Last Chapter
*After 5 years*
Blake's POV
"Halika na sweetie maggagabi na." Sabi ko kay Clary.
"Oo sandali lang inaayos ko pa yung mga bulaklak at kandila." Sabi niya.
Nasa puntod kami ngayon ni Vince dumadalaw death anniversary kasi niya.
Taon-taon kaming pumupunta ni Clary dito kahit kailan Di namin sya makakalimutan dahil sa sakripisyong ginawa niya para samin..
Ngayon 5 years na rin kaming nagmamahalan ni Clary Isa na ako sikat na composer at siya naman ay katatapos lang sa kursong Culinary mahilig magluto ang sweetie ko. Nagsisimula narin siya sa Coffee shop business niya.
"Vince aalis na kami ha? Sana I bless mo yung kasal namin ni Andre." Sabi ni Clary sa puntod ni Vince at umalis na kami.
Oo nga pala last week ko lang siya inaya na magpakasal at next week ikakasal na kami.
--------------
*the wedding day*
Akiya's POV
Ang bilis ng nangyayari parang kahapon lang nung nagkakilala kaming tatlo , parang kahapon lang na nagmahalan kaming tatlo.. Masakit isipin na kailangan may isang mawala . Pero maganda rin naman ang kinalabasan sa huli.
Ngayon naglalakad ako sa isle,
Lahat sila nakatingin sakin...
Pero ako nakatuon lang ang atensyon ko sa taong naghihintay sakin sa altar. Si Blake na mas tawag ko sa pangalang Andre.
Sinong mag-aakala na ang tulay namin ni Vince at ang best friend ko ang makakatuluyan ko sa huli.
"Spacing out sweetie? Mamaya mo na isipin yan sa ngayon let's change our vows" sabi niya sabay kindat.
Inirapan ko lang siya at tumawa, Nasa harapan na kami ngayon ng pari at sinimulan na namin ang seremonya hanggang sa pinakahihintay ng lahat.
"You may now kiss the bride" -pari.
Naghiyawan naman ang mga guest, best man ko pala si kuya Jace, kasama niya si ate Laila na karga-karga si Roxe ang pangalawa nilang anak at si Clent ang panganay.
Kinindatan ako ni ate Laila ngumisi naman ako.
Dumeritso na kami sa Reception enjoy na enjoy naman kami lahat ganito pala ang feeling kapag ikinakasal para naman akong tanga iiyak at tatawa sa mga nagsasalita lalo na si Mommy at Daddy.
People raise their glass at umingay na ang paligid
"kiss! Kiss! Kiss!" Chant nila.
Then we kiss..
A few minutes umalis na kami ni Blake patungo sa venue ng aming honeymoon. Kinakabahan man pero nakakaiexcite.
Pagdating namin sa hotel ni Blake may sumalubong saking batang lalaki dahil abala pa si Blake sa receptionist ako lang ang nakapansin dito.
"Ate may nagpapabigay sayo." Sabi nung bata sabay takbo kaya Di ko na natanong kung kanino galing.
Nagtataka ako kaya binuksan ko kaagad ang laman nung box.
Tumulo ang mga luha ko sa nakita ko. Ang bracelet na bigay sakin nun ni Vince pero ibinalik ko sa kanya.
May sticky note pang kasama to mas lalo akong napahagulgol sa nakasulat na best wishes,stay happy!
"Clary? Anong nang----
Niyakap ko kaagad si Blake at pinakita sa kanya ang nasa box nabasa rin niya Ito, kita ko sa mukha niya ang pagkagulat pero ngumiti lang siya at sinabing..
" Kung nasan man siya ngayon alam kong masaya siya para satin"
Tumango lang ako at ngumiti.
*****End*******
Singkit's note:
Finally ! Natapos ko na rin... :)
I would like to extend my gratitude to all readers na matiyagang naghintay sa update at bumasa.
Next ko namang gagawin ay Juliet.
Sana supportahan niyo rin.
Ciao!! :)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com