Chào các bạn! Truyen4U chính thức đã quay trở lại rồi đây!^^. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền Truyen4U.Com này nhé! Mãi yêu... ♥

Hindi naman..

Hindi naman yung mismong break-up ang masakit..

Hindi rin yung fact na single ka na. Ang masakit yung hindi mo alam kung paano ka na sa mga susunod na araw. Yung ikaw na lang mag-isa. Yung wala ng "goodmorning" na bubungad sayo pagkagising mo, wala ng "goodnight" pag matutulog ka na, wala ng tatawag sayo kahit anong oras para lang sabihin kung gaano ka niya ka-mahal, kung gaano ka ka-importante sa kanya, kung gaano ka niya pinahahalagahan. Yung may hahalik sayi anumang oras o kahit saang-lugar man niya gusto, yung yayakap sayo ng sobrang higpit na para bang ayaw ka na niyang bitawan, na parang ikaw yung mundo niya at sa oras na bitawan ka niya, mawawala ang mundo niya. Yung mag seselos kahit na may kausap ka lang naman, yung susurpresahin ka sa mga espesyal na okasyon sa buhay niyong dalawa, yung iyakan at labasan mo ng sama ng loob, yung alam lahat ng kalokohan mo, yung alam mong nandiyan lang pag kailangan mo ng karamay o kausap, yung takot mawala ka kasi sobrang mahal ka niya. Masakit yung gigising ka at iisipin mong "wala na pala", yung tipong maiisip mo na may ibang papalit na sa pwesto mo, may iba na siyang kayakap, may iba na siyang inaalagaan, may iba na siyang pinahahalagahan, may iba na siyang sinasabihan ng "i love you", may iba na siyang "mundo" yung hindi na ikaw, kundi iba na. Yung maiisip mo yung mga ginagawa niyo nung "kayo" pa. Yung asaran, awayan na nauuwi rin sa lambingan, yung kahit anong mood mo, kakayanin at sasakyan niya, yung kahit anong kalokohan mo, mahal ka pa din niya, yung mga bagay na kayong dalawa lang ang nakakagawa, yung mga pagsasama na mahirap pantayan. Pero sa kabila nun, magiging alaala na lang yun na hanggang pag-aalala ka na lang. 

Hindi naman breakup ang masakit, kundi yung mga susunod na araw sa buhay mo na hindi mo alam kung paano uumpisahan na ikaw lang, na wala siya...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com

Tags: