018
Bukod sa napanaginipan ko kagabi, 'yung mga oras na kasama ko siya noong highschool.. ay may mas weird pang nangyari sa akin ngayong pagpasok sa school.
Hindi naman tungkol kay Genie dahil tuwing umaga, sabay kami papuntang rooms namin kahit mismong existence niya ay weird... kung hindi, may kakaibang bagay sa arm chair ko.
"Ayieee, Cheese! May manliligaw na siya! Babae na siyaaa!"
"Sana lahat! Sana lahat unique ang paraan sa paglalahad ng pagmamahal!"
"Sana lahat may nagmamahal!" asar ng mga kablock ko nang naabutan akong nakatitig sa bagay na 'to.
Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko sa bagay na 'to. Pero una kong naramdaman ay... takot.
Hindi naman sa ayaw ko itong nakikita ko na nakapatong sa arm chair ko. Pero naramdaman ko bigla na babae ulit ako. May katiting na malambot na saya nang kumikinang ang pagkagawa nito.
Besides, pwede rin itong makain.
Kanino kaya 'to galing?
Hindi ko namamalayan na kinuha ang phone ko para ilipat saglit ang atensyon ko. Baka makilala ko ang nagbigay nito.
Wala talaga akong ideya pero bakit si Chim ang una kong naisip?
Ah, siya lang pala itong lumalandi sa akin.
-
Chim:
Ok ka na? :((
Chim:
Hindi na masakit puson mo?
Chim:
Hilutin ko gusto mo?
Chim:
Magaling ako. ;)
Chim:
Dali na.
Cheese:
Kanino 'to galing?
Chim:
Huh?
Cheese:
Yung bulaklak na gawa sa cotton candy?
• seen 9:59am
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com