Plan 36
Dedicated sa girlfriend kong si @-Yeolliepop !!! Thank you thank you sa pagbabasa ng NTP, lalong lalo na sa pag-iingay sa MB ko. haha. Love you forever~ (may forever tayo, huwag ka nang umangal. haha) MUA! xoxo~
* * * * *
~Do Kyungsoo~
"Mom?" gulat na bulong ko.
Tinanggal ni Mommy yung suot niyang sunglasses saka nag-wave sakin. Napasandal ako sa upuan ko para umiwas sa tingin niya. Grabe. Kaya pala hindi siya nagtetext kung andito sa siya. Talagang dito sa auction pa siya nagpakita.
"Why?" tanong ni Jongin sa tabi ko. "Sino yun?"
Tumingin ako sakanya saka lumapit para bumulong. "Si mommy." mahina kong sabi. Agad naman na napangiti si Jongin saka natawa ng mahina habang umiiling-iling.
"Does Mom like my jacket?" tanong niya.
Tinaasan ko naman siya ng kilay. "So ngayon, Mommy mo na din siya?" natatawang tanong ko.
Tumango naman agad si Jongin saka pinakita yung wedding ring na suot niya. "We're married, right?" nakangising sabi niya. Naramdaman ko naman yung pamumula ng mukha ko kaya agad akong umiwas ng tingin.
Kinuha ni Jongin yung kamay ko para laruin yung singsing sa daliri ko. Iniikot-ikot lang niya, tatanggalin tapos ilalagay ulit. Tapos lalaruin yung mga daliri ko. Kung anu-anong ginagawa kaya hindi ko nalang pinansin.
"1.6 million!" may sumigaw mula sa ibaba.
Napatingin ako kay Krystal at mukhang gigil na gigil na siya sa lahat ng babaeng gusto ding makuha yung jacket ni Jongin. "1.8 million!" sigaw niya at may halong galit na yung boses niya.
"2 million!" sigaw naman ni Mommy sa isang gilid. Napatingin ako sakanya at mukhang bored na bored pa siya. Nilabas niya yung cellphone niya at nagtext doon.
Bigla namang nag-vibrate yung cellphone ko. Agad kong kinuha yun saka napatingin sa text niya.
From: Mommy
Ang boring naman dito baby. Wala na bang itataas mga bid nila? Hindi manlang ako pinagpapawisan. Hay. *pouts*
Natawa naman ako sa text niya pero hindi nalang ako nagreply. Alam ko namang si Mommy din mananalo sa huli. Yun ay KUNG magpapatalo si Krystal. Obsessed pa man din yung kay Jongin.
"2.5 million!" sigaw ni Krystal at napatayo na siya sa inis. Tumingin siya sa paligid habang nanlilisik ang mga mata.
Tumayo din si Mommy saka tinaas ang kamay. "3 million!" sigaw niya sabay ngisi. Tumingin siya kay Krystal na para bang nang-aasar. Kulang nalang ilabas niya yung dila niya.
"3 million!" sigaw ni Baek. "Going once? Going twice?"
"Argh!" inis na sabi ni Krystal. "3.5 million!"
Tumango si Chanyeol. "3.5 mill--"
"4 million!" sabi ni Mommy saka tinanggal yung sunglasses niya. Wala paring umuupo sa kanilang dalawa. Silang dalawa nalang ang naglalaban kasi masyado nang malaki yung mga bid nila. Ayaw nang lumaban nung ibang students. Ako, hahayaan ko nalang si Mommy.
Napahinga ng malalim si Krystal, pilit na kino-control yung galit niya. "5 million." galit na sabi niya. Tinignan niya ng sobrang sama si Mommy. Para na tuloy siyang papatay niyan.
"This is getting exciting." nakangiting bulong ni Jongin sa tabi ko.
Napabuntong hininga si Mommy at napatingin sa mga kuko niya. "6 million~" pakantang sabi niya. Ngumiti siya ulit saka nilagay sa bewang niya yung isa niyang kamay.
Napatingin si Krystal sa paligid. "7." galit na sabi niya. "7 million!"
"8 million." sabi ni Mommy saka siya may kinuha sa tabi ng upuan niya. Isang duffel bag. "I can go all the way to billions, Miss." sabi niya. "I brought here 20 million cash and i'll give it now if i have to."
Tahimik yung buong paligid. Hinihintay yung sasabihin ni Krystal. Nagtinginan kami ni Jongin. At bago pa magsalita ulit si Baekhyun o si Chanyeol, napasigaw si Krystal sa galit at patakbong lumabas ng hall. Agad naman siyang sinundan ng mga kaibigan niya.
"Woah." bulong ko at napasandal ulit sa upuan ko.
"8 million! SOLD!" sigaw ni Chanyeol at patalon-talon naman si Mommy paakyat ng stage. Agad niyang kinuha yung jacket tapos ay niyakap pa sina Yeol at Baek dahil sa saya.
"Yehey~" parang bata na sabi nito habang natatawa. Binigay niya kina Baekhyun yung pera saka bumaba na din ng stage pabalik sa upuan niya.
Tuloy lang yung auction. Puro gamit ng mga sikat na taga-EXO-A ang items. Hindi na din ako sumali kasi nakuha naman na ni Mommy yung jacket na gusto kong makuha. Okay lang kung sakanya na yun. At least, siya naman yun eh.
Matapos ng auction ay naglabasan na din ang mga students mula sa hall. Pagkalabas namin, sobrang lamig na din sa labas kasi gabi na. Diretso naman kami ni Jongin sa field para kumain na muna ng dinner sa mga tent restaurants.
"Jongin! Kyungie baby!"
Sabay kaming napalingon ni Jongin. Inakbayan kaming dalawa ni Mommy habang nakasabit sa isa niyang braso yung leather jacket ni Jongin. Nakangiti siya ng malaki at nakasuot ng dress at doll shoes.
"Mom!" masayang sabi ko. "Hindi ka manlang nagpasabi nadarating ka."
Napa-iling naman siya. "Ano ka ba?" tanong niya. "I want to surprise you! I did, right?" sabi niya sabay taas-baba ng dalawang kilay.
Tumango naman ako. "I didn't know you want to attend the auction." sabi ko.
"I checked EXO-A's website last night." explain niya saka tumayo ng maayos. Niyakap niya yung jacket ni Jongin na parang nilalamig pero hindi naman niya sinusuot. "I saw the auction. And you know Kyungsoo, your Dad and i love going to those auctions! Masaya kasi eh."
Napatingin ako sa likod niya. "So... are... are you with him?" mahina kong tanong.
Napa-pout naman si Mommy. "He's busy. Alam mo naman yun." sagot niya. "Pero... pero i know! I know he'll want to come!" dagdag pa niya saka ngumiti ng malaki.
Pero alam ko yung totoo. Dad doesn't want to see me.
"Yeah right."mahina kong sabi.
Napa-ubo naman si Jongin sa tabi ko. "Mom, we'll eat dinner. Do you want to come? My treat." sabi niya saka nag-thumbs up.
Mas lalo namang napa-pout si Mommy. "I would love to, Son-in-law. But--- OH MY GOSH! WHAT IS THAT?!" sigaw niya sabay hila sa kamay ni Jongin. "BAKIT KA MAY WEDDING RING?! TAMA BA TONG--- OH MY GOSH! IKAW DIN KYUNGSOO?!" sigaw din niya sabay hila sa kamay ko.
"Mom---"
"Nagpakasal na kayo hindi manlang ako invited?!" sigaw niya. "AKALA KO BA AKO ANG NUMBER 1 FAN NIYO?! HUHUHU."
"Mommy---"
"Alam niyo ba kung gaano to kasakit, ha?!" iyak ni Mommy sabay punas sa luha niya kuno. "Grabe kayo, Kyungsoo! Son-in-law, paano mo to nagawa sakin?! Edi sana nakapagdala ako ng banners at tarpaulins!"
"Ano? Hindi po---"
"MERON PA SANANG LASER LIGHTS O GLOW STICKS! GRABE TALAGA KAYO, IN FAIRNESS HA?! SINAKTAN NIYO AKO NG---"
"MOM! WE'RE NOT MARRIED!" sigaw ko para tumigil na siya. Agad naman siyang napatigil sa pagda-drama niya. "Sa booth lang ito, Ma. They gave free rings, so."
Napatigil naman si Mommy saka inis na binitawan yung mga kamay namin. "Ano ba yan?" sabi niya sabay irap. "Akala ko naman. Hmp!"
"Mom, if we'll get married, you'll be the first one to know, i promise." sabi ni Jongin saka tinaas yung isang kamay. Agad naman na napangiti si Mommy.
"Pinky promise?" sabi niya saka tinaas yung pinky finger niya.
Natawa naman si Jongin saka inikot yung pinky finger niya sa daliri ni Mommy. "Pinky promise po." nakangiting sabi nito.
Pumalakpak naman si Mommy saka masayang tumingin kay Jongin. "Here." sabi niya saka inabot yung leather jacket. "It's yours, right? I got it for you, son-in-law."
Nanlaki naman yung mga mata ni Jongin. "W-wait. Pero binili niyo na yan, Ma." sabi niya. "It's yours."
"No." sabi ni Mommy. "I bid for it so i could give it to you. Ayoko kasing mapunta siya sa babaeng yun. You know? Hehehe." dagdag niya saka binigay na nga ng tuluyan kay Jongin yung jacket.
Ngumiti si Jongin. "Mom, please, take it." sabi niya sabay abot kay Mommy nung jacket. "As a gift?"
Napatingin sakin si Mommy. "Just... give it to someone else, Son-in-law." nakangiting sabi niya. "Someone deserves it more than i do."
Tumango si Jongin. "Okay." nakangiting sabi niya.
Niyakap kaming dalawa ni Mommy. "I'll go ahead." sabi niya. "See you both soon, okay? I love you. The two of you." dagdag niya bago halikan yung pisngi ko at ni Jongin. Nag-wave pa siya bago patakbong bumalik sa kotse niya. Para talaga siyang bata minsan eh.
Biglang pinatong ni Jongin yung jacket sa balikat ko. "You're cold, aren't you?" sabi niya habang nakangiti. "Take this. It's yours."
Niyakap ko naman yung jacket saka tuluyang sinuot sakin. "Thanks." nilalamig na sabi ko. Napatingin naman ako kay Jongin at napansing naka-hoodie pala siya.
"What do you want to eat?" tanong niya bigla.
Napakunot noo ako at napatingin sa paligid. "Chicken... chicken mania?" tanong ko saka nagtaas ng isang kilay kay Jongin.
Natawa siya saka inakbayan ako. "Let's go."
Naglakad kami palabas ng school. Malapit na kami sa guard house nang mapansin yung guard na may kausap na bata. Nang papalapit na kami ni Jongin, napansin naming umiiyak yung bata.
"Bawal ka dito. Asan na ba Mama mo?" tanong ni kuya guard.
Umiiyak parin yung bata, hindi sumasagot. Agad naman akong lumapit saka napatingin kay kuya guard. "Manong, anong meron?"
"Ito kasing bata, gustong pumasok. Eh wala naman siyang guardian kaya hindi pwede." explain ni kuya guard samin. Agad namang umupo si Jongin sa harapan nung bata at tumabi ako sakanya.
"Hello. Ako si Kuya Kai." pagpapakilala niya sa bata. "Ito si Kuya Kyungie. Anong pangalan mo?"
Napatingin samin yung bata at biglang tumigil sa pag-iyak.
"Mama?" tanong niya sakin. Nanlaki naman yung mga mata ko. Tapos tumingin siya kay Jongin. "Papa?"
Umiling ako. "H-hindi. Hindi ako ang mama mo." agad na sabi ko. Pero dahil sa sinabi ko, umiyak siya ulit. Napatingin ako sa damit niya. Hindi naman siya mukhang pulubi. Naka-tshirt siya ng maayos saka naka shorts at rubber shoes pa. Ang bango-bango pa niya. Amoy baby.
"Mama! Papa!" sigaw niya habang umiiyak.
Nagpanic naman kaming dalawa ni Jongin. "A-ah... OO!" biglang sabi ni Jongin. "A-ako nga yung Papa mo." sabi niya habang may pilit na ngiti.
Tumigil nga sa pag-iyak yung bata.
"Papa?" tanong niya kay Jongin. Tumango naman si Jongin.
Tumingin siya sakin. "Mama?" Dahan-dahan akong tumango.
"A-anong pangalan mo?" tanong ni Jongin.
Agad namang ngumiti yung bata saka yumakap sa leeg ko. Niyakap niya ako ng sobrang higpit na para bang sobra niya akong na-miss. "Asher." bulong niya saka kumalas sa yakap para halikan ako sa pisngi. "I'm Asher po!" saka ngumiti samin ni Jongin.
* * * * *
Instant anak ang peg ng KaiSoo. hahaha. :D
Thank you for reading everyone! Godbless and I love you all~
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com