Chào các bạn! Truyen4U chính thức đã quay trở lại rồi đây!^^. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền Truyen4U.Com này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 25

#RTG25 Chapter 25

"Tapos na kayong mag-usap?" tanong ni Sancho.

"Oo—"

"Isobel."

Sabay kaming napa-tingin ni Sancho kay Sean. Naka-tingin siya sa amin na para bang may ginagawa kaming mali... Hindi ko siya maintindihan. Ano ba ang gusto niyang mangyari? Kasi kahit pagbaliktarin ko, may asawa na siya at may anak... Kahit ano'ng paraan pa ang isipin ko, doon ako palagi bumabagsak sa katotohanan na may pamilya siya na masasaktan dahil nandito na ulit ako.

"Bakit?" tanong ko.

"Can we talk again?"

"May gagawin pa ko—"

"Where? Can I go with you?"

"Sasamahan na ako ni—"

"I'm your husband, Sob."

Naramdaman ko iyong paghakbang paatras ni Sancho. Agad akong napa-tingin sa kanya. Hindi ko mabasa iyong mga mata niya.

"Let's just go tomorrow," sabi ni Sancho.

"Pero—"

Tumingin siya kay Sean. "She can't remember anything," sabi niya.

"I won't hurt her. I'm her husband," sabi ni Sean.

Hindi ko maintindihan kung paano niya nasasabi 'yan kahit na alam naming tatlo na may iba na siyang asawa... May iba siyang pinakasalan... May iba siyang pinangakuan...

"I know... Just go easy on her," sabi ni Sancho bago tumingin sa akin. "I'll see you tomorrow," pagpapatuloy niya bago pumasok sa loob ng sasakyan niya. Talagang iiwan niya ako rito kay Sean? Na hindi ko kilala?

Para akong na-estatwa roon.

Pakiramdam ko pinagtaksilan niya ko.

Tumingin ako kay Sean. "Ano'ng gusto mong pag-usapan?"

"Us... We need to talk about us."

Huminga ako nang malalim. "Okay," sagot ko habang tumango. Naglakad ako pabalik sa loob ng coffee shop. Mabuti na lang at binigyan ako ng pera... Pupunta na lang ako sa hotel pagkatapos nito. Hindi ko talaga gustong pumunta sa bahay ni Sean... Kahit paulit-ulit nilang sabihin sa akin na ako iyong legal na asawa, nandyan pa rin iyong katotohanan na may iba na siyang pamilya.

Muli akong naupo sa pwesto na iniwanan namin.

"Ano'ng tungkol sa 'tin?"

"Sob, I want you to know that I really looked for you..."

"Alam ko."

"I didn't just give up and married another."

"Siguro nga."

"Sob..." sabi niya na parang nahihirapan.

"Sean, ano ba'ng gusto mong mangyari? Gusto mo ba na bumalik ako sa buhay mo? Pero paano iyong bago mong asawa? Iyong anak niyo? Hindi mo ba 'yun naisip?" tahimik na tanong ko sa kanya.

Pakiramdam ko ay nabigla lang siya na nandito ako... Siguro ay totoo ngang guilty siya nang nawala ako... Pero kailangan niyang tandanan na may asawa at anak siya na kasama sa sitwasyon... Hindi lang ako 'to... Hindi lang siya... May dalawang tao pang maaapektuhan...

Baka kasi nakalimutan niya.

Umigting iyong panga niya. "I know that..."

"Ano'ng gusto mong mangyari?"

"I love you—"

Agad na umawang ang labi ko.

"Sean..." nahihirapang sabi ko. "Hindi ka ba naaawa sa asawa mo?"

Tumayo ako.

"Sob, please don't leave..."

"Nabigla ka lang na nakita mo ako," sabi ko sa kanya. "Pag-isipan mong mabuti iyong susunod na sasabihin mo sa 'kin... Pakiusap... Kung anuman ang gagawin mo, isipin mo na may babae at anak ka na madadamay sa desisyon na gagawin mo..."

Tumalikod ako sa kanya.

Mabilis akong naglakad kahit na wala akong ideya kung saan ako papunta. Gusto ko lang lumayo kay Sean. Gusto kong makapag-isip siya. Nabigla ako nang sabihin niyang mahal niya ko. Paano niya nagawang sabihin 'yun pagkatapos niyang magpakasal sa iba? Kung ganoon niya ako kamahal... bakit napalitan agad ako?

Para kasing mali.

Pinakasalan niya lang ba iyong asawa niya dahil malungkot siya?

Mas gago siya kung ganon.

Bigla akong natigilan sa paglalakad nang maka-rinig ako ng busina sa tabi ko. Agad kong nakilala kung kaninong sasakyan iyon.

"Akala ko umalis ka na?"

"Knew one way or another, you'll walkout," sabi niya at saka narinig ko iyong pagbukas ng mga pinto. "Get in."

Ngumiti ako at saka sumakay sa loob.

"Bakit mo alam na magwo-walkout ako?" tanong ko sa kanya.

"Ginagawa mo na kasi 'yan kahit dati pa."

Mahina akong natawa. "Marami ka talagang alam sa 'kin, noh?" tanong ko sa kanya pero wala akong nakuhang sagot. Naka-tingin lang siya sa harap at tahimik na nagdrive lang.

"Sancho..." pagtawag ko.

"Hmm?"

"Sabi niya mahal niya raw ako."

"Well, he did marry you."

"Pero iba na ngayon."

"Feelings are complicated."

"Gusto mo bang bumalik ako sa kanya?"

Napa-tingin siya sa akin. "Why does my opinion on this matter?"

Nagkibit-balikat ako. "Gusto ko lang magtanong. Sa tingin mo ba dapat bumalik ako?"

Alam ko na kung sina Mama ang tatanungin, ibabalik nila ako kay Sean... Wala yata silang pakielam sa mararamdaman nung asawa ni Sean at ng anak nila...

Si Sancho, gusto niya rin yata na bumalik ako... Kasi ilang beses niyang pinagtanggol sa akin si Sean...

"Not gonna answer that one."

"Bakit?"

"Because that's for you to decide," sabi niya at saka huminto sa harap ng isang building. "That's your sister's place."

Tumingin ako sa kanya. "Kung babalik ako... paano iyong asawa niya? Iyong anak nila?"

"Lyana..." parang hirap na hirap niyang sabi. "Don't ask me those kinds of question. That's between you and Sean."

Tipid akong ngumiti. "Sorry."

"It's fine."

"Pupuntahan mo ba ako bukas?"

"Yeah."

"Kahit sa isang araw na lang," sabi ko dahil alam ko naman na napagod siyang magdrive. Linggo-linggo niya akong pinupuntahan sa Vizcaya. Alam ko na dati pa na malayo... pero hindi ko alam na ganoon palang nakaka-pagod talaga iyong byahe.

"Why? May pupuntahan ka ba bukas?"

"Igagala raw ako ni Irina," sabi ko na lang. Inalis ko na iyong seatbelt ko at kinuha iyong bag ko. "Ingat ka sa pagda-drive..."

Dumiretso ako sa loob ng building ng hindi lumilingon pabalik sa kanya. Parang ang gulo masyado. Mahal daw ako ni Sean... pero wala akong naramdaman bukod sa pagka-gulat nang sinabi niya 'yun sa 'kin. Malakas ang tibok ng puso ko kapag naka-tingin ako kay Sancho... pero gusto niyang bumalik ako kay Sean...

Ang gulo.

Kailangan kong ibuhos iyong atensyon ko sa trabaho ko. Kahit iyon man lang, mabawi ko.

* * *

"Wala ka bang pasok?" tanong ko kay Irina.

"Absent ako!"

Kumunot ang noo ko. "Seryoso ka ba?"

Tumango siya na parang excited. "Sisters bonding day ngayon, Ate!" sabi niya tapos niyakap iyong braso ko. Natawa ako nang bahagya. "San mo gustong pumunta? Libre ko lahat ngayon!"

"May pera ka?"

"May ipon ako," sabi niya na naka-ngiti. "If wala kang maisip, dadalhin na lang kita sa mga paborito mong puntahan dito dati, gusto mo?"

Tumango na lang ako kasi parang sobrang excited siya. Kung ako iyong tatanungin, parang ayoko ng maalala iyong mga nangyari dati... Para kasing nawalan na ako ng pag-asa na maaalala ko pa 'yun kasi matagal na rin...

Gusto ko lang ng bagong simula.

Dinala ako ni Irina sa kainan. Sabi niya paborito ko raw dito. Kumakain daw ako rito palagi pagkatapos ng exam ko. Nang sinubukan ko iyong pagkain, okay naman...

"Sabi mo sa 'kin dito kayo laging nagde-date ni Kuya Sean dati..." sabi niya nang pumunta kami sa isang coffee shop. "Sabi mo 'di kayo tabing mag-aral kasi ayaw mong makita iyong mukha niya kasi nadi-distract ka sa kagwapuhan niya."

Umawang ang labi ko. "Sinabi ko 'yun?"

Tumango siya. "Oo kaya, Ate. Baliw na baliw ka kay Kuya, e. Kung idescribe mo parang siya pinaka-gwapong lalaki sa mundo... I mean, hindi ka naman mali dun," natatawa niyang sabi. "Gwapo talaga, e."

Tipid akong tumango.

Ganon ko siya ka-gusto dati?

Bakit wala talaga akong naramdaman nang makita ko siya kanina?

Umorder si Irina ng kape para sa aming dalawa. Tahimik lang akong nakikinig sa lahat ng kwento niya tungkol sa aming dalawa ni Sean... Naka-ngiti siya habang nagku-kwento. Parang ang saya nga namin dati.

"Hindi ba kami nag-away?" tanong ko. Natigilan siya. "Puro masasaya iyong sinasabi mo. Masaya lang ba talaga kami dati?"

Ngumiti siya na parang biglang nailang.

"Si Kuya Sean na lang kausapin mo, Ate," sabi niya.

"Ikaw nasa harap ko, e."

"Sabi nila Mama 'wag daw kaming makielam sa problema niyo..."

"Sabi nga nila bumalik daw ako kay Sean... Kahit may maaapektuhan na iba, porke kasal kami dati, gusto mo rin na bumalik ako?" tanong ko sa kanya na naging dahilan para mapalitan ng mukhang guilty ang mukha niya.

"Ate naman—"

"Di ko sasabihin sa kanila."

"Ate, ano muna ba ang tingin mo kay Kuya Sean?"

"Hindi ko alam," sagot ko dahil hindi ko talaga alam. Ang daming kwento ni Irina tungkol sa amin ni Sean... Pero habang pinapakinggan ko 'yun, para lang akong nakikinig sa kwento ng ibang tao... Para bang hindi ko 'yun kwento...

"Di ko alam kung ano'ng iniisip mo sa kanya ngayon, Ate, pero mabait 'yun sa 'yo. Spoiled ka nga nun sabi mo sa 'kin dati, e..."

"Pero?" tanong ko.

Nagbuntong-hininga siya. "Hindi ko alam... Basta sabi mo lang sa 'kin dati... Sabi mo lang nahihirapan ka kasi gusto ni Kuya ng anak tapos ikaw parang hindi mo sigurado..." sabi niya at saka tumingin sa 'kin. "Iyon lang 'yung naging hindi okay, Ate. Sa tingin ko naman ayos kayo... Pero syempre hindi ko pa rin alam lahat... Kaya si Kuya na lang ang kausapin mo, please?"

Tumingin ako sa kape sa harapan ko.

"Nakita mo na ba 'yung bago niyang pamilya?"

"Ate—"

"Nakita mo?"

"Oo, Ate... Kasi nagpaalam si Kuya kina Mama bago siya nagpakasal kay Ate Kelsey..."

Hindi na ako nagsalita pagkatapos nun. Sinabi ko na lang kay Irina na umuwi na kami dahil pagod na ako. Pagbalik namin sa condo niya, nilabas ko lang iyong reviewers ko at nag-aral ako. Buti na lang at dala ko sila. Ayokong mag-isip ng ibang bagay. Kailangang iyon muna ang ayusin ko.

Tahimik akong nag-aaral sa salas habang nasa kwarto si Irina. Bigla kong nakita na umiilaw iyong cellphone ko at tumatawag si Sancho. Hinayaan ko na mamatay iyong tawag... Tapos tumawag siya ulit...

'Are you ignoring me?'

'Nag-aaral ako.'

'What time will I pick you up?'

'Bahala ka.'

'Are you mad?'

'Bakit naman ako magagalit?'

'I don't know. You tell me.'

Tinaob ko na lang iyong cellphone at nagfocus muli sa pag-aaral. Medyo nakaka-lito kasi iyong CivPro dahil masyadong maraming rules na kailangang intindihin... Para akong mababaliw sa mga subjects ng 3rd year...

'Di ko maintindihan 'yung CivPro.'

'San dun?'

'Lahat.'

'Di pwede na lahat.'

'E di ko maintindihan lahat e.'

'I'll call.'

'Okay.'

Wala pang ilang segundo, tumawag na agad si Sancho. Ni-loud speaker ko iyong tawag. Nagtanong ako sa kanya tungkol sa mga nalilito akong konsepto at pinaliwanag niya sa akin isa-isa. Nagtanong din ako tungkol sa Taxation... Ang galing niya kasing ipaliwanag. Parang ang hirap kapag binabasa ko, pero kapag pinapaliwanag niya, parang... ah, 'yun lang 'yun?

"Okay na?"

"Okay na," sabi ko. "Di ko nadala iyong sample exam... Wala akong sasagutan."

"San ba?"

"CivPro. Para lang masigurado ko na naiintindihan ko."

"Ngayon na ba?"

"Oo sana... Sayang. Wala naman akong ginagawa..."

"Okay... Hanap lang ako. Send ko sa 'yo kapag may nahanap na ko."

"Kanino ka hihiram?" tanong ko.

"I don't know. Sa mga bagong graduate sa firm o sa mga working student dun," sabi niya.

"Ah..."

"Any problem?"

"Wala."

"Okay. I'll send the file to your email," sabi niya tapos ay tinapos niya iyong tawag. Naka-tingin lang ako sa cellphone ko nang makita ko na halos tatlong oras kaming magkausap.

"Ate..." pagtawag ni Irina kaya naman napa-tingin ako sa kanya.

"Ha?"

"Ate, 'di ba kasal pa kayo ni Kuya Sean? Bakit... bakit ganon kayo ni Kuya Sancho?"

Umawang ang labi ko. "Ha? Nagpa-turo lang ako."

"Ate naman... Syempre gusto ko masaya ka... Pero 'di ba kasi kasal ka? Ang gulo naman niyan..."

"Ano bang sinasabi mo? Wala namang kung ano sa min ni Sancho—"

"Ate, crush na crush ka nun nung dati pa!" Nanlaki ang mga mata ko. "Nung graduation niyo pa nga nagpa-picture siya sa 'yo! May gusto sa 'yo 'yun! Mabait naman din 'yun kaya lang—ang gulo talaga! Ano ba 'yan! Ang sakit ng ulo ko sa inyo!" sabi niya sabay pasok ulit sa kwarto niya.

Parang tanga ako na naka-tingin lang sa harapan ko.

Parang tumigil ako sa paghinga.

'Check your email.'

'I'll still look for other samplex.'

'May kailangan ka pa ba?'

Sunud-sunod iyong text niya sa 'kin.

'Lyana?'

'May hindi ka na naman ba naiintindihan? Want me to call?'

Napa-hawak ako sa dibdib ko. Ang lakas ng tibok ng puso ko. Pero tama si Irina... Ang gulo... Kailangan ko munang ayusin iyong sa amin ni Sean... 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com