075
04:11 pm
Moira: Dap sorry ngayon lang.
Moira: Ilang galon pa kasi yung iniyak ko haha.
Daphne: Dafuq, Moi. Spill.
Moira: I'll start na
Moira: Huminga ako nang malalim katulad ng sinabi mo sakin. And then I opened the door.
Moira: Natawa ako sa sarili ko kanina. Kahit na nagulat ako na nandito sila mommy, hindi ko pa rin napigilan ang sarili kong maiyak at yakapin sila kasi ilang taon ko ng hindi nagagawa yun eh.
Moira: Nag-iyakan kami run, tas sila yaya rin nag-iiyak na samin. Parang naubos yung ilang minuto sa yakapan naming tatlo. Pero okay lang. Ang saya saya ko naman kanina
Moira: Nung maupo na kami, sorry sila nang sorry sakin, kasi raw sa loob ng maraming taon ngayon lang daw nila naisipang umuwi
Moira: Sabi ko okay lang, kasi para sakin din naman yun. Para sa future ko. At hindi ko naman sila binibigo kasi pinagbubutihan ko rin naman ang pag-aaral ko diba
Moira: Ayun nagkwentuhan kami ng ilang oras. Tinanong kung kamusta na raw ako sa school, kung marami na raw ba akong kaibigan, kung may nanliligaw na raw ba sakin.. . kung may boyfriend na raw ba ako.
Moira: The moment they asked me that, I froze.
Moira: Di ako nakasagot agad, kasi alam mo na.
Moira: Nagulat ako sa ginawa ni dad.
Moira: Bigla niyang pinaalis sila yaya. Pinapunta niya run sa sarili nilang bahay, don sa lalagpas pa sa clubhouse.
Moira: Bigla akong kinabahan, Dap. Naging tahimik. Bigla tuloy lumamig eh malamig naman talaga dahil centralized yung aircon pero alam mo yun, dahil sa kaba ko na rin
Moira: Natigilan ako nung sinabi ni mommy na, "Anak, ba't ka nakajacket?"
Moira: Sabi ko, "mommy malamig po," sabay tawa. Pero kinakabahan na talaga ako kasi bakit bigla naman niyang natanong yun? Diba? Hindi naman ako nagpahalata eh, tas biglang ganon
Moira: Sabi ni daddy, "Anak, kami nga na galing sa nagssnow na bansa, hindi masyadong nagjajacket sa bahay. Ikaw pa kaya? Nahihiya ka ba samin?"
Moira: PS: hindi ko kabisado yung mga exact na sinabi nila basta yon HAHAHA
Daphne: Continue!!!!
Moira: Nagblink lang ako ng ilang beses at hindi ko na nakayanag maging kalmado. Naiisip ko na kasi na baka, alam na kaya nila?
Moira: Putek naman kasi tong mga pasa ko eh. Ang bilis magkaron tas ang tagal gumaling.
Daphne: Sinong may kasalanan?
Moira: Si Tyler.
Daphne: Kasalanan mo rin naman yan kasi nga tanga ka pero ituloy mo na yung kwento
Moira: Oo na
Moira: Bigla nalang akong pinilit ni mommy na tanggalin yung jacket ko.
Moira: Dap mukha akong tanga, iling ako nang iling kay mommy. Halata na tuloy na may tinatago ako. Hindi ako makahinga. Muntik pa nga ako makipaghilahan sakanya sa jacket ko
Moira: Pero natigilan na ako nung sumigaw si daddy
Moira: Napaiyak na si mommy at napaiyak na rin ako
Moira: "Moira may tinatago ka ba?! Pinapatanggal lang naman namin sayo ang jacket mo!"
Moira: Naisip ko, panahon na ba para malaman nila yung nangyayari sakin habang wala sila rito?
Moira: Umiyak sakin si mommy, sabi niya parang-awa ko na raw, tanggalin ko na yung jacket.
Moira: Edi tinanggal ko.
Daphne: Tapos?
Moira: Mas lalong umiyak si mommy at niyakap ako nung makita niya yung mga pasa ko. Si daddy naman hindi ko maipinta ang mukha. Niyakap ako ni mommy tapos iyak lang siya nang iyak, pati ako.
Moira: "May sakit ka ba, anak?" Tanong ni mommy.
Moira: Napahagulgol ako, kasi wala akong sakit. Ako yung nagbibigay sa sarili ko mismo nung sakit eh.
Moira: Napasigaw nanaman si daddy, "May sakit ka ba?!"
Moira: "May boyfriend po ako, at sinasaktan niya ako." Mabilis kong sagot, at parang mabilis pa sa alas cuatro kung paano namin nakitang magwala si daddy.
Moira: Pinagbabato niya yung lahat ng makita niya. Galit na galit siya, takot na takot naman ako.
Moira: At sinisigawan niya na ako, pero hindi ko na alam ang mga sinabi niya kasi iyak lang ako nang iyak.
Moira: Nagulat nalang ako nung bigla akong sinampal ng pagkalakas lakas ni daddy. Pinigilan na siya ni mommy kahit iyak siya nang iyak. Sa lahat ng natanggap kong sampal galing kay Tyler? Dap, yun ata yung pinakamalakas. Mas masakit at mas mahapdi kasi galing kay daddy
Moira: But I deserved that slap. Sobra.
Moira: Parang nadurog yung puso ko nung makita kong umiiyak si daddy sa harapan ko. "Moira, hindi ka namin pinalaki nang ganyan para lang magpabugbog sa isang walang kwentang lalaki. Hindi ka niya pinapalamon at mas lalong hindi siya ang bumubuhay sayo kaya wala siyang karapatan. Mahal kita, anak, at ako mismo na tatay mo, kami mismo ng mommy mo! Ay hindi ka sinasaktan, yung ibang tao pa kaya?"
Moira: Wala akong naisagot, Dap. Iyak lang ako nang iyak.
Moira: Tinanong ni mommy kung anong buong kwento. Tapos kinwento ko naman. Kahit na sobra sobra na talaga akong natatakot kay daddy kasi parang anytime sasabog na siya.
Moira: Iyak sila nang iyak habang pinapakinggan yung kwento ko. Naririnig ko ngang napapamura na si daddy eh, hanggang sa magsalita siya ulit na nagpaiyak nanaman sakin.
Moira: "Gusto kong hiwalayan mo ang lalaking yan, kundi kakalimutan kong anak kita."
Moira: Dap, sobrang sakit.
Daphne: Wag mong sabihin saking pinili mo yung boyfriend mo kaysa sa mga magulang mo?! Tangina, Moira naman!!!
Moira: Dap, hindi.
Moira: Ayoko na kasi.
Moira: Hiniwalayan ko na sa chat.
Moira: Ayoko ng makita ang pagmumukha niya.
Daphne: Mahal mo pa ba?
Daphne: Moi I'm sorry
Daphne: Kami ang dahilan kung bakit napauwi ng wala sa oras ang parents mo
Daphne: Pero masaya akong hiniwalayan mo na siya
Moira: I know
Moira: Pero hindi ako galit
Moira: Tama lang yung ginawa niyo
Moira: Sinabi sakin ni mommy na minessage siya ni Justin
Daphne: Kailangan pa pala naming pauwiin sila tita para magising ka sa katotohanan?
Moira: Actually, kahapon ko pa to narealize.
Moira: Dapat hihiwalayan ko na talaga si Tyler sa susunod na araw kasi..
Moira: Nagpunta siya sakin at pinilit nanaman ako pero tinanong ko siya, na dapat pala dati ko na tinanong para di na umabot sa ganito.
Moira: "Minahal mo ba ako?" Oo past tense, kasi alam ko namang hindi na.
Moira: Sagot niya, "Hindi." Kaya nasampal ko siya, nagulat siya sa ginawa ko, kahit ako rin naman, pero hindi ako nagpatinag sakanya't pinalayas siya sa pamamahay ko. Sabagay. Napakakapal nanaman talaga ng mukha niya.
Moira: Ang tanga ko kainis
Daphne: Tangina dati pa po
Moira: Dap
Moira: Thank you kasi nagkaron ako ng friend na gaya mo
Daphne: Thank you, kasi natapos na rin
Moira: Dap, magbonding naman tayong apat? Lychee, Christine, ikaw at ako
Moira: Gumawa na rin kayo ng letter para sa pag-absent niyo ng isang linggo
Daphne: What? Isang linggo? Bakit naman? Sobrang dami naming mamimiss nun!
Moira: Dap, for me.. Please.
Moira: Ayos na kami nila mommy at daddy kasi nagsorry na ako ng ilang beses. Sabi nila anak nila ako, at kasalanan din naman daw nila kasi wala sila sa tabi ko ng maraming taon. Tapos humingi sila ng favor sakin.
Moira: Next week na ang flight nila pabalik sa England. Aayusin nila ang mga papers ko habang nagbobonding tayo ngayong linggo, kasi kukunin na nila ako.
Moira: Sa England ko na ipapagpatuloy ang pag-aaral ko.
Daphne: Shit.
Moira: Daphne please
Daphne: Sasabihin mo kay Justin?
Moira: Yun nga eh.. hindi.
Daphne: Moira!!!!
Daphne: Seryoso ka?!
Daphne: Siya yung nagsikap para mapauwi ang mga magulang mo tapos ano, kahit nga magthank you ata hindi mo pa nagagawa!
Daphne: Tapos ngayon iiwan mo pa siya sa ere?!
Daphne: Moira, masaya akong wala na yung boyfriend mo pero tangina naman, pwede bang iextend mo yung hindi pagkatanga mo kasi, aalis ka na, hindi ka na masasaktan at magmu-move on ka na pero ang hindi sabihin to kay Justin?!
Daphne: Yung taong nagmamahal sayo nang sobra?!
Daphne: Moira wag ka namang maging selfish parang-awa mo na oh
Moira: Mas masakit sakin kapag sinabi ko sakanya at makikita ko siyang nasasaktan.
Daphne: Pero iiwan mo siya sa ere!
Moira: Ayokong isipin niya ako. Gusto kong kalimutan nalang niya ako.
Daphne: Hindi kita maintindihan eh!
Daphne: Tangina mo talaga sagad
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com