[thirty-five] 三十五
Aila's POV
Naka tingin lang ako kay Kiel at ganun din sya sakin. Maya maya ay kumurap sya ng ilang beses at bahagyang napa-atras.
Parang ngayon lang nag sink-in sa kanya na nag confess sya sakin- nag confess ba talaga sya ? Hindi ba joke joke lang nya yan ?
" U-uhm... "- Panimula niya at napa-iwas sya ng tingin sakin.
Okay.
Isang malaking katahimikan na ang bumabalot saaming dalawa. Hindi ko alam kung ramdam din nya pero isa syang awkward silence.
Narinig ko ang pag buntong hininga nya at hinarap ako.
" Aila "- Tawag nya sakin at tinignan ako sa mata pero ako ang hindi naka tagal kaya agad ko din itong iniwas.
" Paano ko ba sisimulan to "- Bulong nya sa sarili nya at bumuntong hininga ulit sya.
" P-pwede mo namang s-sabihing joke Kiel. Ka-kanina ko pa iniintay na dugtungan ng joke yung si-sinabi mo- "- Nauutal na ani ko sa kanya. Inaamin ko, pakiramdam ko namumula ako ngayon.
Hindi ko na natapos ang sasabihin ko kasi agad nya akong pinutol.
" No ! "- Mabilis na sagot nya.
" I'm not joking Aila. Seryoso nga kasi yun "- Dagdag nya.
Hindi ko naman mapigilan ang ngiti saaking labi nang iiwas nya ang tingin nya at biglang mamula ang tenga nya.
Huminga sya ng malalim sa hindi ko na mabilang na beses at humarap muli sakin.
" Aila, seryoso ako sa sinabi ko. Gusto na kita. Alam ko pang hindi ka pa handa kaya willing akong maging kaibigan mo muna. SA NGAYON "- Ani nya while emphasizing "sa ngayon".
" Sana walang mag bago sa friendship nating dalawa. Sana itrato mo parin akong kaibigan mo kasi willing naman akong gampanan yun "- Sabi nya habang naka tingin sa mga mata ko at kitang kita ko doon ang sincerity nya.
" Hindi naman sa sinasabi kong gustuhin mo rin ako pabalik. Well, sino nganamang hindi maiinlove din sakin ? Sa gwapo ko banamang to ? "- Pagpapatuloy nya.
Hindi ko naman napigilan ang sarili kong matawa ng kaunti at hampasin sya dahil sa sinabi nya. Lalo na dun sa pinaka huling part.
Nakita ko ang pag ngiti nya nang natawa ako at para bang nabunutan sya ng tinik sa dibdib.
" Just kidding Aila. Pero seryoso. Hindi ko naman sinasabi na gustuhin mo rin ako pabalik. Just take your time hanggang sa maka-move on ka na ng tuluyan. At sana kapag dumating na ang panahon na yan ay hayaan mo namang ipakita ko sayo na gusto talaga kita and you deserve better "- Naka ngiting ani niya na nakapagpa-blush saakin.
Napa ngiti ako at tumango sa kanya. Ngumiti syang muli at inayos na ang pagkakatayo.
" Uhm Aila ? "- Tawag nya saakin at napa kamot sya sa batok nya.
" Hmm ? "- Responde ko sa kanya.
OMG bakit ang cute cute ni Kiel kapag namumula ang tenga nya !?
" Sana wag kang maiilang sakin. Wag mo rin sana akong iwasan "- Parang nahihiyang paki-usap niya sakin.
Ngumiti ako at tumango.
" Saan na tayo ngayon ? "- Tanong ko sa kanya at luminga-linga.
" Actually, wala akong alam na magandang place "- Sagot nya at napa kamot sya sa batok nya.
" I guess wala na tayong choice kundi ang ikutin nalang ang park na to "- Natatawang dagdag ni Kiel.
" Wala naman na pala tayong magagawa eh. Tara na "- Sabi ko sabay hila sa kanya.
To be honest wala akong nararamdaman na awkwardness nung umamin sya. Inaamin ko na kilig ang nararamdaman ko kanina.
Kiel is a nice guy at sinisigurado kong tanga nalang ang taong hindi mafa-fall sa kanya.
I'm not saying na na-fall na ako sa kanya kasi hanggang ngayon, si Yoongi parin ang gusto ko. Si Yoongi parin ang mahal ko. And it still hurts, so bad.
Pero ngayon, nag dodoubt na ako kung minahal ba nya talaga ako. Kung nagustuhan manlang ba nya ako. Sa tagal naming itinago ang relasyon namin, sa dami ng pag titiis ko. Parang hindi worth-it. Kasi kung mahal talaga nya ako, hindi nya ako iiwan. At higit sa lahat, hindi nya lalapitan si Yumi.
Base on what he's acting and base on what everyone said. He's dating Yumi. For pete's sake kakahiwalay lang namin. At hindi ko yun matanggap. Lahat ng sakit, ng sacrifices, ng pag titiis. Parang hindi worth-it. Parang luging-lugi ako.
But i do admit na naging masaya din ako sa kanya. Thankful ako na dumating sya sa buhay ko. Atleast ako, alam ko sa sarili ko na minahal ko sya. Na mahal ko parin sya.
" Aila ? "- I was taken aback nang mag salita si Kiel.
Para akong baliw na iniangat ang tingin sa kanya.
Napa kurap ako ng ilang beses. Bakit parang ang gwapo ni Kiel ?
" Kanina pa ako nag sasalita, mukhang lutang ka nanaman "- Sabi nya at bumuntong hininga.
" Tara nga. Ayun oh, may upuan "- Ani nya at hinila ako papunta sa may bench.
Napa kagat naman ako sa pang ibabang labi ko. Nakaka hiya kay Kiel. Kanina pa daw sya nag sasalita pero hindi ako nakikinig. Kasi naman yung inner self ko ! Ang daming kwento.
Umupo na si Kiel sa bench kaya umupo na rin ako sa tabi nya.
Napa tingin naman ako kay Kiel.
I think willing akong bigyan ng chance si Kiel. I know i deserve better. I deserve to love and to be loved. I deserve to be happy. And i'm giving those things to myself now.
Hindi naman sa gagawin ko syang rebound or something ah. Hindi ako magpapakita ng motibo sa kanya kasi ayaw ko syang paasahin or saktan. Pero alam ko sa sarili ko na magugustuhan ko sya.
Hindi pa ngayon pero alam kong magugustuhan ko rin sya.
Nanlaki ang mata ko nang biglang tumayo si Kiel at buhatin ako na parang bagong kasal.
" H-hoy ! "- Protesta ko nang mabuhat nya ako.
Napa kapit ako ng mahigpit sa kanya at napa pikit ng madiin nang bigla syang tumakbo.
" KIEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEL "- Sigaw ko dahil sa ginagawa nya.
Bahagya kong iminulat ang mata ko at hindi ko napigilang manlaki ito nang makita na papunta kami sa dancing fountain.
Sa park kasi na ito may tinatawag na dancing fountain. Isa syang open fountain na kung saan pwedeng magpa-basa ang mga bata. Parang pwedeng maligo ganun.
Next thing i knew is basa na ako ng tubig.
" I HATE YOU ! I HATE YOU ! I HATE YOU ! "- Paulit-ulit kong sigaw habang sinisipa ang mga paa at pinag hahampas sya sa dibdib. Buhat-buhat parin kasi nya ako.
" Maligo ka kasi muna Aila bago ka gumala ! "- Pang aasar nya sakin at ibinaba na ako.
" ABA ! "- Galit na sabi ko sa kanya.
Dinilaan lang nya ako at nag simula na syang tumakbo. Wala naman akong nagawa kundi ang habulin sya.
Aba ! Walang hiya sya ! As if namang gusto kong umalis ng bahay ng hindi naliligo !
Habol ako ng habol sa kanya.
Nung una inis na inis ako sa kanya. Pero habang tumatagal na nag lalaro kami sa dancing fountain at tumatawa na ako.
Ilang beses na kaming natumba ni Kiel dahil sa kakahabol sa isa't isa. Hindi ko na nga alam kung anong ginagawa namin eh. Nag tataya-tayaan ata kami. Ay ewan ! Basta nag hahabulan kami !
Kasalukuyan akong hinahabol ni Kiel. Hindi ako naka takbo kaagad kaya nahuli nya ako at kung titignan ay parang naka back-hug sya sakin.
Tawa ako ng tawa dahil mukha kaming mga ewan.
Napa tingin ako sa hindi kalayuan at may natanaw na lalaking naka-tayo. Tinitigan ko sya ng ilang minuto.
Si Yoongi.
Tinanggal ko ang kamay ni Kiel sa bewang ko at akmang lalapitan sya nang umatras sya at nag lakad papalayo.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com