh. Kasi alam kong di niya magagawa yun kaso ano pa bang magagawa ko? Dalawang taon na pero wala man lang Prince na nagparamdam sakin!

After nung day na yun, never na akong nakalapit pa ki Prince. Nakakakuha na lang ako ng impormasyon by means of Ate Queenie. Sabi niya, ok naman daw si Prince. Naka-survive pa naman daw to. Pero in coma stage parin.

Araw-araw akong nag-aalala sakanya. Araw-araw akong bumibisita sa ospital kahit alam kong bawal. Pero mahal ko yung tao eh. Gagawin ko ang lahat para sakanya.

Then one day, nag-text na lang bigla sakin si Ate Queenie.

"Sorry, Aleah. Sorry."

Ni hindi ko alam kung anong ibig niyang sabihin dun pero after nun, wala na. Wala na akong communication kay Ate Queenie at wala na rin akong nakukuhang impormasyon tungkol kay Prince.

-flashback-

"ANO BA! BITAWAN NIYO AKO! PRINCE! PRINCE, KAUSAPIN MO AKO PLEASE! ALAM KONG ANDYAN KA! ATE QUEENIE! ATE, KAUSAPIN NIYO AKO PLEASE!"pagmamakaawa ko.

Nandito parin ako sa labas ng bahay nila at nagmamakaawa na kausapin nila ako. Kahit na patuloy akong ipinagtatabuyan ng mga guards nila.

"PRINCE! ATE QUEENIE! PLEASE, KAUSAPIN NIYO AKO!"umiiyak na sigaw ko.

Bigla na lang nagbukas ang gate at lumabas si Ate Queenie.

Gumaan naman ng konti ang loob ko.

"Ate..Ate please. Kausapin mo ako. Kumusta si Prince?"nag-aalalang tanong ko.

Pero tinitigan niya lang ako nang seryoso saka siya yumuko.

"Aleah, umalis ka na please."mahinahon na sambit niya.
"Bakit? Ate please. Ano bang nangyayari? Please. Sabihin mo lang na ok si Prince, ok na yun sakin. Please naman oh. Ipaintindi niyo sakin."pagmamakaawa ko parin.

Kinagat niya lang ang labi niya at tumingin sakin.

"Ate--"naputol ang sasabihin ko nang bigla siyang magsalita.

"ALEAH, WALA NA SI PRINCE! WALA NA SIYA OK? PUMUNTA NA SIYA SA STATES! UMALIS NA SIYA!"

At yun ang ikinagulat ko.

Meaning, ok na si Prince? Pero bakit siya pumunta sa ibang bansa?

No. Alam kong hindi niya magagawa yun.

"Ate, panong--? Hin..Hindi niya yun magagawa--"
"ALEAH! ALEAH, MAKINIG KA SAKIN! ALEAH, NAGAWA NIYA NA! UMALIS NA SIYA! DI MO BA NAIINTINDIHAN? INIWAN KA NA NIYA!"
"P..Pero bakit?"

"KASI AYAW NIYA NA SAYO! DI KA NA NIYA MAHAL! KASI MAY MAHAL NA SIYANG IBA! IKAKASAL NA SIYA SA IBA!"

"Kaya please..Please. Mas mabuti kung aalis ka na lang."saka siya pumasok ulit.

Habang ako..nanghihina na. Hindi ko maintindihan. Panong...Pano niya nagawa yun?

Napaluhod na lang sako sa sahig at umiyak. Hindi ko na kaya. Sobra-sobra na.

-end of flashback-

And after nun, eto na ako ngayon. Nag-iba na nga ako.

"Ok ka lang ba?"rinig kong tanong ni Denrick. Napapikit na lang ako.

"Obviously not."seryosong sambit ko.
Napa-buntong hininga naman siya.

"Aleah. Aleah, nandito naman ako ah? Bakit di na lang ako? Bakit siya pa rin? Andito ba siya nung mga oras na kailangan mo ng tulong? Andito ba siya nung mga oras na kailangan mo ng masasandalan? Andito ba siya nung mga oras na bumibigay ka na? Andito ba siya nung--"
"OO! OO, WALA SIYA! WALA SIYA NUNG MGA ORAS NA YUN! PERO MAPIPILIT MO BA AKO SA BAGAY NA AYAW KO? SIYA YUNG DAHILAN NG MGA NGITI KO! SIYA YUNG DAHILAN KUNG BAKIT AKO NABUBUHAY. AT HANGGANG NGAYON, UMAASA PA RIN AKO NA BABALIK SIYA! MAHIRAP. MASAKIT. PERO MAPIPILIT MO BA AKONG KALIMUTAN ANG TAONG MINSAN NANG BUMUO SA BUHAY KO?"sigaw ko sakanya.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Feeling ko, bibigay na ako.

"Well, sorry! Sorry kung iniisip mo na pinipilit kitang mahalin ako! Sorry kung pilit kong iniipit ang sarili ko sayo! Mahal kita eh.. Ang di ko lang maintindihan, bakit siya pa? Bakit yung tao pa na minsan nang nanakit sayo? Bakit siya pa na nagpaiyak sayo? Bakit siya pa na dahilan ng pagbabago mo ngayon?"
"BAKIT SIYA PA? KASI SIYA YUNG MAHAL KO. KASI HANGGANG NGAYON, SIYA PARIN ANG HINAHANAP-HANAP KO. Kaya please lang. Wag mo nang dagdagan pa ang problema ko."

Until now, hinihintay ko parin siya. Inaasahan ko parin na babalikan niya ako.

Posible pa kaya yun?

-3rd Person's POV-

"Babe, nasan na tayo?"tanong ng lalake sa girlfriend niya.
"Nasa Pilipinas na tayo, Babe. Haven't you missed this?"tanong naman ng girlfriend niya.
"Uh-I don't know. Wala akong maalala tungkol sa lugar na to."tugon naman ng lalake.

Napatango na lang ang girlfriend niya.

"Hindi ba susunod dito sina tita?"tanong ng babae.
"Hindi muna ata. May kailangan pa silang asikasuhin sa business namin dun. So for now, sa condo ko muna tayo titira."
"Ah ok. Tara na. Andyan na ata yung sundo natin."

Pagkarating ng sundo nila ay sumakay agad sila sa sasakyan.

"Babe, bakit tayo dito pinadala nina Mom?"tanong ng lalake.
"Hmm...Ahh-eh.. Ewan ko. Siguro kasi dito ka pinganak and para na rin makagawa tayo ng new memories..together."naka-ngiting sambit ng babae.

Tumango na lang ang lalake.

"Babe, wala ka ba talagang naaalala tungkol dito?"
"Wala talaga eh. Bakit ba? May kailangan ba akong alalahanin?"
"Uh-wala naman. Just asking. Pero, don't worry. Mas mabuti na rin yun."
"Huh? Pano naging mabuti yun?"
"Ah wala. Uhmm..Gusto mo ba ipagluto muna kita ng pagkain pagkarating natin sa condo mo?"
"Sige. Aw ang sweet talaga ng babe ko."
"Syempre. Ikaw pa."

Makalipas ang ilang minuto ay nakarating na rin sila sa condo na tutuluyan nila. Pero nakatulog pala ang lalake habang nasa biyahe sila kaya ginising ito ng girlfriend niya.

"Babe, gising na."sabi ng babae at tinapik-tapik ang lalake.

Unti-unting iminulat ng lalake ang mga mata niya.

"Althea, nasan na tayo?"
"Andito na tayo sa condo, Prince.."

--

Guyseu~ omg. After 696969 years ay nakapag-UD na rin ako XD Huehue. So, sa mga nag-aabang ng update, eto na po! Sana ay ma-enjoy niyo kahit super sabaw neto :3

I need to know your thoughts kaya comment naman kayo. Haha. Para kasing tumahimik kayo eh. Wala na bang nagbabasa neto? :v Sorry kasi natagalan ang UD. Masyadong busy si Author eh. Hehe, chos.

O, musta naman kayo? Humihinga pa ba? Ako, ok lang naman. Dyosa pa rin. Charot, mas maganda yung nagbabasa neto ;)

Abangan ang next UD after 69 years. Juk, basta abangan niyo na lang. Pero baka makapag-update naman ako agad kasi medyo ginaganahan ako. Saka isa pa, nasimulan ko na yung new chapter ng buhay nila kaya baka ituloy-tuloy ko na to.

Well, the question is..Ano kayang nangyari kay Prince at ano kayang dalang ka-gaga'han ni Althea?

Lol, yun lang. Wabyu :*

VOMMENTS.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com