[twenty-three] 二十三
Aila's POV
Kanina pa ako hindi mapakali. Ewan, mag uusap lang naman kami ni Yoongi pero kinakabahan ako.
" Earth to Aila ! Kanina pa nag bell at tayo nalang ang naiwan dito sa classroom. Wala ka bang balak mag lunch ? "- Naka pamewang na ani ng kaibigan ko na nakapagpa-balik sakin sa katinuan.
Inikot ko ang tingin sa classroom at oo nga. Kami nalang ang naiwan.
" S-sorry "- Paumanhin ko at agad na tumayo sa upuan.
Sabay kaming lumabas ni Shana sa room at nagulat ako nang bigla nyang ilagay ang kamay nya sa noo ko.
" Wala ka namang sakit pero okay ka lang ba ? Mukhang may problema ka eh "- Nag aalalang tanong ni Shana sakin.
Gustung-gusto ko sana sabihin sa kanya itong mga problema ko pero hindi ko masabi sa kanya. Alam kong hindi maganda na mag lihim ka sa kaibigan mo pero mas maganda ng ganito.
Pinilit kong ngumiti ng peke.
" Oo okay lang ako ! Hindi kasi ako nag breakfast kanina kaya siguro lutang ako "- Pag sisinungaling ko at pinagpatuloy na ulit namin ang paglalakad.
" Hindi ka nag breakfast ? Nakakapanibago "- Kunot noong sabi nya. Hindi ko nalang sya pinansin at tuluyan ng pumasok sa canteen.
As usual, wala nanamang bakanteng upuan. Napa tingin ako sa isang table nang may kumaway dito at doon ko nakita sina Kiel.
" Andun sila Kiel oh "- Sabi ko sabay hila kay Shana papunta sa pwesto nila Kiel.
Napa hinto ako nang huminto si Shana kaya tinignan ko sya.
" Hindi ba si Yoongi yun ? Sino yung babae ? "- Tanong ni Shana sabay turo sa isang table kaya tinignan ko ito.
Agad kong iniwas ang tingin ko. Sina Yoongi at Yumi magkasama nanaman. Silang dalawa lang at masayang kumakain. Mukhang walang pakielam si Yoongi na may nakakakita sa kanila, samantalang pag ako ang kasama nya halos isang metro ang layo namin sa isa't isa o hindi kaya'y tinatarayan nya ako kunyare.
" Tara na, nagugutom na ako "- Yun nalang ang isinagot ko sa kaibigan ko at hinila na ulit sya papunta sa table nina Kiel. Andun din si Sky.
" Kanina pa kayo ? "- Tanong sa kanila ni Shana nang makalapit kami sa table.
" Halos kararating ko lang. Si Sky kanina pa ata dito "- Sagot ni Kiel sabay turo kay Sky.
Tumango naman kami ni Shana at umupo sa bakanteng upuan. Si Shana tumabi kay Sky, ako tumabi kay Kiel.
" Bibili lang muna ako ng pagkain "- Sabi ni Shana at tumayo.
" Samahan na kita "- Ani ni Sky at tumayo din. Sabay silang umalis ni Shana sa table.
Kaming dalawa nalang ni Kiel ang naiwan.
" Anong nangyare ? "- Tanong ni Kiel kaya napa tingin ako sa kanya.
" Huh ? Anong anong nangyare ? "- Kunot noong tanong ko. Seryoso nya akong tinignan.
" Anong nangyare ? Akala ko ba okay na kayo ? Ano yun ? "- Seryosong tanong nya sabay turo sa may table nila Yoongi at Yumi. Napa yuko naman ako.
" Ewan. Okay naman talaga kami eh "- Mahinang sagot ko habang naka yuko.
" Everything's fine before that Yumi showed up "- Pagpapatuloy ko at bumuntong hininga.
" Bakit ba ganyan sya ? For pete's sake ! Ikaw ang girlfriend nya pero hindi ka nya nagagawang samahan mag lunch ! Samantalang yun ! Kaibigan lang nya pero ang saya-saya nila tignan at wala syang pake kung may nakakakita sa kanila "- Asik ni Kiel na mas lalong nakapagpa-yuko sakin.
" Hindi ko na alam kung anong gagawin ko sa inyong dalawa "- Umiiling na sabi ni Kiel at sumadal sa upuan.
" Ang sabi nya kakausapin daw nya ako mamaya bago mag uwian "- Mahinang sabi ko at bumuntong hininga.
" Buti naman. Akala ko kasi hindi nanaman sya gagawa ng paraan para magkaayos kayo "- Medyo mataray na ani ni Kiel.
" We're here~ "- Napa angat ako ng tingin nang makita si Shana.
" Go na Aila, bili ka na. Alam ko namang kanina ka pa gutom "- Naka ngiting sabi sakin ni Shana.
Nginitian ko sya pabalik at tumayo na. Tumayo din si Kiel at sabay kaming nag hanap ng pwedeng makain.
Actually hindi ako nagugutom, wala akong gana pero wala akong magagawa kundi ang bumili ng makakain kasi ang sabi ko kay Shana eh gutom ako.
Tahimik lang kaming nag iikot ni Kiel sa canteen. Wala akong mapili kung ano ang kakainin ko.
" Gusto mo bang bumili sa labas ? Wala akong gusto dito "- Sabi ni Kiel habang iniikot ang paningin sa mga itinitinda.
" Tara "- Sagot ko at nag lakad papalapit kila Shana.
" Sa labas lang kami bibili "- Paalam ko, tumango naman si Shana kaya umalis na kami ni Kiel.
Tahimik lang kaming lumabas ng school.
" Kamusta na pala yung plano mong mag confess kay Shana ? "- Tanong ko habang naglalakad kami.
" Naka ayos na base sa plano natin "- Simpleng sagot nya. Tumango naman ako.
Dahil wala akong gana mag heavy meal ngayon, agad akong pumunta sa isang donut stall at bumili ng isang box.
" What ? "- Taas kilay kong tanong kay Kiel. Umiling naman sya at agad kaming umalis nang mabayaran ko na ang binili ko.
Pumasok naman kami sa isang fast food chain at bumili na si Kiel ng gusto nya. Agad kaming bumalik sa school after naming bumili.
Para naman akong binuhusan ng malamig na tubig nang makita na kasama na ni Shana ang bangtan sa isang table, pero syempre wala si Jungkook kasi kasama nya yung girlfriend nya.
" Naks naman Aila ! Salamat ! Nag abala ka pa "- Sabi ni Jimin nang makita nya kami at kinuha sakin ang box ng donut na dala ko.
" Akin yan wag kang feeler "- Mataray na sabi ko sa kanya
" Yan lang kakainin mo Aila ? "- Nagtatakang tanong ni Shana nang umupo ako sa pwesto ko kanina. Tumango naman ako. Napa iling nalang si Shana.
" Hindi kaya healthy yung ganyan Aila. Dapat kumain ka ng kanin "- Narinig kong sabi ni Yumi.
" Hayaan mo na, yan gusto nya eh "- Ani ni Yoongi kaya napa-tingin ako sa kanya. Agad ko ding iniwas ang tingin ko at binuksan nalang ang box ng donut na dala ko.
" Pahinge ! "- Sabi ni Taehyung sabay kuha ng donut. Napa simangot naman ako dun.
Nginitian lang nya ako. Napa iling nalang ako. Wala naman na akong magagawa eh.
Tahimik lang kaming kumain at nauwi ako sa pag-alok sa kanila ng binili ko. After namin kumain ay kanya-kanya na kaming bumalik sa mga klase namin.
Hindi nanaman ako mapakali. Ilang oras nalang at uwian na. Mag-uusap na kami ni Yoongi at ewan ko, sobra akong kinakabahan.
" Class dismiss "- Sabi ng prof namin sabay ang pag bell. Agad na nagsi-tayuan ang mga kaklase ko. Biglang lumakas ang kabog ng dibdib ko.
Tumayo na ako sa upuan ko at nag ayos ng gamit.
" Aila, una na ako ha ? Yung about pala dun sa practice natin bukas nalang. May gagawin pa kasi ako sa bahay "- Paalam sakin ni Shana.
" Oo naman, sige "- Naka ngiting sagot ko.
" Alis na ako ha ? Ingat ka Aila ! "- Ani ni Shana at isinukbit sa balikat ang bag. Nakipag beso sya sakin.
" Ingat ka din "- Sabi ko at umalis na sya.
Huminga ako ng malalim atsaka isinukbit ang bag sa balikat tsaka lumabas ng classroom.
Agad akong dumaretso sa likod ng building kung saan ang meeting place namin at inintay si Yoongi.
Kinakabahan ako.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com