Chào các bạn! Truyen4U chính thức đã quay trở lại rồi đây!^^. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền Truyen4U.Com này nhé! Mãi yêu... ♥

013


"Binlock mo ako." Inabot saakin ni Verse ang softdrinks at agad kong ininom yun. Pinuntahan pa niya ako sa bahay namin kinabukasan matapos takbuhin ni Chim ang mga bahay nila kahapon. Sa huli, nablock ko silang lahat. Pero inunblock ko rin naman. Tsinempuhan ko lang na makaalis si Chim sa puder nila.

"Bakit mo kasi pinahiram si Chim ng cellphone mo," nanggigigil kong tanong at sinimulang kagatin ang straw ko.

"Sabi kasi niya, makikipasa siya ng ano.." humina ang boses niya at alam ko na kung ano ang tinutukoy niya.

Ginulo ko ang buhok ko sa sobrang lito. Kaunting pasensya pa, Cheese! Huwag mong sapakin si Chim. Masasanay ka rin doon!

"Hoy! Bakit mo ako binlock!" May narinig akong matinis na boses. Lumingon-lingon ako sa paligid ng tindahan. Lumapit na si Genie sa amin at inagaw ang iniinom kong softdrink.

"Hoy ikaw! Nilibre ko yan kay Cheese at kinuha mo lang!" sigaw naman ni Verse.

"Sige lang, ha. Nagluto pa naman ako ng sopas. 'Di kita bibigyan."

Inirapan ko nalang sila at pinilit iniisip ang nangyayari kay Chim. Hindi naman ako masyadong naiinis. Hindi ko rin alam kung ayos lang ba o hindi. Hindi ko maintindihan.

Hmmp, bakit ba ako nag-iisip ng ganito? Bakit ba ako nag-iisip masyado? Bakit moody ako ngayon?

"Keso!"

Speaking of, may narinig akong pamilyar na boses mula sa kalayuan. Sigurado akong si Chim 'yun. Sinasabi ko na nga ba.

Nagulat ako nang yakapin niya ang braso ko sabay sabing, "Unblock mo na ako. Pleaaaase!"

Tinapik ko muna ang ulo nito para kumalas sa yakap kasi parang hindi ako sanay na may clingy sa akin. Naiirita lang ako bigla.

Pero bukod roon, bakit sumasakit ang puson ko?

"Hoy Chim, close na kayo ni Cheese?"

"Oo naman!"

Natigilan ako sa inuupuan ko dahil may naramdaman akong kakaiba mula sa ibaba. Parang... shit, anong week na ngayon? Bakit ngayon pa ako nagkaroon? Kaya paminsan, ayoko maging babae eh.

"Ayos ka lang, Cheese?" tanong ni Verse nang mapansin ata na hindi ako nakaimik sa kinauupuan ko.

Dark blue naman ang shorts ko. Hindi naman siguro mahahalata ang tagos kung meron man 'di ba?

"Uwi na ako. Bye."

Saktong pagtayo ko, lumingon ako sa inupuan kong kahoy at mabuti na lang wala pang tagos. Inaalala ko kung may napkin ba ako sa bahay pero wala pa ata akong nabibili ngayong month.

Sasabihan ko na lang si Mama mamaya kung pauwi siya galing work.

"Chim," bulong ko kaya napaangat ang tingin niya sa aking nakatayo mula sa inuupuan namin. Siya lang kasi ang katabi ko samantala sila Verse nasa harapan namin.

"Yes?"

"Favor, bilhan mo ako ng napkin," bulong ko ulit. Wala rin kasi akong pera! Lintek, hinila lang nga ako ni Verse palabas. Ayaw ko ring makiutang ngayon kay Aling Beba, hindi ako nakakatulog kung may naiisip akong may utang pa ako kung kanino.

"Ha? Bakit?"

Bago pa bumaba ang tingin niya sa pwetan ko ay mahina kong sinampal ang mukha niya. Sana naman, nakuha na niya kung anong nangyayari.

"Hoy punyeta, ang landi niyo!" sigaw ni Genie. "Baka si Cheese ang nilalandi mo, Chim ah," dagdag pa nito kaya umiling ako. Siningkitan tuloy ako ng mata na parang ang defensive ko.

"Teka." Tumayo si Chim at bumili kay Aling Beba. Hindi na ako nakagalaw sa kinatatayuan ko kasi pakiramdam ko... may lalabas... shet.

"Halika na." Kukunin ko sana nang palihim ang binili ni Chim kaso binulsa na niya ito sa pants niya.

Hinawakan na niya ang magkabilang balikat ko na ikinagulat ko nang sobra at pinatalikod. "Hatid ko na siya pauwi, mga erps. Bye!" At tinulak na niya ako palayo sa tindahan.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com