present day.
"what do you live for?"
sabi ng lalaking nasa harap. walang may alam kung bakit bigla siyang nag-pagawa ng hand-written essay na ganiyan ang topic. kung kailan naman patapos na ang school year. ilang araw na lang, graduation na ang aattend-an nila at hindi na klase.
"ano ba 'yan," reklamo ng isang nasa dulo. "may grade ba 'to?"
napatingin sa kaniya si Mr. Bing, ang may pakana sa lecheng essay na 'to. "aba, Cole. na-compute ko na ang grades niyo, ano sa tingin mo? gano'n ka ba kadesperado pumasa?"
napangiti si Cole. naka-close na rin kasi ng buong klase si Mr. Bing, at sabi niya nga na-compute na ang grades nila. kaya wala na siyang maisip na dahilan kung bakit hindi p'wedeng sumagot ng ganito.
"sir, kaya nga ako nag-stem para 'di na 'ko gumawa nito."
chineer siya ng mga kaklase niya. hindi si Cole 'yung type na nag-pay attention sa klase. pagkatapos na pagkatapos niyang ibaba ang ballpen niya noong natapos niyang sagutan ang finals, kinalimutan niya na lahat ng lessons sa buong school year. milagro ang inabot para makapasa siya.
napatawa si Mr. Bing, "kawawa ka talaga sa college."
alam niya naman 'yon. minsan, tuwing naiisip niya 'yan, mapapangiti na lang siya tapos sisigaw ng "maghihirap na ako next year!"
parang tanga.
'wag na lang kaya siya mag-college? oo nga, mag-asawa at anak na lang ako. hindi na ako mahihirapan. genius, Cole. g-e-n-e-u-s. ay wait, tama ba spelling?
napa-isip ulit siya.
abort mission. magka-college na lang ako. para hindi sayang ang paghihirap ng aking dakilang mga magulang at ng ating pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal sa ating inang bayan. teka, tama ba pag-gamit ko ng word na "dakila"?
pota. dapat pala talaga nag-aral siya ng mabuti. para sa future nila ni—
he sighed. sobrang dramatic, pero nalungkot siya at the thought of her. ba't ba siya nagka-ganito?
pa'no ba 'ko napunta sa ganito?
wala siyang maisulat sa papel. na-blanko na yung utak niya. bigla niya na lang na-feel na obligado niyang ipasa yung essay na may walang kwentang topic, somehow. parang nung kabilang month lang ayaw niyang ipasa yung project nila.
ewan. bahala na nga. nagsulat siya ng isang paragraph, inikot-ikot niya lang yung sinabi niya sa unang sentence. "pera at dignidad lang, sapat na." sana nalang naintindihan ni Mr. Bing yung gawa niya.
lumipas ang oras pagkapasa niya ng essay niya na nakasulat sa napulot niyang papel sa banyo ng boys. lumabas ng room si Cole, tapos napahinto siya. bakit pa ba 'ko pumapasok kung wala namang ginagawa? kailan kaya ma-eextinct ang mga lamok?
hay nako, Cole.
"hay nako, Cole." napatingin siya sa kanan niya. parang nagka-migraine 'ata si Mr. Bing kaka-basa ng essay ni Cole.
"bakit na naman, sir?" nag-make face siya. uwing uwi na kasi talaga siya.
"pa'no ka ba nakakapasa kung puro gan'to pinapasa mo?" umiling si Mr. Bing. hindi naman sa puro kalokohan laman ng mga pinapasa niya sa mga teachers. kasi nangongopya lang naman siya. bad influence, kids. 'wag niyo na gayahin.
"halika nga, mag-usap tayo." pumasok agad si Cole sa opisina ng teacher niya pagkasabing pagkasabi ni Mr. Bing.
"bakit sir? nagbago ba isip niyo at 'di na 'ko makakagraduate?" bored na sabi ni Cole habang nakaupo sa upuang nasa kabilang side ng office table.
"i wish." sabi ni Mr. Bing. grabe, parang na-disappoint talaga siya nung sinabi niya 'yon. "may problema ka ba?"
napatigil makipag-lokohan si Cole. paano nga ba siya napunta sa ganito?
"wala naman, sir. bakit po?" Cole lied. for the past two years, yung taong 'yon lang yung pinoproblema niya. mas pinroblema niya pa 'yon kesa sa mga deadlines.
"'kay." maikling sambit ni Mr. Bing. hindi na nga siya nag-abalang tumingin kay Cole.
ano ba 'yan. akala ko ba naman iko-comfort niya 'ko. so anticlimactic.
tumayo si Cole. bago siya makalabas, nagsalita si Mr. Bing. "sinasabi ko lang, concerned kaming lahat sa 'yo. mas maganda kung mag-oopen up ka."
napatigil si Cole. kailan ba yung last time na narinig niyang concerned ang ibang tao sa kaniya? parang maiiyak na 'ata siya—
"kung tungkol lang 'to sa time na na-inlove ka sa pinsan mo, pwede mo naman akong kausapin." dagdag ni Mr. Bing.
nevermind. okay na sana eh. okay na talaga sana eh. big oof energy.
"sir, hindi naman 'yan ang nangyari!" frustrated na hiyaw ni Cole. yep, hiyaw. natural instinct niyang humiyaw.
"eh ano bang nangyari? tita mo ba siya?" natatawang tanong ni Mr. Bing. napapikit ng mata si Cole panandalian, tsaka siya tuluyang umuwi na.
nahiga siya sa kama niya, at nagbukas ng chat log. isang chat log na kahit kailan 'di niya pinag-isipang i-delete, isang chat log na araw araw niyang hinahalukay.
nakaka-two years na 'yung huling chat. kaya siguro 'di pa 'ko nakaka-move on, 'no?
he literally viewed her as a goddess, and he was never afraid to show that. he still does.
"what do you live for?"
"there's this girl,"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com