Chapter 37
#PTG37 Chapter 37
"Katherine!" sigaw ni Jax nang maka-sunod siya. Gusto kong huminto, pero mabilis nila akong hinahatak.
"Bilisan mo. Hinahanap na 'yan," rinig ko na sabi ng isa sa mga pulis.
Naka-tingin ako kay Jax habang pilit niyang tinatakbo ang distansya sa pagitan namin. Gusto kong tumigil. Gusto kong tumakbo papunta sa kanya, pero maraming pumipigil... Ang daming humaharang...
"Kuya..." pakiusap ko. "Sandali lang naman... Kakausapin ko lang siya..."
Pero walang nakinig sa akin. Walang nakinig... Hanggang sa mawala na siya sa paningin ko.
I kept on shouting his name, but the louder I shouted, the faster they dragged me away from him. Hindi ako maka-sunod sa bilis ng mga pangyayari. Maraming nagsasalita. Malakas. Hindi ko maintindihan. Pilit na hinahanap ng mga mata ko si Jax, pero hindi ko siya makita...
"Tahimik nga muna," sabi ng pulis sa akin.
"My lawyer... I need my lawyer..." pakiusap ko sa kanila, ngunit parang bingi sila sa bawat salita na lumalabas sa aking bibig. Patuloy sila sa paghatak sa akin... Hanggang sa maka-rating ako sa isang kwarto.
Mabilis na gumapang ang takot sa buong katawan ko nang malakas na sumara ang pinto. Walang tao... Nag-iisa lang ako... Hindi ko alam kung saan nila ako dinala...
Takot na niyakap ko ang sarili ko habang hinihintay na balikan nila ako. Hindi ito pwede. They should let me talk to Jax! I had the right to discuss with my lawyer! I fucking hated them for breaking every single law! Hindi ko maindtindihan kung ano ang pwede pang mangyari...
Guilty...
Reclusion Perpetua...
Paulit-ulit na naririnig ko sa isip ko lahat ng mga nangyari.
Si Cha.
Ang baby niya.
Para akong mababaliw.
"Ma..." paos ang tinig ko nang makita ko ang mukha niya nang bumukas ang pinto.
Disgust quickly spread in her face... but even that was not enough to trump the anger that I could clearly see in her eyes... the burning rage that she had for me... "You're not my daughter."
Hindi ako makapagsalita. Hindi ko alam ang sasabihin... Pakiramdam ko... pakiramdam ko sobrang talo ko... Wala akong laban sa kanya... Sinubukan ko... Sinubukan namin... Pero sa huli, siya pa rin ang nanalo...
"Sit," sabi niya sabay turo sa upuan sa tapat niya. Nanginginig ang tuhod ko habang naglalakad ako. Ramdam na ramdam ko ang titig niya sa bawat paghakbang ko.
"I... I did not kill Kier," I said as soon as I sat down. I looked into her eyes... begging for her to listen. I wanted her to know that I did not kill her son... That as much as I hated him for everything that he did to me... to our baby... I was never a killer.
And... and once... I knew... I loved him... Not as hard as I love Jax, but I loved him enough to willingly agree to spend the rest of my life with him.
"I did not kill him..." I repeated.
"Bakit niyo ba ako gustong makulong? Hindi ako ang pumatay sa kanya... Kahit... Kahit makulong ako... Iyong totoong pumatay sa kanya, nasa labas pa rin..."
But she was deaf to every word from me. Ayaw niyang makinig... Kahit ano ang gawin ko, patuloy siyang maniniwala na ako ang pumatay kay Kier...
"You did not even love him," she said as she stared into my eyes. I could see her anger. She hated me. She hated everything about me. "Why did you have to marry him? You did not love my son."
I sat there as I listened to her voice as it slowly broke. Tahimik akong naupo habang pinapanood kong unti-unting mapuno ng luha ang mga mata niya...
"You did not love him... but you still married him..." tahimik na sabi niya habang isa-isang nagbabagsakan ang luha sa mga mata niya. "Hindi ka pa nakuntento... Pinatay mo pa..."
Pabilis nang pabilis ang pagsikip ng dibdib ko. Hindi ko pinatay si Kier... Hindi ko siya kayang patayin...
"Sana... Sana binalik mo na lang 'yung anak ko..."
Kitang-kita ko ang panginginig ng buong sistema niya habang naka-upo siya sa harap ko. I wanted to apologize... but what good would my apology do? I wasn't the one who killed her son... And no amount of apology could appease her...
Kier may be a monster to me... but he's her son...
Naupo ako, tahimik na tatanggapin lahat ng masasakit na salitang manggagaling mula sa kanya. Wala akong laban... ano pa ang laban ko? Nabili na niya ang batas...
"You will rot in jail," she said, staring into my eyes, saying her words like they're her promise. "And everyday, you will remember how you killed my son. I will make sure you suffer. Naiintindihan mo ako? Hindi pa ako tapos sa 'yo. Sisiguraduhin ko na hanggang sa loob, hindi ka matatahimik. Sa bawat paghinga, sa bawat pagpikit ng mga mata, sisiguraduhin ko na hindi mawawala sa isip mo lahat ng ginawa mo sa anak ko..."
Mabilis akong nakaramdam ng takot. Alam kong tutuparin niya lahat ng pangako niya. Alam ko na wala siyang pakielam sa akin... Tandang-tanda ko pa kung paano bumukas ang pinto... Kung paano niya nakita na sinasaktan ako ng anak niya... Kung paano niya isinara ang pinto na para bang wala siyang nakita...
I could die... and she would not even care.
Mabilis niyang pinahid ang luha, at saka tumayo.
"Be careful in your sleep, Katherine... If I were you, I will be careful..." sabi niya bago ako iniwan.
* * *
Pilit kong hinanap si Jax, pero ayaw nilang makinig sa akin. Mabilis nila akong dinala sa panibagong kulungan. Sabi nila, doon daw ako... Pero hindi ganito. Alam ko na hindi ganito. Masyadong mabilis... Gusto kong umiyak sa takot. Wala akong kakampi. Sa bawat paggalaw ko, rinig ko ang malakas na kabog ng dibdib ko. Natatakot ako... Gusto kong makita si Jax...
"Hubad," sabi sa akin ng babae.
Hindi ako maka-galaw.
"Tangina. Isa na namang iyakin," sabi ng babae bago ako marahas na tinulak. "Hubad, bilis!"
Patuloy ang pagtulo ng luha sa mga mata ko habang isa-isa kong inaalis ang damit ko. Para akong tuluyang tinatanggalan ng dignidad habang tinitignan nila kung may dala akong kung ano... Gusto ko na lang ipikit ang mga mata ko. Gusto kong magmakaawa sa Diyos na sana panaginip lang lahat ng 'to...
Kasi pagod na pagod na ako...
Hindi ko na alam kung kaya ko pa...
"Isuot mo," sabi niya nang matapos siyang tignan bawat sulok ng katawan ko. Nanginginig ang buong katawan ko. Nasaan na si Jax? Natatakot na ako...
Panay ang pagtulo ng luha ko nang dalhin nila ako sa isang selda. Sabi nila, dito na raw ako titira. Dito na raw ako mabubulok.
"Uy, may bago."
Mahigpit na niyakap ko ang sarili ko nang mapa-libutan ako ng tatlong babae. Agad akong napa-hakbang paatras hanggang sa maramdaman ko ang malamig na rehas mula sa likuran ko.
"Ganda, ah," sabi ng isa habang inabot ang buhok ko. "Mukhang anak mayaman... Bakit ka nandito?"
Hindi agad ako naka-sagot. Hindi ako maka-sagot. Nasaan na si Jax?
"Tsk. Mukhang mahina utak," sabi nila bago sila nagtawanan sa harap ko. Mas lalong humigpit ang hawak ko. "Sagot. Bakit ka nandito?"
Nanginginig ang mga labi kong sinubukan sumagot, pero walang boses na lumabas sa bibig ko.
"Mamaya na 'yan!" sigaw ng bantay sa amin. Agad nila akong nilayuan. Hindi pa rin ako maka-galaw. Pakiramdam ko ay isang maling galaw ko lang ay magagalit sila sa akin...
"Ayan kama mo. Hoy, gumalaw ka nga!" sabi sa akin sabay sipa. Halos matumba ako, pero pinilit ko ang sarili ko na gumalaw. Nang marating ko ang kamang hihigaan ko, tahimik akong humiga, at pinabayaan ang luhang tumulo sa mga mata ko.
"Tangina, iyakin pa yata 'to. Baka 'di tayo patulugin sa gabi."
"Pag 'di tumahimik 'yan, madali lang gawan ng paraan."
Pilit kong tinakpan ang bibig ko. Jax, nasaan ka na? Ayoko dito... Ilabas mo ko dito...
* * *
Hindi ako naka-tulog. Hindi ko kayang matulog. Sa bawat paggalaw nila, para akong mamamatay... Paulit-ulit na bumabalik sa isipan ko lahat ng mga sinabi sa akin ng nanay ni Kier...
Natatakot ako...
Gusto ko ng lumabas...
"Yung bagong salta, may bisita." Agad na napa-angat ako nang tingin. "Labas. Bilis."
Pilit kong pinanatili sa baba ang mga mata ko, pero kahit na ganoon, ramdam na ramdam ko ang panonood nila sa bawat kilos ko. Takot na takot ako... Hindi ko alam... Hindi ako tatagal dito... Alam ko... Hindi ako tatagal...
Halos takbuhin ko ang daan. Alam kong si Jax iyon. Pupuntahan niya ako. Alam ko.
"Jax..."
Mabilis na nagbagsakan ang mga luha ko nang makita ko siya. Mabilis na niyakap ko siya, pero kasing-bilis nun ang paghihiwalay sa aming dalawa.
"Pwedeng iwan niyo muna kami?" pakiusap ni Jax sa bantay.
Nasa mukha lang niya ang mga mata ko. "Gusto kong lumabas..." sabi ko sa kanya. Mabilis na hinawakan ko ang mga kamay niya. "Jax, ayoko dito... Ilabas mo ko dito..."
Ramdam ko ang pagtulo ng mga luha ko. Wala akong pakielam. Magmamakaawa ako. Luluhod ako. Gusto ko lang na ilabas niya ako rito... Ayoko rito... Natatakot ako...
"Jax, please... Natatakot ako..."
Hindi siya nagsalita. Patuloy lang siyang naka-tingin sa akin.
"Katherine..."
Hinigpitan ko ang hawak sa kamay niya. "Ilabas mo ako dito? Ha? Jax, ayoko dito... Please... Nagmamakaawa ako... Natatakot ako..."
Mabilis siyang nag-iwas ng tingin. Patuloy ako sa pag-iyak. Hindi ko alam kung ano pa ang gagawin ko. Isang gabi... Isang gabi lang ang katapat bago nawala lahat ng tapang na meron ako...
"I'll get you out of here. I promise."
Tumango ako habang patuloy sa pagtulo ang luha ko. "Okay. Naniniwala ako... Pero bilisan mo... Natatakot ako..."
Tinignan niya ako. Kita ko ang panginginig ng mga kamay niya. Kita ko iyong takot sa mga mata niya.
"I promise... Just hold on for a little bit longer..." he said as he held my hand. "I will do everything. I promise. 'Wag ka ng umiyak... Tama na... Nasasaktan ako kapag ganyan ka..." he pleaded, as he wiped the tears from my face.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com