Chào các bạn! Truyen4U chính thức đã quay trở lại rồi đây!^^. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền Truyen4U.Com này nhé! Mãi yêu... ♥

043

07:42 pm

Gino: anong pinapahirapan ang sinasabi mo, Mimi?

Gino: slr

07:59 pm

Mimi: oh.

Mimi: okay lang.

Mimi: ano. hindi mo pa nga pala alam.

Gino: edi ipaalam mo sakin.

Mimi: si Meredith pala yung kapatid mo.

Gino: oo. sa totoo lang mabait siya, sobra. pero nainis talaga ako sakanya at nasabihan siya ng hindi dapat dati kasi ayaw na ayaw ko magpunta rito

Gino: pero nandito na ako

Gino: sana hindi ko na siya sinabihan ng ganun kasi pumayag din naman ako

Mimi: ahh.

Gino: bakit? magkaklase ba kayo?

Gino: ano bang ginawa niya sayo?

Mimi: hindi ko siya kaklase.

Mimi: mas matanda ang ate mo sakin

Gino: eh ano yung pagpapahirap na sinasabi mo?

Mimi: Gino, isa siya sa mga babae ni Axel.

Gino: ano?!

Gino: that's just so fucked up!

Gino: Mimi kung may galit ka sa ate ko sabihin mo ng diretso. hindi yung maninira ka pa.

Mimi: Gino hindi ako naninira

Mimi: gusto mong malaman ang totoo?

Mimi: tanungin mo ang ate mo.

Mimi: sabi ni Axel siya raw ang dahilan kung bakit nagkaganun kami dati

Mimi: pero ngayon di ko na alam

Gino: ano bang kagaguhan yan?

Mimi: makinig ka muna.

Mimi: mag iisang buwan na rin nung nagsimula ang klase. at alam mo ba? halos araw araw akong umuuwing luhaan. pakshet.

Mimi: parang sawi lang eh, no? wala na akong time para ichat ka, kasi nauubos yung oras ko bawat gabi para magsayang ng luha.

Mimi: alam mo bang nabubully ako sa school? psh. lumaki na ako't lahat lahat tyaka pa ako nabully.

Mimi: kilala mo ba kung sino ang may pakana?

Mimi: yung ate mo lang naman.

Mimi: at alam mo kung anong masakit? yung naging kaibigan ko siya dati. ang ate ko sa school. eh ngayon? wala na.

Mimi: pero alam mo yung mas masakit? yung sinira niya yung meron kami ni Axel dati

Mimi: last na, alam mo ba yung pinaka masakit? ikaw ang kapatid niya.

Mimi: jeske pe. hindi ko na alam ang paniniwalaan ko kasi sobrang gulo. naniniwala na talaga akong maliit lang ang mundo

09:03 pm

Gino: Mimi sorry

Gino: Mimi kinausap ko si ate at napaamin ko na siya

Gino: Mimi wag ka namang magalit sakin oh

Gino: pasensiya ka na sakin hinusgahan kita agad

Gino: please Mimi magreply ka kung nandiyan ka

Mimi: nandito ako

Gino: Mimi... patawarin mo ako. ako na ang humihingi ng tawad para sa ate ko

Mimi: hindi mo kailangang gawin yun, Gino.

Mimi: ate mo yung may gawa kaya wag kang magsorry

Gino: kung ganun kakausapin ko siya para makapag usap kayo

Mimi: wag mo ng gawin yun Gino

Gino: pero bakit?

Mimi: kaya ko namang tiisin yung pambubully niya

Mimi: kaya ko pa

Gino: alam mo ba kung bakit hindi agad kita nakita kanina?

Gino: pugto yung mga mata mo, halatang kagagaling mo lang sa iyak.

Gino: alam mo ba kung bakit hindi kita nilapitan? kasi baka mayakap lang kita bigla

Gino: Mimi ayaw kitang makitang nasasaktan

Gino: kaya kahit ate ko pa yung gumagawa sayo ng mga yon at sinabi mong hindi ko gawin yung ginagawa ko ngayon? gagawin ko pa rin kasi ayaw kong konsintihin yung mali at yung gusto mo

Gino: kasi alam ko yung tama sa mali

Gino: at yung tama ay yung tulungan kitang wag ng masaktan.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com