015
Chim Park
2:00pm
Chim:
Sabi ko sa'yo.
Chim:
AALAGAAN KITA BAKIT MO AKO TINABOY?!
Chim:
Wala. Umiiyak na ako.
Chim:
HUHUHUHU
Chim:
PANAGUTAN MO AKO.
-
Napabuga ako ng hininga habang tinatago ang phone ko. Kahapon, nag-absent ako dahil sumakit talaga ang puson ko. Tatanggapin ko na lang na wala akong hotdog pero bakit ganito kalala ang sakit ng puson tuwing magkakameron ako?!
Talagang pinuntahan pa ako ni Chim kanina dahil hindi ko nireply-an ang message niya. Tulog lang ako buong araw. Kung tatayo ako, papalitan ko lang ang tubig sa hot compress ko at babalik na naman sa tulog. Gusto ko rin namang kumain nang kumain kaso wala rin namang laman ang ref namin kaya matutulog na lang ako.
Pumunta rin kanina si Chim kaso pinauwi ko lang din. Pero mukhang hindi ako tatantanan sa chat nito. Gusto kong pagsabihan na, 'huwag mo kong kausapin kapag moody ako kasi baka makurot ko bayabas mo kung inisin mo ako' ganun kaso limited ang lumalabas sa bibig ko.
Ngayon na mag-isa pa rin ako sa bahay, may narealize lang ako pagkatapos akong bisitahin ni Chim nang dalawang beses. Does he really care or...?
Napatingin ako bigla sa dibdib ko bago ito takpan. Wala man akong kasama ngayon pero kung saan lumilipad ang utak ko.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com