Tsokolate
Ako ang tipo ng babae na mahilig kumain ng tsokalate,
Hani, choco nuts, choco mucho, tsokolate na may almonds, tsokolate na mapait at iba pa.
Mahilig ako sa matamis, sabi nila ang pagkain ng matamis ay nakakataba
Subalit hindi naman ako tumataba, sapagkat hindi naman ako tabain talaga.
May isang lalaking lumapit sa akin sa silid-aklatan. Nagulat ako ng tumabi siya sa akin.
"Hi, pasensya na kung naistorbo yata kita. Nakita ko na nakakatulog ka na dito. Kaya ibibigay ko na lang sa'yo 'to," nilapag niya ito sa lamesa. Isa iyong tsokolate. "Sa'yo na 'yan, pampawala ng antok. Pampagising." Hindi niya inantay 'yung reaksyon ko. Tumayo na siya at tinalikuran na ako.
Tinanggap ko iyong binigay niya at sinimulang kainin habang nag-aaral ako ng leksyon.
Simula ng araw na iyon, lagi niya na ako binibigyan ng tsokolate. Naging magkaibigan na rin kami. Pero ako? Hindi ko maiwasan na bigyan ito ng mga malisya. Paano naman kasi binibigyan niya ako ng tsokolate at may kasama iyong mga mesahe na may matatamis na salita.
Dahil marupok ang aking puso, para itong tsokolate na unti-unting natutunaw. Binabalot niya ang aking puso sa init. Init sapagkat alam nito na may makakasama na siya.
Oo, nahuhulog na ako sa kanya. Sino bang babae ang hindi mahuhulog sa ginagawa niya sa akin? Lalo na paborito ko ang tsokolate.
Isang araw, narinig ko na lang may iba pa pala siyang binibigyan ng tsokolate at mensahe na may matatamis na salita.
"Oo nga friend, nililigawan nga ni Israel si Alys."
"Binigyan niya na naman nga ng tsokolate at bulaklak si Alys."
"Ang swerte ni Alys. Bihira lang may tulips dito sa atin pero nabibigyan siya ni Israel."
Dito na nag-umpisa nawasak ang puso ko. Akala ko ako lang ginagawan mo ng ganito? Masyado ba akong asyumera?
Ang swerte naman ng babaeng nililigawan mo sapagkat may mga bulaklak pa siyang natatanggap galing sa iyo.
Parang naging tsokolate ang puso ko, ang puso ko na unti-unti natutunaw at nagkalat sa kahit saan lugar sapagkat ito ay piraso't-piraso na.
Ang puso ko na parang tsokolate na kapag nalusaw na ay hindi na maibabalik sa dating hulma nito. Na kapag pinalamig mo ito sa ref ay lalamig ito at titigas. Ang puso ko na magiging manhid.
Simula ngayon ayoko na ng tsokolate. Hindi iyon nakakabuti sa katawan.
-----xxxx
Mahal ko po ang tsokolate. Pero pasensya na kung mapanakit ako.
shana
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com