Chào các bạn! Truyen4U chính thức đã quay trở lại rồi đây!^^. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền Truyen4U.Com này nhé! Mãi yêu... ♥

Plan 52



Dedicated sayo na nagbabasa nito. :)




* * * * *




"Please... Marry me, Kyung."



Dahan-dahan na binalik ni Kyungsoo ang tingin niya kay Jongin. Maraming bagay ang tumatakbo sa isip niya ngayon at isa na doon ang biglaang tanong ng taong nasa harap niya. 



"Kai... i love you. I really do. But--"



Napabuntong hininga si Jongin saka maingat na hinawakan yung kamay ni Kyungsoo. Hinaplos niya yun saka hinalikan. "I know what you're gonna say." mahina niyang sabi. 



"I do wanna marry you, Jongin." sabi ni Kyungsoo. "But we both know how difficult everything is now." 



"I know." bulong ni Jongin habang nakakunot noo. Nakatingin lang siya sa kamay ni Kyungsoo na hawak-hawak niya. May ilang sugat pa siyang nakikita sa mga daliri ni Kyungsoo at nasasaktan siyang nakikita yung mga yun. 



"Kim Jongin..."



"Here." sabi ni Jongin saka sinuot kay Kyungsoo yung singsing. "Take it. It's all yours anyway." 



Ngumiti si Kyungsoo saka hinayaan si Jongin na ibigay sakanya yung singsing. Wala naman siyang balak magpakasal sa iba. Si Kim Jongin lang yung gusto niya. Pero siguro, hindi pa talaga yun ang priority nila sa ngayon. May mga bagay na mas dapat bigyang pansin, kumbaga. 



Dahan-dahan na umalis si Kyungsoo mula sa pagkakaupo sa hita ni Jongin at saka umupo sa tabi nito. Kinuyom niya yung kamay niya na para bang natatakot siya na mawala yung singsing mula sa kanya. 



"So... where are we going now?" tanong ni Jongin habang nakatingin sa paligid. Sobrang daming tao parin sa park na yun at wala siyang idea kung saan ba dapat sila pumunta. 



Sinundan naman ni Kyungsoo yung tingin ni Jongin at maya-maya pa, isang tao ang nakita nilang patakbong papunta sakanila. Agad silang napatayo at sinalubong si Taeyeon na parang hingal pa at nagmamadali. 



"Oh gosh, finally." sabi niyang nang makita si Kyungsoo. "Let's go." 



Hindi na nagtanong sina Kyungsoo at Jongin bago nila sinundan si Taeyeon. Hinawakan ni Jongin yung kamay ni Kyungsoo habang patakbo silang palabas ng park. Hinawakan niya yun ng mahigpit at mas lalo niyang naramdaman yung ilang linggo na hindi sila magkasama. 



At ayaw na niyang balikan pa yung mga araw na yun. 



Sumakay sila sa kotse ni Taeyeon at mabilis silang umalis sa parking lot. Panay ang tingin niya sa side mirror at rear view mirror ng sasakyan. 



"Where are we going?" tanong ni Jongin sa kapatid niya. 



Pinaharurot ni Taeyeon yung kotse nang marating nila yung highway. "Leaving?" sagot niya sabay taas ng isang kilay. Napa-daing nalang si Jongin saka tinignan ng masama yung kapatid niya. 



"There's no time for jokes." inis na sabi niya dito. 



"You're both leaving. Tomorrow." sagot niya. "But for now, you'll be staying in a unit Mrs. Fiona bought or something." 



Nanlaki naman yung mga mata ni Kyungsoo. "Pero Miss Taeyeon, hindi ba malalaman ni Daddy kung saan yun?" 



"Well your mother said that it's safe." sagot niya saka ngumiti ng maliit. "Besides, you're leaving the country tomorrow. There'll be no time for problems." 



Maya-maya pa, dumating silang tatlo sa isang condominium at binigay ni Taeyeon kay Jongin yung dalawang cards na hawak niya matapos nilang lumabas mula sa kotse. Kinuha yun ni Jongin habang nakakunot noo. 



"What are these?" takang tanong niya.



"The white one's for the unit." sagot ni Taeyeon. "The other one... just take it. You'll need it when you go to US tomorrow." 



Bago pa sumagot si Jongin, niyakap siya ni Taeyeon ng mahigpit. 



"I'll miss you." bulong niya dito. "But i'll visit if i'll have the time. Take care, okay?" 



Niyakap siya pabalik ni Jongin. "I will." mahina niyang sabi. "And I don't know how to thank you, Sis." dagdag pa niya saka napabuntong hininga.



Kumalas naman sa yakap si Taeyeon saka pinunasan yung mga luha niyang hindi niya manlang napansin. Natawa siya ng mahina saka tinaas ang isang kilay. "Just take care of Kyungsoo for me." sabi niya. "With that you can pay your debt." 



Tumawa naman si Jongin. "Not that hard, huh?" mapang-asar na sagot niya dito. 



Ngumiti naman si Taeyeon saka tumingin kay Kyungsoo. Lumapit siya dito saka tumingin sa mga mata niya. "I... i don't know what to say, Kyungsoo." mahina niyang sabi. "But i guess, i ought to say sorry. Sorry for judging you. Maybe i just love my brother so much, i don't want him getting hurt. But i know how much you love him. And i trust you." 



Tumango naman si Kyungsoo saka ngumiti pabalik. "Thank you Miss Taeyeon." sagot niya dito. "I appreciate all these. I really do." 



Matapos magpaalam, sumakay na din si Taeyeon pabalik sa kotse niya at mabilis na umalis. Agad naman na sumakay sina Kyungsoo at Jongin sa elevator papunta sa 15th floor. Nang marating nila yung unit, binuksan ni Jongin yung pinto at agad nilang narinig yung ingay ng TV sa loob. 



Napakunot noo sina Kyungsoo at Jongin. Maling unit ba yung napuntahan nila? Maling card ba yung binigay ni Taeyeon sakanila? 



"BACONS!" sigaw ng isang boses sa loob at iisang tao lang yung may ganun kalakas na sigaw. 



"Baek?" gulat na bulong ni Kyungsoo at mabilis siyang pumasok sa loob. Gulat naman na napatingin siya sa eksena sa harapan niya. 



Nandoon si Baek, nakasuot ng apron habang may hawak na malaking plato ng bacons. Si Chanyeol naman, naka-upo sa sofa habang kalong-kalong ang tumatawang Jesper dahil nanonood nga sila ng cartoons. At naka-upo sa carpet, may hawak na unan ay si Asher. 



"Mama!" sigaw niya nang makita si Kyungsoo at patakbong pumunta sakanya. Agad siyang niyakap ni Kyungsoo at hinalikan sa pisngi. Sobrang na-miss niya yung batang yun. Hindi kasi sila pinapayagan na papasukin sa kwarto niya noon. 



Halos mabitawan naman ni Baekhyun yung hawak niyang pinggan. "Kyungsoo! Jongin!" masayang sabi niya at mabilis na nilapag yung pinggan sa table bago patakbong pumunta kay Kyungsoo. Niyakap siya nito ng mahigpit habang nakangiti ng malaki. 



"Baek!" hindi parin makapaniwala na sabi ni Kyungsoo. "A-anong ginagawa niyo dito?" Pinanood niyang pumunta si Asher kay Jongin at agad siyang binuhat nito. 



"Tumawag si Tita sa amin." pag-eexplain niya. "We came here to take care of Asher and Jesper for a while. Tutal... wala naman kaming ginagawa." 



Nanlaki saglit yung mga mata ni Kyungsoo nang maalala yung sinabi sakanya ni Suho. "I heard..." mahina niyang sabi. "Ano nang balak niyo?" 



Napa-eye roll si Baek. "Plan?" tanong niya pabalik. Napatingin siya kay Chanyeol at nag-wave naman siya sakanilang dalawa. "We'll transfer. Geez. EXO-A is not the ONLY school here in Korea." 



"B-but--"



"Okay. EXO-A's the best school, but Kyungsoo! Hindi namin kelangan yung best ngayon!" dahilan pa niya saka napabuntong hininga. "We need each other." mahina niyang dagdag. 



Ngumiti naman si Kyungsoo at napatingin kay Jongin. Karga-karga pa niya si Asher at naglakad ito papuntang sofa habang nagtatawanan silang dalawa. Mukhang namiss din si Jongin si Asher. 



Nang gabing yun, nagpaalam na din sina Baek at Yeol dahil may mga kailangan pa daw silang asikasuhin. Naiwan sina Jongin at Kyungsoo kasama yung dalawang bata. 



Magkatabing natulog sina Jongin at Kyungsoo habang sina Asher at Jesper, natulog sa kabilang kwarto kung saan andun yung mga laruan at gamit nila. 



Niyakap ni Jongin si Kyungsoo at ibinaon ng isa ang ulo niya sa dibdib ni Jongin. Napabuntong hininga si Jongin at naramdaman yung ngiti sa labi niya. 



"I don't want to sleep." bulong ni Jongin. 



Napakunot noo naman si Kyungsoo. "Bakit?" tanong niya dito. 



"I'm afraid to wake up and find out that this day is just a dream." sagot niya saka hinalikan ang tuktok ng ulo ni Kyungsoo. Hinaplos niya ang buhok nito at naramdaman ang pagbuntong hininga ng isa. 



"Kim Jongin, i am not a dream." sagot ni Kyungsoo at dahan-dahan na inangat ang ulo niya para makita si Jongin. Tinignan siya pabalik ni Jongin at bakas nga sa mukha niya ang pag-aalala. 



Inabot ni Kyungsoo ang pisngi ni Jongin at pinisil. 



"Ouch!" reklamo ni Kai. "You don't have to do that!" 



Natawa si Kyungsoo. "See! You're not dreaming." sagot niya dito habang natatawa parin. 



Tinignan siya ni Jongin saka ngumisi. "Then, i can kiss you." sabi niya saka tinaas ang isang kilay. 



Napa-atras naman si Kyungsoo. "Well..." 



At bago pa siya makasagot, hinalikan na siya agad ni Jongin. Yung tipo ng halik na hindi ko na dapat i-elaborate. :) 






* * * * * 





Thank you for reading everyone! Happy weekend!


Godbless and stay safe. MUA~ 






Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com