5~PRANK
Aleah's POV
Nudaw?
π__________π
Letche. Ano bang pinagsasasabi neto? Emergency? Panganib? Prince?
Hayy pinaglololoko nanaman ata ako ng mga taong to. Saka bakit ako pa? Pwede naman yung iba diba? Sino ba naman ako sa buhay ni Prince? Tch. Wag na nga lang.
Bigla ko naman naisip yung nakalagay sa sulat...
Pag namatay siya, sisisihin ka ng lahat...
Hala! Baka nga totoong nasa panganib si Prince! Pag namatay pa yun ako pa sisihin nila eh! Aish! Nakakainis!
*phone rings*
From: 09*********
Nasaan ka na? Nag fi-fifty fifty na si Prince. May lung cancer siya matagal na...At ikaw ang gusto niyang makita bago siya mamatay..Bilisan mo!
~Kaibigan ni Gwapong Prince
Aish! Eto nanaman tong Kaibigan ni Gwapong Prince na to eh! Ay hindi! Hindi pala gwapo si Prince!
Nag-reply naman agad ako..
To: 09*********
Please. Wag niyo akong pinaglololoko. Hindi ako pupunta diyan. Mga sinungaling!
Bahala sila. Baka mamaya ginu-good time lang pala ako niyan.
*phone rings*
From: 09*********
Totoo ang mga sinasabi ko..Sige ka. Pag ayaw mo pang pumunta dito, bahala ka na! Pag namatay to sisisihin ka ng lahat!
To: 09********
Bahala kayo! Saka bakit ba? Pag pumunta ba ako diyan mabubuhay yan? Ano naman koneksyon ko diyan? Tss. Kung mamamatay yan, mamamatay yan!
From: 09*********
Please pumunta ka na dito. Pag namatay to munultuhin ka nito.
Di na ako nag reply. Hala! Oo nga noh. Baka multuhin ako nun! Takot ako!
Bigla na lang akong tumayo sa kinauupuan ko at ewan ko ba anong pumasok sa kokote ko at lumabas na ako ng school.
Ang tanging nasa isip ko lang...Kailangan kong puntahan si Prince..
Prince's POV
"Hahahaha! Bro, grabe! Di na nag-reply! Bakit naman kasi ngayon mo pa naisipan mang good time?"sabi sakin ni Drei.
Kanina pa tawa ng tawa ang tropa ko. Haha! Kahit ako natatawa din! Pano naman kasi, napag-isipan ko na pagtripan si Aleah. Ewan ko ba pero parang gusto ko siyang palating inaasar. Haha.
Nangangati na nga ako dito sa pwesto ko eh. Nakahiga ako sa kama ko at nagkukunwari na parang may cancer.
May pustahan kasi kami. Pag pumunta dito si Aleah, ibig sabihin may gusto siya sakin kasi concerned siya sakin at bibigyan nila ako ng tig fa-five thousand. Tapos, pag di naman dumating si Aleah, bibigyan ko sila ng tig se-seven thousand.
Mag-isa lang naman ako dito sa bahay eh. Wala dito ngayon ang walang kwenta kong ama. Nasa business trip niya. Bahala siya. Magpakasasa siya sa negosyo niya.
Ang nanay ko? Wala na. Five years old pa lang ako, namatay na siya dahil sa car accident. Kaya ngayon, yung tatay ko, nagpapakasarap sa mga babae at kayamanan niya.
Like father like son lang. May condo ako pero dito muna ako sa bahay. Wala akong katulong sa condo eh kaya dito na lang ako sa bahay. Atleast dito may katulong. Isang utos ko lang, bigay agad.
Siguro naman kilala niyo na ako.
Prince Ethan Villaflor at your service! Ako lang naman ang pinaka gwapong nilalang sa balat ng earth. Malakas ang tama si chix. Palating tinitilian ng mga babae kahit mga lalake. Nababakla na sakin.
Hay shet. Ang tagal naman ng Loves ko. Nasan na kaya yun?
Ang sarap lang pagtripan ng babaeng yun. Patol kasi ng patol sa mga biro ko. At nararamdaman ko na may tama sakin ang babaeng yun. Tss. For sure kahit siya nagwapuhan sakin...Pakipot lang . Sino ba naman makakatanggi sakin?
Pasalamat nga siya eh. Maswerte na siya. Sa lahat ng babaeng nagkakandarapa sakin, siya ang napansin ko. And. Nahalikan ko pa.
Haha. First kiss niya daw yun. Galit na galit pa kasi ninakaw ko daw first kiss niya. Paki ko ba? Ako nga nakailang kiss na eh. Pero hanggang kiss lang. Bawal pa muna ang ibang kababalaghan. Virgin pa ako noh! Third year highschool pa lang ako...
First kiss..Sa hitsura kasi ng babaeng yun, sino ba naman ang magkakagusto na humalik dun? Tch. Ewan ko nga bakit pinagsasayangan ko pa yun ng oras ko...=________=
First kiss...Ang first kiss ko? Never ko yung makakalimutan...Isa yun sa pinaka memorable pero pinaka masakit na ala-ala ko.
Minsan na akong naging seryoso sa love.. Pero after ng pagseseryoso ko na yun....Wala na. Eto na ako ngayon. Pinaglalaruan ang pag-ibig.
Pare-parehas lang sila...Sasaktan ako.
Tss. Bakit ba ako nagdadrama dito?
*BLAM!*
"Ethan, andyan na Loves mo."sabi sakin ni Denis kaya natauhan ako.
"Andyan na? Sige papasukin niyo na. Yung pinractice natin ah!"sabi ko naman sakanila. Siyempre, dapat praktisado ang lahat. Para maganda ang acting.
"Aleah!! Dito ka!"narinig kong sigaw ni Gelo kay Aleah kaya ipinikit ko na ang mga mata ko para magkunwaring patay. Haha. Talo na ang mga katropa ko. Dumating si Aleah kaya babayaran nila ako ng tig fa-five thousand..Tss.
Ibig sabihin din ba nun may gusto sakin si Aleah at concerned siya?
*insert mapanglokong smile*
Ayan na siya...
3rd Person's POV
"Anong nangyari?"hihingal- hingal na tanong ni Aleah sa mga katropa ni Prince.
At ang mga kaibigan naman ni Prince, ayun! Umaacting na parang nawala talaga si Prince.
"Huhuhu! Late ka na Aleah. Wala na siya. Huli ka na."mangiyak-ngiyak na sabi ni Drei. Pero siyempre, joke lang ang pag-iyak niya!
"Wala na siya Aleah..Wala na.."-Denis
"Bakit ang tagal mo? Alam mo ba na namatay siyang malungkot? Ang sama mo..Ikaw na lang ang huli niyang kasiyahan sa buong buhay niya pero...Binigo mo siya..."-Gelo
Wow. Best actor ka na Gelo!
"Ayan na siya ngayon...Malungkot na pumanaw.."sabi naman ni Mico kay Aleah habang nagpupunas ng luha kahit wala naman talaga..
Bigla namang naging seryoso ang mukha ni Aleah at nakaramdam siya ng panghihina.
Lumapit naman siya kay Prince at tumayo sa harapan nito. Habang ang mga kaibigan naman ni Prince ay patagong tumatawa..
"Prince..."tawag sakanya ni Aleah... Kahit naiinis siya dito ay nakakaramdam pa rin siya ng pagkalungkot para dito.. .
And at the same time ay natatakot na din siya dahil baka multuhin siya nito. =__________=
"Bakit ngayon ko lang nalaman na may sakit pala si Prince? Di naman kasi halata sa hitsura niya."tanong naman ni Aleah sa mga kaibigan ni Prince.
"Kasi gwapo siya. Kaya di halata na may sakit siya."sagot ni Drei sakanya at binatukan naman siya ng best actor na si Gelo.
"Loko ka. Kasi Aleah, ayaw niyang malaman ng iba eh. Ayaw niyang malaman mo para kahit papano ay may time pa kayong magkasama. Kahit na inaasar ka niya...Deep inside, ang saya niya. Kasi nakikita ka niyang ngumiti at mainis...Kahit sa mga huling oras niya sa mundo..Kaya nga sana nakarating ka ng mas maaga.. Para kahit man lang sa pagpikit ng mga mata niya ay...Nakita pa natin siyang ngumiti for the last time."Oha! Hugot to si Gelo!
Nati-teary eyes na si Aleah.. Lumuhod siya sa tapat ni Prince at hinawakan ang mga kamay nito..
"Sorry Prince..Di ko naman alam na...may hidden feelings ka pala para sakin..Pinapatawad na kita sa mga kasalanan mo sakin..Sorry sa lahat.."at bigla na lang may tumulong luha sa mga mata ni Aleah na mas lalong nagpatawa sa mga kaibigan ni Prince..
"AHAHAHAHAHAHA!!!"Ayan tuloy..Napalakas ang tawa nina Gelo.
Tumingin naman si Aleah kina Gelo ng nagtataka.
"B-Bakit kayo tumatawa?"nagtatakang tanong ni Aleah.
Tinuro naman ni Drei ang direksyon ni Prince. Nakamulat na ang mata ni Prince at tumatawa na din..
Nagulat naman si Aleah at nagpunas ng luha..
"A-Aaaaaaahhhhh!!!! Multo!!!"takot na takot na sigaw ni Aleah. Akala niya kasi nabuhay na patay si Prince..Hay Aleah talaga..=______=
Nagpapanic na si Aleah..
"Aleah! Aleah! Wait lang!"saway sakanya ni Mico..
"Eeeee!!!! Multooo!!!"sigaw ni Aleah habang tinuturo-turo si Prince.
"Multo ka diyan! Buhay pa yan!"-Denis
"Wag kang OA Aleah."-Gelo
"Loves! Wait lang! Buhay pa ako! Prank lang yun. Ayos ba?"
Napahinto naman si Aleah at tinitigan si Prince..
"P-Prank...?"
~~~♥~~~
-----------Yey! Update! Enjoy guys! Vote and comment! :)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com