Chào các bạn! Truyen4U chính thức đã quay trở lại rồi đây!^^. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền Truyen4U.Com này nhé! Mãi yêu... ♥

025

Hindi siya nag-o-online. 

Hindi rin siya sumama sa amin ng lunch. Sinabi ni Monie na busy lang daw sa pamilya niya dahil may mga ganap daw sa clan nila. Hindi na lang ako nagreact. Atsaka, bakit naman ako magrereact? Bakit naman ako makikisingit?

Tumahimik na lang ako pagkatapos malaman 'yun.

Hintayin ko na lang siya mamaya baka kausapin niya ako.

"May narinig akong chika." Tumabi sa akin si Genie na grabe makabulong, akala mo naman, may top chika siyang nakalap. "Feeling ko, nag-away sila ng kachat niya or something." Napakunot ang buong mukha ko kasi ayaw kong makinig. Binilisan ko ang paglakad ko pero sinasabayan niya ang bilis ng lakad ko. "Tapos dinidistract niya ang sarili niya kaya palaging excuse. 'Yun pala, nagpapahangin lang siya? Paano kung sinaktan siya nung kinakausap niya? Baka naman tinaboy?"

"Genie!" mariin kong bulong dahil nakokonsensya ako.

"Seryoso. Grabe naman 'yung kausap niya! Napakachoosy! Mabait naman si Chim! Mukhang sincere naman 'yung feelings niya! Nakikita mo ba 'yung ngiti niya tuwing may kausap siya? Grabe talaga. Walang puso 'yung chaka na 'yun!"

At tiniis ko nga ang rant niya tungkol sa kausap ni Chim... na si ako.

"Pero infairness, wala na ngang porn sa phone niya. Mukhang seryoso nga."

Napatigil naman ako sa paglalakad sa nalaman ko.

"Nagtataka nga rin si Verse. At nangangamba na wala na siyang source." Bigla ba anman niya akong iniwan sa gitna ng hallway habang dinidigest ang mga nalaman ko.

Isang araw lang namang hindi nagparamdam si Chim eh! Bakit naman ako maninibago? Mabuti na ngang ganun!

-

Chim Park

11:11pm

Cheese:
Psst Sausage.

Chim:
Footlong 'to. HUHUHHUUHUH

Cheese:
Ba't ang tahimik mo?

Cheese:
Nakakapanibago.

Chim:
NAMISS MO AKO?!

Chim:
TEKA TITILI AKOOOOOOOOOO

Chim:
IS DIZ RIL?

Chim:
Nanonood lang ako eh :(

Chim:
Kauuwi lang sa kabilang bayan

Chim:
Papasok na ako bukas

Chim:
Pero namiss mo ako?

Chim:
:>

Chim:
Yieeee miss niya akkooooooooooooooo

Cheese:
Oo na.
• seen 11:15pm

Cheese:
Oh ano?? Tameme ka ngayon?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com