[thirteen] 十三
Aila's POV
Banggag akong pumasok ngayon. Bakit kamo ? Buong mag damag ko lang naman inintay si Yoongi.
Iniintay ko kasing suyuin nya ako. Pero ano pa nga ba ang aasahan ko ? Napuyat lang ako kakaintay.
Oo alam kong nag mamahalan kami, hindi naglalaba kaya hindi kailangan ng pride pero kasi nakakasawa na, na lagi nalang ako.
Srsly Aila, pang ilang beses mo ng sinabi yan ?
" Good morning ! "- Masiglang bati sakin ni Kiel. Medyo nagulat pa nga ako kasi bigla syang sumulpot sa harap ko.
" Morning "- Walang gana kong sagot.
Wala ako sa mood ngayong araw na to. Yung feeling na badtrip ka at ayaw mo ng kausap. Yun na yun ang feeling ko.
" May problema ka ba ? "- Nag aalalang tanong nya.
Huminga ako ng malalim at pumikit ng madiin bago ko sya hinarap.
" Sorry pero wala ako sa mood ngayon. Ayaw ko naman na sayo mabuntong tong galit ko kaya please wag mo muna akong kulitin at kausapin "- Litanya ko. Nakita ko ang pag kurap ni Kiel at maya-maya lang eh ngumiti sya.
" Okay ! Later nalang "- Naka ngiting paalam nya at umalis na.
Ewan ko ba kung may sayad yun o ewan.
Kibit balikat nalang akong nag patuloy sa paglalakad at pumasok sa classroom namin.
Dahil wala pa si Shana, nilabas ko muna ang phone ko at pina-ilaw ito. Napa buntong hininga nalang ako nang wala akong makitang text galing kay Yoongi.
Bahala sya. Di ko sya kakausapin hanggat hindi nya ako kinakausap.
Isinalpak ko ang headset ko at magpapatugtog na sana nang dumating na ang prof namin kaya walang gana kong binalik ang phone sa bulsa.
" Is Jung absent ? "- Tanong nya kaya napa tingin ako sa upuan sa tabi ko. Wala pa si Shana.
" And Jeon ? "- Tanong ulit nya kaya napa lingon ako sa sumunod at oo nga, absent yung mag-asawa.
" Busy kasi yung babe ko ma'am "- Sagot ni Yanna.
" Si Shana naman po, nakikipag landian siguro "- Dagdag nya at umirap pa.
" Would you mind your tongue Ms. Hwang ? Hindi na maganda ang mga salitang lumalabas sa bibig mo eh "- Mataray na sabi naman ng prof namin.
Umirap lang si Yanna at tumalikod na ang prof namin.
Pasimple kong nilabas ang phone ko at tinext si Shana.
To: Shana
Nasaan ka na ? Absent ka ?
Wala pang limang minuto nang mag reply sya.
From: Shana
OMG AILA NIYAYA AKO NG DATE NI JUNGKOOK AKANSKMWOSJSJSKKW WEYT DI AKO MAKALMA BES KWKSKMSKAKWLQOWHSISNSJWN
Kaya pala wala yung dalawa.
Hindi ko na nireplayan si Shana at binalik nalang ang phone sa bulsa.
Masaya naman ako para sa kaibigan ko pero di ko mahanap yung saya ko. Gets nyo ba yung feeling ko ? Ay ewan.
Buong lesson, pinilit kong makinig pero wala talaga. Pasok sa kanan, labas sa kaliwa. Wala ako sa mood mag aral ngayon. Agad akong lumabas ng room nang mag dismiss na ang prof namin.
" Ailaaaaaaa ! "- Napa lingon ako nang may tumawag sakin.
" Mukha kang pinag sakluban ng langit at lupa "- Natatawang sabi ni Taehyung nang maka-lapit sya sakin.
" Ikaw lang ? Nasaan sila ? "- Tanong ko at luminga-linga. Tumango naman sya at tahimik na kaming nag lakad papuntang canteen.
Agad kaming pumasok sa canteen at nag hanap ng mauupuan. Wala din si Sky, nasaan kaya yung isang yun ? Ay ewan.
" Aila, may chichika ako sayo "- Seryosong sabi ni Taehyung kaya napa-taas ang kilay ko.
" Alam mo ba, si Yoongi-hyung may babaeng kasama kagabi "- Mas lalong napa-taas ang kilay ko.
" Babae ? "- Taas kilay na tanong ko. Tumango naman si Taehyung bilang sagot.
" Dinala pa nga nya sa dorm yung babae at pinakilala samin. Yumi daw pangalan, kaibigan nya "- Pagkukwento ni Taehyung.
" Maganda ba yung Yumi ? "- Pang uusisa ko.
" Para sakin cute sya. Medyo maliit lang din sya tapos pag ngumingiti nawawalan na sya ng mata "- Pagdidescribe ni Taehyung.
" Pero don't worry ! Mas maganda ka naman kesa dun. Ikaw parin ang manok ko "- Sabi nya at tinaas baba ang kilay.
" Anong ginawa nila sa dorm nyo ? Tsaka bakit sya sinama ? "- Tanong ko.
" Nag seselos ka no ?~ "- Pang aasar ni Taehyung kaya hinampas ko sya.
" Sagutin mo nalang kasi "- Mataray na sabi ko.
" Oo na, ito na "- Natatawang sagot nya.
" Kauuwi lang daw kasi nung Yumi galing states. Ilang taon na daw kasi silang di nag kita kaya miss na miss nila yung isa't isa "- Pag kukwento ni Taehyung.
" Andami nga nilang kwento eh tapos lumabas sila gabing-gabi na para daw mag dinner. Nakaka-inggit nga kasi libre daw ni Yoongi-hyung, eh hindi nanlilibre yun ! "- Naka ngusong sabi ni Taehyung na para bang nag tatampo talaga.
" Tapos nung umalis si Yoongi-hyung para mag ayos ata, tinanong namin yung Yumi kung magkaibigan lang daw ba talaga sila "- Napa taas ang kilay ko sa sinabi nya.
" Ang sabi nya samin, malapit na daw mag more than friends. Feeling daw nya liligawan na sya ni hyung dahil umuwi na nga sya dito at wala naman daw girlfriend si hyung "- Na-estatwa ako sa sinabi nya.
" Lagi kasi ata sila magkausap sa phone at videocall ni hyung. Ako di ako nag sisinungaling kasi nakikita at naririnig ko talaga na may kausap si hyung "- Kibit balikat na dagdag ni Taehyung.
" Tapos ano- "- Hindi na nya natapos ang sasabihin nya kasi tumayo na ko.
Galit kong kinuha ang bag ko at umalis.
" Huy ! Saan ka pupunta ? "- Sigaw ni Taehyung. Hindi ko sya pinansin at lumabas ng canteen.
Agad kong pinahid yung luha na tumulo sa mata ko.
Ewan ko kung saan ako pupunta, gusto kong mapag-isa.
I just found myself na papunta sa garden. Ganitong oras wala masyadong tao doon.
Galit kong pinupunasan ang mga luha na lumalabas sa mata ko. Pwede ba mamaya na kayo lumabas !? Pwede !?
Agad akong umupo sa bench at tinakpan ang mukha at doon na naiyak.
Ang sama-sama ng loob ko. Sobrang sama. Hindi ko maintindihan yung nararamdaman ko. Naiiyak ako na naiinis na ewan.
" Mind if i join you ? "- Napa-angat ako ng tingin sa nag salita at doon ko nakita si Kiel na naka ngiti.
Hindi pa man ako nakakasagot eh umupo na sya sa tabi ko at nginitian ulit ako kaya inirapan ko sya.
" Ang ganda ng panahon ngayon no ? "- Tanong nya at tumingala tsaka pumikit nang umihip ang hangin.
" Pero yung iba dito di maganda yung mood. Sayang yung ganda ng araw "- Malokong sabi nya at tinignan ako.
Padabog akong tumayo at akmang aalis na nang hawakan nya ang kamay ko.
Alam mo yung gusto mong mag moment, gusto mong mapag-isa tapos biglang may susulpot at kakausapin ka ? Ilayo nyo to, sasapakin ko na to.
" Ano ba !? "- Galit na sabi ko at binawi ang kamay.
" Leave me alone ! Gusto kong mapag-isa "- Dagdag ko at pilit na binabawi ang kamay ko sa kanya.
Nagulat ako nang tumayo sya at ako ang hinila nya.
" I know gusto mong mapag-isa, pero mas maganda kung may mapag sasabihan o mapag lalabasan ka nyang problema mo "- Sabi nya habang hila-hila ako.
Dinala nya ako sa may parking lot. May pinindot sya na naging sanhi ng pag-ilaw ng sasakyan nya. Agad kaming pumunta dun at pinag buksan nya ako ng pinto.
" I know a place na pwede mong pag labasan ng sama ng loob. I swear you'll love it "- Naka ngiting sabi nya at tinulak ako sa passenger's seat.
Bago pa man ako makapag reklamo ay sinarado na nya ang pinto at dali-daling pumunta sa driver's seat at pinaandar ang sasakyan.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com