033
Gusto kong sapakin ang sarili ko dahil naguguluhan ako sa sarili ko. Tama bang inaabangan ko si Chim? Para tuloy nababalisa ang mga mata ako habang naglalakad. Sa huli, umirap ako. Baka inaabagan ko 'yung reaksyon niya matapos 'yung huli naming pag-uusap sa chat.
Bahala na nga ang sausage na 'yun!
"Nag-almusal ka na?"
"Ay sausage!"
Halos sapakin ko si Justin. Nanggulat ba naman mula sa likuran ko! "Huwag kang nanggugulat!" Pinalo ko ang braso pero halos maningkit ang mga mata niya sa lawak ng ngiti niya.
"Sausage?" tanong niya. "Iniisip mo ba si Chim?" natatawa pa niyang dagdag.
"Hindi ah!" sagot ko agad. "Gusto ko lang ng sausage. Hindi pa ako nag-aalmusal." Tama. Hindi naman sa lahat ng oras at hindi naman pwedeng buong buhay, si Chim dapat ang maalala sa sausage. Hindi naman naimbento ang sausage para lang kay Chim. Tama. Medyo matalino ako sa part na 'yun.
Sumeryoso saglit si Justin kaya nilingon ko siya. Magpapaalam sana ako na mauuna na ako kaso nagsalita na siya. "Binanggit mo 'yung dance contest."
Napaiwas ako ng tingin habang nanatiling nakatayo nang matuwid. Hindi ko rin naman sinasadyang buksan ang topic na 'yun dahil wala lang. Wala akong maisip na topic that time. Medyo nakonsensya rin ako dahil sa nangyari sa akin noon.
"Busy din ako, eh. Ikaw? Suportahan kita," sabi ko.
"Sorry talaga, Cheese. Kung sinalo kita noon..."
Tumawa ako at nagpapanic na takpan ang bibig niya. "Shhh. Okay lang. Hindi naman habang buhay ay sasayaw ako. Ayos lang. Huwag mo na kasing banggitin kung hindi mo naman papaniwalaan na ayos lang ako." Kaso natahimik din ako sa huli kong sinabi.
Binalutan kami ng katahimikan.
"May aaminin ako sa'yo.."
Bigla akong kinabahan dahil sa salita na 'yun. Para bang may kumurot sa pagkatao ko nang marinig iyon. Ayaw kong marinig iyon. Binabalutan na naman ako ng pagsisisi.
"Pasensya na. Kailangan kong mauna." Umalis na ako.
Hindi nila alam kung ano ang tungkol kay Darling. Sinasarili ko iyon hanggang ngayon dahil hindi pa ako handang buksan iyon. Ayaw ko rin pag-usapan. Iyon ang tunay na ayaw kong pag-usapan. Kaya ginagawa ko ang lahat para madistract ako. Kaso hindi na ata ako makakatakas dahil kahit wala namang nangyayari, napupuno lang ako ng paano kung sa loob ko.
Paano kung hindi ako umamin?
Siguro, mangyayari pa rin dahil kahit anong mangyari noong panahon na 'yun, 'yun lang ang tanging paraan para mapansin niya ako, para makapagpaliwanag sa lahat ng iniipon ko noong panahon na 'yun. Parang kinakailangan ko na rin ijustify na ayos lang na nangyari 'yun. Pakiramdam ko, kahit nakatayo lang ako ay nililibing ako nang buhay. Ang bigat-bigat sa pakiramdam noong panahon na iyon.
Pinagpatuloy ko ang oras sa pag-aaral. Inaamin kong wala naman talagang pumapasok sa isipan ko tuwing nagdidiscuss ang instructor pero kapag naiisip kong nakaattend ako ng klase, may natutunan ako (kahit kaunti lang).
Natauhan ako nang makitang nagsama-sama ang mga kaklase ko sa pintuan. Mukhang may pinapanood sila roon. Habang pinoproblema ko kung paano ako makakalabas dahil humaharang sila sa doorway?
Kinuha ko na ang bag ko at tumayo na. Kaso kinilabutan ako nang tumingin ang lahat ng tao sa direksyon ko.
"Yieee!"
"Cheese! Manliligaw mo!"
Kumunot ang buong mukha ko. Dali-dali akong lumabas para makita kung sino ba ang pinagsasabi nila. Nang makarating ako sa pintuan... hindi ko kilala 'yung lalaki.
"Para sa'yo."
Mas lalong nag-ingay ang mga tao sa paligid ko. Pero hindi pa rin napuputol ang titig ko sa lalaki. Ni hindi nga makatingin sa akin.
"Sino ka?"
"Ohhh!" reaksyon naman ng mga kaklase ko.
"Uh.. pinapabigay sa'yo.."
"Sino?" matigas kong tanong.
Hindi pa rin siya sumasagot. Mas lalo niyang nilapit sa akin ang hawak niyang bouquet ng sausage na nakahulma ng flowers.
"Sino?" ulit ko. Hindi ko alam pero alam kong nagagalit ako.
Kitang-kita ko man ang galit sa mga mata niya na umabot sa puntong tuluyang ibigay niya ang hawak niya. Muntikan pa itong mahulog kung hindi ko pa nayakap. Mabuti na lang ay may plastic pa ito kaya hindi napunta sa akin ang mantika. Tumakbo pa siya palayo. Naibigay ko tuloy iyon sa kaklase kong nanonood para habulin 'yung lalaki. Mas lalo kong binilisan ang pagtakbo hanggang nagkaroon ako ng tsansa na mahabol siya nang may nakabangga siyang estudyante.
Hinablot ko ang damit niya at kinuwelyuhan siya.
"Kanina pa ako nanggigigil sa'yo. Sino ba?!"
Tinakpan niya ang mukha niya.
"Binayaran ako para hindi sabihin!"
Gusto ko siyang sapakin pero pinipigilan ko pa ang sarili ko. Huwag nila akong paglaruan! Parang awa!
Nararamdaman kong tinatanggal niya ang kamay ko pero mas lalong humigpit ang hawak ko.
"Kilala ko ba?"
Mali ang tanong ko. Sigurado akong hindi niya ako kilala o ewan. Gulong-gulo na ang utak ko! Hindi na ako makaisip nang maayos! Balak ko sanang bawiin iyon pero sumagot na siya.
"Abgwa..."
Namanhid ang mga kamay ko kaya nabitawan ko ang kwelyo ng lalaki. Tumakbo na rin siya palayo at naiwan akong nanlalamig sa kinatatayuan ko.
May pumasok sa isipan ko.
Malakas ang pakiramdam ko na siya iyon.
-
Cheese:
Sa'yo ba nanggaling ang sausage na flowers?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com