Chào các bạn! Truyen4U chính thức đã quay trở lại rồi đây!^^. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền Truyen4U.Com này nhé! Mãi yêu... ♥

Nakaka-miss

Naramdaman mo na ba 'yung may gusto siya sayo pero ikaw kaibigan lang tingin mo sa kanya? Yung tipong hindi mo expected na magkakagusto pala siya sayo.

Yung kaibigan mong nagkagusto sayo..

Yung tipong dahil ayaw mong masira 'yung pagkakaibigan niyo, ayaw mo din siyang paasahin, nasabi mo 'yung mga katagang, "kaibigan lang talaga." hindi mo man gusto pero ayaw mo lang talagang masabihan na paasa. Ayaw mo lang na magkaroon ng gap between the two of you and the very worst reason is that,

wala kang feelings sa kanya..

But it's like world is so hard on you. Yung tipong you have this "late feelings" 'yung kung kelan tinigilan ka na niya, kung kelan suko na siya sayo, tsaka mo pa naramdaman 'yung "love" mo para sa kanya. Life seems so unfair, right? Kung kelan ayaw na niya, dun mo naman gusto.

Worst part is, may iba na siyang gusto.

Maybe the good thing in there is, may boyfriend na 'yung babaeng gusto niya. Yung tipong half of you is happy because yung bagong gusto niya is "taken" na yet half of you is also sad cause you're seeing him na nasasaktan kakaasa dun sa bagong gusto niya. Life is so unfair, it is.

Naging ma-drama pa ang buhay mo. Yung ang emo mo masyado dahil sa kanya. Yung parang everday you're frustrated dahil may feelings ka na sa kaniya and the sad thing is, the friendship of you two is slowly sinking, drifting apart. Hindi mo alam kung ano 'yung reason, you're too frustrated to know all the answers yet ni isa sa mga tanong mo, hindi mabigyang sagot. Hindi mo alam kung baket hindi na siya nagpaparamdam sayo. Maybe nagpaparamdam pa siya pero sobrang bihira na lang. Yung kung dati, lagi siyang may text para sayo, ngayon wala na. Kung hindi mo pa siya itetext, hindi ka pa niya itetext. Yung puro ikaw na lang nag eeffort ngayon, magka-usap lang kayo. It's like, 

ayaw na talaga niya.

But one time nagulat ka na lang kasi you found yourself talking to him on the phone. Yung kahit sa phone lang, ang saya mo kasi after how many months, narinig mo ulit yung boses niya, nakausap mo na ulit siya. Parang all your frustrations eh nawala dahil finally, magkausap na ulit kayo. Pero bigla kang nagulat nung naging topic niyo 'yung mga napansin niyang mga GM's mo. Kung baket daw pang-BH, baket daw malungkot. Worst, he asks you kung sino 'yung lalaking gusto mo.

Kung madali lang sanang sabihin na, "Ikaw yun, gago!" Pero it's not that easy naman. Hindi madali 'yun lalo na't natatakot ka. Natatakot ka na baka 'yun na 'yung maging huling pag-uusap niyo if ever umamin ka man. Yes, say it, takot ka.

Hanggang sa natapos 'yung phone call na 'yun na nag-usap kayo ng magulo. Wala ka namang magawa dahil takot ka talagang umamin. But there's this thing, naghihinala na siya. He also said na, "Ayokong maging assuming pero, ako ba 'yun?" gustong-gusto mo ng sabihin na, "Oo, ikaw nga!" pero pinangunahan ka nanaman ng takot. What's new? You're always scared of voicing your feelings out.

And you're right. That's the last time na nga na pag-uusap niyo dahil hindi nanaman siya nagpaparamdam. Maybe naghinala na talaga siya ng sobra and pinili niyang wag na lang magparamdam sayo maybe dahil wala na talaga siyang feelings sayo and he don't want your hopes high or naguguluhan siya..

So, hindi ka rin nagparamdam. First reason is you want to be even with him and second was, ikaw sa sarili mo, gusto ng sumuko..

Gusto mo ng i-voice out 'yung feelings mo for him wishing na may konting feelings pa siya sayo, kahit konti lang, kahit konti. Yung feeling na gustong-gusto mo ng umamin sa kanya pero napapangunahan ka ng kaba at takot. You're scared cause he may not care, he may not notice you at all. Natatakot ka kasi baka 'yung karampot na friendship niyo, mawala pa.

But these day comes along. Hindi mo inaasahan na aamin ka sa kanya. It's like a matter of a go or not. But you choose to voice it out. Worst, not personally but thru text messages. Hindi mo masabi sa kanya ng personal cause you don't know how to and the only guts you have is to say it thru text. Then there it is, you confessed and told him your true feelings..

Sad part is, he didn't even notice it.

No reply, no call, no everything.

Parang nag confess ka sa hangin. Yung pagkatapos mong sumugal, wala naman palang mangyayari. Yung bawat tingin mo sa phone mo, reply niya ang inaabangan mo. Yung ang sakit pero wala kang magawa.. Yung everday of your life, you're wishing, hoping, and waiting na maybe one day, kakausapin ka niya.. But when is that day? You keep your hopes up pero wala eh, paonti-onting nawawala dahil ayaw mo na ring umasa. It's been months, and you're convincing yourself na wala na talaga, na kinalimutan ka na niya, na hindi ka na niya talaga gusto, na wala na siyang feelings sayo..

Yung tipong buong araw siya iniisip mo, yung bawat gabi, umaasa ka na magtetext man lang siya. Yung kahit nga blank message lang eh. Pero hanggang kelan ka ba aasa? Hanggang sa magsawa ka? Pero kelan ba 'yon?

Ang gusto mo lang naman sabihin sa kanya eh,

Nakaka-miss..

xxxx

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com

Tags: