Stranded
Inspired by the song: Stranded sa Puso Mo.
Guys, you may not know that song kasi original composition ‘yun ng kaklase ko. Hehehe anyways enjoy!
Dedicated to: all readers especially Nashlexa fans.
∞ ∞ ∞ ∞
Alexa’s P.O.V.
San pa tutungo?
‘Wag lang mastranded sa puso mo.
Nainis talaga ako nang malaman ko may iba na pala siya. Siya kasi ang childhood friend ko at dumating sa time na naging kami. Nang ‘di tumagal ay dinecide ng parents niya na mag-aral siya sa Amerika. Hindi ko kayang tanggapin ang kanyang pag-alis pero I have no choice but to let him go and enjoy his life there.
I somehow had the intention to forget him pero ‘di ko kaya. Nakatatak pa rin siya sa puso’t isipan ko. Kahit saan kasama niya ako. Usually kinakausap niya ako; pinagtitripan; lahat na lang, pero... wala na! Cliché na lahat eh. It all faded away. Wala akong magawa kundi mag-move on. Anyway, nandiyan naman si Jeremy. Buti pa siya, mas aalagaan niya ako kaysa sa Nash na kilala ko ngayon.
Right now, my goal is to forget him.
Papatawarin ko ba siya? Hindi.
Sasamahan ko ba? Hindi.
Pagbibigyan ko ba? Hindi.
Basta! Ayoko na sa kanya!
∞ ∞ ∞ ∞
Katatapos lang ng aming sem break. Buti naman malakas ako. Hehe. Eh siya kaya? Bahala na. Hindi ko siya papansinin. He rejected me. Remember, may iba na siya.
Pumunta ako sa locker ko at kinuha ko lahat ng mga libro sa loob. Sabay ko tiningnan si Nash na walking hand-in-hand with Bea. Buti pa sila, masaya, dahil iniwan na ‘ko. I am so jealous, pero ayoko na talaga sa kanya. Urrggghhh, hindi ko kaya mag-move on! Bakit ba kasi ako in love sa kanya? Niloloko lang ba ako ng puso ko o sinasabihan ako ng aking isipan? Jusko. Kung anuman ang gugustuhin ko, ayun. Let it happen.
Nakatapos na ako kumuha ng aking mga gamit sa locker ko nang magkita muli ang aming mga mata. Tinakasan ko siya para makawala lang. Tumingin ako sa likod ko at napansin ko na malapit na siya sa akin. Ayoko na! Talagang maiinis ako kapag nagpansinan kami buong araw!!!
Malapit na ako sa pinto ng classroom nang sa biglaan ay humarang siya sa harapan ko. Kunwari naglalaro kami ng habulan. Pumupunta ako sa bakanteng lugar pero hinaharangan niya pa rin ako. Ayoko na. Mag-cucutting classes na ako! Urgh!!!
“Ano ba, Lexa! Kausapin mo na kasi ako!” pakiusap niya.
Tinarayan ko siya. “Pake ko?”
Tumingin siya sa akin na awang-awa. “Sige na. Kahit sanda---”
“Ano ba ‘yan, Ms. Ilacad at Mr. Aguas?! Pasok na nga kayo!”
Nagulat ako nang marinig ko ang boses ni Ma’am Bautista na nangingibabaw. Napatakbo kami sa aming mga upuan. Magkalayo kaya kami ni Nash. Buti naman. Maayos ‘to. Na-bad mood eh. Haha. Ang taas ng sarcasm na nilalabas ko sa kanya.
Pero ang nakakabadtrip pa lalo ay ito. First period namin ay Physics. Buwisit talaga! Urrrggghhh! Buhay na nga’y nakasalalay dito, lalo na ang in-love-an. Paano ba kasi nahuhulog ang buhay ko sa paraan ng asignaturang ito? Wala naman ako natutunan. Pero sakto. Gravity ang ituturo.
Buong klase nakinig ako kay Ma’am Bautista pero hindi tumitigil ang aking mga mata sa pagchecheck kay Nash para siguraduhin na hindi siya tumitingin sa akin. Minsan, nahuhuli ko siya kaya tumingin na lang ako sa guro, hindi sa kanya, dahil nandito ako para mag-aral, hindi para makisama sa syota.
∞ ∞ ∞ ∞
Nainis ako at buti naman tapos na ang klase. Umalis ako nang maaga para hindi ko siya makita ulit eh kasi kapag nagsabay kami, ayan na naman. Doon mararamdaman ang hate!
Lumakad ako nang mabilis hanggang sa makarating ako sa basketball court ng school namin. Doon ay nag-emo ako dahil ayokong ipahalata sa iba na maramdamin ako. Gusto kong tumatag sa buhay. Malakas ako kahit wala na siya.
Sa dami ng aking iniisip ay may lumapag ng kanyang kamau sa aking balikat.
“Lex, okay ka lang?”
Nang tumingin ako, si Jeremy pala ang katabi ko.
“Ayos lang. Just leave me alone,” sagot ko na may lakas ng loob.
“Are you fine?”
“Yes, I am.”
“Bakit ba parang ang lungkot mo?”
“Bakit ba andami mong pinapakelam?” tanong ko na pataas nang pataas galit ko.
Nilapitan niya ako. Aba, sweet. “Lex, ‘di naman pwede ganyan ka buong buhay mo. Kailangan---”
“Please, Jeremy? Leave me alone.”
“Pero---”
“Respeto naman! Pwede ba?!” sinigawan ko siya dahil hindi ko na matigilan na kinukulit na niya ako masyado. Hindi ko napansin na tumayo pala siya at nilabas na niya rin galit niya.
“Edi fine! Break na tayo!” at nag-walk out siya. Hindi ko ito ginusto, ngunit, wala na akong magawa. Nasabi ko na eh. Inoffend ko na eh. Wala na! Forever hopeless na ako.
Bakit ganun? Ang dami ko nang napapagdaanan atsaka natatalo na ako sa mga problemang hinaharap ko. Sana nga... okay na. Pero hindi eh. ‘ Di pa rin ako okay. Akala ng iba diyan matatag ako pero heartbroken na ako. Super. Promise! Wala na. Anyway... kailangan ko pa ba si Nash? Iniwan na ako ni Jeremy....
Siguro... ‘di na nga! Anyway, magpapalakas ako ng loob at kakalimutan ko ang heartbreaking moment ko. Wala na ‘kong mahal.
Biglang napayuko ako at umiyak sa aking sarili hanggang sa kumokonti na ang paghulog ng aking mga luha. Sa ganun, may panibagong kamay na nakalapag na naman sa balikat ko at ‘di ko alam kung sino iyun.
“Lex!”
‘Di ko siya pinansin.
“Psst, Lex!”
Hayst. Ayoko talaga siya pansinin. Problema ng binatang ito? Marami. Haha, hashtag ang bitter ko talaga!
Pero alam na alam ko na boses iyun ni Nash.
“Huy, Alexa Ilacad!”
Bumangon ako sa pag-eemo ko at... sabi ko na nga ba, nandito si Nash!
“Huy. Ano ba?” tinaasan ko siya ng kilay. “Huwag mo nga sabihin yung full name ko!”
“Haha. Ganun ako eh.”
“Kapal ng mukha mo. Tumigil ka nga.” tapos umalis ako para lumipat pero napatigil ako nang hawakan niya ang wrist ko.
“Lex, seryoso na kasi. Sorry na.”
Tinulak ko kamay niya paalis sa aking wrist. “O ano? Para saan sorry mo? May silbi pa ba sorry mo?”
“Para saan pa ba? Para maging tayo ulit.”
Hindi ko kayang tigilan ang sarili ko, dahil kahit lumalayo ako sa kanya, lumalapit pa rin siya sa akin. Ayoko na. Hindi ko pa rin kaya mag-move on kahit pinipilit kong gawin ‘yun.
Mahal ko pa rin siya. Mahal pa ba niya ako?
Umiyak ako nang umiyak nang tumunog ang pangngusap na ‘yun sa ulo ko. Nang umiyak ako, nararamdaman ko na kinocomfort na niya ako. Napangiti ako deep down nang ganun. Tinigil ko ang aking pagluha at humarap ako sa kanya. Tiningnan ko ang kanyang napakagandang ngiti. Ngumiti rin ako nang pilit. Naramdaman ko na hinahawakan na niya kamay ko.
“Sorry na.”
Dahil doon nangungulit na siya kaya pinatawad ko na rin para walang samaan ng loob.
“Oo na. Pinapatawad na kita.”
Siyempre naman, ngumiti at kinilig na. Hahaha. Bihira lang magpakita ng kilig ang lalaki.
“Tayo na ba?”
“Ummm... pag-iisipan ko muna.”
Boom. Bitin! Hahahahaha.
Anyway guys eto ang first one shot ko. Ever. Never pa ako nagkaroon ng one-shot sa wattpad pero ma-aappreciate niyo rin hehe. NashLexa kasi para iba naman. Alam kong pinagbigyan na sina Kathniel, Jadine, blahblahblah kaya sila naman. Hehehe. In fact nagustuhan ko ‘yung mga love teams. Mahal ko sila eeehhh.
Guys, request ko sa mga Jadine fans there, hahaha. Pabasa ng story ko na Hashtag Let Me Be Yours. Tenchu! Labyu pipol! Hahaha.
Bye guys!
-carleinelambers15
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com