[thirty] 三十
Aila's POV
Napa sapo ako sa noo ko dahil sa nangyayare.
Niyaya lang naman ng mama ko si Taehyung mag dinner sa bahay at aba ! Nag madaling umuwi si papa nang tawagan sya ni mama na may nag-aapply daw bilang manliligaw ko.
Hindi na kami natuloy lumabas kasi hinila sya ni mama at kinausap ng kinausap.
Mukha namang nag eenjoy si Taehyung.
" How's the food iho ? "- Naka ngiting tanong ni mama kay Taehyung nang sumubo ito.
Binigyan nya ng double thumbs up si mama.
" Sobrang sarap po ! "- Puri nya at nag simula na kaming kumain.
" Baka naman nagpapa-good shot ka lang ah "- Umiiling na pang aasar ni papa kay Taehyung.
" Nako ! Hindi po ! Masarap po talaga ! The best ! "- Depensa naman ni Taehyung.
Bahagyang natawa sina mama at papa at pinag patuloy na ang pag kain.
" Idol ka Taehyung diba ? "- Tanong ni papa.
Tumango naman si Taehyung at nilunok muna ang nasa bibig.
" Opo, bakit po ? "- Magalang na tanong nya kay papa.
" Wala naman. Atleast mabubuhay mo na si Aila kasi idol ka "- Bigla akong napa-ubo dahil sa sinabi ni papa.
Hinagod nama ni mama ang likod ko at inabutan ako ni Taehyung ng tubig.
" Okay ka lang anak ? "- Tanong ni papa.
Tinignan ko sya ng masama.
" Pa naman eh ! Ano ba yang sinasabi mo !? Nakakahiya ! "- Asik ko.
" Bakit ? Ano namang masama sa sinabi ko ? "- Inosenteng tanong ni papa.
" Masama bang maniguro ang papa mo para sa future nyo ? "- Dagdag nya. Napa sapo naman ako sa noo ko.
" Papa !!!! Anong future !!?!?!? Bata pa ako para mag-asawa ! "- Sigaw ko.
Susko, hindi ko kinakaya ang mga nangyayare.
" Hehehe wala nga namang masama sa sinasabi ng papa mo Aila "- Sabi naman ni Taehyung na nasa tabi ko. I shot him a death glare kaya napa ayos sya ng upo.
Napa buntong hininga nalang ako at kumain nalang.
" Kakausapin nalang kita mamaya ah ? Para hindi marinig ni Aila usapan natin "- Sabi ni papa.
Naka ngiting tumango si Taehyung at sa wakas, tahimik na kaming kumain ng dinner.
After namin kumain ay nagpa-dessert pa si mama. Talagang nag bake pa sya kanina ng isang cake at bumili pa si papa ng ice cream.
" Feeling ko po tuloy botong boto na kayo sakin para kay Aila hehe "- Sabi ni Taehyung kaya napa sapo ako sa noo ko.
Susko, anong sinasabi ng nilalang na to !?
" Well hindi ko pa masasabi "- Kibit balikat na sagot naman ni papa.
" May kalaban ka kasi "- Natatawang dagdag naman ni mama.
" Pero wag kang mag-alala iho, ikaw ang manok ko "- Sabi ni papa kay Taehyung ata aba ! Kinindatan pa si Tae !
" No offense ah pero kay Kiel ako "- Sabi naman ni mama.
Napa iling ako dahil sa parents ko.
Tapos na kaming kumain, pumunta sina papa at Taehyung sa garden samantalang kami ni mama ay tumutulong mag ligpit ng pinagkainan namin.
" Nak "- Sabi ni mama at bahagyang binangga ang balikat ko habang nag huhugas kami ng plato.
" Po ? "- Kunot noong tanong ko at pinag patuloy ang ginagawa.
" Dalhin mo si Kiel dito sa susunod ah ? "- Sabi ni mama.
" Di ako papayag na matalo ang manok ko ! "- Determinadong saad ni mama.
" Ma !? Hindi ko nga kasi sila manliligaw ! "- Asik ko.
" Hindi ko nga alam kung anong trip ni Taehyung bakit nya sinabi na manliligaw sya eh ! "- Dagdag ko at pumadyak-padyak pa.
" Naku~ nahihiya ka lang eh "- Pang aasar ni mama at sinundot pa ang tagiliran ko.
" Tumigil ka na nga dyan sa pag-iinarte mo at mag hugas na ng plato "- Natatawang ani ni mama.
Napa nguso naman ako at bumalik na sa ginagawa.
After namin mag hugas ni mama ng mga plato ay pumunta na kami sa sala at saktong papunta na rin sila papa sa sala.
Mukhang tapos na sila mag-usap.
" Naku Aila anak ! Napaka swerte mo na dito kay Taehyung "- Sabi ni papa at inakbayan pa si Taehyung.
" Tss hindi mo pa kasi nakikita si Kiel eh "- Bulong naman ni mama sa gilid ko.
Nagulat ako nang biglang dilaan ni papa si mama. Yung parang nag-aasar.
" Ah ganun ? Sige sa sofa ka matulog "- Naka ngiting sabi ni mama kay papa. Biglang napa tayo ng maayos si papa dahil sa sinabi ni mama.
Napa iling nalang ako sa parents ko. Why do i find them cute ?
Napa tingin ako kay Taehyung.
" Sasamahan na kita sa labas "- Sabi ko sa kanya.
" Hindi na, ako nalang. Gabi na oh atsaka dala ko naman sasakyan ni manager-nim "- Sabi naman nya sakin.
" Tignan mo honey ! Gentleman ! "- Sabi naman ni papa at tinapik ang balikat ni Taehyung.
Hay nako, ano bang nangyayare sa parents ko ?
" I want some fresh air. Tara na "- Sabi ko at nauna ng mag lakad palabas.
" Uwi na po ako. Salamat po sa dinner "- Narinig kong paalam nya sa parents ko bago sumunod sakin.
Inilabas nya ang susi ng sasakyan at sumakay na kami.
" Anong trip mo ? "- Mataray na tanong ko sa kanya.
" Tignan mo tuloy nangyayare sa parents ko. Tch "- Asik ko sa kanya at bahagya pa syang inirapan.
" Bakit ? Masama bang manligaw sa babaeng gusto mo ? "- Tanong naman nya.
Napa hinto ako sa sinagot nya pero.
" Gusto kita Aila at seryoso ako dun "- Dagdag nya.
" Hindi magandang biro yan ah "- Kunyareng nagtataray na ani ko sa kanya.
" Hindi naman ako nag bibiro ah. Seryoso ako Aila, gusto kita. Gustung-gusto "- Sabi nya.
Hindi ko alam kung anong isasagot ko sa kanya at seryoso ang awkward.
" Ihinto mo "- Sabi ko sa kanya.
" Huh ? "- Nagtatakang ani nya.
" Ihinto mo ang sasakyan. Bababa na ako "- Ani ko.
Napa buntong hininga sya sa sinabi ko at iginilid ang sasakyan.
Akmang palabas na ako nang hawakan nya ang kamay ko kaya napa tingin ako sa kanya.
" Seryoso ako sa mga sinabi ko Aila. Gusto kita "- Seryosong sabi nya habang naka tingin sa mga mata ko.
" Alam kong walang chance na ibalik mo ang nararamdaman ko dahil alam kong si Yoongi-hyung ang mahal mo. Wala namang masama mag try diba ? "- Dagdag nya at ewan ko ba pero biglang lumungkot ang itsura nya
Binitawan na nya ang kamay ko atsaka ako nginitian.
" Ingat ka sa pag-uwi "- Naka ngiting sabi nya.
" Ingat ka rin "- Sabi ko naman sa kanya at dali-daling lumabas ng sasakyan nya.
Agad nyang pinaandar ang sasakyan at umalis.
Ewan ko pero naka hinga ako ng maluwag.
Agad akong nag lakad papunta sa children's park at umupo sa swing.
Bumuntong hininga ako at bahagyang itinulak ang swing.
Tanging ang squeak lang ng swing ang ingay sa park dahil gabi na.
" Bakit andito ka pa sa labas ? Gabi na "- Napa hinto ako nang marinig ang boses nya
Iniangat ko ang tingin ko at doon ko nakita si Yoongi na naka tayo sa harap ko.
Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya.
Naka tingin lang ako sa kanya. Nag simula na syang mag lakad at sinundan ko sya ng tingin hanggang sa umupo sya sa katabi kong swing at bahagya din itong itinulak.
Pinilit ko ang sarili kong wag syang tignan. Wala ng kami kaya hindi ko na dapat sya tinitignan. Wala ng kami kaya dapat na akong umalis dito kasi sarili ko lang ang sinasaktan ko.
Katahimikan ang bumalot saming dalawa. Ang tagal na rin pala nung huli ko syang nakita.
I miss him.
" I miss you "- Mahinang sabi ko.
Nanlaki ang mata ko nang mapagtanto na nasabi ko na miss ko na sya. Napa kagat ako sa pang ibabang labi.
Parang unti-unting biniyak ang puso ko nang wala akong narinig na sagot galing sa kanya.
" Stop loving me Aila "- Ani nya kaya napa tingin ako sa kanya.
" I don't deserve your love. I don't deserve you. Kalimutan mo na ako at yung naging relasyon natin "- Pagpapatuloy nya habang naka tingin sa taas.
" Ngayon ko lang kasi napag tanto na hindi naman pala kita mahal. Na hindi naman pala kita minahal "- Sabi nya habang naka tingin sakin.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com