Chào các bạn! Truyen4U chính thức đã quay trở lại rồi đây!^^. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền Truyen4U.Com này nhé! Mãi yêu... ♥

Epilogue

Epilogue

Nilapag ko 'yung cellphone ko sa table sa harap. Kinakabahan ako. Bakit ba kasi nandito siya. Hays. Ang gwapo niya naman.

Napakagat ako sa mga kuko ko, dun ko lang din narealize na namamasa na pala 'to sa pawis at nanlalamig. Leche.

Hinawi ko ulit 'yung kurtina sa bintana at sinilip siya. Nakita kong tumitingin-tingin siya sa mga bahay rito. Baka hinahanap niya pa rin kung nasaan ako.

"Unnie~," nagulat ako nang bigla akong tawagin ni Yeri. "What's with the shock face?" Umiling ako sa kanya. "Tara na po, kakain na tayo!"

Napakamot ako sa batok ko, "Uh, baby, susunod nalang ako, ah."

"Sige po, unnie." Atyaka na siya naglakad pabalik sa kusina.

Bago ako kumain, kailangan ko munang harapin 'yung lalaking 'yun. Isa pa, pinuputakte niya kasi ako ng messages.

Dahan-dahan kong binuksan ang pinto tyaka lumabas. Naglakad ako papunta kay Gino, hindi pa niya ako nakikita dahil nakatalikod siya sa'kin dahil hinahanap niya pa rin ata ang bahay ko. Hello? Nandito ang bahay ko. Jusq.

Nanatili lang akong malayo sa kanya, siguro mga limang ruler. Hinintay ko nalang siyang humarap sa'kin.

Nang makaharap siya sa'kin ay lumiwanag ang mukha niya't napangiti. "Midnight!"

Agad kong tinapat sa mukha niya ang kamay ko kaya napatigil siya, "Hephep! Stop right there! Baka mamaya..." Nag-isip ako saglit. "Baka mamaya dummy ka! Oo, 'yung cloud dummy!"

Binigyan niya ako ng gago-ka-ba-look, "'Wag mo ngang ibase sa greek myth ang nangyayari sa'tin ngayon, Mimi." Pinamaywangan niya ako. "This is for real! I am Gino Grayson, standing in front of my love, Midnight Morgan."

Napatulala naman ako sa sinabi niya. Bakit ganun. "H–heh! B–basta, diyan ka lang! 'Wag kang lalapit!" Baka kiligin ako't mayakap ka. Nyeta. Landi ko, huehue.

"Problema mo? Kinikilig ka lang, eh?" He smirked.

Aba, sapakin kaya kita. "Bakit ka ba kasi nandito?"

Nawala ang ngiti niya, "Ayaw mo ba?"

"Hindi," nanlaki ang mga mata ko. Ano ba, Mimi?! "I mean– pabigla-bigla ka kasi. Nakakahiya kaya..."

"Edi kung sinabi ko sa'yo, hindi na surprise." Umubo siya, hindi 'yung totoong ubo, ah. 'Yung nakakagago, mga ganon ba. "Surprise!" Tyaka niya winagayway na parang baliw 'yung dalawang kamay niya.

"Thank you?" Hindi sure na sagot ko. Ngumiti nalang ako.

Ngumiti rin siya atyaka nagkamot ng batok, "Eh, Mimi, hindi mo ba ako papapasukin sa bahay mo?"

Bigla akong nagpanic. Aba aba. "Siyempre, hindi!" Sagot ko.

"Gulo mo kausap. Pero paano kung, gusto kitang makausap buong araw, getting to know each other ba, ganon. Hindi mo pa rin ba ako papapasukin sa bahay mo?" Tumango ako. "Seryoso?" Tumango ulit ako. Nilagay niya ang kamay niya sa baba niya at nag-isip. "Pumasok na kaya tayo sa loob? Nakakahiya naman kasi sa mga kaibigan mo, baka mangawit sila," ngumuso siya sa likod ko kaya naman napalingon ako agad.

Nagsisiksikan 'yung apat sa bintana kung saan ko sinilip si Gino kanina, para lang makiusyoso sa amin. Agad naman silang naghiwa-hiwalay nung makita nila akong nakatingin.

"Hayaan mo sila." Pagmamatigas ko. Pero sa totoo lang gusto ko na ring pumasok sa loob kasi mainit dito.

"I have no choice, eh?" Kumunot ang noo ko. "Dito nalang pala tayo mag-usap."

Tinaasan ko siya ng kilay, "Nag-uusap na tayo."

Magsasalita pa sana siya kaya lang may narinig kaming mga yapak papunta rito.

"Midnight! Nakakahiya naman sa bisita mo, ang init-init, ayaw mong papasukin!" Saway ni Irene sa'kin. Pinandilatan ko lang siya.

"Oo nga naman, unnie." Pagsang-ayon ni Joy.

"Besides, kakain na tayo." Sabat naman ni Olaf.

"Uh, pakilala mo naman kami sa kanya, unnie!" Nagwiggle ng eyebrows si Yeri.

Isa-isa naman silang nag-ngitian sa'kin. Parang tanga naman.

Nabigla nalang ako nang may humawak sa kamay ko. Si Gino lang pala. Teka— tangina, Gino. Kinikilig ako. Heh.

Sana naman hindi namamawis ang kamay ko kasi nakakahiya— ang lambot ng kamay niya tas ako ganun. Err.

"Kilala niyo na yan. Tama na."

"OH MY GOD. Ganyan ka ba?! Uy, boy! Ayaw kang ipakilala ni Mimi, oh." Pagrereact ni Irene.

Naramdaman kong lumapit sa'kin si Gino, "Ipakilala mo naman ang magiging future husband mo sa mga best friends mo," bulong niya sa'kin. Tiningnan ko lang siya atyaka umiling, sumusuko na ako.

"Oo na." Huminga ako nang malalim at ngumiti, "Gurrrrls, this is Gino Grayson, future husband ko— este, leche. Manliligaw pa lang! Akala mo, ha! Bleeh!" I stick my tongue out.

"Ayii. Pero deep inside, kinikilig naman kepkep mo." Walang pake na sabi ni Wendy. Nakita ko namang kinurot siya nang patago ni Irene. "Ouch!" Nginitian lang siya ni Irene.

Napachuckle lang si Gino.

Tinuro ko si Irene, "Gino, this is Irene, 'yung pinakamatapang sa aming lima. Pinakamatanda na rin,"

"Pinakamatanda, pero ang pinakamaganda. Aha." Tyaka siya nagflip ng hair.

Tumawa naman si Gino, "Siya nga 'yung pinakamatapang. But let me tell you, hindi kami parehas ni Axel. Hindi ko sasaktan si Mimi, at hindi ko rin siya papaiyakin dahil sa sakit, sa saya pwede pa."

Napalunok naman ako run.

"Talaga lang, ah. Well, alam mo na kung sinong makakalaban mo kapag sinaktan mo talaga si Midnight." Ngumiti si Irene kaya napangiti rin ako. Nag-hand shake sila.

"This is Wendy," turo ko kay Olaf. "Siya ang pinakamayaman sa'min." Tumango lang si Wendy.

Tumango rin si Gino, "Alam ko. Siya nga ang pinakamayaman, pero sana naman, 'wag mo akong ipakulong, o kung hindi man, 'wag mo akong ihawin." Tumawa si Gino kaya napatawa rin si Wendy.

"Oo, basta ba, hindi mo sasaktan si Mimi." Ani ni Olaf. Nakipagkamay rin siya kay Gino.

"This is Joy," turo ko kay Joy. "Shipper siya ng MoGi."

"Hi, kuya Gino!" Nag-hi rin sa kanya si Gino at nag-high five silang dalawa.

"Lastly, ang maknae, si Yeri." Turo ko naman kay Yeri.

"Hi, Gino!" Ngumiti siya, "Thank you for saving my ship."

"I told you, I will." Sagot naman ni Gino. Nag-low five naman silang dalawa.

"So, ano? Pwede na ba tayong pumasok sa loob?" Tanong ni Joy.

"Saglit lang, Joy. Baka may gagawin pa 'yung lovebirds, eh?" Sabi sa kanya ni Olaf. Anong lovebirds.

Bigla namang bumusina 'yung kotse ni Gino. Tiningnan ko siya nang nagtatanong. May kasama siya?

Bumukas 'yung bintana ng kotse at nakita ko ang familiar na lalaking blonde, aha. Si Mark 'to, ah! May kasama siyang magandang gurl.

"Hihiramin ko sana 'yung kotse ni Mark. Kaya lang gusto kang makita ni Casey kaya sumama sila sa'kin, si Mark na rin ang nag-drive." Paliwanag niya.

"Okay," may naalala ako. "Nga pala, paano mo nalaman 'yung bahay ko rito?"

"Secret. Magaling kasi ako." Konek?

Lumapit sila Mark sa'min, at nung girlfriend niya ata.

"Yo!" Bati ni Mark. "Nice to see you again, Midnight." Ngumiti ako sa kanya.

"Uh, guys, best friend ko nga pala, si Mark. This is his girlfriend, Casey." Pakilala ni Gino sa kanila. Nag-hi silang dalawa run sa apat pati na rin sa'kin.

Pumalakpak si Irene, "Yey! Tama lang pala 'yung dami ng niluto ko. Tapos mamaya, magmu-movie marathon tayo!"

"Tara, pasok na tayo sa loob!" Pag-aaya ni Yeri. "Unnie!" Binigyan ko silang apat ng tingin.

"Mauna na kayo. Mag-uusap muna kami nito," ngumiti rin ako nang may kahulugan. Sana naman mainitindihan nila, ano.

"A–ah. Oo. Casey, Mark, tara na sa loob. Susunod na lang sila Mimi at Gino," tumango ako kay Olaf bilang thank you.

"Anla. Gusto mo bang malipasan ako ng gutom? Ba't naman dito mo pa gustong mag-usap, eh, pwede naman sa loob?"

Nag-cross arms ako, "Ginusto mo yan, eh." Kumunot ang noo niya. "Eh, ayaw ko ngang pumasok tayo sa loob, at sabi mo wala kang choice, madali naman akong kausap." Bumuntong hininga siya kaya tumingin ako sa ibang direksiyon, baka 'di ko matiis, eh, pumasok kami sa loob. "Ano bang sasabihin mo?"

Ngumiti siya, "Gusto ko lang sabihing, mahal kita."

Napairap ako, "Ano nga?"

Sinimangutan naman niya ako. "Ano, dito na ako mag-aaral sa third year." Lumapit siya sa'kin kaya umatras ako. "Alam mo ba na culinary arts din ang course ko?"

Napaawang ang bibig ko, "Tunay?" Tumango siya.

"Kaya kapag gusto mo nang mag-enroll, sabihin mo sa'kin para sabay tayo, tas parehong schedule ang kunin natin para masaya."

"Pag-iisipan ko." Nagtitigan lang kami ng ilang minuto. 'Yung totoo. Ganito nalang ba kami buong araw.

Eh, Mimi? Ba't kasi ayaw mong pumasok sa loob?!

"Mimi, can I tie your shoes?" Tiningnan ko ang sapatos ko, hindi naman naka untie, anong kabalbalan naman 'to?

"Bakit? Eh, hindi naman naka-untie, ah?"

Nag-bend siya para i-untie ang shoelaces ko. Luh. "Because I can't have you fall in love for someone else," aniya at tinali ang shoelaces ko.

Napatawa nalang ako nang mahina, pero aminado naman akong kinilig ako run.

Pinasok niya ang mga kamay niya sa magkabilang bulsa niya at tiningnan ako, "Alam mo, hindi pa rin ako naniniwala na ikaw si Momo."

"What the eff? Bakit naman?!"

Hinawakan niya ang dalawang kamay ko, "Joke lang,"

Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at nilapit ang mukha niya sa'kin. Nagdikit na ang mga ilong namin at feeling ko namang nanlabot ang tuhod ko.

"A–anong trip 'to?" Tanong ko sa kanya. Naghahalo na ang hininga namin. Nahiya naman ako. "Teka nga, sabihin mo, mabango ba hininga ko?"

Ngumiti naman siya, "Ayos lang, amoy peanut butter."

Hinampas ko siya nang mahina sa braso niya, kahit umaray siya ay nanatili pa rin kami sa posisyon namin.

"'Yun 'yung huli kong kinain." Pag-amin ko sabay tawa kaya tumawa rin siya. "Ba't ba nakaganito tayo? Ikikiss mo ba ako?" Diretsang tanong ko sa kanya. Pinilit ko namang humiwalay.

"What's wrong?" Tanong niya at hinawi ang buhok na humaharang sa mukha ko.

"Pag naiisip ko kasing ikikiss mo ako, nalulungkot ako. Siguro kasi, hindi ako 'yung first mo, kundi ang babaeng 'yun," napabuntong hininga ako. "Sabihin mong ang babaw ng dahilan ko! Pero lahat naman ata ng babae, hinihiling na sana maging romantic ang first kiss nila."

Kumunot ang noo niya, "Teka, hindi mo ba first kiss si Axel?"

Umiling ako, "Hindi." Ngumiti ako sa kanya. "Kahit pa noong nagkita at nagbalikan kami rito, kahit sabihin mo pang okay lang 'yung kiss, eh, hindi ako nagpahalik. Hindi ko binigay sa kanya ang first kiss ko. At kung hahalikan mo man ako, ikaw 'yung first." Tumawa naman siya. "Anong nakakatawa?!"

Nang tumigil siya sa pagtawa niya ay agad niya akong niyakap. Bumitaw siya agad para ngitian ako, "It's funny how you remembered me as your weak ass childhood friend, but it's funnier how you really don't remember what's the most memorable moment the two of us had back then."

"Ha? Eh? Memorable naman 'yung pagbibigay ko sa'yo ng kwintas na 'to," hinawakan ko 'yung binigay kong kwintas sa kanya na ngayo'y suot niya. "At memorable rin 'yung una nating pagkakakilala."

He pinched my cheeks, "Hindi 'yun yon, Mimi."

"Eh, ano?"

"Naalala mo 'yung first meeting natin 'di ba?" Tumango ako sa kanya. "Iyak ako nang iyak nun, tapos dumating ka para awayin 'yung mga tisoy, tapos binalik mo sa'kin 'yung lollipop ko."

"Anong memorable dun?"

"Hindi mo talaga naaalala?" Taka akong napailing sa kanya.

"Nung inabot mo sa'kin 'yung lollipop, nagpakilala ka sa'kin, tapos nagpasalamat ako sa'yo. Hindi pa ako nakuntento sa pasasalamat ko at hinalikan kita sa pisngi," ramdam kong nag-init ang pisngi ko. "Mas matangkad ka pa sa'kin nun, at nagulat ako nang hilahin mo ako, at ikaw mismo, ang humalik sa'kin sa labi." Namilog ang mga mata ko't napalunok. "So, you don't have to be sad because technically, I'm your first kiss and you were my first kiss."

"S–seryoso?" Tumango siya, at dun na ako tuluyang naging taong kamatis. Oo, sobrang pula na siguro ako— mas mapula pa sa catsup. Aba. Tinakip ko ang mga kamay ko sa mukha ko at paulit-ulit na napailing tyaka nagtatalon, dahil sa hiya. Shet. "Hindi, tangina! Wala akong naaalala! Walang ganung nangyari, gawa gawa mo lang yan!"

"Hey!" Tumawa siya nang malakas. Hala sige. Kung hindi lang ako nahihiya baka kung anong magawa ko sa'yo. "You're so cute I want to give you a bear hug," at niyakap niya nga ako nang mahigpit.

Nagsimula na akong umiyak habang yakap-yakap niya ako. "Gino, naman, eh!"

Bumitaw siya sa'kin at pilit na tinaas ang tingin ko, "Bakit ka umiiyak?" Halata mo sa boses niyang concern siya sa'kin pero natatawa rin naman siya.

"'Wag mo akong tawanan kang bugok ka." Umiiyak pa rin ako. "This is our first time talking for a long time but it's not going too well."

"Paano mo nasabi?"

"Eh, kasi baka naman niloloko mo ako. Hindi ako natutuwa. Gago. Nakakahiya kaya pinagtitripan mo lang ako." Pinunasan ko ang mga luha ko. Ba't ang iyakin ko. Sa harap pa niya.

"Hindi kita niloloko, Mimi." Seryoso niyang sabi.

"Patunayan mo nga." Nag-cross arms ako.

Ngumiti naman siya, "May nakapagsabi kasi sa'kin noon na, ang labi natin ay hindi nagbabago. Kahit ano pang pagdaanan niyan, kahit ano pang kinain mo, kahit ano pang ininom mo, kahit gaano pa mag-crack yan, eh, hindi yan magbabago. So, kung ano man ang naramdaman mo noon nung hinalikan mo ako, ganun pa rin yon hanggang ngayon."

"Ano? Hahalikan mo ako?" Tumango siya at natawa pa sa'kin. "Hindi ako uto-uto, Gino." Gusto mo naman, Mimi, eh. "Pero gusto kong maalala 'yung feeling na sinasabi mo, kaya kahit nakakagago man, pumapayag ako."

"Game." Bulong niya.

Lumapit siya sa'kin kagaya nung ginawa niya kanina. Naghahalo na naman ang hininga namin. Wala akong naririnig kundi ang malakas na pagtibok ng puso ko at hinintay ko nalang ang sunod na mangyayari.

Naramdaman ko ang mga paru-paro sa tiyan ko noong maglapat ang mga labi naming dalawa. Ang lambot ng labi niya at parang totoo nga ang sinabi ng lalaking 'to. Familiar ang feeling.

1...

2...

3...

4...

5...

Five seconds ang tinagal ng kiss bago siya bumitaw. Nanatili akong nakapikit. Tumulo na naman ang luha ko. Paano nangyaring totoo 'yung sinabi niya...

Napakagat ako sa labi ko. "Tunay nga." He hugged me again, drawing circles on my back.

"Naniniwala ka na?" He sniggered.

"Naalala ko na 'yung ginawa ko dati sa'yo," at tuluyan na akong umiyak na parang bata.

"AHHHHHHH! OMG!" Bigla kaming napatingin sa mga tumili.

"OMG. Recorded it!" Irit ni Joy.

"I have a full video of it!" Sabi ni Irene at tumili ulit.

"Napicture-an ko lahat ng nangyari!" Si Wendy naman.

"Tweeted it!" Kumunot ang noo ko. "I just said that I am so kinikilig..." Napatawa naman kami.

"Akala ko ba pumasok na kayo sa loob?" Tanong ko sa kanila.

"You two are so busy you didn't notice us capturing the sweetest moment we've witnessed!" Sabi ni Olaf. "Right, guys?"

"Yes!" Sabay-sabay nilang pagsang-ayon.

'Yung couple naman na katabi nung apat ay magkaakbay. "That's so sweet," reaction ni Casey. Hinalikan ni Mark 'yung ulo ni Casey kaya napangiti nalang ito. Ang sweet din naman nila.

"Nice, dude!" Sigaw ni Mark kay Gino.

Biglang bumukas ang pinto ng bahay at iniluwa nito si Moonlight.

"I've seen everything!" Sigaw nito habang papalapit. "I am so proud of my granddaughter," aniya at hinalikan ako sa noo.

"What... Nakakahiya, Moonlight,"

"I don't care. Dati pumupunta ka rito para umiyak, pero ngayon nakikita kong ang saya-saya mo. I am so happy for you."

"Grandma..." Hinarap ko si Gino, "Gino, this is Moonlight, my grandma."

Tumango si Gino, "I'm glad to meet you,"

"I don't want to ruin your moment but I think I already did. Kaya pupunta na ako sa loob para ayusin ang makakain natin."

"Yep. Totoo na talaga na 'to, papasok na rin kami sa loob." Irene winked at me.

"S–so ano, pasok na rin tayo sa loob." Aya ko kay Gino at akmang papasok na sa loob pero nahawakan niya ang wrist ko. "Bakit?"

Mula sa wrist ay bumaba ang hawak niya sa kamay ko kaya magkaholding hands na kami. Hinalikan niya ang kamay kong hawak niya. Napangiti ako.

"Midnight, bago tayo pumasok sa loob, may gusto lang akong itanong."

"Hmm?"

"Will you be my girlfriend?"

Ngumiti ako nang nakakaloko sa kanya. I pointed a finger at him, "Kuntento ka na ba sa panliligaw mo sa'kin?" Ginulo niya ang buhok ko.

"Nasabi kasi sa'kin ni Meredith na maraming nagkakagusto sa'yo sa school. Ayokong may nakikitang umaaligid sa'yo. I want you to be mine now," sincere na pagkasabi niya.

Niyakap ko siya at parang nabato siya. Para namang hindi niya ako niyakap kanina. "Sey!"

"And besides, pwede naman kitang ligawan kahit tayo na, ah?" Natawa ako. Hindi niya ata ako narinig.

"Pumasok na tayo sa loob,"

"Teka! Hindi mo pa ako sinasagot!" Hinawakan niya ang dalawang kamay ko, "Oo o hindi?"

"Hindi mo ba ako narinig?"

"Ano?"

"Oo." Lumayo siya sa'kin at tiningnan ako na parang tinubuan ako ng dalawang ulo. Anong ginawa ko. "Bakit?!"

"Talaga?"

"Ayaw mo? Edi 'wag—"

"Geez, yes! Yes!" Nagtatalon siya na parang baliw sa harap ko. "Midnight! Sinagot na ako ni Midnight, yes!"

"Hala." Tanging sambit ko.

"Kinikilig ako. Shet. Haha." Napasuntok pa siya sa hangin at maya-maya lang ay nakita kong naging pink ang cheeks niya.

"Ang cute mo." Sabi ko't natawa. "Pasok na tayo sa loob," hinila ko ang wrist niya pero hinila niya ako pabalik kaya nagkalapit na naman kami.

"I love you." At hinalikan niya ako sa cheeks.

Ngayon alam ko na. Bakit ang torpe niya humalik? Kaya pala ako ang nag-iinitiate.

Tinanggal ko ang kamay niya sa wrist ko at hinila ang batok niya't ako ang humalik sa kanya sa labi.

"I love you too."

Ngumiti siya't inakbayan ako at naglakad na kami papasok sa bahay habang magkaholding hands.

"Mimi," tawag niya sa'kin.

"Oh?"

"Gusto ko lang namang makiuso, 'yung sa The Fault in Our Stars?"

Para kaming tanga dahil binabagalan namin ang lakad namin.

"Anong meron?"

"'Yung okay-okay dun..."

Napa-chuckle ako, "Gusto mo ng ganun?" Tumango naman siya. "Okay."

"Eh, anong atin?"

"How about, gago?"

"That's kinda weird and sorta harsh."

"Eh, sa 'yun ang gusto ko?"

Ngumiti siya, "O sige."

Ngumiti rin ako, "Gago?"

"I love you, gago." Sagot niya't hinalikan ako sa labi.


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com