057
09:42 pm
Justin: Moira?
10:00 pm
Moira: Slr. Bakit?
Justin: Natutulog ka na ba?
Justin: Sht sorry nagising ba kita
Moira: Nope. Papatulog pa lang naman ako, okay lang.
Moira: Bat ba?
Justin: Nasaan ka ngayon?
Moira: Ginagago mo ba ako o ano?
Moira: Mga tanungan mo eh. Nasa bahay malamang
Justin: Sorry naman!
Justin: Ano kasi, nasa taas o nasa baba?
Moira: Nasa baba.
Justin: Huh? Sa baba ka matutulog ngayon?
Moira: Sa sofa lang ako natutulog. Nagiging sofa bed kasi to kaya okay na
Moira: Bakit ba talaga?
Justin: Buksan mo muna yung pintuan mo pls magha-hi ako sayo
Moira: What????
10:12 pm
Moira: Binuksan ko na, nasan ka ba?
Justin: Tingin ka sa taas
Moira: Paanong taas?
Justin: Sa katabing bahay
Moira: Ohmygee
Justin: Haiii hehehehe
Justin: Kumaway ka naman!!!
Justin: Lahat kami kumakaway ikaw lang hindi!!
Moira: Anong ginagawa niyong labing dalawa sa tapat ng bahay?!
Moira: Bat nandiyan lahat yung tropang gunggong sa terrace ng kapitbahay omg nagsisiksikan na kayo
Moira: At kumakaway pa kayo na parang tanga pero
Justin: Ay grabe siya oh
Justin: Yung pinsan kasi ni Joshua, kapitbahay mo. Tas ayun, nag-aya ng sleepover
Moira: Pero ang cute niyong lahat
Justin: Ikr
Moira: What the heck, sabihin mo kay Carson wag akong picturan
Moira: Pati si Nash jusme
Moira: OHMYGOD WHY DID YOU SMASHED THEIR PHONES TO THEIR FACES
Justin: Para cool
Justin: De seryoso, di nila ginagalang privacy mo eh.
Justin: Pinagalitan ko na sila.
Moira: Hala dapat sinabi mong ayoko lang. Pangit ko kasi. Pero salamat na rin haha
Moira: Pero geez ang sweet naman ni Joshua at Jeonghan lol
Moira: Teka ang fierce ni Will .__.
Moira: Tyaka ang cute ng mata ni Simon sa malayo
Moira: Hala omf nagkukurutan si Dino at Sean
Moira: Wait diyan lang kayo!! Issnapchat ko to kay Daphne!!!
Moira: Magpose naman kayo plz. Hindi katulad sakin na nakapangtulog na kaya hindi okay picturan, pero kayo ayos pa rin ang itsura
Moira: Okay ang cute niyong lahat teka
Moira: Done!
Moira: Nasend ko na kay Dapdap, buti nalang at may ilaw diyan at medyo malinaw ang kuha ko haha
Justin: Pogi ko
Moira: Luh.
Moira: Teka bat ba sumesenyas ng ganon si Jun, Vernon, at Trevor
Justin: Ay putangina pasensiya na
Moira: TEKA!!!
Moira: Ang sadista mo naman!!!
Moira: Bat mo ba pinagbabatukan yung tatlo??!!
Justin: Hindi mo ba magets yung sinesenyas nila?!
Moira: Nagets. Parang yung sa mga sexy'ng babae
Moira: Ay shet. Thank you sa pambabatok mo.
Moira: Nakalimutan ko nga pa lang naka pjs lang ako
Moira: Okay na ba? Matutulog na ako. Kinawayan ko na naman kayong lahat eh.
Justin: Ahm sige matulog ka na! Pasensiya na talaga sa istorbo
Moira: Okay lang. Enjoy kayo ah?
Justin: Goodnight :)
Justin: Btw, ang ganda ng ngiti mo. Wag mo ngang sabihing pangit ka.
Moira: Ah. Natuwa lang naman kasi ako sainyo hahaha
Justin: Sige tulog ka na :)
12:48 am
Justin: Moira?????
Justin: Sht sorry talaga pero nagbabakasakali lang naman akong baka gising ka pa
12:59 am
Moira: Justin whatda.
Moira: Nagising ako kasi tumunog tong phone ko. Bakit nanaman ba?
Justin: Sorry talaga
Justin: Ano, pinaalis kami nung pinsan ni Joshua. Pinakiusapan na namin pero tinaboy talaga kami. Gagi. Di man lang naawa samin grabe
Moira: Anla bakit ba?
Justin: Ingay kasi namin hehe.
Moira: Ayun naman pala
Moira: Ano namang magagawa ko?
Justin: Labas ka naman... Sige na
Moira: Holy
Moira: Sht
Moira: Wag mong sabihing
Justin: Pwede ba kaming makitulog?
Justin: Parang-awa mo na, Moira huhu. Ang lamig lamig dito sa labas :(
Moira: Wait, aayusin ko lang tong living room. Give me five
Moira: Saglit lang talaga
01:10 am
Moira: Ayos na yung living room.
Moira: Pero di ko muna kayo papapasukin kasi nagdadalawang isip ako
Justin: Bakit naaamaaaaan
Moira: Una, maiingay kayo, kaya nga kayo napalayas eh. Pangalawa, may pasok bukas at wala na sa oras ang pagtulog ko, plus the fact that you are all boys, natatakot ako.
Justin: Moira, di kami nangangagat. Tyaka antok na antok na rin kami.
Moira: But you're still boys. Malay ko ba mamaya baka gapangin niyo ako
Justin: Moira hindi naman kami ganun
Moira: Sige ganito nalang. Pagkabukas ko ng gate, pumasok na kayo. Tatawagin ko lang si Lychee (Chaeyoung) sa kanila para may makasama naman ako, okay?
Justin: Yes ma'am!
01:20 am
Justin: WOoOOOOooW
Justin: Ang ganda ng pagkakaayos mo sa living room kahit five minutes mo lang ginawa!
Justin: Kasyang-kasya kaming lahat!
01:32 am
Moira: Madali lang naman, kasi minsan ko na rin yang ginagawa pag nagssleepover kami nung mga best friends ko
Moira: Matulog na kayo ah? Matutulog na kami ni Chee
Justin: Okay po
02:01 am
Moira: Justin diba sinabi ko nang matulog na kayo?
Moira: Ohmygod
Moira: Napakaingay niyo!!
Justin: Sht sorry talaga
Moira: Sana pala
Justin: Sana pala di mo na kami pinatulog dito?
Justin: Ay :--((((((
Justin: Di ka ba naaawa samin :(
Moira: Pinatuloy ko kayo rito kasi sabi niyo matutulog na kayo pero nag-iingay lang naman kayo eh
Moira: Take note nasa taas kami ni Chee kayo nasa baba ah
Moira: Nako naman
Justin: Ano, ganito nalang
Justin: Bumaba nalang kayo ni Chee rito
Justin: Wag na tayong matulog!
Moira: Nasisiraan ka na ba?! Wtf.
02:12 am
Moira: Sighs
Moira: Okay okay
Moira: Pababa na kami
Moira: Ok what the fuck bat nagsusubuan si Trevor at Carson
Moira: HAHAHAHAHAHAHAHAAH
ㅆㅆㅆ
ok naman. hahaha. bat ganon parang kamukha ni hoshi si xiumin ikennat. pic sa taas lol.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com