Chào các bạn! Truyen4U chính thức đã quay trở lại rồi đây!^^. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền Truyen4U.Com này nhé! Mãi yêu... ♥

049 [r]

Hindi ko man nasundan ang tradisyon ng Midnight (lol), na ilagay sa 047 ang confrontation, pero ginawa ko pa ring narration! Huehue. Rated ang chap na 'to omgz sorry.

ㅆㅆㅆ

Dahan-dahan kong nilapag sa table ang cellphone ko. Napaangat naman ang tingin ko sa reflection ng sarili ko sa salamin.

Eto na naman tayo. Pipilitin na naman niya ako para makipag-ano sa kanya. Tangina ba talaga. Kahit anong gawin niya hindi niya makukuha ang perlas ng silangan ko, kahit boyfriend ko siya, kahit na mahal ko siya.

Kasi alam kong hindi pa ito 'yung panahon para run.

Pipilitin niya ako, at kapag nagsawa na siya sa paulit-ulit kong pagsasabi ng hindi at ayoko, sasaktan na niya ako.

Ganun naman palagi.

'Di ko na namalayang may tumulo na palang luha sa right eye ko. Pinahid ko agad ito gamit ang likuran ng kamay ko at tumingin sa ibang direksiyon.

Lumapit ako sa closet ko atyaka kumuha ng jacket, nahugot ko 'yung gray jacket at sinuot ito agad. Marami akong jacket, sweaters o long sleeves. Lagi ko itong gamit para hindi makita ng iba ang mga pasa ko. Inayos ko na rin muna ang buhok ko.

Maya-maya pa'y napalingon ako sa tumutunog kong cellphone kaya agad ko 'tong tiningnan. Napa-frown ako ako sa nabasa ko.

Tyler: Strip.

Tyler: Maghubad ka na para di na ako mahirapan.

Naiimagine ko 'yung demonyong pagngisi sa'kin ni Tyler habang sinasabi niya yan.

"Moira?" Rinig kong sigaw ng lalaki. Shet. Kahit naman galing sa ibaba ang boses na 'yun ay kilalang-kilala ko na 'to. "Moira!" Sigaw niya pa.

Nakalimutan ko nga pala. Punyeta de amor. May susi pala si Tyler ng bahay ko.

"Ayan na." Napaismid ako.

Nagulat nalang ako nang makarinig ako ng mga yabag papalapit dito sa kwarto ko kaya agad kong ni-lock ang pinto ko. Napasandal ako sa pinto at napahawak sa dibdib ko, ang lakas ng kabog.

"Moira!" Mas lalo pang lumakas ang kabog ng dibdib ko nang simulan ni Tyler pukpukin ang pintuang sinasandalan ko. "Buksan mo 'tong pinto! Pabebe ka na naman ba? Ano, sisirain ko nalang ba 'to?!"

Naiikot ko nalang ang mata ko sa sinabi niya. Siguro mga 360 degrees. Mga ganon. Wala talaga akong laban dahil kahit sa isang salita niya lang, para na akong tutang nakasunod sa amo niya.

Wala na akong nagawa kundi tuluyang pagbuksan siya ng pinto. Napangisi naman siya sa'kin at pumasok agad sa kwarto ko.

Hinawakan niya agad nang mahigpit ang wrist ko at ni-lock ang pinto tyaka humarap sa'kin.

Tinulak niya ako sa pader at idinikit din niya ang dalawa kong kamay na hawak-hawak niya rito. Kinorner niya na naman ako.

Sa totoo lang, masakit.

'Yung hawak niya tyaka 'yung nararamdaman ko. Hindi ko pala kaya ang sarili ko sa kanya.

"Tyler, nasasaktan ak—" putang.

'Di ko na naituloy ang sasabihin ko kasi hinalikan niya ako agad. Pilit naman akong umiiwas sa mga halik niya dahil sa amoy niya.

"'Di ba sin–nabi ko na sa'yong maghub–bad ka na para 'di na ako mahir–rapan? Hnnnng. An–no 'to? Putangina nagjac–cket ka pa," he said in between his kisses. Ay oo puta. Lasing siya.

"Ty–tyler, amoy a–alak ka," siya lang ang humahalik sa'kin pero siyempre hindi naman din ako makapagsalita nang maayos. Bumaba ang mga halik niya sa leeg ko kaya napasinghap ako. Inilalayo ko naman ang leeg ko sa kanya. "Tyler, ano ba,"

"Hnnnng," umangat na naman ang halik niya sa pisngi ko hanggang sa tumigil siya para tingnan ako. "Bakit, babe?"

Tiningnan ko siya sa mata. Bedroom eyes? Diyan niya ba nakukuha ang mga malalanding nadadagit niya?

Nang wala siyang makuhang sagot sa'kin ay ngumisi lang siya't pinagpatuloy ang paghalik niya sa leeg ko.

Kaya hindi ko siya hinahayaang makuha ang gusto niya sa'kin, kasi alam ko naman ang totoong agenda niya. Sex lang habol niya. Natatakot akong kapag nagawa na namin 'yun ay iwan niya na ako agad. Because he's a total fuckboy, at ganun naman ang mga gusto nila 'di ba?

Dati hindi naman siya ganito. Masaya nga kami noon, eh. Nagsisimula na tuloy akong mag-conclude na may sakit siya. Sexual addiction.

Tinuhod ko siya kaya napabaluktot siya sa sakit.

"Tyler, kahit anong gawin mo, hindi mo makukuha ang gusto mo. Hindi at, AYOKO! Hindi mo ba naiintindihan 'yun?!" Sinamaan niya ako ng tingin. "Saktan mo na ako't lahat-lahat, pero hindi mo makukuha sa'kin ang pagkababae ko."

Nilapitan ko siya't pinagpapalo, pero mabilis siya't nahuli niya ang mga kamay ko agad at naitulak ako sa kama.

Napapikit ako.

Pumaibabaw siya sa'kin. "Makukuha ko na ngayon, Moira. Hahaha, puta. 'Wag mo namang sipain ulit ang junjun ko. Wala pa akong balak mabaog."

Nagpupumiglas ako sa kanya pero sadyang malakas siya. Tumutunog na nga 'tong kama dahil sa sobrang likot ko dahil desperada akong makawala sa kanya.

"Tyler, nasasaktan ako!" Inipit niya ang pisngi ko at nilapit ang mukha niya sa'kin. Akala ko wala siyang gagawin pero sinampal niya ako gamit ang likod ng kamay niya.

Putangina masakit.

Nagmistula namang waterfalls ang luha ko. Sino ba kasing hindi masasaktan sa lakas nun.

Pilit niya lang akong hinahalikan. Naiirita na ako dahil sa ginagawa niya, idagdag mo pa 'yung amoy niya. Parang lumaklak siya ng ilang boteng beer. Hindi siya naglalasing, 'yun ang alam ko. Pero ako mismo na girlfriend niya, nagiging outdated na siguro.

Ginamit ko ang buong lakas ko para maitulak siya. Hindi naman ako nabigo dahil napaupo siya sa sahig.

Mukhang nagising siya dahil sa ginawa ko.

Ready na akong umalis sa kwarto ko pero nahila niya na naman ang pulso ko at napaharap sa kanya.

Mahigpit niyang hinawakan ang dalawang braso ko. Ito ang dahilan ng pagkakaroon ko ng mga pasa, e. Sensitive kasi ang balat ko, at konting pisil o palo lang nagkakaron agad ng pasa.

"Tatakas ka?!" Sigaw niya sa'kin. Pilit akong nagpupumiglas pero sobrang lakas niya talaga. Tinapakan ko ang paa  niya kaya nabitawan niya ako bigla. "Putangina, Moira!"

Tatakbo na sana ulit ako pero nahawakan niya ang laylayan ng jacket ko, tapos nahuli niya na naman ang wrist ko. Nakipaghilahan ako sa kanya dahil pilit kong inaabot ang doorknob, na napihit ko naman 'to kahit na hinihila niya ako.

"Ano ba?!" Nahubad na 'yung kalahati ng jacket ko. Nahawakan na naman niya ang dalawang kamay ko kaya nagpupumiglas ako ulit.

"Ang ingay mo!" Tinakpan niya ang bibig ko gamit ang kamay niya pero iniwas ko ang mukha ko. "Puta!"

"Moira!" Napalingon kaming parehas ni Tyler sa pintuan. "Anakng," pabalik-balik ang tingin niya sa'ming dalawa— sa posisyon namin ngayon.

"Justin," naibulong ko nalang sa gitna ng pagkahingal ko dahil sa pakikipagbuno kay Tyler.

Lumuwag naman ang hawak ni Tyler sa'kin kaya napatingin ako sa kanya.

Napangisi siya sa kawalan, "Aba't nagtawag ka pa ng kakampi mo?" Napakunot naman ang noo ko. "Ano 'to, Moira? Niloloko mo pala talaga ako!"

"Ano?"

"Karelasyon mo ba ang lalaking yan?!"

Hindi ko na alam ang sasabihin ko sa Tyler na 'to.

"Tingnan mo nga naman kung sinong nagsalita," napalingon kami kay Justin. "Hindi ba't ikaw nga 'tong laging nambababae at nanakit kay Moira?!" Sigaw niya kay Ty.

Lumapit si Tyler kay Justin at tinulak ito, "Eh, ba't ka nandito?!"

Napangisi naman si Justin. "Para iligtas siya sa gago niyang boyfriend!" Natigilan ako nang sapakin niya si Tyler kaya napaupo ito sa sahig.

Ang initial reaction ko, ay tulungan si Tyler tumayo at itanong sa kanya kung ayos lang ba siya, pero tinulak niya lang ako at tumayong mag-isa.

"Boyfriend niya ako, at wala kaming ginagawang masama!" Sinapak din ni Tyler si Justin pero napanatili ni Justin ang balance niya. "Hindi mo alam ang mga nangyayari!"

Pinunasan ni Justin ang dugo sa labi niya tyaka sinapak ulit si Tyler.

Naguguluhan ako sa kanilang dalawa. Paulit-ulit lang silang nagsuntukan sa harapan ko hanggang sa hindi ko na nakaya at pumagitna sa kanilang dalawa. "Tama na!" Hindi nila ako pinansin. Naitulak pa ako ni Tyler. "Pansinin niyo naman ako." Kinwelyuhan ni Justin si Tyler at idinikit sa pader, "Tama na,"

"Wala kang kwenta! Paano kung ang nanay mo ang saktan ng ibang lalaki, 'di ba masakit?! Tapos ginagawa mo kay Moira lahat ng kagaguhan mo?!" Sigaw ni Justin sa pagmumukha ni Tyler, kasabay nun ang pagtulo ng luha niya... na ikinagulat ko.

Kinwelyuhan din ni Tyler si Justin, "Wala kang pake!"

"TAMA NA! HINDI NIYO BA AKO NARIRINIG?! SABI KO, TAMA NA! T–TAMA N–NA!" Feeling ko lumabas ang baga ko sa pagsigaw ko. Pero hindi naman ako nabigo dahil napatigil silang dalawa. "Tama na,"

Binitawan ni Justin ang collar ni Tyler, pero si Tyler hindi pa binibitawan ang collar ni Justin.

Nakatingin lang sa'kin si Justin kaya hindi niya namalayang sasapakin na siya ni Tyler. Napaupo siya sa sahig. Sasapakin sana ulit siya ni Tyler pero pinigilan ko na siya.

"Wala ka pala, e!" Sigaw ni Tyler.

Unti-unti namang tumayo si Justin, "Ang gago mo!" Dinuro niya si Tyler pero hinawi ko ang kamay niya kaya napatingin siya sa'kin.

"Justin, awat na." Kalmado pero may awtoridad na saad ko. "Makakaalis ka na."

Kumunot ang noo niya, "Moira?"

"Sabi ko, pwede ka ng umalis."

"Hindi ka ba nakakaintindi? Lumayas ka na raw!" Sinamaan ko naman ng tingin si Tyler.

"Hindi ko maintindihan, Moi—"

"Sabi ko umalis ka na! Ba't ba ang kulit mo?!" Sigaw ko sa kanya.

Napailing lang siya sa'kin at parang hindi makapaniwala sa ginawa ko.

Lumabas na siya sa kwarto ko at iniwan kaming nagtataka. Nilingon ko naman si Tyler na mukhang iritable.

Inismiran niya naman ako, "Walang kwenta," binangga niya ako kaya napaupo ako sa kama atyaka na siya lumabas ng kwarto ko.

"Ano bang klaseng buhay 'to?" Sambit ko't tuluyan nang napaiyak.

Paano ko maiintindihan ang nangyayari ngayon, kung mismong sarili ko, eh, hindi ko maintindihan?


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com