Chapter 1.
"Bakit mo nagawa sa'kin 'to? Sinayang mo lang ang dalawang taon na relasyon natin! Bat ka nagpatukso sa haliparot na babaeng yun ha? Sabihin mo sakin Vince! Mas masarap ba sya? Kulang pa ba pagmamahal ko kaya tumikim ka ng iba? Langya! Binuntis mo pa!" hysterical na bulyaw ni Clary sa isang coffee shop wala siyang pakialam na pinagtitinginan na sya.
"I'm sorry Clary, hindi ko sinasadya—" tugon ni Vince.
"Anong hindi sinasadya? Ano yun? Nakatulog ka tapos paggising mo hubo't hubad kanang nakatabi kay Maria?" Humagulgol na saad ni Clary.
"Clary kalimutan nalang natin yun, 'wag kang mag alala hindi kita iiwan."
Tumigil sa pag iyak si Clary "anong ibig mong sabihin?"
"Magsimula tayong muli pinapangako ko sayong hindi na ko magloloko, ikaw ang mahal ko hindi si Maria." Malambing saad ni Vince.
Lumiwanag ang mukha ni Clary "t-talaga?"
Tumango naman si Vince.
Ang nakangiting mukha ni Clary napalitan ng poot kumuha siya ng basong may lamang tubig at ibinuhos ito kay Vince.
"Eh gago ka pala eh! Pagkatapos mong anakan 'di mo pananagutan! babae ako Vince! Mahirap magbuntis! Kung mahal mo ko hindi mo magagawang tumuka sa iba gago!" Tumayo si Clary hinablot yung manggas ng damit ng waiter saka sinabihang "Yung bill ibigay mo sa kanya siya lahat magbabayad!" At umalis na sa resto hindi na nya pinansin ang pagtawag ni Vince at dali-dali syang lumabas ng coffee shop.
—
Akiya
Bwesit na Vince yun! Paano niya nagawa sa'kin yun? Minahal ko naman siya ng todo bakit kulang pa?
I dialled Blake's number.
Nakatatlong ring saka pa niya ito sinagot.
"Hey!"
"Hey mo mukha mo! Nasa'n ka ba!?"
"Hey, chill sweety, masisira ang lovely ears ko sa kakasigaw mo."
"Isa! Nasaan ka sabi?"
Aba! tinawanan lang ako ng gago "Sa library naghahanap ng chix."
Pinatay ko na ang tawag at agad na pumara ng taxi.
I smirk at the thought he's my bestfriend and my past boyfriend.
Ang gagong unang nagloko sa'kin, I don't even know why we ended up being bestfriend despite from our past, basta kumportable ako sa kanya.
I arrived at school at ilang minuto rin ang nilalakarin ko bago ako makarating sa library.
Nakita kong papalabas na si Blake ng library sabay kindat dun sa isang babae na kakalabas rin, malandi talaga 'to pati sa library 'di pinalampas.
"Blake Andre!" sigaw ko sa kanya habang naglalakad.
Tumingin naman siya sa'kin at kumaway. Patakbong tumungo siya sa direksyon ko't walang atubiling umakbay, as usual pinagtitinginan na naman kami kilalang heartthrob kasi ang gagong 'to.
"Omg! Sana sila nalang!" rinig kong bulong ng isang babae sa kanyang kasama habang naglalakad kami. Napailing nalang ako.
"Duh! Sila nga noon then she dumped him and now si Vince, may nakakita sa kanila kanina sa Coffee shop nag-aaway then balita she dumped Vince, akala mo sinong maganda napaka-bitch pa!" sabat naman nung isa.
Akmang susugurin sila ni Blake pero pinigilan ko. "Let them be Andre, dogs bark when they didn't know the person." Nilakasan ko talaga ang pagbigkas nun para marinig nila kilala akong mabait pero pag ako inapi magkitakita tayo sa impyerno.
"But— teka! anong wala na kayo ni Vince?" Gulat na bulalas ni Blake.
"Mamaya ko na ipapaliwanag sa'yo. Dalhin mo muna ako sa tulay gusto ko munang magpahangin."
Sumunod naman si Blake sa'kin.
"Miss Akiya! sa'n po kayo pupunta? malapit na po magta-time, bawal na po lumabas." Harang sa'min ni manong guard.
"Kuya emergency lang po tinawagan po ako ni Kuya Miyoko." Pagpapalusot ko.
"Ganun po ba? sige po mag-ingat po kayo." Tugon ni manong guard at pinagbuksan niya kami ng gate.
Tumango lang ako sa kanya at lumabas na kami ni Blake.
Nang makarating na kami sa kotse niya saka pa siya nagsalita. "Hoy! inaabuso mo na ang pagiging pangalawang may-ari ng paaralan ah."
Naging sa'min narin yung school kasi kasal na si kuya Jace kay ate Laila, ang totoong may-ari ng paaralang ito kaya lang naka-comma si ate ngayon dahil kakaopera lang ng brain tumor niya.
"Di naman masyado. Nag-alala na nga ako para kay kuya eh, ilang araw na kasi siyang walang pahinga kakabantay kay ate Laila."
"Bakit 'di parin ba nagigising?"
Umiling lang ako at yumuko.
"Okay lang 'yan, kilalang matapang si ate Laila lalo na ang kuya mo malalampasan rin nila ang pagsubok na iyan."
Napangiti naman ako sa sinabi ni Blake at tumango.
"Ayan ngumiti ka rin sa wakas, panget mo lalo pag nakasimangot ka," natatawang sabi niya.
"Gago!" at inirapan ko lang siya.
Ilang minuto rin ang lumipas bago kami makarating sa ilalim ng tulay, isa ito sa pinakamalaking tulay sa aming bayan. Ginawa namin 'tong tambayan ni Blake dahil napakapayapa at ang sarap sa pakiramdam ng simoy ng hangin ng dagat.
Agad akong bumaba ng sasakyan at hinubad ang sapatos saka nagtampisaw sa tubig.
"Spill." Seryosong sabi ni Blake na nasa tabi ko na pala naglalakad rin siya sa dalampasigan na nakapamulsa.
Huminga muna ako ng malalim bago magsimulang magkwento at sinabi ko na sa kanya lahat ng nangyari.
Nakita kong napakuyom si Blake ng kamao bago ako niyakap at sinabing,
"'wag mong kimkimin 'yan iyak mo lang andito lang ako para sayo."
Mas lalo ko siyang niyakap ng mahigpit at sinabing, "salamat Blake, ano pa bang kulang sakin? ganyan ba talaga kayong mga lalaki ? bakit 'di kayo makuntento sa isa?" tas kumalas na ako sa kanya.
Nagkibit balikat lang siya at sinabing.
"Walang problema sayo, kami ang mayro'n, kaya 'wag mo sisihin sarili mo. You just don't deserved somebody like me kaya nga binansagan akong cassanova king sa school diba? "
Binatukan ko lang siya at sinabing, "gago! gasgas na ang salitang yan ginagamit mo parin pala? ang old school mo!"
"Nakakarami ka na ah! sige na smile na, ngingiti na yan." Panunukso niya.
Muntanga na ako nito umiiyak at tumatawa.
"Sandali lang kailangan ko na talaga ilabas to."
Tinakpan naman ni Blake tenga niya saka sinabing, "Go ahead."
Humarap ako sa dagat huminga ng malalim saka tumikhim.
"HOW DARE YOU VINCE! YOU'LL REGRET FOR DOING THIS ME! MAKAKAMOVE ON RIN AKO AT PAG NAKAMOVE ON NAKO 'WHO YOU?' KA SA'KIN GAGO! PAKYU KA RIN MARIA! MARIA KA PA MAGDALENA KA NAMAN PALA! NAPAKAPUCHANG INA MO! MAGSAMA KAYONG MGA MALILIBOG!" I screamed at the top of my lungs. Hiningal ako dun, pero atleast I'm now relieved.
Nilapitan ko na si Blake at tinapik, "Hoy! tapos na,tara na!"
Tinanggal naman niya kamay sa tenga niya at sinabing "Ay, tapos na ba? ba't ang bilis? ganun ka rin ba sa'kin noon nung nag-break tayo?" Bakas ang panunukso sa boses nito.
"Che! hindi no, 'wag kang feeling naka ten days lang tayo sa relationshit natin noon."
"Grabi ka, relationshit talaga? Mas mapanakit kapa sa'kin!"
Ang oa talaga ng mokong 'to!
"Tapos kanang magdrama? Iiwan na kita!"
"Ay ang galing? iiwan mo ko? bakit marunong ka magdrive?"
"Che!" Inirapan ko nalang siya't nauna nakong pumasok sa sasakyan niya. Bago paman ako maka-upo ng tuluyan bigla nalang niya akong hinigit at binuhat na parang sako ng bigas!
"Not so fast darling maliligo pa tayo!"
Napasigaw ako sa gulat, "Blake bitiwan mo ko wala akong dalang extrang damit! Andre!"
Mistulang bingi ang mokong at tinapon na niya talaga ako sa dagat, nakakainis pero at the same time nagpapasalamat narin ako dahil nandyan si Blake lage sa tabi ko.
Ilang minuto rin kaming nagkulitan at nagswimming ni Blake bago bumalik sa sasakyan.
"Clary may tumatawag sayo."
Agad ko namang kinuha ang cp ko sa bag at inaccept ang tawag, It's kuya Jace.
"Hello kuya?"
"Hello Akiya, I'm sorry to disturb you li'l sis pero kailangan kita para samahan ang daddy ni Laila rito sa ospital." Halata ang pagod sa boses ni kuya.
"Opo kuya! papunta na po ako."
"Thanks, ingat ka."
I ended the call.
"Oh, ano daw sabi?"
"He wants me to go to the hospital para samahan ang daddy ni ate Laila."
"I'll go with you pero kailangan muna nating dumaan sa apartment ko para makapagbihis tayo. Isuot mo muna 'tong jacket ko para 'di ka ginawin."
Kinuha ko naman yun at lihim na ngumiti kahit kailan 'di parin nagbabago ng pagka-gentleman ni Blake kaya maraming nag-aasume na babae at isa ako sa mga dun. Noon.
Pagkarating namin sa apartment ni Blake agad naman akong nagbihis total may damit narin ako rito kasi madalas akong magsleep over sa apartment niya kasama si Vince at heto ako ngayon hawak ang isa sa mga shirt ni Vince at inaamoy. Damn! I miss him so much.
"Bago ka pa umiyak na naman diyan kailangan na nating umalis naghihintay na kuya mo."
Nilingon ko si Blake at ibinalik ang shirt ni Vince sa kabinet.
labas na sana ako ng mapansing di sya sumunod.
"Andre anong ginagawa mo!?" Isinisilid kasi niya mga damit ni Vince sa bag.
"Nililigpit ko mga gamit niya rito isasauli ko sa kanya di na siya welcome rito." seryosong saad niya.
Di na ako umimik alam ko namang ayaw makita ni Blake na nasasaktan pa rin ako.
Tahimik ang byahe pagdating namin sa ospital.
"Una kana sa loob may aasikahin lang ako babalikan nalang kita rito mamaya."
Tumango lang ako sa kanya at niyakap siya.
"Salamat Andre."
Tas bumaba na ako at agad na tinungo ang room ni ate Laila.
**********
Blake's POV
agad akong dumiretso sa tambayan naming magtropa pupuntahan at kokomprontahin ko si Vince dahil sa ginawa niya kay Clary.
Pinakamatalik kong kaibigan si Vince pinaubaya ko sa kanya noon si Clary kahit mahal na mahal ko siya dahil inakala kong aalagaan niya ito at di sasaktan pero mali pala ako dahil mas masahol pa ang ginawa niyang kataksilan.
Pinaharurot ko ang sasakyan ko para makarating agad.
Sakto nga hinala ko nandito siya kasama ang tropa sila nagbibilliard si Vince naman umiinom.
"Hey bro!" bati ni Carlo pero di ko pinansin at dumiretso ako kay Vince at agad siyang sinuntok.
"Whooa!! chill bro! pag-usapan muna natin to." awat samin ni Rex.
"Who could you! pinaubaya ko saiyo si Akiya dahil alam kong di mo siya magagawang saktan ! pero ano to? anong kagaguhan ang ginawa mo?!" sabay suntok ulit sa kanya naiinis ako dahil di siya lumalaban hinaayan niya lang akong bugbugin siya.
"Ano !? sumagot ka!!"
"Carlo usapang babae yan hayaan na muna natin sila nang matauhan." rinig kong sabi ni Rex at iniwan nila kami.
"Ba't ka tumigil? suntukin mo pa ko!! kung gusto mo lumpuhin mo pa ako! di ko ginusto ang nangyari, nag-iingat naman ako eh! pero tang*na! nagpaakit ako sa haliparot na yun eh! Oo mali ako at pinagsisihan ko yun! pero Blake di ko siya isusuko..mahal na mahal ko si Clary." umiyak pa ang gago.
"Eh gago ka pala eh! mahal mo tas ginago mo! ang labo mo tol! tapos na ang dalawan taon kong pagtitimpi..babawiin ko na si Clary sayo."
"Hindi! akin lang siya di ko hahayaang mapunta siya sayo papatunayan kong di ko na siya sasaktan pang muli."
i smirk before saying "Kung ganun, may the best man wins." tapos tuluyan ko na siyang tinalikuran.
Agad kong pinaharurot ang sasakyan ko papuntang ospital simula ngayon its my mission to make her happy and to make her MINE.
Nakita ko siyang kasama ang may-ari ng school namin ang daddynni ate Laila may binili ata sila sakto namang sumabay ako sakanila.
"Oh Mr. Cruz! kamusta hijo?" bungad sakin ni Sir Franco.
"Ok lang po Sir Brat..kayo po? pansin ko nangayayat po kayo."
"Oo nga eh alam mo na hindi pa nagigising ang anak ko." malungkot na sabi niya.
"Wag po kayong mag-alala malalampasan niyo po yan."
"Sana nga hijo. O siya mauna na muna ako sa loob."
"Sige po!" binaling ko naman ang tingin ko kay Clary. "Ako na magdadala niyan." sabay kuha ng pinamili nila.
"Salamat san ka nga pala galing?" tanong niya sasagot na sana ako ng biglang napahinto si sir Brat at si Clary.
"Anak salamat sa Diyos at gising kana! ..."" sabi ni Sir Brat sabay takbo at yakap kay ate Laila. "Akala ko kukunin ka na niya samin " umiiyak niyang sabi.
"Daddy naman eh katatapos lang naming magdrama ni Jace pinapaiiyak mo na naman ako." -ate Laila.
"Kuya tatawagin ko na muna yung doctor." sabi ni Clary
"Sandali..di mo naman ba ako ipapakilala sa kasama mo?" -Kuya ni Clary
"ahh oo nga pala! Kuya si Blake..bestfriend ko." sabi niya Clary
"Tol, kuya ko nga pala si Miyoko." sabi naman ni Clary sakin minsan tol talaga tawag sakin ni Clary lalo na't ipinakikilala niya lang ako bilang kaibigan niya masakit pero tanggap ko noon na hanggang kaibigan lang talaga at di na pwedeng ibalik ang dati. pero ngayon sisikapin kong magkabalikan uli kami.
"Magandang hapon po." sabi ko sa kuya niya sabay yuko .
Matalim na tinitigan ako ng kuya niya kaya napayuko ako.
"Magandang hapon rin sayo.. pwede mo ba munang samahan ni Clary?" tanong ko niya.
"Opo! wala pong problema." sabi ko at lumabas na kami ng silid.
"Pasensya kana sa kuya ko ah ganun ang tingin niya sayo, over protective kasi yun." -Clary.
"Ok lang kahit naman ako magiging ganun rin pag may kapatid akong babae."
"Wee????"
"Oo nga kulit nito eh! o ayan na si Doc."
"Doc, gising na po si ate Laila."
"Sige i'll go ahead thanks." sabi ng Doctor at pumunta na sa room ni ate Laila.
Matapos kong ihatid si Laila sa bahay nila dumiretso muna ako sa bahay kukunin ko lang gitara ko.
"Andreee!!!!!" bungad sakin ni Mom pagdating ko.
"I miss you handsome! kamusta ang school? baka puro pambabae nalang inaatupag mo ah? im warning you bawal magdala ng kunsino-sinong babae sa apartment mo! may contact ako ng landlord niyo."
"I miss you too Gorgeous, Pwede pumasok muna tayo?" pambobola ko kay mom ang salitang 'Gorgeous' feel na feel niya kasing tawagin na ganyan.
" Ay sorry naman excited lang eh! Yaya dalhan mo kami ng snacks dito!" bumaling naman siya uli sakin at sinabing "So ano na? how are you?"
"Im fine Mom..wag na kayong mag-alala mataas parin grades ko and si Akiya lang naman po ang allowed sa apartment ko."
"Si Akiya? ohw kamusta na pala siya? nako sila parin ba ni Vince?"
"Hiwalay na po sila Mom."
Pumalakpak naman si Mom at tuwang-tuwa nang biglang sumingit si Dad
"Oh ano pang hinihintay mo young man? ligawan mo na!"
"Hey Dad! Hindi pa pwede dad humahanap pa ako ng tyempo."
"Hay nako baka maunahan ka pa niyan."
"I promise Dad this time mababawi kong muli si Clary."
"Good that's my boy!" sabay gulo ng buhok ko.
"Dad naman eh!"
"Maiba tayo ba't ka napasugod ka rito?" tanong ni Mom.
"Kukunin ko gitara ko Mom."
Nakita ko lumiwanag mga mukha nila at tuwang-tuwa ... mga sikat kasing artist and singer ang mga magulang ko, nalungkot sila nung humiwalay ako sa banda nila ni Vince at tumigil ako sa pagtugtog. Yup, may banda kami nila Vince noon pero ngayon sila nalang tatlo ang tumutugtog.
"Dahil ba to kay Akiya kaya ka tutugtog ulit?" -Mom
Tumango lang ako.
"Oh sya sige pumunta kana sa kwarto mo."
Umakyat na ako at kinuha ang gitara ko.
"Hey buddy! Long time no see!" then i start to strum. nakakamiss rin pala tumugtog.
Bumaba na ako para magpaalam sa parents ko.
"Ingat sa pagdrive baby boy!" sabay halik sakin ni Mommy.
"Ingat young man! Wag paligoy-ligoy maikli lang ang panahon." sabi naman ni Dad sabay tapik sa balikat ko.
"Bye Mom! Bye Dad! ingat kayo palagi!" sabi ko sabay sakay sa kotse at umuwi na sa apartment.
**********
Singkit's note:
there! Sorry for spelling/grammatical errors pure bisaya po ako at medyo mahirap magtagalog.
Anyways thanks for reading and please keep supporting.
Love lots :*
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com