Epilogue
mAGCOMMENT KAYO PLS
Epilogue
Naupo ako sa bench na lagi kong tinatambayan dito sa England. 'Yung nasa harapan ko kasi ay river, kaya kapag tumitingin ako sa magandang view sa harapan ko, nagagawa ako nitong kalmado. River Trent. Wala rin kasing masyadong tao rito kapag maaga pa kaya tahimik. Actually, ako palang ang tao.
Sinuot ko ang earphones ko at napapikit. Ang ganda ng araw na 'to. Siguro kasi nandito na naman ako sa tambayan ko, o kaya naman—
Bigla akong napadilat nang may marinig akong paghinto ng kotse at nakita kong huminto ang puting van sa tapat ko. May lumabas din na tatlong taong naka-all black. Naka-black long sleeves, black pants, black boots, black cap, at black mask silang tatlo. Hindi naman sila mahilig sa black, eh no.
Kinabahan ako bigla kaya tinanggal ko agad ang earphones ko at napatayo. "S–sino kayo?!" Sigaw ko sa kanila. Pinagitnaan nila akong tatlo kaya mas lalong kumabog ang dibdib ko.
Nagulat nalang ako nang bigla nilang tanggalin ang black cap at mask nila nang sabay-sabay. Sabay-sabay ring nalugay ang kanilang mga buhok at ngumiti sa'kin nang malawak.
"HAHAHA! Nakita mo sana ang mukha mo, Moira!" Pagkantyaw sa'kin ni Lychee.
"Pfft—" napatakip si Christine sa bibig niya at napahagikhik sa'kin, "Okay lang yan, Moira. Maganda ka pa rin naman, eh."
Napangiti nalang ako sa kanilang dalawa kahit na binubully nila ako.
Napatingin ako kay Julia (Jihyo) na agad akong nginitian nang napakalapad at ni-spread ang both arms niya sa'kin. "Happy birthday, Moira!" At niyakap na niya ako ng tuluyan.
Sinuklian ko ang mahigpit niyang yakap. "Thank you, Julia," nginitian ko siya nang bumitaw na kami sa yakap.
"Aye! Magwish ka muna!" Napalingon ako kay Chee na may dala-dalang cake habang si Tin naman ay nagchachant sa likuran niya.
"Make a wish! Make a wish!"
Napangiti nalang ako sa kanila. Kita mo 'tong dalawang 'to, ni hindi pa nga nila ako binabati, eh.
"Sige sige," pumikit ako at nagwish. Matapos nun ay ni-blow ko na ang candle.
"Yehey!" Pumalakpak pa silang tatlo sa'kin.
Binigay ni Chee ang cake kay Tin at binigyan agad ako ng bear hug. "Happy birthday, Mooooiiiiraaaaa!" Napachuckle ako. Ang cute talaga nito.
"Ako naman!" Pinasa naman ni Tin ang cake kay Chee atyaka ako niyakap. "Happy birthday, Moi! Love yah!"
"I love yah too!" Tinapik ko ang likod niya atyaka natawa.
Binalik muna ni Chee ang cake sa loob ng van. Nagyaya silang maglakad-lakad kaya 'yun nga ang ginawa namin. Marami ring mga benches sa paligid kaya kahit saan naming gustong tumambay o maupo ay pwede.
"Ang ganda talaga rito sa tambayan mo, Moi." Nasabi ni Julia bigla. Nginitian ko nalang siya.
Naupo kaming tatlo sa bench, pinagitnaan nila akong apat. Si Chee sa pinakadulo sa left side na sinundan ni Tin, ako, at si Julia na nasa right side ko. Hinarap ko sila Tin, "Kailan pa kayo nakabalik?" Tanong ko sa kanila. Umuwi kasi sila sa Pinas, eh.
"Kahapon lang," sagot ni Tin. "Gusto kasi naming maabutan 'tong birthday mo,"
"Ayie." Tinusok ko ang tagiliran ni Tin kaya naman inismiran niya ako. Natawa nalang ako. "Kidding aside, how was your vacation?"
Nagkibit balikat si Chee, "Ayos lang. Ganon pa rin naman dun," nagtinginan sila ni Tin. "Nagpunta nga pala kami sa Dimitri."
"Anong ginawa niyo run?" Napakunot ang noo ko. "Wala naman sa inyong dalawa ang dating nag-aral dun, ah."
Napayuko si Tin, "Tiningnan lang namin kung ano ng lagay ng ex-boyfriend mo."
Ano?
Napailing ako at nag-iwas ng tingin. "Hindi niyo naman kailangang gawin 'yun."
Hinawakan ni Chee ang kamay ko kaya napatingin ako sa kanya. "Moira," napakagat siya sa kanyang ibabang labi. "May pinapabigay siya sa'yo."
Napakunot na naman ang noo ko. Nagtinginan ulit silang dalawa. Ilang sandali pa'y napabuntong hininga nalang si Tin at may kinuha sa bulsa ng jacket niya atyaka inabot sa'kin.
"Letter?" Takang tanong ko nang iabot niya sa'kin ang isang puting sobre. Tumango lang silang dalawa. Nahawakan ko nalang nang mahigpit 'yung sobre at napatingin sa ilog sa harapan ko. "Nag-effort siyang gawan ako ng letter?"
Napailing nalang ako.
Natahimik din kami saglit kasi di na sila umimik at pinakiramdaman ako. Hindi ko kasi alam ang magiging reaksiyon ko sa pagbibigay sa'kin ni Tyler ng letter. Ewan ko ba kung matutuwa ako kasi nag-effort siyang gawin 'to para sa'kin.
Naramdaman ko ang pagtapik sa'kin ni Julia sa likuran ko. "Why don't you read it?" She draw some circles on my back that somehow made me calm.
Tumango ako sa kanya atyaka napabuntong hininga. Binuksan ko ang sobre at nilabas ang papel na nakapaloob dito. Binubuklat ko palang ito ay kinakabahan na ako, paano pa kaya kung binasa ko na.
ㅇ
I'm sorry, Moira.
Yan talaga ang pambungad ko sa'yo. Sorry.
Kasi alam ko naman na sobrang kinamumuhian mo ako. Sa gago ko ba namang 'to sino ba namang hindi magagalit sa'kin.
I'm sorry for hurting you. Emotionally and physically. I'm very aware that my 'sorry' is not enough for all that I've done to you. I know that I should be punished for making you cry a lot when we're still together, but let me explain my side?
I'm so sorry.
I'm so lucky to have you as my friend when we're still in grade three. Do you still remember how I threatened those bullies when they smashed your spaghetti on your head? I'm very happy at that moment for I was thinking that it's an hero-ish act that I saved you. But one more thing that made me even happier that day was when you thanked and smiled at me for saving you and you asked me if you can be my friend. Then I said yes because, why not? I had a crush on you that time, Moira. So maybe that's another factor why I agreed to our friendship.
Nung pumasok na tayo sa grade four, medyo nainip na ako kasi ikaw nalang ang palagi kong kasama. Naboring ako kasi wala akong masyadong kaibigang lalaki. Kaya unti-unti akong lumayo sa'yo, hanggang sa hindi na kita sinasamahan nung grade six kasi may tropa na ako. Alam mo yon. Gusto ko kasing maging cool gaya nila kaya sumama ako sa kanila.
Hindi ko naman inaasahan na susundan-sundan mo ako nung pumasok na tayo sa high school. Naiirita ako sa'yo, to be honest, kahit na sabihin mo pang naging kaibigan kita noon. Tapos nakilala ko 'yung best friend mo sa West High. Nagustuhan ko talaga siya, pero hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko nung mga panahong nasaktan ko siya. Kasi masyado siyang selosa at hindi ko na natiis kaya nasampal ko siya isang beses. Pero aaminin ko ha, ineentertain ko 'yung mga babaeng palaging lumalapit sa'kin. Paulit-ulit na 'yung nangyari hanggang sa makipag-break siya sa'kin at sinimulan mo na naman akong habulin.
Naiinis ako sa panghahabol na ginagawa mo pero naisip kong kawawa ka naman kaya sinagot kita. Ang gago pakinggan pero 'yun naman talaga ang nangyari 'di ba? Tyaka nakita kong okay ka naman maging syota.
Pero napakaboring mo pa rin. Kahit na naging masaya naman ako, nagsawa rin ako. Nung mga oras na yon nagsimula ng kumawala sa hawla ang barkada ko. Lagi silang nagpupunta ng club o bars at nakikipag make out kung saan-saan hanggang sa inaya na rin ako ng iba.
Nagustuhan ko nung sinubukan ko, Moira. Oo, nakakagago pero totoo. Sabi ko, bakit pa ba ako maghahanap ng iba pang babae eh may girlfriend naman ako, kaya nagagawa ko 'yun sa'yo. Naiinis ako sa tuwing tumatanggi ka sa'kin kasi kapag sa ibang babae ko 'yun ginawa eh um-oo agad. Kaya nasasaktan kita.
Ang dami ko palang pasang naiwan sa mga braso mo— sa katawan mo. Hindi ka na nakakapagsuot ng mga gusto mong suotin dahil nga diyan sa mga pasang nagawa ko sa'yo.
Moira, sorry ah? Sorry talaga.
Nung mawala ka nagpunta agad ako sa bar. May nakita akong babae, maganda atyaka sexy kaya niyaya ko. Pero nagulat ako kasi tinanggihan niya ako kaya hinila ko siya, pero sinampal at tinuhod niya ako, eh. Palaban siya, kagaya mo, pero ibang-iba pa rin siya sa'yo. Umalis siya agad at minura ako. I find her challenging, kasi ikaw lang naman ang tumatanggi sa'kin. The next night bumalik ako ulit dun sa bar at nakita siya. Inirapan lang niya ako. Pinatanong ko pa sa iba ang pangalan niya kasi nakita ko namang galit siya sa'kin. First time 'yun na nahiya ako sa babae. Nalaman kong nag-aaral din pala siya sa Dimitri, kaya sinundan ko siya.
Nakita yata kami nung tagapagtanggol mo. 'Yung Justin. Kaya ayon, sinapak ako. Sabi ko putangina ano bang ginagawa ko sa kanya. Kaya nakipasapakan din ako. Galit na galit siya sa'kin. Dahil pala dun sa pagsunod ko sa babae. Ang gago ko raw talaga, sagad.
Her name is Snow. Sabi ko nga, I find her challenging, at hindi ko na namalayang ang ginagawa mo pala sa'kin dati ay ang eksaktong ginagawa ko sa kanya sa mga oras na yon. Lagi ko siyang sinusundan at hindi rin matatapos ang araw na hindi niya ako maida-dump. Lagi akong boom basag sa kanya, eh. Kaya mas lalo ko siyang hindi tinigilan kasi gusto ko talaga siyang makuha.
Iba siya sa mga babaeng nakilala ko, kahit ikaw, Moira. Palaban siya pero naiiba ang pagkapalaban niya sa'yo kasi ikaw gusto mo ako, pero siya hindi, at kaya hindi ko siya sinukuan kasi tumatak sa isip ko 'yung minsang sinabi niya sa'kin. "Maybe girls like to be with you in bed but I'm not like them. Nagpupunta ako sa bars and such pero nasa tamang katinuan pa naman ako para tanggihan ang isang lalaking gaya mo na sex lang ang habol sa mga babae at kapag natapos na yon? Iiwanan mo na sila? Huh. Ayoko sa mga gago."
Hindi ko maintindihan ang naramdaman ko nung araw na sinabi niya sa'kin 'yun. Gusto ko siya. Gustong-gusto ko siya, Moira. Gustong-gusto ko siyang maging akin, at alam kong hindi sex ang habol ko putanginang yan. Hindi ko minsang naisip na gawin ang ginagawa ko sa unang mga babaeng nakilala ko sa kanya. Siguro nung una ko siyang makita, oo, pero nung ako na 'yung nalagay sa sitwasyon mo dati? Hindi, eh. Hindi ko na naisip 'yun. Ang gusto ko lang ay 'yung makasama ko siya.
Sinuyo ko siya hanggang sa lumambot naman siya nang konti. Siya na ang nagsabi sa'kin na ayaw niya sa'kin, dahil sa pagkakakilala niya sa'kin— sa pagiging fuck boy ko. Matalino siya at biruin mo, dinala niya ako therapist. Para raw masiguro na nasa ayos na ang utak ko kapag naisipan na niya akong sagutin.
She tamed me, Moira. Hindi man kapani-paniwala para sabihin 'to, pero natutunan kong respetuhin ang desisyon ng iba.
Sorry at hindi ko nagawa yun sa'yo, ah? Nagsisisi ako sa mga pananakit na nagawa ko sa'yo, kasi naiisip kong ayaw ko ring may manakit kay Snow. Ayoko, sobra. Siguro makakapatay ako kung may manakit man sa kanya.
Alam kong hindi mo ako mapapatawad. Kunyaring magkita man tayo ay hahayaan kong gawin mo ang gusto mo sa'kin. Sampal-samapalin mo ako, bugbugin mo ako, tatanggapin ko ang lahat ng gusto mong gawin sa'kin pero sana 'wag mo lang akong patayin. Kasi gusto ko pang makasama si Snow.
I love her so much. Nakahanap ako ng katapat ko. Takot na takot ako sa kanya dahil baka sa isang pagkakamali ko lang ay iwanan niya ako kaya nag-aayos na ako.
Hindi sapat ang sorry ko, kahit ilan pang sorry ang sabihin ko para mapatawad mo ako. Pero, Moira. Hindi ko naman hinihiniling na sana tanggapin mo ako, ang gusto ko lang ay yung tanggapin mo ang sorry ko. Sana mapatawad mo ako, okay na yun sa'kin pero 'wag mo na akong tanggapin kasi hindi ako naging magandang karanasan sa buhay mo.
You deserve to be happy because you are a really good person. You're a role model to everyone, you got the smile that if everyone else will see, will make them smile too. You have a good heart.
Wala ako sa pwesto para sabihing magmahal ka ng tama ngayong wala na tayo, pero gusto ko lang sabihing sana kung magmamahal ka na ngayon, piliin mo yung gagawin ang lahat sa'yo anuman ang mangyari. 'Yung si Justin? Ramdam kong mahal na mahal ka niya, sa lakas palang ng mga suntok na binigay niya sa'kin noon nung mawala ka bigla at nakita kaming magkasama ni Snow. Mahal na mahal ka niya.
Moira, kung nasaan ka man ngayon sana masaya ka. Hindi ka dapat malungkot kasi wala nang dahilan para umiyak o sumimangot ka kasi wala na ako— hindi ako pa patay pero ang ibig kong sabihin, wala na 'yung taong laging nagbibigay ng sakit sa'yo. Ngumiti ka at magmahal ulit. Nabago ba ang paraan ng pagsusulat ko? Dahil 'to kay Snow. Ipinarealize niya sa'kin kung gaano ako kagago para saktan ang isang tulad mo.
Patawarin mo ako, Moira. Tandaan mo yung sinabi ko, ah? 'Wag ako ang tanggapin mo, 'yung paghingi ko sana ng tawad.
Hindi naging maganda ang pagsasama natin sa mga nagdaang taon, pero naging kaibigan din naman kita, eh. Naalala mo nung tinanong mo ako kung minahal ba kita at sinabi kong hindi kaya nasampal mo ako? Binabawi ko na. Minahal kita, dati, nung magkaibigan pa tayo. Ayaw kong sabihing ex-boyfriend, ex-kaibigan nalang ganon. Sana maging masaya ka, 'yun ang wish ko para sa'yo.
Ex-friend mo, Tyler.
ㅇ
Isinara ko agad ang papel at ipinasok agad itong muli sa sobre.
Kanina pa ako umiiyak habang binabasa ang napakahabang sulat sa'kin ni Tyler pero nakaya ko pa rin naman itong tapusin. Niyakap agad ako nung tatlo. Ang lakas-lakas ng mga hagulgol ko pero nanatili lang silang tahimik at mas lalong hinigpitan ang pagyakap sa'kin.
"I love his honesty," napatango ako at napangiti nang mapait. "I am not really the right girl for him, but he's happy now so I should be happy for him too."
"Tahan na, Moira," sabi sa'kin ni Julia. Tumango ako at pinahiran ang mga luha ko. "You should be happy right now because it's your day. You should smile," tumango ako ulit.
Pinisil ni Tin ang braso ko kaya napatingin ako sa kanya, "'Wag mong sabihing hindi ka pa nakaka-move on kaya ganyan ka makapag-react?"
Umiling ako, "Nakapag-move on na ako. Masaya lang talaga ako at nagkaroon na siya ng katapat."
Tumango si Chee, "You know what, Moira, nung ibinibigay niya sa'min ni Tin yang letter, ayaw talaga naming tanggapin. Kasi bakit pa ba 'di ba? Eh, okay ka naman na,"
"At natakot na rin kami sa mga kwento mo tungkol sa kanya, na laging namimilit. But we didn't see that at all," niyakap ako ulit ni Tin. "He didn't forced us to take the letter, he pleaded instead."
"At nung na-convince na niya kaming makuha 'yun? Ang saya-saya niya. May lumapit sa kanyang magandang babae, at hindi namin alam kung anong relasyon nil—"
"Girlfriend niya 'yun," pagputol ko sa sasabihin ni Chee. "Tapos?"
Napatango siya nang mabagal, "Ayun nga, nung nakalapit na 'yung babae sa kanya, niyakap niya agad si Tyler. Hindi ko nga inakala na dating tigre Tyler na 'yun, dahil ang nakita namin ay isang tutang nakasunod sa amo niya,"
"Well, the lass had her job well done," napangiti ako sa kawalan.
Naramdaman kong nilaro ni Julia ang buhok ko. "Let's change the topic, aye?" Tumango ako kahit 'di ko siya tinitingnan. "Any plans for today?"
Tiningnan ko siya atyaka umiling, "Actually, none."
"What?! Eh, birthday mo kaya ngayon! Sila auntie, wala bang hinanda para sa'yo?" Inilingan ko si Tin.
"Matagal ko nang sinabi sa kanila na ayoko ng party o kahit anong bongga para sa birthday ko. Kanina binati lang nila ako at binigyan ng cake, tapos pumasok na sila sa trabaho." Huminga ako nang malalim. "I just want to spend my day alone,"
"Aw. Alone pala ang gusto mo? Aalis na ba kami?" Pagtatampo kuno ni Chee. Tumayo pa talaga siya at umarteng nasasaktan. "Hmp ka, Moi."
"Great." Napatingin kami kay Julia. Nagtaas siya ng dalawang kilay, "Moira, tutal naman wala kang gagawin ngayon at kaysa naman magmukmok kang mag-isa rito sa tambayan mo maghapon, mag-perform ka nalang sa coffee shop. Para naman matuwa kami at si daddy Calvin," yep. Siya 'yung nagpasok sa'kin sa coffee shop nila ng daddy niya para maging isang performer. "Pretty please?"
Masaya ko siyang tinanguan, "Okay!"
Tumayo na kaming apat at naglakad pabalik sa van. Habang naglalakad kami ay nagtatalo silang tatlo kung ano bang magandang kanta para iperform ko.
"Mag-nei nei ka nalang para 'di ka mahirapan, Moi!" Tin.
"Twerk twerk twerk!" Chee.
"Mga sira. 'Yung bagong kanta nalang kaya ni Justin?" Napahinto ako sa paglalakad kaya napahinto rin silang tatlo.
Justin?
"She meant, Justin Bieber!" Saad ni Chee.
"Alam ko naman 'yun," nagpatuloy ako sa paglalakad.
"Uh, so ano? 'Yun na ba?" Tanong ni Julia.
"Hmm, okay naman."
"It's settled then. May choreo rin 'yun, ah? Fast learner ka naman, eh. Tyaka mabilis ka lang magsaulo ng steps at lyrics." Una siyang sumakay sa van. "Si Joey ang kasama mo sa pagsayaw, pati si Tin."
Nanlaki naman ang mga mata ni Tin, "Anong ako?!" Sumakay na rin ako sa van kaya hindi ko nakita ang nangyari kung bakit sumagot si Tin ng, "Ah, oo nga pala. Yeah, kasali nga ako sa back up dancer mo, Moi."
Matapos naming sumakay lahat sa van ay agad na kaming lumarga papunta sa coffee shop nila Julia. Habang nasa biyahe ay pinapakinggan ko na rin 'yung kakantahin ko at kinabisado ang lyrics nito. May choreography video naman na sinend sa'kin si Joey (Jeongyeon) kaya sinaulo ko na rin muna. May practice naman mamaya pagdating namin dun at mabilis naman talaga akong matuto kaya walang problema.
Matapos ang thirty minutes na biyahe ay nakarating na kami sa coffee shop. Agad na bumungad sa ilong ko ang mabangong brewed coffee na specialty nitong Twice Coffee Shop na sariling recipe mismo ni Sir Calvin.
Hinila ako ni Julia papunta sa isang babaeng blonde na nakatalikod sa counter. "Momo?" Tawag niya run sa babae. Pagharap niya ay nakita ko siyang naka-uniform.
Ngumiti siya pagkakita niya sa'min at agad na nag-bow. "Good afternoon, ma'am."
Humarap sa'kin si Julia, "Moi, this is Hirai Momo. She's our new waitress and she's an exchange student from Japan."
Tumango ako't ngumiti, "I'm Moira. Nice to meet you, Momo." Inabot ko ang kamay ko sa kanya.
Ngumiti rin siya at nakipagkamay sa'kin, "Nice to meet you rin po,"
Napatingin naman ako sa babaeng kalalabas lang galing sa kitchen. Julia snapped her fingers, "Oh! Moi, this is Minatozaki Sana, our new cashier gal. Magkasama sila ni Momo na galing sa Japan and exchange student din."
Ngumiti si Sana, "Good afternoon, ma'am!" Nag-bow siya sa'kin kaya napangiti ako. Parehas silang cute ni Momo.
"Nice to meet you!" Hinarap ko si Juls, "Nasaan nga pala si Min—"
"Moira!" Napangiti ako paglingon ko kay Mina na agad akong sinalubong ng yakap. "Happy birthday!"
"Thank you, catsup." Ginulo niya ang buhok ko nang bumitaw kami sa yakap, "So how's my favorite DJ?" Inakbayan ko siya at tinaas-baba ang kilay ko. Si Mina ang technical dito sa coffee shop at naging close na rin kami dahil tinuturuan niya ako minsan mag-mix ng kanta. She's great at ballet too, at minsan ay nagpeperform din siya rito kung matyempuhang wala ako, o paos man.
"Eto, maganda pa rin naman." Ngayon ko lang napansin ang bangs niya dahil sa sobrang excited ko.
"New haircut? Wow! Mas lalo kang gumanda," inayos ko ang bangs niya. "Bagay sa'yo!"
"Kakasabi ko lang na maganda ako, Moi."
"Mas maganda ako,"
Tumawa siya, "Magpeperform ka?"
"Hmm." Napailing ako, "Birthday na birthday ko magpeperform ako."
"Love ka kasi namin kaya kailangan mong magperform."
"Moira!" Hindi ko na nagawang lingunin ang tumawag sa'kin dahil ni-choke slam niya agad ako. "Happy birthday, panget!"
"A–aray, J–joey!" Daing ko.
Binitawan niya naman ako agad, "Sorry, panget! Haha! Naexcite lang ako." Nginitian ko siya. "Happy birthday ulit!"
"Thank you," niyakap ko siya.
"Tumatanda ka na nama— aray!" Binatukan ko kasi siya. "Masakit, Moi. Alam mo ba 'yun?" Umarte pa siyang nasasaktan.
"Sorry naman, Josefine." Natawa kami ni Mina sa sinabi ko.
Inirapan niya ako at humalukipkip, "Gosh. Magpasalamat ka at birthday mo kaya papalagpasin ko ang pagtawag mo sa'kin ng Josefine. Last warning, Moira. Call me Joey. Halika na nga at magpa-practice na tayo ng sayaw,"
Hinila niya ako sa private room dito sa coffee shop at doon kami nag-practice ni Joey, kasama si Tin. Kawawang bata, napilitan ata?
Hindi ko alam kung gaano katagal kaming nag-practice pero nakuha ko naman agad 'yung mga steps. Simple lang naman kasi siya at isa pa, hindi ako masyadong gagalaw sa stage dahil kakanta rin ako.
"Ang galing niyo talaga," biglang sulpot ni Julia sa pinto. "Magbihis na kayo, dumadami na ang tao," tumango nalang kami sa kanya at sinunod siya.
Nagpo-provide rin sila Julia ng mga outfits ng mga performers nila kaya ayos naman.
Napangiti ako habang nagbibihis. Kaya dumadami ang tao dahil naeengganyo sila sa mga performances na ginagawa namin. Nag-improve rin ang kita ng coffee shop nila Julia dahil sa'min. Part time job ko na ring masasabi 'to, kasi binibigyan kami ni Sir Calvin ng sweldo kahit pwede namang hindi dahil just for fun lang naman ang pagpeperform namin nung una, pero nag-insist talaga siya kasi nag-eefort at napapagod din daw kami.
Pagkatapos kong magbihis ay niyakap agad ako ni Tin. Anong trip nito? "Sana maging masaya ka," nginitian niya ako at umalis agad nang hindi pa ako pinagsasalita. Okay?
Lumabas na kami at pumwesto sa stage. Sakto namang maraming nagsipasukang tao at naupo sila sa bandang likod. Siguro magbabarkada sila? Sa tansiya ko maaring isang dosena sila. Parang familiar nga sila, eh. Hindi ko lang matandaan kung saan ko ba sila nakita dahil naka-mask silang lahat, at nakasumbrero, at naka-shades din ang iba. 'Yung totoo, ano bang meron sa masks, caps, at shades ngayong araw?
Kinuha ko ang microphone at tinest ito. Sinenyasan ko na si Mina na iplay ang instrumental.
Nagsimula na kaming gumalaw sa stage nang tumugtog ang instrumental, at sinimulan ko na ang pagkanta.
[ Play the video on MM para mas feel ]
"You gotta go and get angry at all of my honesty.
You know I try but I don't do too well with apologies.
I hope I don't run of time, could someone call a referee?
Cause I just need, one more shot at forgiveness."
Napangiti ako nang makitang nakangiti rin sa akin sina Momo at Sana. May ilang customers din ang nirerecord ang performance namin ngayon. Nakikisabay rin ang ilan sa pagkanta ko.
"I know you know that I made those mistakes maybe once or twice.
By once or twice I mean maybe a couple of hundred times.
So let me, oh let me redeem, oh redeem myself tonight.
Cause I just need one more shot at second chances."
Napapikit ako nang kakantahin ko na ang chorus, "Is it too late now to say sor—" napadilat ako agad nang may malalim na boses ang sumabay sa'kin sa pagkanta. Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil nanigas ako sa kinatatayuan ko ngayon. Kung hindi ko lang napansin ang pasimpleng paglapit sa'kin ni Julia sa harap ko mismo at sinabihan akong ipagpatuloy ko lang ang pagkanta ko ay hindi ako makakagalaw. Kahit anong mangyari sa mga performers, the show must go on. Kaya kahit napakaraming tanong ang sumasagi sa isipan ko ngayon ay tinuloy ko pa rin ang pagkanta. "I'm sorry, yeah~ Sorry, yeah~" sumasabay pa rin siya sa'kin sa pagkanta. Pasimple akong sumayaw at tumalikod sa audience tyaka hinarap sina Tin at Joey na nakangiti pa habang sumasayaw kami. "W–what the eff is happening?"
Pasimple ring sumayaw si Joey at binulungan ako, "'Wag mong kantahin 'tong second verse, sayawin mo lang 'yung choreography tapos sabayan mo ulit siya sa chorus."
Tumango nalang ako at sinunod siya. Sinayaw ko 'yung choreo at pinanood siya na sinasabayan din ang beat ng kanta.
"I'll take every single piece of the blame if you want me to." Tumingin siya sa'kin. "But you know that there is no innocent one in this game for two," tinuro niya ako. "I'll go, I'll go and then you go, you go out and spill the truth. Can we both say the words and forget this?"
Sabay naming kinanta ang chorus nang magkaharap. Feeling ko may gustong sabihin sa'kin ang mga mata niya. Feeling ko rin may karera sa loob ng dibdib ko dahil kanina pa 'to malakas na kumakabog dahil sa kaba.
"Is it too late now to say sorry?
Cause I'm missing more than just your body.
Is it too late now to say sorry?
Yeah I know that I let you down.
Is it too late to say that I'm sorry now?"
Nagulat nalang ako nang sabayan niya kaming sumayaw. Parang planado ang lahat ng mga nangyayari.
Sabay ulit kaming kumanta nang magkaharap, "I'm sorry, yeah~ Yeah I know that I let you down, is it too late to say sorry now?" Dahan-dahan kong ibinaba ang microphone at tinitigan siya ng ilang segundo. Hinihingal ako pero 'di ko ito pinansin. Buti at natapos ito nang maayos kaya nakahinga na ako nang maluwag.
Nagpalakpakan ang audience. 'Yung iba nga ay humihiyaw pa.
Binigay ko kay Tin ang microphone at dumiretso sa counter para kunin ang bag ko.
"Woah. Moira is always giving us an amazing performance!" Pag-aannounce ni Juls. "But we have a guest, and he's awesome too, right? Maniniwala ba kayong hindi naman nag-rehearse ang dalawang 'to pero nagawa pa rin nila nang maayos ang performance nila?"
Nang sabihin iyon ni Julia ay nakarinig kami ng mga bulungan galing sa customers. Tumango-tango pa sila sa'kin. Napansin ko ring tumingin 'yung isang dosenang customers na naka-masks sa bandang likuran sa'kin.
"Hello, guys!" Kumabog na naman ang dibdib ko nang magsalita siya. "So how y'all doin'?" Sumagot ang ibang customers sa harap. "Great? Well, me too. Let me introduce myself first, ehem," nagtawanan ang iba. "I'm Justin Cyron, and to be honest this is my first time performing without my friends around me," nagbulungan na naman ang mga tao.
Tiningnan ko na siya at parang nanlambot ang dalawang tuhod ko. Napakapit agad ako sa high chair. Bakit ganito?
Hindi ko namalayang nakalapit na pala si Julia sa'kin. "Moi, are you alright?" Hindi ko siya nasagot kaya agad siyang napabuntong hininga. "Moi, I planned this. I don't care if you're mad at me right now, but I love you, eh? Moi, sa loob ng dalawang taong pagkakaibigan natin, ilang beses ko lang nakitang umabot sa tenga ang mga ngiti mo. At alam kong may kulang sa'yo, eh. Tinanong ko kina Tin at Chee ang mga nangyari sa'yo sa Pilipinas noon at ayun nga, nakwento nila sa'kin si Justin."
Hinawakan ko ang dalawang kamay niya nang mahigpit, "J–julia, natatakot ako."
Mas hinigpitan pa niya ang pagkakahawak ko sa kanya, "Don't. You know why I did this? It's because today is your day and I want you to be really happy."
"Salamat, pero hindi ko alam kung ano bang gagawin ko."
"Just go with the flow!" Niyakap niya ako at nang bumitaw siya ay nginitian niya ako. Nakahawak lang ako sa kamay niya.
"Ilang taon na ba kayo rito sa England? Ah, dito na rin kayo pinanganak. Oh? One year ka palang dito?" Tumango si Justin sa customer na kausap niya at nahuli niya ang mga mata ko pero iniwas ko agad ang tingin ko. "Ako kasi, dalawang taon palang na nakatira rito, at alam niyo ba ang rason?" Sumagot na naman ang iilang customers. "It's because I followed my love,"
Napatili naman ang mga babaeng customers, "Gosh! Where is she? She's so lucky to have a guy like you!"
Napatingin na naman ako sa kanya at nakipagtitigan siya sa'kin.
"Actually, she's here." Sagot niya nang hindi pinuputol ang eye contact namin kaya nagtilian na naman ang mga kababaihan.
Nagsimula na rin silang tumingin-tingin sa paligid. Maraming tao sa coffee shop kaya hindi ako masyadong napapansin sa pwesto namin. 'Yun ang akala ko.
May isang babaeng sumigaw sa direction ko na nagawang makapagpalingon sa lahat ng tao sa coffee shop. "Is it Moira? Aw! She's so lucky, at kung papalarin, ang cute niyong couple!"
Mas humigpit ang kapit ko kay Julia pero inalis niya ang kamay ko sa kanya. "Kaya mo yan,"
"Anong gagawin ko?"
"Puntahan mo siya sa stage!"
"Nakakahiya!"
Dahil sa pagtatalo naming dalawa ni Julia ay hindi ko na namalayang nasa harapan na pala namin si Justin na nakangiti sa'kin.
Inilahad niya ang kamay niya sa'kin at nagsalita sa mic, "Pwede mo ba akong samahan sa harap?"
Dahil dun ay nagtitili na naman ang mga customers at nagchant na samahan ko raw si Justin pero hindi ako agad nakagalaw. Pabalik-balik lang ang tingin ko sa kanya at sa kamay niya.
"Kunin mo na, Moira!" Napalingon ako kay Momo na naka-thumbs up sa'kin.
"Oo nga, senpai!" Napangiti ako kay Sana na nakataas pa ang dalawang fist, "Fighting!"
"Go, Moi." Nginitian ko nalang si Julia.
Hinarap ko naman si Justin at dahan-dahang inabot ang kamay ko sa kanya na unti-unti ring nakapagpangiti sa kanya. Naghiyawan na naman ang mga tao.
"I want you to meet, my love!" Sigaw niya sa mic na mas lalong nagpalakas ng tilian ng customers. Ngayon ko lang napansin na pati pala ang mga lalaki ay nagchachant. "Thank you for not rejecting my request, Moira." Bulong niya sa'kin nang makarating na kami sa mini stage.
"Paano mo nalamang nandito ako?" Kunot noong tanong ko sa kanya.
"Let me explain?" Sabi niya sa mic. Tumango ako. Mukhang may balak siyang ibroadcast ang nararamdaman niya. "We go to the same school, Moira." W–what? Kaya pala lagi kong nararamdamang may nakasunod o nakatingin sa'kin sa school! "Sorry kung ngayon lang ako nagpakita sa'yo,"
"Kailan pa?"
"Two years ago."
Napaawang ang bibig ko, "Sinundan mo ako?" Tumango siya. "Paano?"
"Daphne told me where you are. Alam mo bang halos mabaliw na ako nun nung mawala ka? Kaya pinilit ko siyang sabihin sa'kin kung nasaan ka kasi gustong-gusto na kitang makita. Pero nung makarating ako rito at nang makita kita, maayos ka na. Naisip kong hindi muna magpakita sa'yo at hayaan ka munang tuluyang maka-move on sa first relationship mo, pero hindi ibig sabihin nun na hindi na kita gustong makita, kasi araw-araw kitang sinusundan. Lagi kong pinipigilan ang sarili kong 'wag lumapit sa'yo."
Wala akong nasabi kaya nagpatuloy siya sa pagsasalita.
"Pero ngayon na siguro 'yung magandang pagkakataon para magpakita sa'yo?" Napaiyak ako bigla. Kanina ko pa nga pinipigilan 'to, eh. "Happy birthday," niyakap niya ako kaya niyakap ko siya pabalik at nakarinig na naman kami ng mga tili.
"Salamat." Ang bango niya, mas lalo akong naiyak.
"Hindi ibig sabihin na hindi na tayo nagkakasama ay tinigilan na kitang mahalin. Siguro, tama na 'yung two years na paghihintay ko sa'yo para mahalin kita ng buong-buo?" Mas hinigpitan niya pa ang yakap. "I love you." Hindi ako nakasagot. "'Wag mo munang sagutin, alam kong nabibigla ka pa sa mga nangyayari. Naiintindihan ko." Nginitian niya ako at hinalikan ang tuktok ng ulo ko.
Napatingin ako sa mga tao sa coffee shop at may ilan sa kanilang naiiyak din. Natawa nalang ako.
Pinahiran ko ang mga luha ko. "Hindi ko man masagot yan ngayon, pero promise, soon." Nginitian ko siya. "Sorry pala, ah? Kasi naging sobrang tanga ko. Ikaw 'yung tumulong sa'kin para matigil 'yung ginagawa kong katangahan pero hindi ko sinabi sa'yo kung nasaan ako para man lang hindi ka umasa, o masaktan."
"Nasaktan ako, Moira. Pero hindi kita sinukuan. Gagawin ko ang lahat para sa'yo, 'di ba?" Nagsalita ulit siya sa mic, "Katulad nga ng sabi sa kanta, is it too late now to say sorry? Cause I'm, missin' you and I love you~"
Natawa ako. Binago niya ang lyrics? Naihi ako run. Jk. Kakilig naman po.
Nagchant ang mga customers na nakapagpainit sa pisngi ko, "Kiss kiss kiss! Kiss na yan!"
Tumingin ako kay Justin at nakitang nakangiti lang siya sa'kin. Maya-maya pa'y nag-wiggle siya ng eyebrows. Aba. Natawa siya sa'kin at inakbayan ako, "Biro lang. Handa akong maghintay, Moi."
"Kiss kiss kiss!" Ang ingay ng buong café dahil sa chant na yan. Kaya para matigil na sila ay hinalikan ko si Justin sa pisngi. Halatang nagulat siya sa ginawa ko pero unti-unti naman siyang napangiti at ginulo ang buhok ko. "Whoooooo!"
"WHOOO! GRABE NA ETE~"
"NAKASCORE SI JUSTIN, OH!"
"CHEESE BURGER! CHEESE BURGER!"
Napatingin kami ni Justin sa bandang likod. Nanlaki nalang ang nga mata ko nang tanggalin nung isang dosenang customer sa may bandang likod ang mga face masks, caps, at shades nila.
Tropang gunggong!
"Serve the coffee, girls!" Sigaw ni Julia. Napatingin ako kay Momo na pinangunahan ang pagseserve ng kape sa mga customers. Sinamahan na rin siya nina Sana, Tin, Joey, at Chee sa pagseserve. "Free coffee yan para sa inyo, kasi birthday ni Moira." Kinindatan niya ako.
Lumapit sa'min ang tropang gunggong. Pinalakasan naman ni Mina ang tugtog.
Ang talino talaga ni Juls. Ginawa niya 'to para makalapit sa'min ang tropang gunggong nang makapag-usap-usap kaming lahat.
Nang makalapit sila sa'min, dun ko lang din napansin na kasama nila si Daphne. Ganun pa rin ang kulay ng buhok niya at mas lalo siyang gumanda, pero nung lapitan niya ako ay nakita ko sa mga mata niya ang pagso-sorry.
"Moi..." Napayuko siya. "Galit ka ba sa'kin?" Tumulo agad ang luha niya kaya nagulat ako. Nagulat din ang buong tropa. Hinawakan ko agad ang kamay niya. "Galit ka sa'kin, no? Kasi sinabi ko kung nasaan ka,"
Napangiti nalang ako at niyakap siya agad. "Dap, namiss kita." Ni-pat ko ang likuran niya. "Hindi ako galit sa'yo. 'Wag mo nang isipin 'yun, ha? Kung hindi mo siguro sinabi kay Justin kung nasaan ako, baka wala ako rito ngayon. Atyaka, ginawa mo naman ang lahat 'di ba? Tao ka rin naman at may feelings, naiintindihan ko. Kaya tumahan ka na."
Pinahiran niya ang luha niya't nginitian ako, "Happy birthday!"
"Thank you," niyakap ko siya ulit at nang bumitaw na kami ay lumapit siya kay Sean na agad siyang inakbayan. "Nandito kayong lahat!"
"Siyempre naman! Papalagpasin ba namin 'tong bonggang pagpapakita sa'yo ni Justin? Hindi!" Sabi ni Trevor. "Atyaka andami kayang chikababes dito! 'Di ba, Jun?"
Tumango si Jun, "Oo nga, eh. May nakita na nga ako," sagot niya habang nakatingin kay . . . Joey.
"Shet, nandito na ata ang magiging lablayf ko!" Napatingin kami sa tinitingnan ni Simon. Si Momo na busy sa pagseserve at ngumingiti sa customers. Binatukan naman siya ni Carson na mukhang inis pero hindi niya pa rin tinigilan ang pagtitig kay Momo.
Inobserbahan ko lang si Carson na unti-unting nawala ang inis sa mukha nang makita niya si Chee. Ayi.
"Happy birthday, Moi!" Bati sa'kin ni Jeonghan na sinundan na rin ng pagbati ng iba.
"Thank you!" Sabi ko sa kanilang lahat.
"Tin!" Lumapit naman si Tin agad kay Nash at yumuko pa siya para mayakap ito. Natawa nalang kami sa kanilang dalawa. Pero ang cute kaya!
Tinapik ko naman si Will na tahimik sa tabi. "Uy, tahimik mo pa rin, ah?" Ngumiti siya sa kawalan.
"Lagi naman. Atyaka ang ganda kasi ng view, gusto ko lang ienjoy," napatingin ako sa tinitingnan niya. Si Sana na kababalik lang sa cashier.
Napangiti nalang ako. Dito nila makikita lahat ng lablayf nila, sabi nga ni Simon.
Napakunot naman ang noo ko nang bilangin ko silang lahat. "Uy, kulang kayo, ah? Nasaan si Josh?" As if on cue, bumukas ang pintuan at iniluwa nito ang excited na Ara na agad tumakbo sa'kin at niyakap ako. "Ow!"
"Sorry we're late! Happy birthday!" Sabi niya.
"Okay lang 'yun, Son, ano ka ba." Nilingon ko si Josh na binati rin ako. Nagthank you ako at nakipag-fist pump.
"Oh my gawd." Napalingon kami kay Vernon. "Wala lang, nagugutom na kasi ako."
Tumango si Dino, "Oo nga, kain na tayo!" Tumingin siya sa'kin atyaka ako kinindatan. Natawa nalang ako.
Naalala ko kasi 'yung minessage niya ako dati. Hindi nga ako makatulog ng ilang gabi dahil sa sinabi niyang nakipagsuntukan si Jus kay Tyler.
Pumunta 'yung iba sa cashier para mag-order ng pagkain na pinangunahan ni Will.
"Gutom ka na?" Rinig kong tanong ni Sean kay Dap. Nakaakbay siya kay Daphne at hawak-hawak naman ni Daphne ang kamay ni Sean na nakaakbay sa kanya. Tumango lang si Daphne. "Tara, kain na tayo." Pumunta na rin sila sa cashier para mag-order.
Kinikilig ako run sa dalawa. Napangiti tuloy ako.
"Anong nginingiti-ngiti mo diyan?" Napalingon ako kay Justin na sobrang lapit na pala ng mukha sa'kin. Isang maling galaw ko lang ay mahahalikan ko na siya.
Tumingin ako sa labi niya imbes na sa mga mata niya, "Kinikilig lang ako kina Sean at Daphne,"
"'Yun lang pala,"
Napapikit ako at naramdaman ko nalang na hinalikan niya ako sa ilong.
"Yie."
"Mahal kita." Sabi niya kaya napahagikhik na naman ako sa kilig.
Binabawi ko na pala 'yung sinabi kong kinikilig ako kina Sean at Daphne, mas kinikilig na pala ako kay Justin.
"Mahal din naman kita."
ㅆㅆㅆ
Alam ko namang pangit HAHAHA. Fail level: 999999999.9. So ayon, tapos na siya. Pinamahabang natype ko 'to sa buong buhay ko lol. May special chapter din 'to, hintay lang. Kitain niyo nalang ako run sa bagong epistolary ko na Jealous, published na po siya!
Thank you sa mga nagbasa/nagbabasa/magbabasa nito!!!! Ang saya-saya ko kapag nag-uud dito so ayon, thank you ulit sa inyo, 'yung mga comments niyo ang nagpapasaya sa'kin.
Thank you ulit! Advance happy new year goize! Mahar ko kayo! :*
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com