Chào các bạn! Truyen4U chính thức đã quay trở lại rồi đây!^^. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền Truyen4U.Com này nhé! Mãi yêu... ♥

Special Chapter ♡

Napahalumbaba nalang ako sa kitchen counter. Aba. Kanina ko pa iniisip dito kung nasaan ba ang lalaking nagngangalang Gino Grayson. Kapag nakita ko talaga 'yun, eh, baka mabatukan ko.

Paano ba naman kasi.

First anniversary ho namin ngayon! At hindi ko alam kung saang lupalop ba siya nagsusuot! Okay lang naman sa'kin kung may gagawin siyang importante (na mas importante pa sa anniversary namin? Okay lang talaga ako) basta ba magpaalam siya sa'kin para hindi naman ako nag-iisip masyado at namomroblema sa kanya nang ganito! Nakakastress kaya!

Chineck ko ulit ang phone ko kung may text ba o tawag siya, pero wala. Kahit sa chat namin, wala man lang paramdam.

Mimi: HOY, GAGO

Mimi: NASAAN KA BA ABA MAGREPLY KA NAMAN

Napabuntong hininga nalang ako at naibato ang cellphone sa sofa rito sa kitchen. Napahilamos ako sa mukha ko.

Mukhang wala talaga siyang balak magparamdam sa'kin, ah? O baka naman, nakalimutan niya na 'yung anniversary namin.

ㅆㅆㅆ

Pumasok nalang ako sa klase ko. Buti nalang at may klase ako ng three pm, at hindi buong araw kong iisipin kung nasaan ba 'yung boypren ko.

Nandito kami ngayon sa kitchen. Naalala ko tuloy 'yung pinaggagawa ko kanina. Midnight, nandito ka sa kitchen para magluto, hindi para isipin ang Gino na yon.

Hiniwa ko nalang ang dapat kong hiwain at sinunod ang sinasabi ng prof namin.

"Ma'am, sorry I'm late!" Napatigil ako sa paghihiwa ng sibuyas. Gago.

Nakalimutan ko nga pala na parehas kami ng schedule sa lahat ng subjects.

Napalingon ako sa kanya at nakita kong nagmamadali siyang kuhanin 'yung isusuot niyang apron sa rack.

"Make it fast, Mr. Grayson, we have to finish our recipe today." Buti nalang at mabait si ma'am.

Pinagpatuloy ko nalang ang paghihiwa ko ng sibuyas. Nakita ko naman sa peripheral vision ko na lumapit siya sa'kin habang tinatali ang apron niya at nakangiti.

Tiningnan ko lang siya atyaka umirap.

"Why so sungit?" Tanong nito sabay tawa. Sinubukan niyang halikan ako sa pisngi pero umiwas ako. Landi nito. "Hey, is there any problem?"

"Problema ko?" Tumango siya. "You try to figure it out!"

Naghugas ako ng kamay sa sink. Parang na-stunned siya sa sinabi ko kaya tinitigan niya lang ako. Napakamot siya sa ulo niya't pumunta nalang sa pwesto niya. Sinuri niya 'yung recipe na nasa bond paper. Isa-isa kasi kaming may copy.

Pinagpatuloy ko lang ang ginagawa ko at hindi na siya pinansin pa. Naghiwa nalang ulit ako ng sibuyas, pero naramdaman kong kailangan ko atang tumingin sa kanya? Sumulyap ako sa direksiyon niya.

Na sana pala hindi ko na ginawa.

Kausap niya kasi 'yung brunette naming kaklase na si Morice. Na may palayaw rin na Momo. Tsk. At tuwang-tuwa pa siya, ah?

"Oh, so you're having a hard time on this part too?" Tumango naman si Gino. "Okay, let's make a deal. You'll help me on that one, and you too, will help me on this one!"

"Deal." Sagot naman ni Gino.

"Great!" Pumunta siya sa counter ni Momo at nagsimula na silang gawin 'yung kung saan daw kuno sila nahihirapan.

Aba naman talaga. Ako kaya ang original Momo! Pucha, kung gusto niya ng tulong sa isang Momo, nandito lang naman ang gelpren niya! Sakit, men. Nakalimutan na nga niya akong batiin sa anniversary namin, makikipaglandian pa siya sa harap ko?! Hala sige, kunwari nalang invisible ako. At hindi talaga ako nasasaktan. Hindi talaga. Leshe.

Hindi ko na namalayang tumutulo na pala ang mga luha ko. Pinunasan ko ito agad atyaka bumalik nalang sa paghihiwa ng sibuyas.

"Punyemas na yan. Hindi ko naman hiniling magkaroon ng magarbo o bonggang anniversary. Gusto ko lang namang batiin niya ako't maging masaya kaming dalawa sa araw na 'to." Pagkausap ko sa sarili ko habang naghihiwa naman ng kamatis.

Isang taon na ang nakalipas simula noong sagutin ko si Gino. Patapos na ang sem ng third year at upcoming fourth year na kami. Namove kasi ang schedules namin kaya kung ikukumpara noong nakaraang taon ay late ang vacation namin ngayon. Tatlong linggo nalang naman at finals na namin.

Maraming nangyari sa isang taon.

Naka-move on na talaga ako sa una kong relationship, siyempre kasi naging kami ni Gino, at dahil na rin sa time. Kagaya ng promise namin ni Hazel, ay bumalik na siya rito sa Cali. Kaya nagkaroon ako ng best friend ulit, at laging kasama bukod kay Gino.

Okay naman ang isang taon namin ni gago. Nakasurvive naman kami sa mga away namin. Sabi nga sa'kin ni Wendy, para kaming aso't pusa, lagi kasi kaming nag-aaway kahit sa maliit na bagay lang. At kapag nag-aaway kami, siya ang laging nagso-sorry.

Napapaisip tuloy ako, sa halos 'di mabilang na away namin, nakapag-sorry na ba ako sa kanya? Oo naman. Pero majority, eh, siya. Siguro galit siya sa'kin kaya 'di niya ako binati?!

Pero sa loob ng isang taon, nakilala ko nang lubos si Gino, at hindi naman siya ganun kababaw na tao. Baka nakalimutan niya lang talaga ang anniversary namin. Bigyan ko kaya 'to ng memory plus.

Tiningnan ko ang direksiyon nila ulit, at nagtutulungan talaga sila ni Momo. Okay lang naman sa'kin na may mga kausap siyang babae, kahit ilan pa yan, sige lang. Basta alam niya ang limitations niya. Pero naiinis lang talaga ako kasi hindi niya ako binati. Tapos ang saya-saya pa nila ni Momo.

Dapat siguro ako na ang unang bumati sa'min?

Hmm. Pero kagaya lang naman din ako ng ibang babae noh, medyo nag-eexpect ako na sana siya dapat ang unang bumati sa'kin. Hmp.

Napatingin siya sa'kin kaya itinaas niya ang dalawang kamay niya na para bang sumusuko sa mga pulis, atyaka ngumiti nang alanganin sa'kin. Tumango lang ako sa kanya. Sinenyasan ko siyang lumapit sa'kin.

"Bakit?" Tanong niya nang makalapit sa'kin.

"Alam mo na ba 'yung problema ko?" Tinaasan ko siya ng kilay. Umiling nalang siya kaya nasapo ko ang noo ko, mentally. Kalma, Mimi. "Wala ka bang nakalimutan sa araw na 'to?"

Kumunot naman ang noo niya. Tiningnan ko lang siya na parang sinasabing 'ano', kaya nag-isip muna siya saglit.

Ilang sandali pa ay para namang may umilaw na light bulb sa ulo niya kaya nagcross fingers ako. "Ah! Birthday nung aso ni ate!" Naibagsak ko nalang ang balikat ko at unti-unting napasimangot. "Eh? Ano ba talagang meron ngayon? 'Di mo naman birthday. 'Di ko rin naman birthday, at kung birthday ko man, ako ang unang babati sa sarili ko." Pataas-baba pa ang kilay niya.

Ang gago mo.

"Hindi nga? Wala ka talagang naaalala ngayong araw na 'to?"

Umiling siya, "Wala talaga, eh? Atyaka, hindi ka naman magkakaroon ng dalaw ngayong araw na 'to, kasi kalkulado ko 'yun, sa twenty-three pa kay—"

That's it. Tinanggal ko ang apron ko't nagmartsa papunta kay ma'am. Gagawa nalang ako ng excuse. Sasabihin kong natatae ako bigla. Ba't ba.

Gusto kong umalis. Nakakainis. Wala man akong maging grade rito sa gagawin namin ngayon, eh, okay lang. Ayoko lang makita 'yung mukha ni Gino.

Narinig ko pa ang pagtawag niya sa'kin habang papalabas ako pero hindi ko siya nilingon. Ano siya chix.

Pagdating ko sa hallway ay tinawagan ko sila Irene. Buti nalang at nandito sila ngayon sa San Francisco kaya madali lang kaming makakapagkita.

ㅆㅆㅆ

"Harujusko! Pang-ilang tissue mo na ba yan, Midnight?!" Sigaw sa'kin ni Olaf.

Naglagay ulit ng panibagong tissue si Joy sa table kaya kumuha ako ulit atyaka sininga lahat ng uhog ko.

Nandito kaming lima sa isang coffee shop. At oo, naglalabas lang naman ako ng sama ng loob sa kanila. Okay lang. Sanay na naman sila sa'kin. Buti nalang din at kami lang ang tao rito sa coffee shop kundi baka kanina pa nagreklamo ang mga customers sa kaingayan ko at nakaladkad na kaming lima palabas.

"Ba't ba?! Eh sa gusto kong ubusin 'tong tissue ni Joy, eh?!" Kumuha ulit ako ng tissue tyaka ngumawa, "Nakakainis lang kasi 'di ba?! Kapag nakalimutan ng boypren mo 'yung anniversary ninyo!"

Napailing naman si Olaf sa'kin. Hinimas lang ni Yeri at Joy ang likod ko.

Tiningnan niya ang mga kuko niya habang nakakunot ang noo. "Aba, buti nalang at hindi ganyan si Joshua sa'kin! Napakasweet niya, gentleman pa! Tapos lagi niya rin akong dinadalhan ng flowers at chocolates kahit walang okasyon, kahit 'di pa naman namin monthsary,"

Sinamaan naman siya ng tingin ni Yeri, "Pwede ba, unnie. 'Di ka naman nakakatulong, eh."

Tumango si Joy, "Tyaka hinay-hinay lang sa chocolates, unnie. Sige ka, baka tumaba ka niyan,"

Napangiwi si Olaf, "Uh, sorry na," umupo na rin siya sa tapat ko. "Pero, Mimi, baka naman may surprise lang sa'yo 'yung tao? Kaya kunwari nakalimutan niya tapos mamaya pag-uwi mo nakaabang na siya sa bahay mo at sasabihing—" umubo muna siya nang peke. "—happy anniversary, Midnight," pinalaki niya pa ang boses niya, with matching hawak sa dibdib at facial expressions, "I love you. OMG! Kakilig!"

Napatigil naman ako sa sinabi niya. Patuloy lang ang paglilitanya niya habang ako naman ay nag-iisip. Paano nga kaya kung ganun ang mangyari mamaya?

Bigla namang nag-flash sa utak ko 'yung ginawa nilang pagtutulungan kuno nung blonde Momo. Tsk.

Napailing ako, "Hindi rin, Olaf! Bakit, kasama ba sa surprise niya 'yung pakikipaglandian dun sa Momo?!" Napatayo ako't pinalo ang lamesa. "Harap-harapang naglalandian sa harap ko, pero wala akong ginawa kasi umaasa pa rin akong babatiin niya ako, pero hindi! Naglandian lang sila sa harap ko! 'Yun ba 'yung may surprise?!" Pagwawala ko pa. Pinakalma naman ako nina Yeri at Joy, habang si Olaf, eh, nakahawak sa dibdib niya dahil nagulat sa biglaang pagsabog ko.

"Ano?! Nakikipaglandian si Gago?!" Biglang sulpot naman ni Irene galing sa CR. "Puntahan ko na ba, Mi?"

Pinaupo muna nila ako. Nagpunas ulit ako ng luha, buti nalang at wala akong make-up kundi baka nagmukha na akong adobong pusit.

"M–may g–gin–nawa ba akon–ng mali?! Wala naman, eh!" Pagngangawa ko.

Niyakap naman ako nina Wendy, Yeri, at Joy habang binubulungan ako ng mga pampatahan. Nakita ko namang napailing sa'kin si Irene.

"Tama na nga yan, Mimi." Tinap ni Irene ang ulo ko at ngumiti, "Inom nalang tayong kape. Sagot ko na."

"Yes! Nauuhaw na ako, eh," sabi naman ni Joy habang nakayakap pa rin sa likod ko.

Pinatahan nila ako habang nag-oorder si Irene, hanggang sa tumahan naman ako. Sinabihan nila ako ng paulit-ulit na "Okay lang yan." At himala naman na hindi nila pinagmumura si Gino ngayon, kasi kapag nag-aaway kami o kapag nagseselos ako, kulang nalang ay isumpa nila 'yung gago. Nagkwentuhan kami ng kung anu-ano at sinikap naman nila akong patawanin. Thankful talaga ako't naging kaibigan ko sila.

Napatingin naman ako sa counter. Aba. Binubulungan ni Irene 'yung lalaking crew na nasa counter ng kung ano, tapos ngumiti naman 'yung lalaki. Ngumiti rin si Irene at nagthumbs-up sa kanya. Okay lang. Pogi naman si guy.

Ilang sandali pa ay dala-dala na ni Irene ang tray ng pagkain at mga kape namin.

"Kape nalang sa'kin, babe. Ayokong kumain." Sabi ko kay Irene. Nagtinginan naman sila. "Ano ba kayo? Okay lang ako." Sabay ngiti ko.

"Oh," inabot sa'kin ni Irene 'yung kape ko, tapos bigla ko nalang naalala 'yung pag-uusap nila nung lalaki sa counter.

"Hoy, Rene. Anong ganap at nakikipagtawanan ka run sa pogi?"

"Ha?" Takang tanong niya.

"Kako, nagbubulungan kayo nung pogi. Aba. Magkwento ka naman tungkol sa love life mo. Baka mamaya may boypren ka na, 'di ka lang nagsasabi. Atyaka kung meron man, sabihin mo sa kanyang 'wag na 'wag niyang kakalimutan 'yung anniversary niyo!" Nagcrack na boses ko sabay tulo ulit ng luha ko. "Lalong-lalo na 'yung una!" Argh.

"Gaga 'to, oh? Okay lang daw pero umiiyak na naman." Sabi sa'kin ni Olaf at kinain ang cake niya.

Inabutan ulit ako ni Joy ng tissue.

"Ano ka ba, Mi! Sinabi ko lang naman dun sa lalaki na sarapan 'yung kape mo. Para um-okay ka na. Pero ano? Naiyak ka na naman!" Napailing siya, "At wala pa akong boypren!"

"Pa?" Sabay-sabay naming tanong.

"Hehehe." Sagot niya sa'min. "Basta! Coming soon? Sasabihin ko naman sa inyo, eh! Ang alam ko lang, nagiging dumb ako pag nasa harapan niya ako."

Nagtinginan naman sina Joy at Yeri, "Dumb dumb dumb dumb dumb dumb~!" Pagkanta nila nang sabay.

Natawa nalang kaming tatlo sa kanila. Tinapik naman ni Irene ang balikat ko, "Mi, inumin mo na yan. Masarap yan! Daliii!"

Bakit ba minamadali ako nitong inumin 'tong kape ko. Baka nagloloko 'to, ah?

"Oo nga, unnie! Masarap yan!" Pagsang-ayon ni Yeri.

Napailing ako, "Para namang ngayon lang ako napunta rito?" Tiningnan ni Yeri si Joy at sabay silang napangiti nang alanganin. "Pero sige, masarap naman talaga kasi 'yung kape rito."

Hinigop ko na 'yung kape. Pagtingin ko naman sa kanila ay nakatingin din sila sa'kin na para bang inaabangan kung anong magiging reaksiyon ko.

"Ano? Masarap ba? Kamusta?" Sunod-sunod na tanong ni Olaf. Tumango lang ako.

Nagtinginan na naman silang apat pero 'di ko nalang pinansin iyon.

Ininom ko nalang ulit 'yung kape. Sa hindi mabilang na pagbalik ko rito sa coffee shop na 'to, parang ito 'yung pinakamasarap? Dahil kay Irene! Mas bumuti nga 'yung pakiramdam ko—

"Sht," I murmured. "Tangina? Ba't dumudoble kayo sa paningin ko?" Ako lang ba, o napangiti si Wendy, sumunod si Irene tapos nag-high five sila. Napangiti na rin si Yeri at Joy. "Putang—" dang.

Hindi ko na natuloy pa ang sasabihin ko dahil puro itim nalang ang sunod na nasaksihan ko.

ㅆㅆㅆ

Pinilit kong idilat ang mga mata ko pero puro itim pa rin ang nakikita ko. HOLY SHT.

Napasigaw na ako at biglang napaupo, "AAAAAHHHH! WALA AKONG MAKITA, BAKIT WALA AKONG MAKITA?!" Kinapa ko 'yung paligid ko, hanggang sa may makapa akong matigas at malaki.

"Gago, Mimi. Iba yang nakakapa mo," ay. Boses ni Gino. Bigla namang nag-init ang pisngi ko dahil sa sinabi niya. Matigas. Malaki. Ohmyglob. Hindi kaya... "Tsansing ka, ah," pagkantyaw niya pa.

"B–ba't— ba't ba kasi wala akong makita?!" Pagchange ko ng topic pero hindi pa rin mawala sa isip ko kung ano ba 'yung nakapa ko.

"Try mo kasing tanggalin 'yung nasa ulo mo, 'di ba?"

Oo nga, no. Ba't ba ang bigat ng ulo ko? Tinaggal ko naman 'yung mabigat kong suot at nakitang black helmet pala siya, na may capital 'M' na kulay puti at may border na may pagka-neon pink.

Napatingin ako kay Gino na nagpipigil ng tawa.

"Ba't ba ako nakahelmet?!" Singhal ko sa kanya. Tuluyan naman na siyang natawa. As in. Kulang nalang gumulong siya rito. "Baka gusto mong masapak?" Pinagpapalo ko na siya pero nahuli niya agad ang kamay ko pero patuloy pa rin siya sa pagtawa.

"Putek— haha, Mimi. Ang pula-pula mo," napahawak siya sa tiyan niya at nailing-iling. "Ano, sinakay ka namin nina Wendy sa motor papunta rito,"

Napacross-arms naman ako. Magkakasabwat silang lima. Wow.

Tiningnan ko ang buong paligid. Nandito kami sa isang malawak na ranch, 'yun bang parang sa New Zealand, pero nasa Cali pa naman kami.

Tiningnan ko naman ang inuupuan ko. May malambot na comforter, pero ang ikinagulat ko ay nasa likod pala kami nitong pick-up truck.

"Anong ginagawa natin dito?" Takang tanong ko habang tinitingnan pa rin ang paligid.

"Gusto ko lang," sagot naman niya't napatingin sa langit. Gabi na kasi at maraming stars.

Tumingin din ako sa langit. "Sa'yo ba 'to?"

"Alin?"

"Itong sasakyan," wala naman kasi siyang pick-up truck.

"Hindi," nakita ko naman sa peripheral vision ko na tiningnan niya ako. "Sinikap ko lang na hiramin 'to kay Daylight,"

Aba. Buti naman at pumayag ang masungit kong pinsan at pinahiram 'to sa kanya. Pero... "Bakit mo naman hiniram 'to?"

Ngumiti naman siya nang malapad, "Happy first anniversary, Mimi," hahalikan niya sana ako pero tinulak ko agad ang mukha niya. "Aray, ang sadista naman nito,"

Natigilan ako saglit hanggang sa mag-sink in na sa utak ko ang sinabi niya, "Teka... Hindi mo nakalimutan?"

Kumunot naman ang noo niya, "Seryoso ka ba? Paano ko naman makakalimutan 'yun?!" Ngumiti na naman siya sa'kin at may kinuhang kung ano sa gilid niya. Napanganga naman ako. "Happy anniversary ulit, Mimi," at inabot niya sa'kin bouquet of flowers na halos kalahati yata ng height ng katawan ko.

Pabalik-balik naman ang tingin ko sa kanya atyaka run sa flowers. Ngumiti lang naman siya sa'kin.

Napatakip agad ako sa mukha ko. Nakakainis kasi, bigla nalang akong napaiyak. Tuloy-tuloy ang pag-agos ng luha ko sa hindi malamang dahilan at napahikbi na rin ako, kaya hindi ko rin siya masagot agad.

Narinig ko nalang siyang tumawa at niyakap ako.

Kasi naman, eh. Tanga ko talaga. Aish.

"Sshhh, ba't ka ba umiiyak?"

Siniksik ko ang sarili ko sa mga bisig niya kasi nahihiya ako, "Ka–asi n–naman, akala ko, nakalimutan mo na,"

Natawa na naman siya sa'kin, "Ano ka ba, Mi. Hindi 'yun pwede, lalo na't first anniversary natin 'to." Hinimas niya ang buhok ko. "Naghahanda lang ako para rito sa surprise ko sa'yo, kaya 'di kita nabati agad."

Inangat ko ang ulo ko at nakita ko siyang nakangiti sa'kin. Umiiyak pa rin ako at paniguradong ang dugyot ko na. Pero yae na, sanay na naman siya sa itsura kong 'to. Aha. May naalala pala akong kabalbalang ginawa niya.

"Surprise? Ito? Oo," napatango ako pero nagcross arms sa kanya. "Eh, ano naman 'yung pag-uusap niyo kanina ni Momo, aber?" Tiningnan ko siya nang matalim, "Aaminin ko, nagselos ako. Ayun din ba kasali sa surprise mo?!"

Tinawanan na naman niya ako atyaka niyakap. Hinalikan din niya ang ulo ko at hinimas na naman niya ang buhok ko.

"Wala 'yun," sinimangutan ko lang siya kaya natawa na naman siya sa'kin. "Okay. Ganito kasi 'yun, may nabasa ako na ang mga depressed o frustrated people raw ay ang pinakamagandang isurprise. Kaya ayon, pinagselos muna kita."

Nakahinga naman ako nang maluwag. 'Yun lang pala. Nainis pa tuloy ako kay Momo.

"Kajirits 'to, wala tuloy akong grade dun sa pinapagawa ni ma'am kanina,"

Tinapik niya ang braso ko. "Okay na 'yun. Sabi ko kay ma'am gagawin mo naman ulit 'yung activity, buti nalang mabait siya. Kaya bukas sasamahan kita para gawin ulit 'yung practical." Ngumiti lang ako sa kanya. Babagsak siguro ako kung wala ang isang 'to.

Nanatili lang kaming tahimik habang nakayakap pa rin ako sa kanya at tinitingnan lang namin ang mga bituin sa langit.

"Happy anniversary rin, Gigi." Bati ko naman sa kanya. Ngumiti siya at kumalas sa yakap. May kinuha siya sa gilid niyang isang mahabang box atyaka ipinakita sa'kin. "Ano yan?"

Binuksan niya ito at ngumiti sa'kin, "Tadaa,"

"Wow." Reaksiyon ko nalang dahil masyado akong na-amaze. Ang ganda. . .

Sinuot niya sa'kin 'yung kwintas at habang ginagawa niya 'yun ay hindi ko mapigilang hawakan 'yung pendant. Ang ganda kasi. Isang silver necklace na personalized dahil nasa loob ng maliit na heart ang word na MoGi.

"Bagay sa'yo,"

Niyakap ko siya agad pagkasuot niya sa'kin nung kwintas. "Thank you. I love you." Hinalikan ko siya sa pisngi.

May kinuha rin akong box sa bulsa ko. Aba siyempre, magpapahuli ba ako sa kanya? Kanina pa 'to nasa bulsa ko dahil girl scout ako. Ahe.

Napa-chuckle siya, "Ano yan?"

Kinuha ko ang kamay niya at sinuot sa kanya 'yung regalo kong silver braclet. "Akala mo ikaw lang ang may regalo, ah?" Napangiti ako. "Bagay rin sa'yo,"

Hinalikan niya ako sa labi at naramdaman ko ang pagngiti niya, "Mahal kita."

I really love this guy. Kahit na lagi kaming nagtatalo sa mga bagay-bagay, eh, lagi naman kaming nagbabati agad at nauuwi sa pagka-cheesy.

Hinalikan niya ako sa labi ng isa pang beses at sabay naming pinanood ang langit.

Ang sarap nang ganito, 'yun bang wala kaming problema at yakap-yakap lang namin ang isa't isa.

Pero may naalala na naman ako.

"Gino,"

"Hmm?"

"Ano ba talaga 'yung nakapa ko kanina?"

Tiningnan niya ako nang seryoso kaya kinabahan ako bigla. Pero tumawa naman siya sa itsura ko. Pinalo ko siya sa tiyan, "Aray, haha,"

"Ano nga kasi 'yun?!"

Nginisian niya ako, "Secret,"

Napalunok naman ako agad. Potek. Ano ba 'yung nakapa ko?!

"Gago!"

"I love you too, Midnight."

ㅆㅆㅆ

wAAAaAAaAAaA soRRY FAIL ㅠㅠ First and last special chapter na 'to para saktong 90 parts yehey.

Merry merry christmas, guys! Thank you so much sa lahat ng nagbasa/nagbabasa/magbabasa nito. Sorry sa mga hindi ko na mabibigyan ng dedication kasi ubos na HAHA pero mahar ko kayong lahat ♡

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com