Chào các bạn! Truyen4U chính thức đã quay trở lại rồi đây!^^. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền Truyen4U.Com này nhé! Mãi yêu... ♥

041

CHEESE.

Ako lang ba? O napapansin kong napapatingin sa akin ang nadadaanan ko sa hallway? Gusto ko sanang umirap dahil pumasok sa isipan ko na para akong nasa typical na college romcom movie na pinag-uusapan ata ako. May gumalang chismis ba tungkol sa akin na hindi ko alam?

Nakikita ko na si Genie na malapit ko nang makasalubong.

Napapakiramdaman ko nang paglapit niya sa akin ay ibubulgar niya ang chismis tungkol sa akin. Ang dahilan kung bakit ako pinagkakatinginan ng mga nadadaanan ko ngayon.

"Kailan ka pa naglipstick?" bungad niya sa akin. 

Nanlaki ang mga mata ko at bahagyang napatakip ng bibig ko. Ganoon ba kaobvious?

Pumababa ang tingin sa akin ni Genie. "Himala, hindi mo suot ang cap mong itim. Himala, hindi ka nakablack ngayon. Himala, nakaputi ka at nakahigh waitsed pants na ngayon. Himala---"

"Oo na, may himala!" pagpuputol ko sa kaniya. Hindi ko nga lang masakop ang buong mukha niya sa palad ko dahil ngayon ko lang napagtanto na maliit lang pala ang mga kamay ko. "Nagputi lang ako tapos iba na ang pagtingin mo sa akin!"

Nagsimula na kaming maglakad at nakatingin pa rin siya sa akin dahil sa itsura ko ngayon. Kaya pala ako pinagtitinginan. Lalo na 'yung mga pamilyar na mukha na halos makasalubong ko araw-araw. Hindi ba pwedeng mag-iba ng susuotin kahit ngayon lang?

"Kailan ka pa natututong maglipstick? Infairness, hindi nagkakalat at hindi naman ganoong kapula." At patuloy pa siya sa pagtatake note ng pagmumukha ko ngayon.

"Genie, alam kong alam mong hindi ako naglalagay ng kolorete sa mukha pero alam ko naman kung babagay sa akin ang kulay o hindi."

"Hindi, mhie. Masyadong obvious pa sa obvious na masc ang style mo kaya sobrang obvious 'yung pagbabago mo." Oo na, Genie. 

"Oo na, baks. May chika ka ba diyan?" Para namang hindi na niya ako pansinin kasi nagsisimula nang mag-init ang mukha ko sa hiya.

"Nag-iba ka na talaga. Never kang umuna sa pagtanong sa chika," pagdadrama niya habang umiiling.

Napabuga na lang ako ng mahabang hininga.

Pagdiretso ko ng mga tingin ko ay tumama iyon sa isang lalaki na naglalakad sa kalagitnaan ng hallway. Nakayuko ito at may binabasa sa mga papel na hawak niya.

Dinaanan niya ako at muntikan nang magtama ang mga braso namin.

Kilala ko 'yun.

Lumingon ako para tingnan ulit 'yung nakasalubong ko.

Andito siya? Anong ginagawa niya rito?

"Ah, baks. May nagbabagang chika na pala ako."

"Cash.." bulong ko habang hinahanap ulit 'yung lalaki na 'yun. Hindi ako nagkakamali. Kilala ko ang tindig, pagyuko, at amoy niya.

"Huh? Crush? Oo! Naconnect the dots ko na kung sino ang pinopormahan ni Chim ngayon! Si Tiara! Kilala mo 'yun 'di ba?"

Nagblangko bigla ang utak ko at marahang napatingin kay Genie.

"Feeling ko rin, si Tiara 'yung pinost niya sa IG niya! Sabi ko na nga ba! Kaya pala sila magkasama since Monday!" Pumalakpak siya at naghairflip pa. "I'm so matalino talaga!"

At naiwan ako sa kinatatayuan ko. Hindi ko na alam kung ano ang bumabagabag sa akin.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com