047
Napalinga ako sa paligid. Minuminuto akong humihinga nang malalim dahil kanakabahan ako. Sa totoo lang, natatakot ako. Pero nandito na, eh. Kailangan kong harapin.
Tinago ko ang cellphone ko sa drawer at ni-rub ang kamay ko.
Tumunog ang doorbell. Automatic naman na napalingon ako sa pinto at tumayo ang balahibo ko. Sheez.
Dahan dahan akong pumunta roon. Hinawakan ko ang malamig na metal at pinihit ito nang dahan dahan.
Bumungad sa'kin ang nakangising Axel. "Hello, Midnight." At mas lalo pang lumaki ang ngisi niya. "Hindi mo man lang ba ako papapasukin? Natulala ka na sa kagwapuhan ko," he chuckled.
"Gago." Ang tangi kong nasabi tyaka siya pinapasok sa loob.
"Pinatay mo si Alice." Natigilan ako sa agad niyang sinabi. Seriously? Wala man lang panimulang bati, yan agad?
"Ilang beses ko bang sasabihin na wala akong ginawa sakany-" 'di ko na natapos ang sasabihin ko dahil naramdaman ko nalang ang malakas niyang pagsampal sa mukha ko.
"Huwag kang magsinungaling! Dahil sa'yo kaya siya nagpakamatay! Ikaw ang pumatay sa kanya!" Atyaka niya ako sinikmuraan.
Puta ka Axel.
"Axel!" Tawag ko sa kanya ngunit 'di niya ito pinansin.
Marahas niyang hinawakan ang mukha ko, "Papatayin kita,"
Sa sinabi niyang iyon ay napaluha ako kaagad. Kahit gusto kong sumigaw para humingi ng tulong ay walang lumalabas sa bibig ko kundi ang paghikbi ko.
Naiinis ako. Naiinis ako sa sarili ko.
Hindi pa ako kumakain kaya wala akong lakas para labanan si Axel. Paulit ulit niyang sinuntok ang mukha ko hanggang sa maging manhid na ito dahil wala na akong maramdamang sakit. Sa sobrang sakit naging manhid na. Pakshit ka.
"A-a-axel, t-tam-ma n-na," pakiusap ko. Ang daming dugong nagkalat sa sahig. Linisin niya yan.
"Anong tama na?! Dapat lang yan sa'yo!"
"I-I will call t-the c-cops!" Ramdam kong ngumisi siya. Aba leche.
"Paano mo 'yun magagawa kung patay ka na?" Tinulak niya ako sa pinto kaya tumama ang likod ko sa door knob.
"H-hayop k-ka," nanlalabo na ang mga mata ko dahil sa tuloy tuloy na pag-agos ng luha. Masakit ang likod ko dahil sa pagtama nito sa door knob, pero mas masakit ang puso ko.
Alam ko sa sarili kong wala akong kasalanan, pero bakit ako ang pinapahirapan nang ganito?
"Mamatay ka na!" Pumikit nalang ako dahil alam ko namang mamamatay na ako, para talagang demonyo si Axel habang papalapit niyang isasaksak ang kutsilyo niya sa'kin.
Ilang segundo pa ang nakalipas ay wala pa akong nararamdamang nakasaksak sa'kin. Jusq. Patay na ata ako. Nasa langit na po ba ako?
Iminulat ko ang mga mata ko at nagulat ako sa nakita ko.
"Putangina ka!" Sinuntok ni Gino si Axel kahit na nakahiga na ito sa sahig. Paulit ulit niya lang na ginawa ang pagsuntok na iyon hanggang sa makita kong mawalan ng malay si Axel. "Ikaw ang mamatay, hayop!"
Susuntukin sana niya ulit si Axel pero sumigaw agad ako, "Gino! Tama na yan! Baka ikaw pa ang makulong niyan, eh!" Napalingon naman siya sa'kin. "Leche ka. Tulungan mo ako,"
Pinuntahan niya ako kaagad atyaka inalalayan akong umupo nang maayos. He gently cupped my face, "Ayos ka lang ba?"
Napairap ako, "Gago ka ba? Sa tingin mo ba ayos ako?"
Nagawa ko pang mamilosopo, pero ang totoo umiikot na talaga ang paningin ko.
"I lov-"
I wasn't able to finish his sentence because the next thing I knew, everything went black.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com