Chào các bạn! Truyen4U chính thức đã quay trở lại rồi đây!^^. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền Truyen4U.Com này nhé! Mãi yêu... ♥

Plan 3




~Do Kyungsoo~




 Pagkagising ko kinabukasan, Kim Jongin is gone. Kumain na siguro o di naman kaya, pumasok na sa klase.



I looked at my bedside clock and realized that it's still too early. Siguro kumain nga si Kim Jongin. Sino naman ang papasok sa school ng 5:30 am diba? Tapos 7:00 am yung klase mo? Adik yung ganun, maniwala ka.



Naglakad na ako papunta sa banyo para maligo. Gusto kong medyo maaga ngayon para naman makapili ako ng magandang upuan. Lalo na't ako lang ang new student. Baka sa gitna pa ako mapunta, mahirap yun. O di naman kaya sa likod, tragedy na tawag dun.



Matapos magbihis ay lumabas na ako ng malaki naming banyo.



"Ay nognog!" gulat na sigaw ko nang makita si Kim Jongin. Nakatayo siya at nagtatanggal ng t-shirt na suot sa tabi ng double deck naming kama.



Tinignan niya ako ng masama at tuluyan na ngang naghubad ng shirt sa harap ko. Pinagpapawisan siya at medyo hingal.



Napatingin ako sa katawan niya at napahawak ng mahigpit sa tuwalya na hawak ko. Hindi ko naman inakala na ganito pala ang katawan neto. Bakit... Bakit ang perfect? Mula ulo hanggang paa, parang diyos. Jusko po.



"May problema ba?" tanong niya at saka lang ako natauhan. I blinked a few times and wiped my forehead with the towel i'm holding. Pinagpapawisan na pala ako, walang hiya naman.


"W-wala naman." sagot ko at napalunok ulit. "Nagulat lang ako sayo." Naglakad na ako pabalik sa table ko habang umiiwas ng tingin.



He just nodded in response and went to get his own towel. Pumasok na siya sa banyo at saka lang ako nakahinga ng maluwag.



Kinuha ko yung notebook sa ilalim ng desk ko nang magbukas ulit ang pinto. Napatingin ako sakanya at lumapit siya sakin habang topless parin.



Jusko naman Jongin. Huwag ganyan, hayop ka.



"Look. I'm sorry for being rude yesterday, Do Kyungsoo." he said with a frown. "Hindi lang naging maganda ang araw ko kahapon."



Nagulat naman ako sa sinabi niya. Weh? Totoo ba to?



I pursed my lips and nodded, trying not to look at his body again. "It's fine." i said, giving a small smile. "Walang kaso yun sakin."



Jongin nodded. "Good." sabi niya saka ngumiti na din. "We'll be roommates and i think, tama lang na nasa good terms tayo, right?"



"Yes." sagot ko naman habang pinagpapawisan parin.



Tumango siya ulit at tumalikod na para bumalik sa banyo. Napasalampak ako sa upuan at sabay kumuha ng ballpen sa drawer ko. I wiped my forehead and sighed.




Journal entry #2: 

I promise not to look at Kim Jongin's body again! Ayoko na talaga. Hindi ko kinaya.

BTW, today's the first day. Hope it would turn out well. :)


















Nauna na ako kay Jongin na pumasok. Mukhang matagal pa yun saka alangan namang hintayin ko pa siya? That's not practical.



Dahil nga all-boys school, sobrang daming magugulong lalake ang makikita mo sa hallway, nag-babasketball, nagbabatuhan ng sapatos, nag-kukwentuhan, nag-babadminton, nagsasakalan, nagtatawanan. Basta marami.



Nakayuko lang ako habang naglalakad at salamat naman dahil walang pumapansin sakin.



"Kyungsoo!"



Oh well, maliban sa isa.



"Kyungsoo!"



Ah. Dalawa pala. Maliban sa dalawa.



Inakbayan ako ni Chanyeol sabay ngumiti ng malaki. Mahilig ata talaga itong mang-akbay. Sa isa ko namang tabi ay si Baekhyun na parati niyang kasama. Napatingin ako sakanilang dalawa at tinaas ang dalawa kong kilay.



"Bakit?" tanong ko. "Anong kailangan niyo?"



Tumawa silang dalawa. "Classmate ka namin, kala mo ba?" sabi ni Baek habang tumatango-tango. "Sabay na tayong pumasok."



"Kaya nga naman, Kyungsoo." sabi ni Chanyeol. "Don't isolate yourself! Not a good idea, I'm telling you." tinaas pa niya ang dalawa niyang kilay sabay thumbs up.



I rolled my eyes. "Fine." i muttered. "Wala naman na akong magagawa diba?"



Baekhyun scoffed. Pinalo niya ako sa likod at napakunot noo. "Alam mo pareho kayo ni Kai!" sita niya sakin. "Pareho kayong cold!"



I rolled my eyes in disapproval. "Yung coldness ko, walang sinabi sa coldness niya." sagot ko naman. "Besides, i'm a nice person."



Sabay naman na natawa sina Baekhyun at Chanyeol. "Don't flatter yourself, Kyungsoo." sabi ni Chanyeol at pinat ang pisngi ko. Tinignan ko siya ng masama at inalis ang braso niya na naka-akbay sakin. Inayos ko naman yung bag ko at nagpatuloy sa paglalakad.



"Oy Chanyeol, Baekhyun!" tawag ng isang lalakeng mukhang may mayaman na cheekbones.



Ngumiti naman si Baek. "Oh, Chen, anong balita?" tanong niya.



"May narinig kasi ako kay Lay kanina!" masayang sabi nung Chen at ngumiti ng mas malaki. Mayaman nga sa cheekbones. "Eh teka, sino to?" tanong niya sabay turo sakin.



"Do Kyungsoo." pagpapakilala ko sakanya.



Ngumiti naman siya at nakipag-shake hands. "Kim Jongdae." sabi niya. "Pero Chen nalang."



Tumango ako ang binigyan siya ng ngiti.



"Oh, ano na yung balita?" excited na tanong ni Baekhyun habang may malaking ngiti sa mukha.



"Huwag kang matuwa, Baek." sabi ni Chen at napa-cross arms. "Pupunta mamaya ang mga taga SM Academy dito." sabi niya at para siyang nagsasabi ng ghost story.



Unti-unting nawala ang ngiti sa labi ni Baek at saka siya napatingin kay Chanyeol. Nalungkot ang mukha nito na parang ewan. Hindi ko maintindihan.



"SM Academy?" tanong ko kay Chen. "Diba all-girls school yun?"



Tumango si Chen at napa-eye roll. "Tama!" inis na sabi niya. "Kung saan namamalagi ang mga feeling, maaarte at nakakainis na mga nilalang." he snorted and wrinkled his nose in disgust.



I shrugged. "Well i heard they're all pretty."



"Sus!" sabi ni Chen at tinuro si Chanyeol. "Tanong mo sakanya!"



Napatingin naman ako kay Chanyeol at nakataas ang isa niyang kilay. "Oh?" tanong niya. "Bakit ako nanaman nakita mo?"



"Ikaw ang may ex-girlfriend mula sa SMA!" sabi niya na kinagulat ko. "Explain mo kay Kyungsoo kung ano at paano sila doon. Dali na. Ang tagal ah."



Tinaasan ko ng kilay si Chanyeol. May ex pala siya mula sa school na yun. Well, SMA is like the girl version of EXO-A. Equal standards, equal treatments.



Chanyeol sighed. "It's over, Kim Jongdae." inis na sabi nito. "Babalikan mo pa?"



"I-explain mo lang naman sakanya kung anong klaseng mga babae ang meron doon eh!" sigaw ni Chen habang nakatingin parin ng masama kay Chanyeol. Ano bang issue netong si Chen? May malaki ba siyang galit sa mga babae o ano? Girl-hater?



Tumingin naman sakin si Chanyeol at pinat ang balikat ko. "Alam mo, kay Jongin mo nalang tanungin ang tungkol sa SMA." sabi ni Chanyeol habang nakatingin sakin ng seryoso. "Siya ang may manliligaw doon."



Natawa naman si Chen at humawak pa sa tiyan niya. Samantalang si Baekhyun, tahimik lang. Para siyang may iniisip na hindi ko maintindihan.



Pero ano daw? May manliligaw si Jongin sa SMA? Huh. For sure, hindi alam nung babaeng yun kung gaano ka-cold ang Kim Jongin niya.




Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com