045
CHEESE.
"Para sa'yo ang bulaklak!"
Sa totoo lang, nawala na sa isipan ko ang lahat ng nangyari noon. Sa sobrang pagpupumilit kong kalimutan ang mga nangyari noon, bigla-bigla naman akong pagbabagsakan ngayon.
Kilala ko ang sarili ko noong gusto ko si Darling. Alam ko ang sekwalidad ko. Alam kong sa babae ako nagkakagusto. Alam ko ang gusto kong suotin. Alam ko ang mga gusto kong gawin.
Kaso simula noong umamin si Cash sa akin, naguluhan na ako.
Nang nagpaparamdam na si Justin sa akin, natakot ako.
Simula noong pinakita ako ng motibo ni Chim, mas naguluhan lalo ako.
Hindi sa nararamdaman ko, kung hindi para sa sarili ko.
"Anong para sa akin ang bulaklak?" Wala akong maintindihan. Matatanggap ko pa 'yung pakiramdam ng pagtataksil kung si Darling ang gusto niya dahil marami akong masasabi. Kaya kong umamin kay Darling at ipaglaban siya kahit alam kong wala akong pag-asa.
"Ikaw ang gusto ko, Cheese." At sinabi sa akin iyon ni Cash, diretso sa mga mata ko.
Ang hindi ko matanggap ay kung bakit ako ang gusto nila? Anong magugustuhan nila sa akin? Isang hamak lang ako na tomboy na suot palagi ang damit ng kuya ko. Isa lang naman akong mas nahilig maglaro ng basketball kaysa sa paglagay ng kolorete sa mukha. Tinanggap ako ng pamilya kung sino ako at ayaw kong sayangin 'iyon.
"I mean it," bulong ko, inaalala ang reply ni Chim na hindi ko nireply-an. Hindi na ako magtatanga-tangahan sa puntong ito. Gusto ako ni Chim at willing pa siyang magback-out sa competition kung sabihin ko lang. Pero hindi naman iyon ang punto ko.
Sa kinadami-daming mga babae, bakit si Tiara pa?
Naalala ko si Darling sa kaniya. Pero ayaw kong maging konklusyon 'yon dahil hindi ko pa alam ang ugali ni Tiara. Ayaw kong ikumpara ang kabutihan ni Darling dahil lang sa may nakita akong kahawig niya.
Huminga ako nang malalim. Kung hindi ko nasinghot at amoy ng cup noodles section ng convenience store, hindi ako matatauhan na nasa labas pa pala ako. Malaki ang posibilidad na may mangyari sa akin kung wala ako sa katinuan ko.
"Cheese?"
Oh 'di ba. "Putangina naman!" mariin kong bulong dahil sa sobra kong pag-iisip, kung ano-ano na lang na boses ang naririnig ko,
"Grabe naman ang pagmumura na 'yan."
Oh shit, may feedback.
Lumingon ako.
"Long time no see." Awkward siyang ngumiti.
Napaawang ang mga labi ko at pinagmasdan ang mukha niya. Grabe naman nagawa ng panahon! Hindi lang pala katawan ang nag-iba, pati 'yung nararamdaman ko rin! Andito pa rin naman ang kaba at pagkapraning pero iba rin naman nagagawa ng oras at parang wala na akong magagawa kung hindi harapin na lang siya.
"Sabi ko na nga ba, ikaw 'yung nakita ko sa school." Pabiro na lang akong umirap. Hindi rin naman ako nagkakamali dahil kaibigan ko si Cash simula pagkabata.
"Nakita mo ako?" gulat niyang tanong.
"Ewan ko sa'yo." Kumuha ako ng cup noodles at sumunod naman siya. "Kailan ka pa pumunta rito? Magtatransfer ka ba?" dineretso ko na siya.
"Last month lang. IT pa rin naman kinuha ko rito kasi hindi ko na kaya sa Central."
Tumango ako. Laki naman ng pinagbago ni Cash. Parang dati, sobrang payat niya at medyo maitim kasi babad kami noong maglaro sa araw pero ngayon, parang babad siya sa aircon at lumiliwanag ang kaputian niya. Mas maputi nga lang si Verse.
"Natanggap naman 'yung units ko sa Winston kaya 3rd na rin ako ngayon kaso nadagdagan lang loads ko kasi kailangan ko pa itake ang mga course na hindi ko natake dito."
"Ah, okay," tipid kong sagot.
Pinanood lang muna ako ni Cash na lagyan ng mainit na tubig ang cup noodles ko pagkatapos mabayaran. Kumuha rin siya ng makakain pero napapansin kong hindi pa ako nakakaalis sa paningin niya.
"Galit ka pa ba sa akin?" Umupo siya sa harapan ko.
"Galit ba ako sa'yo?" tanong ko pabalik dahil nagblangko saglit ang utak ko.
"Kasi hindi na kita nakausap noon pagkatapos kong umamin."
Napapikit ako bigla. Medyo nagcringe ako nang slight dahil masyado rin kaming bata that time.
Natahimik tuloy ako dahil mas pumangibabaw sa akin ang imahe ni Darling na hindi na ako pinapansin at marahang iniiwasan ang tingin.
"Cheese, ayaw mo bang pag-usapan? Okay lang. Sorry, nabigla ata kita."
"Oo, nabigla ako," pag-aamin ko. "Akala ko rin kasi na hindi na kita makakausap ulit kasi may kaniya-kaniyang buhay na tayo."
"Ayos lang ba na pag-usapan natin? Ilang taon ko na ring dala-dala 'to eh." Bahagya pa siyang natawa kahit napapalibutan na kami ng awkwardness.
"Ilang taon na rin akong naguguluhan. Kung hindi ko pa sabi 'to, baka ilang taon na naman 'tong babagabag sa akin."
Tumango siya habang nakatingin pa rin sa akin. Nagsimula na akong kumain at saka siya sumunod at kinain ang binili niya.
"Kayo na ba?" diretso kong tanong.
Kumunot ang noo niya. "Sino?"
"Darling."
Kumunot ang buong mukha niya sa akin. "Hindi ko naman nagustuhan si Darling."
"Pero umamin siya sa'yo?"
Umiling siya. "Pagkatapos kong umamin sa'yo, hindi na ako nagparamdam sa kaniya."
Mukha ko naman ang kumunot.
"Eh, ikaw? Umamin ka ba?" paghahamon niya.
Umiling ako. "Hindi na niya ako pinansin bigla."
Nagkaroon kami ng katahimikan at doon na bumigat ang loob ko.
"Kasalanan ko naman lahat eh," panimula ko, inaalala ang lahat. "Nagfirst move ako kay Darling gamit ang account mo. Umamin sa akin si Darling na nagustuhan ka niya kaya hindi ko alam kung ano na ang gagawin ko. Either mawala ka na kaibigan ko o mawala 'yung babaeng gusto ko. Kaso narealize ko lang din na masyado pa akong bata sa ganoon. Masyado pa akong inosente. Ganoon din, nahayaan ko rin na mawala kayong dalawa."
Huminga ako nang malalim habang hinahalo ang noodles ko. "Okay na ako ngayon. Kaso naguguluhan pa rin ako. Hindi ako sanay sa ganito."
"You're still figuring out what you truly are."
Mas lalo akong umiling. "Ilang taon na ako, Cash. Kailangan ko nang makilala ang sarili ko, kung ano ang gusto ko, kung ano ang pangarap ko, o kung sino talaga ako," diin ko pa.
"Bakit ka ba nagmamadali?" tanong niya. "Hindi ka pa nakakausad sa bente and you are forcing yourself to grow up. It's okay to think about the future but not to the point that you'll disregard what you have right now. Feel what you feel right now. Do whatever you want. Talk about it. Live, Cheese. Tatanggapin ka ng mga kaibigan mo kung sino man ang gusto mo, kung ano ang suot mo, o kung ano ang gusto mong gawin. How can you figure out something if you'll not try it out?"
Napatitig ako kay Cash. "Kumusta ka sa Central, Cash? Ang lalim ng pinaghugutan mo.." Hindi ko rin alam kung nagbibiro pa ba ako o ano.
Tumawa siya at kumain na sa sandwich na binili niya. "I've been thinking about it since then actually, Cheese. Mula sa pagpapanggap mo para kay Darling, sa pagtanggap mo ng confession ko, hanggang sa pag-iwas mo sa akin. Nakilala rin kita na kapag may problemang hindi mo alam kung ano ang gagawin mo, iiwasan mo na lang din."
Napatingin na ako sa kawalan. Parang nagkaroon ako ng luwag sa pakiramdam matapos akong sapakin ni Cash gamit ang katotohanan. Pero sa mabuting paraan naman. Kailangan ko na talagang maging malaya sa sarili kong isip. Ako dapat ang nagkokontrol ng isipp ko at hindi ang isip ko ang magkokontrol sa akin.
Napansin ko na ring nangingitim na ang langit.
"Thank you so much, Cash," buong-puso kong pasasalamat. Parang may parte sa akin ang gumaan na ngayong nagkausap ulit kami.
"Basta tulungan mo ako sa enrollment process sa Delin North Academy. Ang hirap naman kasi kung walang kakilala."
Tumawa kami.
Matapos ang kaunti pang catch-up, palala nang palala ang kadiliman sa labas.
"Mukhang kailangan ko na umuwi. May tatapusin lang ako na backlogs."
"Kailangan mo ba ng payong?"
Medyo natawa ako. "Hindi na. Matagal na rin akong hindi naliligo sa ulan."
"Magkakasakit ka niyan."
"Matagal naman din akong hindi nagkakasakit."
"Weird naman ng cravings mo." Napakunot ang noo niya bago napabuga ng tawa. "Just do what you want, Cheese. Just know how to handle it."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com