Chapter 12: Results
Chapter 12: Results
Malalim na ang gabi at magkatabi lang kami ni Hailey sa kama niya.
Pareho naming tinatanaw ang mga kumikinang na bituing nakapaskil sa kisame dito sa kwarto niya. Bata palang si Hailey ay mahilig na talaga siya sa mga stars at kung anu-ano na tungkol sa universe gaya ng galaxy. Inilibot ko ang paningin sa loob at sobrang ganda talaga ng kwarto niyang galaxy-themed. You can really tell na she's living with a rich family. Mala neon na blue ang kwarto ni Hailey at kumikinang pa ito dala sa mga palamuti dito. May malaking painting din siya sa greatest artwork ni Van Gogh na Starry Night kasi mahilig din siya sa arts at isa sa favorite well known artist niya si Van Gogh.
Sobrang talented ni Hailey. Parang nasa kaniya na nga ang lahat. Mabuting tao, maganda, mayaman pero simple lang, talented at mapagmahal sa kapwa. Kaya nga hindi ako makapaniwalang mayroon akong nag-iisang matalik na kaibigang tulad niya.
Sa lalim ng pag-iisip ko ay nawala sa utak ko na marami pa pala akong ikwento sa kaniya. Naisipan kong ituloy ang kwento ko sa kaniya sa pagkikita namin ni Shawn dahil hindi pa rin naman kami dinadalawan ng antok. Ngunit bago pa man ako makasalita ay nagsalita si Hailey.
"Althea."
"Hmm?" Nabaling ang paningin ko sa kaniya pero nakatitig pa rin siya sa kisame.
"Masaya talaga akong nakilala kita."
Tumingin din siya sa akin at bahagyang ngumiti. Pero maya't maya ay bumalik ang paningin niya sa itaas kaya gano'n din ang ginawa ko.
"Alam mo bang sobra akong thankful dahil dumating ka sa buhay ko. Bata pa lang ay wala na akong ibang kasama at kabati pero dahil sa paglipat namin dito at nang nakilala kita, nakaramdam ako ng isang pagmamahal na parang isang pamilya. Hindi ko kasi masyadong nararamdaman ang pagmamahal nila mommy kasi busy sila lagi sa business. Mahal nga nila ako pero kulang naman sila sa oras. Pero dahil nandiyan ka, nakaramdam ulit ako ng isang pamilya."
Pansin ko talaga ang sincerity sa boses ni Hailey pagkatapos niyang masabi ang mga katagang iyon.
Kahit pala maayos naman ang takbo ng pamilya nila at sa inaakala ko ay masaya sila sa piling ng isa't isa, nagkakamali lang pala ako dahil hindi pala iyon nararamdaman ni Hailey. Nagkulang sa pagmamahal sila tito at tita dahilan upang makaramdam ng ganito si Hailey.
Napatingin naman ako sa kaniya ngunit timing naman sa pagpunas niya ng kaniyang mata ang nakita ko. Dahil hindi ko mapigilan ang sarili ko ay tumulo na rin ang mga luha ko.
"Salamat, bessy. Salamat dahil ikaw ang nandiyan sa tuwing kailangan ko ng tulong at may problema ako. Lalo na noong panahong nagkanda-leche ang buhay ko, ikaw ang nandiyan. Ikaw ang nasa tabi ko. Ikaw ang tumulong sa akin na bumangon. Alam mo bang sobrang biyaya na ang dumating sa buhay ko nang makilala kita?"
Napatingin din siya sa akin at nakita ko pa rin ang patuloy niyang pag-iyak. Ngumiti siya saka yumakap sa akin. Niyakap ko rin siya. Ilang minuto rin kami nagkayakapan pero tahimik lang kaming dalawa. Maya't maya pa ay nagsalita siya.
"Ano ba iyan. Ang drama natin! Hahaha." Kumalas si Hailey sa pagyakap habang tumawa. Napatawa rin ako bigla. Tumahan na rin ang mga luha naming dalawa.
"Ikaw kasi eh!" Ngumiti ako sa kaniya at tumawa naman siya ulit.
Napapikit ako.
Lord, salamat sa pagbigay sa akin ng kaibigan at para na ring pamilyang tulad ni Hailey.
Pagkabukas ko ng mata ay bumungad ang mukha ni Hailey na nakatitig pa rin sa akin habang nakangiti. Pero this time, ngiting panunukso na. Ah, I smell something.
"So, ano na? Care to share?"
"Tungkol saan?" kunyareng tanong ko.
"Sus! Nagbubulagan-bulagan ka pa eh alam mo na naman ang ibig kong sabihin. Duh, I mean Shawn. Paano kayo nagkakilala at saan at kailan at bakit--"
"Oo na, oo na. Magkwento na sana ako kanina kaso bigla kang nag-emote."
Tumawa lang siya ulit at tila ba ay hinihintay lang ang maaaring ikwento ko.
"Naalala mo iyong nagpunta ako sa condo ni Schiven, hindi ba?"
"Tss. Oo! Alalang alala ko. Kulang nalang talaga eh susugod ako sa condo niya at sampalin siya ng 100 times!"
Tumawa lang ako dahil sa biglaan niyang pag-iba ng mood.
"Ayon nga. Pagkatapos nya ako makita ay tumakbo lang ako paalis dahil sa naramdaman ko non. Wala ako sa tamang pag-iisip, bessy. Sobrang sikip ng dibdib ko kaya nang patawid na ako sa daan, hindi ako nag alintanang tumingin sa kanan at kaliwa. Ilang segundo na lamang ay nakarinig ako ng malakas na busina at papalapit na sasakyan--"
"Oh my gash! Naaksidente ka bessy?! Bakit hindi ko man lang alam? Bakit hindi mo naman ako tinawagan o sinabihan? Ayos ka lang ba?"
Napatawa lang ako sa biglang inasta ni Hailey. Napaupo pa siya bigla sa kama at chineck ako bigla. Halatang nag-alala siya ngunit umiling lang ako.
"Kung na-aksidente o nasagasaan ako bessy, baka wala ako ngayon sa harapan mo."
Biglang lumaki ang mga mata niya dahil sa sinabi ko.
"Huwag ka ngang magbiro ng ganiyan. Eh anong nangyari?"
Umupo na rin muna ako sa kama bago pinatuloy ang kwento.
"Nawalan ako ng malay at paggising ko ay nasa hospital na ako. Nagulat pa ako noon kasi paano ako napunta eh wala akong maalala. At doon, pumasok ang isang lalaki sa room kung nasaan ako."
"Oh em gee, tapos?"
Pinatuloy ko lang ang kwento ko hanggang sa umabot doon sa kung ano ang nangyari sa restaurant. Mas lalo pa siyang nagalit dahil akala niya ay okay na kami ni Schiven noong pagdinner namin pero mas lumala pala. Napamura pa siya nang malaman niya ang mga sinabi sa akin ni Schiven sa panahong iyon. Naikwento ko na rin sa kaniya ang pagdating ni Shawn at pagligtas niya sa akin sa sitwasyong iyon.
Pati ang pagdala sa akin ni Shawn sa Eden's Solace at ang sinabi sa akin ni Shawn sa problemang pinagdaanan niya ng panahon at mga oras na iyon.
"At iyon ang huling kita namin ni Shawn bago ulit kami magkita kanina. Kung hindi siya dumating ng panahong iyon, hindi ko alam ang gagawin o magagawa ko. Kaya sobra ang pasasalamat ko sa kaniya. Hay pero grabe talaga, bessy nuh. Hindi pa rin ako makapaniwalang sa kabaitang taglay na meron si Shawn, nagawa pa rin siyang pagtaksilan."
Narinig kong napa buntong hininga si Hailey kaya napatingin ako sa kaniya pagkatapos kong mag kwento. Bahagya siyang ngumiti nang may halong lungkot.
"Oo nga eh. Ang bait bait ni Shawn pero iniwan din pala siya. Aba kung magkajowa ako ng tulad ni Shawn, ay naku, hinding-hindi ko na siya papakawalan pa. Jackpot." Tumawa lang ako dahil sa huling sinabi ni Hailey. Pero alam kong nagbibiro lang siya. Wala pa kasi siyang naka boyfriend pero marami rami ring nanligaw sa kaniya. Pero ayon nga, wala siyang tinanggap. Ang alam ko ay hindi pa siya ready at priorities first na muna siya.
"Saka bessy, ang masaklap pa ay pareho pa kayo ng pinagdadaanan sa love life. Hindi kaya... "
Huminto sa pagsasalita si Hailey dahilan upang mapatitig ako sa kaniya. Hinintay ko kung ano ang kasunod niyang sasabihin ngunit gumuhit na naman sa labi niya ang ngiti ng isang nanunukso.
"Tinadhana kayong dalawa?"
Sinamaan ko lang siya ng tingin. "Paanong tinadhana? Bago pa nga lang ako nasaktan dahil sa lintek na pag-ibig na iyan, eh pag-iibigan na naman iyang pinag-iisip mo. Kaya kung ako sayo, ipagpatuloy mo lang iyan ang prayoridad muna bago papasok sa bakbakan ng pagmamahalan. Kung ayaw mong mawasak iyang puso mo dahil lang sa lalaki, mas mabuting aral na muna ang atupagin."
"Nagsalita ang magaling, " ani Hailey.
Pareho kaming natawa at humiga na sa kama. Dahil siguro sa pagod naming dalawa sa haba ng kwentuhan ay pareho rin kaming dinalawan ng antok. Sabay kaming napahikab dahilan upang matawa ulit kami.
Para kaming mga baliw dahil kanina lang ay nag-iiyakan, sumunod naman ang palaging tawanan. Pero ito ang nakagawian namin noon pa lamang. Kaya nga ay hindi na bago sa amin ito.
"Good night, bessy. I love you." Humalik sa pisngi ko si Hailey pagkatapos niyang banggitin ang mga katagang iyon.
"Good night din bessy. Mahal din kita." Hinalikan ko na rin siya sa kaniyang pisngi at tuluyan na kaming nakatulog.
~*~
~ Everybody hurts sometimes
Everybody hurts someday, aye aye
But everything gon' be alright
Go and raise a glass and say, aye ~
Naalimpungatan ako dahil sa ingay na nagmula sa kabilang kwarto. Sobrang lakas ng tugtog dahilan upang napabangon ako bigla.
"Ano ba iyan!!" naiinis na sigaw ni Hailey na siyang nagising din dala ng malakas na tugtog.
Galing siguro sa kwarto ni kuya Topher dahil magkatabi lang naman ang kwarto nila.
Pilit na tinatakpan ni Hailey ang tenga niya dahilan upang matawa ako. Tuluyan na akong bumangon at alas otso na pala ng umaga.
Iniwan ko na muna si Hailey na patuloy pa rin sa pilit na pagtakip pero tila ba ay nabigo ito. Dahil sa walang hintong tugtog ay bigla na rin siyang napabangon. Galit na galit siyang lumabas at sumunod naman ako sa kaniya habang umiling-iling.
Pagbukas palang niya sa kwarto ng kaniyang kuya ay bumungad sa amin siya na topless at nakatapis lang ng twalya ang pang ibaba nito. Nagulat pa ako pero si Hailey ay para bang hindi ito pinansin.
Halatang bago pang ligo si kuya Topher dahil nag blow-blower siya ng kaniyang buhok habang kembot nang kembot at sinasababayan din niya ang pagkanta ng Memories by Maroon 5. Halatang hindi kami napansin ni kuya Topher kasi nakatalikod siya sa amin. Naghintay lang ako sa labas ng kwarto habang patuloy pa rin sa pagpasok sa loob si Hailey habang dala-dala ang unan nito.
Biglang sinampal ni Hailey gamit ang unang dala niya sa likod ang kuya niya dahilan upang matigilan si kuya Topher at napasigaw dahil sa sakit. Pati ako ay nagulat sa ginawa ni Hailey. Naku, disturbohin mo na lahat huwag lang ang natutulog na si Hailey.
Umiling lang ako at napiling na bumaba bago pa masaksihan ang bangayan na naman ng dalawa. Bumati na rin muna ako sa mga kasambahay nila na busy sa paghahanda ng umagahan. Tutulong na sana ako kaso nagmatigas sila dahil bisita daw ako at sila na raw ang bahala.
Umupo na lamang ako sa sofa dito sa kanilang malaking sala. Inilibot ko ang paningin sa paligid at ganitong ganito pa rin ang itsura sa huling bisita ko. Malapit din palang mag i-iisang taon akong hindi nakapunta dito sa bahay nila.
Nabaling ang paningin ko sa ibaba ng glass table dito sa sala na puno ng magazine at newspaper. Kinuha ko ang isang magazine na siyang nakakuha ng atensyon ko.
Year 2019 top 30 best business companies in the Philippines.
Every year may magazine na pina-publish na tungkol dito. Naalala ko pa na marami ring ganito sa bahay dati noong busy pa sila mama sa pagpapatakbo sa negosyo. Nasasali rin kasi ang kompanya namin sa magazine pero ngayon wala na. At gaya ng nasabi ko, ang kompanya o business nila mama ang laging nangunguna.
Napatitig ako sa cover ng magazine at nandito ang mga bagong ranking sa taon na ito. Best 30 kasi top 10 sa Luzon, 10 sa Visayas at 10 naman dito sa Mindanao. Pero may overall din na ranking.
Nagpunta agad ako sa page ng best business dito sa Mindanao. Nacucurious lang ako kasi matagal din akong walang balita tungkol dito.
Top 10 best business companies in Mindanao:
1. Monteverde
2. Lacuaren
3. Silva
4. Ferrera
5. Reyes
6. De Guzman
7. Laurel
8. Sandoval
9. Xi
10. Velez
Gaya last year na ranking at noon pa lamang, pangatlo pa rin pala ang pamilya nina Hailey.
Pero pagkabasa ko palang sa top 8 at 10 ay nag-iba ang paningin ko. Pamilya nina Marisha ang top 8 habang ang 10 naman ay sina Schiven. Akala ko mga nasa top 5 sila pero pinakahuli pala.
Pagkabasa ko sa kabuoang ranking sa Pilipinas ay napawow ako bigla kasi nangunguna pa rin ang Monteverde na kung saan ay top 1 dito sa Mindanao.
Feeling ko familiar ang apilyedo ngunit nakalimutan ko kung saan ko ito nabasa o nakita. Nakalimutan ko rin kung may kakilala ba akong Monteverde ang apilyedo. Umiling na lamang ako at binalik ang magazine kung saan ko ito kinuha.
Sakto namang pagkababa ng magkapatid kaya sumama na ako sa kanilang dumiretso na sa kusina.
Pagkatapos naming kumain ay bumalik kaming dalawa ni Hailey sa kwarto habang si kuya Topher ay papunta na ng kompanya para bumalik sa nakagawian niya.
Pagkapasok palang namin ni Hailey sa kwarto ay kinuha niya agad ang laptop niya dahil saka lang namin naalala na kaninang umaga pala ang announcement at post ng Lourdes sa result sa mga nakapasa sa nag entrance exam noong nakaraang araw para sa SHS.
Kinakabahan na ako ng sobra. Nakapikit pa ako habang nagloloading ang website. Pag loading palang ay agad na hinanap namin ang pangalan namin.
Pagkakita palang namin sa aming mga pangalan ay napatayo at napatalon kami ni Hailey sa tuwa.
"Nakapasa tayo, bessy!"
Thank you, Lord!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com