Chào các bạn! Truyen4U chính thức đã quay trở lại rồi đây!^^. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền Truyen4U.Com này nhé! Mãi yêu... ♥

[twenty] 二十

Aila's POV

Naabutan ko ang parents ko na nanonood parin sa may sofa. Dahan-dahan akong nag lakad papuntang hagdan.

" Aila "- Napa hinto ako sa pag akyat nang tawagin ako ni mama.

" Po ? "- Tanong ko at hinarap sila.

" Wag ka na muna pumasok bukas. Isasama kita sa kasal "- Sabi naman ni mama.

" Ma, alam mo naman na ayaw kong umaabsent "- Protesta ko.

" Dali na nak. Ngayon lang please ? "- I sigh in defeat at tumango. 

" Okay "- Nakita ko naman ang pag ngiti ni mama sa sagot ko.

" Akyat na po ako "- Paalam ko at tuluyan ng umakyat ng kwarto.

Feeling ko sobra akong pagod ngayong araw to. Parang ang daming nangyare. Itinapon ko ang sarili ko sa kama at agad din akong naka-tulog.

Nagising nalang ako sa pag-yugyog sakin. At doon ko nakita si mama na naka-ayos.

" Anak, gumising ka na. May kasal tayong pupuntahan remember ? "- Malambing na sabi ni mama. Dahan-dahan akong umupo sa kama ko.

" Maligo ka na okay ? Nasa labas na yung mag aayos sayo "- Naka ngiting sabi ni mama. Tumango naman ako kaya lumabas na sya.

Wala sa sarili akong tumayo sa kama at inayos ito tsaka dumaretso sa banyo para maligo.

Makalipas ang ilang minuto sa banyo ay lumabas na ako. Naka robe lang muna ako at doon ko nakita ang mga mag aayos sakin.

Nginitian nila ako at itinuro nung babae yung upuan. Nginitian ko din sila at umupo na. Sinimulan na nila akong ayusan.

Makalipas ang ilang minuto ay tapos na nila akong ayusan. Lumabas na sila at doon ko nakita ang susuotin kong dress. 

Agad ko itong sinuot. Humarap ako kaagad sa salamin at sakto biglang bumukas ang pinto at pumasok si mama.

" Ang ganda naman ng anak ko ! "- Puri nya habang tuwang-tuwa na pumapalakpak.

" Tara na, baka mahuli tayo "- Sabi nya at hinila ang kamay ko pero agad ko itong binawi.

" Ma ! Ang ikli nitong suot ko ! "- Reklamo ko at agad na hinila pababa nag dress na suot ko.

Inaamin ko. Maganda yung dress pero ang ikli ! Susko naman !

" Hindi naman ! Tara na ! "- Sabi ni mama at hinila na ako palabas ng kwarto.

Naka simangot ako habang hinihila nya ako pababa ng hagdan.

" Oh Aila ? Ngiti naman ! Ganda-ganda mo eh "- Sabi ni ate nang madaanan namin sya sa may sofa.

Sinimangutan ko lang sya at nagpa-tangay na kay mama palabas ng bahay at sumakay na ng sasakyan.

Hinihila ko pababa ang dress ko. Feeling ko kasi makikitaan ako kahit na may shorts ako sa loob.

" Tigilan mo nga yan Aila "- Sita sakin ni mama at bahagyang pinalo ang kamay ko.

" Eh naman kasi ma ! Ang ikli kaya ! "- Pag mamaktol ko.

She gave me a death glare kaya napa hinto ako at ngumuso nalang.

" Nasabihan mo na ba si Shana na hindi ka makakapasok ? Baka iniintay ka nya "- Sabi ni mama. Napa sapo naman ako sa noo ko at agad na kinuha ang phone ko at tinext ang kaibigan ko.

To: Shana

Hindi ako makakapasok ngayon, bigla akong sinama ni mama eh. Pa-excuse nalang ako ha ? Loveyou !

Agad ko ding ibinalik sa bag na dala ko ang phone ko nang ma-text ko si Shana.

" Ma, kaninong kasal ba pupuntahan natin ? "- Tanong ko.

Actually, napaka unusual na isama ako ni mama sa ganito. Lagi nya kasing kasama si papa or si ate.

" Secret anak ! But you'll know her later. I'm sure you'll be happy "- Naka ngiting sabi ni mama.

Nag kibit balikat nalang ako at tumingin sa bintana.

Ihininto na ang sasakyan kaya bumaba na kami ni mama at pumasok sa venue.

Agad na pumunta si mama sa mga amiga nya at nakipag daldalan. Ako ito, parang ewan na sunod ng sunod sa kanya. Minsan pinakikilala nya din ako.

" Tara na, umupo na tayo. Magsisimula na ata "- Bulong ni mama sakin at nag paalam na sya sa mga kausap nya at umupo na kami sa naka-assign samin na pwesto.

At nag simula na ang kasal. Hindi ko naman mapigilan na mapa-ngiti. Wala lang, i feel happy for the both of them. Parang ang saya lang nila tignan.

Parang unti-unting nawala yung ngiti ko nang pag tingin ko sa tapat ko eh nakita ko si Yumi.

Nakita nya ata na naka-tingin ako sa kanya kaya tinignan nya din ako at nginitian. Wala naman akong nagawa kundi ang ngitian sya pabalik at tumingin nalang sa couple na ngayon ay mag-asawa na.

Actually i always imagine these kind of things with Yoongi. Naiimagine ko na kami hanggang huli. Sya at ako ang end game. I'm really hoping for that to come true. Na someday, uuwi ako ng bahay na sya ang maaabutan ko. Yung hindi na namin kailangan itago yung relasyon naming dalawa. I'm really looking forward for that day.

Nag tayuan na ang mga tao at pumalakpak kaya ganun din ang ginawa ko. Agad namang bumab ang couple at naki-kamay sa mga dumalo.

" Tara anak "- Sabi ni mama at hinila ako papunta sa bride.

" Mrs. Lucas ! Good thing you made it "- Naka ngiting ani nung bride at nakipag-beso kay mama.

" Syempre naman pupunta ako no ! "- Naka ngiting ani naman ni mama.

" Oo nga pala. Si Aila anak ko "- Pakilala sakin ni mama.

" Congratulations po "- Bati ko at nag bow tsaka iniabot ang regalo na dala namin ni mama.

" Salamat "- Sabi nya at inilagay sa may table ang regalo.

" So sya si Aila. Ang ganda naman palang bata ! "- Puri sakin. Nag blush naman ako ng kaunti dun.

" Syempre kanino pa ba mag mamana yan ? Sakin lang naman "- Bahagya akong natawa sa sinabi ng mama ko at bahagya pa syang nag flip hair.

" Kasing ganda nya yung mga designs na gawa nya ! "- Napa kunot ang noo ko sa sinabi nya. Designs ko ? Kelan pa nya nakita ang designs ko ? 

Mukhang napansin ni mama ang pagtataka ko.

" Well anak. Pinakita ko kasi sa kanya yung designs mo and guess what ? Nagustuhan yun ng mga sikat na designers sa Paris ! "- Tuwang tuwa na sabi ni mama.

" One of the famous fashion school in Paris wants you. Inaabangan na nga nila ang pag graduate mo eh "- Natatawang sabi naman nung bride.

" It's a really good opportunity Aila. Kakaunti at piling-pili lang ang nakakapasok dun "- Naka ngiting dagdag nya.

Napa lingon kami sa tumawag sa bride.

" I need to go now "- Paalam nung bride.

" Sige. Congratulations "- At nag beso ulit silang dalawa ni mama at umalis na yung bride at pumunta na sa asawa nya.

" You should be ready nak "- Sabi ni mama habang naglalakad kami pabalik ng table.

Hay nako. Ngayon palang namimiss ko na ang baby girl ko "- Sabi ni mama at niyakap ako.

" Tara kumain na tayo "- Dagdag nya at lumapit sa buffet section. Para naman akong ewan na naiwang naka-tayo.

I honestly don't know what to feel. Dapat ba akong maging masaya kasi matutupad na ang pangarap ko ? O malulungkot dahil alam kong magkakalayo at mas mahihirapan kami ni Yoongi pag nagpunta na ako sa Paris ?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com