Chapter 15
Chapter 15
Sick
I thought sleeping would help but I woke up with my fever getting worse. This time, no matter what I do, I couldn't move my body. My head was pounding like crazy.
Bakit ngayon pa ako nagkasakit? Hindi naman ako sakitin. Malakas ang resistensya ko. Kung sisipunin o uubuhin man ako ay hindi ito nalagpas ng tatlong araw. Isa o dalawang beses lang akong lagnatin sa isang taon at hindi rin ito lumalala. Kung kailan walang mag-aalaga sa 'kin, saka naman ako nagkaganito.
Nadinig ko ang pagbukas ng pinto. Hinsi ko na kailangan pang tingnan kung sino ang pumasok dahil dalawa lang naman kami rito sa bahay.
Snow White stood beside my bed with a tray on his hand. I could see the smoke coming from the bowl. There was an apple beside it and a glass of orange juice.
Wala na akong lakas para magalit at magmatigas pa. Hindi ko na rin naman maibuka ang aking bibig dahil tuyong-tuyo na ito. Hinayaan ko na lang siya na ipatong ang tray sa bedside table.
"Like I said before, I don't want a dead body in my house," sabi niya na para bang ipinapaliwanag niya ang sarili niya kung bakit dinalahan niya ako ng pagkain.
Umirap na lang ako sa kawalan. Pinilit kong bumangon para kahit papaano ay makasandal ako sa headboard ng kama.
Kinuha niyang muli ang tray at ipinatong sa 'king hita. Looking down, I smelled a delicious scent coming from the bowl. It was porridge with tofu, spring onions and strips of boiled egg on top.
"You made this?" A small smile escaped from my lips. I covered it using the back of my hand. Imagining Snow White wearing an apron while cooking was really amusing.
"You think I have a choice?" pabalang na tanong din niya sa 'kin.
Inirapan ko na lang siya kaysa makipagtalo pa. Baka mas lalong lumala ang sakit kung makipag-away pa ako sa kanya.
Kinuha ko ang kutsara. Nanginginig ang aking kamay habang hawak ito. Sinubukan kong sumandok ngunit natatapon lang ang laman nito pabalik sa bowl. Ilang beses ko itong sinubukan pero gano'n pa rin ang nangyayari. I'm hopelessly weak!
I heard Snow White clicked his tongue obviously in annoyance. "Akin na nga." Kinuha niya mula sa 'king kamay ang kutsura. He took a spoonful of the porridge and brought it near my lips.
Matagal akong natulala sa kanyang mukha. Nag-init ang aking pisngi sa binabalak niyang gawin. He'll gonna feed me! Wala na bang mas nakakahiya pa rito?
"What are you waiting for?" iritadong tanong niya.
Wala na akong nagawa kundi ang kumain. Nahihiya man, tinanggap ko ito lahat kahit na pakiramdam ko ay sasabog na ang tiyan ko sa kabusugan. Kapag may tumutulo sa ibaba ng aking labi ay pinupunasan niya ito gamit ang kanyang hinlalaki.
His touches were surprisingly soft and gentle. It sent an unfamiliar warmth through my heart.
Nang maubos na ay kinuha ko ang isang baso ng orange juice. Nanginginig pa rin ang aking mga kamay. Hinawakan niya ang aking kamay para gabayan ito ngunit bahagya pa ring natapon ang juice sa 'king damit.
Tumayo siya at kinuha ang baso mula sa 'king kamay. Inilapag niya ito sa bedside table.
Hinawakan niya ang aking mga pisngi gamit ang isa niyang kamay. Ang isa naman ay hawak ang gamot. Kumunot ang aking noo nang ilagay niya ito sa kanyang bibig. Sunod niyang kinuha ang baso ng orange juice at uminom dito hanggang sa ito ay mangalahati.
My eyes widened when he bent down. I got dizzy by the sudden closeness and I got even more dizzy when his lips suddenly touched mine.
He coaxed my lips open by pressing my cheeks softly. I couldn't do anything but to open my mouth and let the liquid and medicine inside. He's transferring them by kissing me.
I tasted the sweetness of the juice and the bitterness of the medicine but there was another taste I couldn't describe.
Kumapit ako sa kanyang balikat at pahigpit ito nang pahigpit. Mas lalong uminit ang buo kong katawan. Wala na akong lakas pa para itulak siya palayo.
He pulled away from the kiss when it was all transferred to me. His face didn't show any kind of emotion. His blank face stared at me like nothing happened.
He stood up straight. "Get well soon." He scratched the back of his neck while looking at his side like he was embarrassed.
My mouth hanged open. He didn't get embarrassed by letthing me drink through his mouth but got embarrassed by saying those words! Unbelievable!
Pinanood ko lang siyang lumabas ng pinto. Matagal akong tumitig dito at hindi pa rin makapaniwala sa nangyari.
Hinawakan ko ang aking labi. Pakiramdam ko ay mas lalo akong lalagantin dahil sa kanyang ginawa.
Damn, that's my first kiss.
▪️◽◼️◽▪️
"Bente singko ka na, Erza, pero hindi ka pa rin nahahalikan ng kahit sinong lalake!" bulyaw sa 'kin ng katrabaho at kaibigan kong si Carla. "Ano, girl, tatandang virgin?"
Binato ko sa kanya ang isang pad ng sticky notes na kaagad naman niyang naiwasan. "E, ano naman ngayon?"
"Girl, 'yang ganyang edad dapat naghahanap na ng mapapangasawa!" Humalakhak siya.
"Korak!" pagsang-ayon naman ni Hazel. "Bakit hindi ka man lang nagpahalik sa mga naging jowawers mo noon?"
Humalukipkip ako. "Gusto ko kasing ibigay 'yon sa mapapangasawa ko."
Lumapit sa 'kin si Hazel habang nakaupo sa swivel chair. "Girl, wala na tayo sa 18th century! Kaloka ka! Baka nga dinaig ka pa ng mga babae noon!"
Ngumuso ako. "Basta kung sinoman ang makakakuha ng first kiss ko, siya na talaga ang para sa 'kin. Iyon ang sign na hinihintay ko."
▪️◽◼️◽▪️
I woke up with my face flushed because of the dream I had. It actually happened in real life and I didn't know why I have to dream of it now.
Madalas akong inaasar sa trabaho noon dahil wala pa akong nahahalikan ni isa sa mga naging boyfriend ko noon. Hindi ko alam kung bakit pero hindi ko talaga sila feel halikan noon kaya sinabi ko sa sarili ko na kung sino man ang makakuha ng first kiss ko, iyon ang lalakeng para sa 'kin.
Snow White just took my first kiss. It was wrong of me to think that signs are real.
I shook my head to remove all the thoughts about what happened yesterday. Ang mahalaga, maayos na ang pakiramdam ko ngayon. Ang lagnat kahapon ay sinat na lang ngayon.
Tumingin ako sa bedside table. May tray na nakalapag doon. Ang laman nito ay platong may lamang itlog, bacon at dalawang toasted bread. Sa tabi nito ay isang basong gatas at isang pirasong gamot.
After filling up my stomach, I decided to freshen myself up. This time, nakayanan kong magpunta sa banyo nang hindi natutumba.
Tiningnan ko ang aking repleksyon sa salamin. Unti-unti nang bumabalik ang kulay sa 'king mukha.
You just recovered and you're already walking around.
Napatalon ako sa gulat nang madinig ang kanyang boses mula sa 'king isip.
Umupo ako sa gilid ng bath tub. Pinunasan ko ang aking braso gamit ang maliit na towel. "Nasa banyo lang ako."
How are you feeling?
Isinampay ko ang towel sa rack. "I'm feeling a lot better now." Kinagat ko ang ibaba kong labi. "Thank you."
Hindi na siya nagsalita.
Bumalik na ako sa kwarto at muling nahiga. Baka bumalik ulit ang lagnat ko kung kikilos ako nang kikilos.
I guess letting you drink a bit of my blood helped you recover quickly.
Kumunot ang aking noo. "What do you mean?"
Before I transferred the juice and medicine to your mouth, I bit my tongue so I could mix it in.
Uminit ang aking mukha nang maalala ko na naman ang nangyari. Paano niya nasasabi 'yon na parang wala lang?
"You gave me your blood?" tanong ko. "Hindi naman siguro ako magiging bampira, 'di ba?" My body suddenly turned cold from the thought of it.
I heard him laugh but it wasn't the same laugh he gave me before. It was a laugh that you'll want to hear everyday.
Wait—what am I saying?
No, idiot. Drinking a bit of vampire's blood won't turn you into one. Our blood has healing components. We can control if it can heal, kill or turn someone into a vampire.
Kaagad kong kinuha ang aking lapis at papel. Habang hindi pa ako nagbubukas ng laptop, dito ko muna isusulat ang impormasyon na nalaman ko. Every information that will come out from his mouth is important!
Muli kaming natahimik.
Naisip ko ang nangyari noong isang araw bago ako magkasakit. Naiintindihan ko na kung bakit nasabi ni Snow White ang mga masasakit na salitang 'yon.
He was betrayed by the people he trusted the most. It will not be easy for him to trust another one again.
It's not easy to give something about ourselves because someone might use it to take us down someday.
Words are powerful. It can build everything but it can also destroy.
I'm sorry.
"I'm sorry."
Sabay naming sinabi ang dalawang salita na 'yon. Hindi ko alam kung ano'ng sunod kong sasabihin kaya naman hinintay ko siyang magsalita mula.
I know what I've said to you before was too harsh. I've thought about it a lot and I wanted to apologize.
Parang pinipiga ang aking puso habang pinapakinggan siya. Hindi ito dahil nasasaktan ako kundi dahil masaya akong malaman na maalam pala siyang humingi ng tawad.
"It's okay," sagot ko. "Gusto ko rin humingi ng tawad. I know it's hard for you to trust me but I just want you to know that I always stand for what I think is right. I'm not gathering information about you just to use it against you. I'm not trying to figure you out just because it's a fulfillment. I'm doing it because I want to believe in you."
Wala akong natanggap na sagot mula sa kanya kaya nagpatuloy ako.
"I'm not telling you to trust me. I just want you to watch me." I smiled even though I knew he wouldn't see me. "Watch me pick the right side."
Hindi ko na siya muling nadinig pero ayos lang 'yon dahil alam kong nadinig naman niya ang mga sinabi ko.
I need a lot of rest so I can start working soon.
▪️◽◼️◽▪️
After five days, I finally recovered from the fever and now I'm back to my research again.
Bumalik ako sa kung saan ako natapos bago ako nagkasakit. The last info I got was the missing page. I already decrypted the code written in it.
Binuksan ko ang laptop at pinuntahan ang website.
Bumungad sa 'kin ang malaking font na may nakasulat na "NEW UPDATE".
It was a map and there's a red dot in the East part of the town. Speaking of map, I remembered seeing a map here in the website.
May mga pulang mark pa iyon dahil lugar iyon kung saan pumapatay si Snow White ngunit hindi ko na 'yon makikita pa dahil nakalagay 'yon sa Theory tab na na-delete na.
If you connected the red dots, it will look like an incomplete pentagram.
Napahawak ako sa aking noo. I need all the stuff I left in the office. Nandoon lahat ng printed copy ng mga information na nakuha ko noon dito sa website noong hindi pa ito nag-a-update.
I couldn't ask for Snow White's approval again. Baka sabihin niya ay masyado na akong umaabuso. Pero kailangan ko talaga ang mga files na 'yon.
"Is this what you're looking for?"
Napatingala ako at nakita ko si Snow White sa 'king harapan habang hawak ang isang makapal na clear folder.
"Paano mo nakuha 'yan?"
He just shrugged his shoulders. Inihagis niya sa 'king tabi ito.
"You wanted to know more about me, right? Just think of it as a clue." He smirked and vanished in front of me.
Kumunot ang aking noo. He's confusing. Now he's helping me. His actions are inconsistent —like he's not doing it just because he wanted to.
Binuklat ko ang clear folder. Nandito pa nga lahat ng mga impormasyon na nakalap ko noon bago niya ako dalhin dito.
Kinuha ko ang printed copy ng mapa na may mga pulang dots. Gamit ang lapis, pinagdugtong-dugtong ko ito.
Gamit nito, malalaman ko kung sino ang sunod niyang bibiktimahin. I just need to know all the rich and influential families in our town.
I compared the printed copy of the map and the map from the website. The red dot is in the East.
If I remember correctly, there are three rich families in that area—the Yang, Dela Torre.... and Zipter.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com